Epic 42
Rhoui's Pov
Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ang mangyari saming magkakaibigan.
Hindi na namin sinabi kila Kendrick kasi baka mag-alala sila tsaka baka rin higantihan nila.
Ayaw naming mapahamak sila nang dahil samin.
Tsaka nung araw na yon, kinausap lang nila kami. Wala naman silang ginawang masama.
May inuutos lang sila samin pero ayaw naming gawin dahil kami lang ang masasaktan kapag ginawa namin yon.
"Wifey!" Napabalikwas ako dahil sa sigaw ni Kendrick.
"B-bakit hubby?"
Lumapit siya sakin at tinitigan ako sa mata. "Sabihin mo nga sakin, may problema ka ba? Lagi ka nalang tulala eh."
"Wala akong problema hubby. Inaantok lang siguro ako."
"Sigurado ka huh? Kasi this past few days ay lagi kang tulala tsaka mukhang laging may bumabagabag sa isip mo."
Napapansin na pala niya.
"Huh? Wala to Kendrick."
"Siguraduhin mo lang wifey. Sabihin mo lang sakin kapag may problema ka. Hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ka."
Tumango nalang ako sakanya.
"Labas muna ako wifey. Love you..."
Pagkalabas na labas ni Kendrick ay umagos nalang bigla yung luha ko.
Naisip ko na kapag ginawa namin yung inuutos nila samin sobra namin silang masasktan.
Sobra nila kaming minahal tapos yun pa yung isusukli namin.
Pero nangako kami na gagawin namin yon kapalit nang hindi nila sila sasaktan.
Bilang nalang ang mga oras namin na kapiling sila...
Kryptanne's Pov
Magkasama kami ni Phoenix ngayon. Inaya niya kasi akong lumabas ngayon.
Susulitin ko na ang araw na kasama ko siya...
"Ash?"
"Huh? A-ano yun?"
"Sabi ko saan mo tayo gusto pumunta."
"Ah eh. Kahit saan basta sa lugar na sasaya tayong dalawa."
"Ah ganun ba. Dapat pala hindi tayo dito pumunta..."
"Huh, bakit naman? Saan ba pwede?"
Lumapit siya sakin at tumapat sa tenga ko. "Sa motel dapat tayo..."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Gago ka! Anong sa motel?! Bastos!"
Tumalikod ako sakanya para umalis. Bastos ang putek!
Seryoso ba siya don?!
The heck Ash! Ano bang iniisip mo?!
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko. "Ash! Joke lang yon. May respeto ako sayo."
Humarap ako sakanya at hinampas siya.
"Bakit kasi kailangan ganon yung sabihin mo?!"
"Niloloko lang kita eh. Masyado ka kasing seryoso eh. Wala ka lagi sa sarili mo. May problema ba tayong dalawa? Hindi mo na ba ako mahal?"
"M-mahal. Ba't mo naman natanong?"
"Wala naman." Tumingin siya kabilang side.
"Okay. Lika na, susulitin ko na yung araw na kasama kita..." Mahina lang ang dating nang pagsasalita pagdating nung sa dulo.
Ayokong marinig niya kasi masasaktan ko lang siya...
"Sige lika na." Hinila ko nalang siya para machange-topic na.
*Rides*
"Ash sakay tayo sa roller coaster." Yaya sakin ni Phoenix.
"Sige ba! Game!" Hinila niya ako papunta sa bilihan ng ticket.
"Kuya dalawa po. Isang poging macho at isang diyosa ng buhay ko."
"Ayieee!" Kutya ng mga tao na nakapila.
"Ito na po sir. Enjoy po." Pagbigay na pagkabigay samin ng ticket qy hinila niya na kaagad ako. Hindi naman halata na mahilig siya manghila.
"Ready ka na ba Ash?" Tumango nalang ako ako sakanya. Medyo kinakabahan ako kasi takot ako sa matataas na bagay, di ko lang sinabi kay Phoenix kasi ayaw kong masira yung huling araw na magkasama kami...
Pagkaupo namin sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ash relax lang. Andito lang ako, kapit ka lang sa kamay ko." Hinawakan niya ang kamay ko at ininterwined ito.
"Sala— Waaa! Phoenix hawakan mo lang ako." Nabigla ako kasi biglang gumalaw, wala man lang pasabi!
"Mabagal pa naman Ash kaya okay lang yan."
Nararamdaman ko na unti-unti nang bumibilis.
"Ash! Ayan na! Bumibilis na!"
At biglang!
"Phoenix!! Ibaba mo ako dito! Puta!" Puta ang bilis na ng takbo! Papatayin ko kung sino nagpauso nitong pesteng roller coaster na to!
"Hooo ang saya!" Tinaas ni Phoenix yung kamay niya, so kasama din yung akin kasi hawak niya nga diba!
"Tangina! Ayoko na! Putangina! Motherfuxker!" Pasensya, hindi ko na talaga mapigilan.
"Ash bunganga mo!" Saway sakin ni Phoenix.
"Eh putangina kasi nitong roll——" Hindi natuloy yung sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan.
Hinalikan niya ako sa lips! That my first kiss!
"Halik lang pala katapat mo." Hindi ko alam kung ano yung irereact ko. Masyado akong nagulat.
***
Hanggang matapos yung rides tulala lang ako. Hindi parin ako makapaniwala.
"Ash? Sorry kung nahalikan kita kanina. Ayaw mo kasing tu—"
Nilagay ko yung daliri ko sa labi niya. "Shh, okay na. Ako naman may kasalanan."
"Sorry talaga ah." Ngumiti lang ako sakanya.
Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Sorry Ash. Wag mo akong iiwan ha, hindi ko kaya kapag nawala ka." Bigla nalang tumulo yung luha ko. Ito na naman tayo.
Lumayo siya sakin. "Ipangako mo sakin Ash ha?" Ngumiti nalang ako sakanya, hindi ko kayang sagutin yung tanong niya kasi alam kong masasaktan lang siya sa isasagot ko.
"Lahat ng tao na nandito, tumingin kayo lahat saamin." Nagulat ako kasi bigla nalang sumigaw si Phoenix.
"Itong babae na to." Turo niya sakin. "Akin to, kaya walang pwedeng umagaw sakin."
Nagsigawan naman yung mga tao.
Phoenix! Nakakahiya kaya, ipagsigawan ba naman na kanya na ako, but I find it sweet.
Lumuhod sakin si Phoenix.
"Kryptanne Ash Mendoza. Alam kong naguguluhan ka sa gagawin ko ngayon. Hindi ko kasi kaya kapag nawala ka pa sakin. Hindi ko kaya kapag may umagaw sayo sakin. Gusto kong may label tayo para may karapatan ako sayo."
"Eh, Phoenix pwede naman wala tayong label. May karapatan ka parin naman sakin, mahal naman kita diba?"
"Oo alam ko na mahal mo ako, pero anong isusumbat ko kung wala naman akong sapat na dahilan. Sasabihin ko lang na mahal mo ako? Hindi pwede yon Ash, ang akin ay akin."
"Ash, Amazona ng buhay ko, Siga ng buhay ko. Pwede ka na ba maging akin?"
Eh? Ngayon talaga?
"Oo na yan! Sagutin mo na Miss!"
"Swerte ni Ate!"
"Ano na Ash? Ipapahiya mo ba ako dito?"
"Phoenix naman eh! Ano pa bang magagawa ko? Oo na!"
Kami na!
"Woah! Daebak! Tayo na?!"
"Oo tayo na Phoenix Ryu Jeon."
Niyakap niya ako at binuhat.
"Hindi ka magsisisi na sinagot mo ako Ash. I love you so much."
"I love you too." Nilapit ko ang mukha ko sakanya at siya ay hinalikan.
This is second kiss.
Lumayo ako sakanya.
"Thank you so much Ash. Sobra mo akong pinasaya."
"Ako din. Mahal na mahal na talaga kita Mr. Phoenix Ryu Jeon."
"Wala eh, lakas ng tama mo sakin eh."
Ayy, ang hangin.
"Tss, baba mo na nga ako."
Ngayon ko lang narealize na nasa harap pa pala kami ng maraming tao.
"Phoenix ibaba mo na ako. Nakakahiya sa mga tao dito, pinagtitinginan na nila tayo."
"Ay oo nga pala, sorry." Binaba niya na ako. "Ahm, pasensya sa istorbo. Pwede na po kayong bumalik sa ginagawa niyo. Salamat sa pagiging saksi sa pagsagot sakin ni Ash."
Unti-unti nang nawala yung mga taong nakapaligid samin.
"Ash, hindi ka ba nagsisisi na sinagot mo ako?" Natigilan ako sandali dahil sa tanong niya.
"Hindi." Boom. Malaking kasinungalingan
Sa totoo lang nagsisisi ako. Bakit? Kasi lalo ko siyang masasaktan kapag dumating na yung araw na pinaka-kinakatakutan ko. Lalo nang kami na ngayon, yung pangakong babaliin ko para sa kaligtasan niya.
"Sigurado ka. Kasi ako, hindi ako nagsisisi na minahal kita..."
Yumuko ako kasi ayaw kong makita niya akong umiiyak.
Malapit na dumating yung araw na masasaktan kita. Malapit na yung araw na simulang kamumuhian mo ako/kami.
Pero para sainyo din naman yung gagawin namin. Parehas lang tayong naiipit sa letcheng sitwasyon na ito.
Gusto kong sabihin sakanya lahat ng nasa utak ko. Pero hindi ko magawa kasi alam kong may nagbabantay samin.
Sobra akong nasasaktan kasi darating yung araw na sasaktan ko siya.
Wala siyang ginawa kundi mahalin ako, tapos yun pa ang isusukli ko sakanya.
Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko kayang ipaglaban yung pagmamahal ko sakanya!
Wala akong laban sa nag-utos samin. Kung baga, kalabaw sila, langaw lang kami.
Siguro hindi pa ngayon yung araw na magiging masaya tayo.
Ang tanong, darating pa ba ang araw na yon?
*kring kring*
Sandaling natigil ako sa pag-iisip dahil may tumawag sa phone ni Phoenix.
"Ash, sagutin ko lang to ah."
"Sige, take your time."
Pagkasagot niya hindi siya lumayo sakin hindi naman siguro ganon kaimportante.
"Huh?!... Ngayon na?... Sige, papunta na ako. Hatid ko lang si Ash... Oo, bye."
"Ano yon?" Nag-aalalang tanong ko.
"Si hyung lang. May pag-uusapan daw."
"Ah sige. Uwi na ba tayo?"
Napakamot siya sa batok niya. "Oo Ash eh. Promise, next time mamasyal tayong dalawa." Tumango nalang ako sakanya.
Wala nang susunod Phoenix...
Ito na ang huling araw na masaya tayo...
***
Pagkahatid sakin ni Phoenix sa bahay ay niyakap ko na kaagad siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Ano ba yan, mamimiss mo na kaagad ako? Magkikita pa naman tayo bukas diba? Wag kang mag—— Wait, umiiyak ka ba?"
Pinunasan ko kaagad yung mga luha ko.
Humiwalay ako sakanya. "Wala to, masaya lang ako para satin."
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. "I love you so damn much Ash..."
"I love you too Phoenix... Please be safe for me..."
Lumayo siya sakin at pinitik ako sa noo. "Wag ka ngang ganyan. Wag ka munang magbilin. Hindi mo naman ako iiwan diba?"
Shit.
"Kryptanne?" Save by the bell! Thanks to Tam.
"Sige Phoenix, hinihintay ka na nila." Hindi ko na talaga napigilan at niyakap ko uli siya ng mahigpit.
"I love you... I'm so sorry my love..." Mahina lang yung pagkakasabi ko sa dulo, sakto lang na hindi niya maririnig.
"I love you too ulit. Ingat ka, papakasalan pa kita..."
Pagkatapos niya sabihin yon ay tuluyan na siyang umalis.
Hindi ko narin napigilan yung luha kong gustong tumulo kanina pa.
"Shh, Ash. Malalampasan din natin to." Pagpapatahan sakin ni Tam.
"Sana nga..."
I'm so sorry Phoenix.
Balang araw darating din yung oras na kaya ko nang ipaglaban yung pagmamahal ko sayo...
Pero ngayon hindi muna... Kaligtasan mo muna ang uunahin ko...
I love you so fucking much my Prince, my Knight, my Phoenix...
————————————————————————————
Hello guys! Masyado bang matagal yung update? Hehe sorry naman.
Susubukan ko pong tapusin ito ngayong bakasyon.
Malapit na yung pinaka-hinihintay niyo...
The long wait is over...
Ayy, may nagpapa-plug po pala. Sa mga mahilig mag-emo diyan. Suportahan niyo po ang 'Mga Payo Ni Madam Kilay' ng aking kaibigan/kapatid na si vamdeliene
Stay tuned~
Spread~
Don't forget to Vote and Comment \(☆o☆)/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top