Epic 41

Mamadaliin ko na po.

————————————————————————

Nobody's Pov

*After several months*

Nagkakamabutihan na sina Zayne at Blunt. Nagkaaminan narin kasi sila na GUSTO nila ang isa't-isa.

Pero hindi masyadong sure si Zayne sa nararamdaman niya dahil kaya ba niya nagustuhan si Blunt dahil sa nakikita niya si Jax sa katauhan nito.

Pero ginrab niya na ang opportunity para makalimutan na niya ng tuluyan si Jax.

(A/E: Alam kong dapat hindi ako ang magkwento tungkol diyan, kaya si Zayne ang mageexplain sainyo ^_^v)

Zayne's Pov

Alam kong maling-maling manggamit ng tao...

Pero ginusto NAMIN yon eh...

*Flashback*

Makalipas ang ilang buwan, napagtanto ko na rin na GUSTO ko na si Blunt.

Actually magmi-meet nga kaming dalawa ngayon eh, may importante daw kasi siyang sasabihin.

Ano kaya yon? Haha nacu-curious tuloy ako.

*Restaurant*

Medyo nauna ako kay Blunt kasi alam niyo na. Haha excited much kasi ako, kaya napaaga yung pagpunta ko dito.

Ano kaya yung importante niyang sasabihin? Sasabihin niya ba na gusto niya din ako? Choss~

Wag kang assuming Zayne, baka sa huli umasa ka na naman.

"Zayne, sorry kung nalate ako. Kanina ka pa ba?"

Naputol ang pag-iisip nang dumating na si Blunt.

"Ahmm. Nope, actually hindi ka naman nalate, medyo napaaga lang yung pagpunta ko dito. Hehe." Sabay peace sign ko sakanya.

(A/E: Pabebe amp -_-|| )

Epal ka na naman! Bakit ba lagi kang umeepal kapag Pov ko ha?

(A/E: Eh bakit ba? Gusto ko eh. Tss, sinungaling na, manggagamit pa.)

Talaga? Alam mo ba buong kwento? Shattap ka nalang FAYEMAX!

(A/E: Alam ko buong kwento mo no. Hello? Ako kaya author nito. Stupid.)

K.

Yun na nga, umupo na siya sa upuan (malamang, gusto mo sa sahig?)

"Ano ba yung importante mong sasabihin?" Natanong ko nalang bigla.

"Ah eh, pwede bang mamaya nalang? Order muna tayo."

"Ah, sure."

Pagkatapos namin umorder sinumulan ko nang magsalita.

"So ano na nga yon?"

Bigla naman siyang nasamid. Ganon ba siya kabigla sa sinabi ko?

"*cough* Sorry, nakakagulat ka kasi." Parang medyo tense siya. Ano ba kasi yon?

"Sorry din. So ano na?" Kulit ko no?

Bumuntong hininga siya. "Zayne, wag kang magagalit sa sasabihin ko ah."

"Ah? Yeah? Sure?"

"Zayne, I think, I like you. No, I think, I love you."

Eh?

Diba dapat hindi ako magulat dahil yan ang gusto kong marinig sakanya?

"Naramdaman ko nalang to bigla, sa tuwing kasama kita, kapag tumatawa ka. Sobrang saya ko na dumating ka sa buhay ko Zayne."

I feel uncomfortable here.

"Galit ka ba?"

Bigla naman akong nabalik sa wisyo.

"N-no. Hindi ako galit. Na-nagulat lang ako. Hindi ko inieexpect na gusto mo din ako." W-wait? Did just I say I like him too? Stupid!

Tsk. Nadulas pa ako ng wala sa oras.

"W-what? Gusto mo din ako?" Medyo gulat niyang sabi.

"Ah hehe kinda."

Bumuntong hininga siya. "Zayne, sigurado ka ba sa nararamdaman mo sakin?"

Bakit naman niya biglang natanong?

"Oo naman! Bakit mo naman natanong? Hindi ka ba naniniwala?"

"Hindi naman sa ganon, pero parang hindi mo naman talaga ako gusto. Siguro kaya mo ako nagustuhan dahil nakikita mo si Jax saakin."

"Huh? Hindi kita maintindihan."

"*chuckle* nakikita ko sa mga mata mo. Siguro dahil may pagkakaparehas kami ni Jax kaya feel mo gusto mo ako. Hindi mo naman talaga ako gusto. Si Jax ang gusto mo, no, siya pala ang mahal mo."

Napayuko nalang ako.

"Kaya mo siguro nasabi na gusto mo ako dahil ako parati ang nasa tabi mo. Hindi LOVE ang nararamdaman mo sakin, NEED ang nararamdaman mo sakin Zayne. Siguro ginamit mo ako para makalimutan si Jax."

Hindi ko na napigilan na umiyak. Totoo naman lahat ang sinabi niya.

Sino ba naman ako para kontrahin yon?

Iniangat niya ako mukha ko. "Hey, wag kang umiyak. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."

Sorry Blunt, pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sakin.

"Sorry Blunt, hindi ko gustong gamitin ka. Pero wala akong choice eh. Baka mabaliw nalang ako ng wala sa oras kapag hindi ko nilibang ang sarili ko. Im very sorry."

"Shh, wag ka nang umiyak. Naiintindihan kita Zayne. Fine, kung gusto mo gamitin mo ako para makalimutan mo na si Jax."

What?! No way!

"Hindi Blunt, tama na yung once."

"I insist, gamitin mo ako para sa ikabubuti."

"Pe-pero ayokong saktan ka. May care parin naman ako sayo kahit papaano."

"Handa ako masaktan Zayne. Ginusto ko to, titiisin ko nalangMas okay nang ako ang masaktan kaysa ikaw. Titiisin ko lahat ang sakit, para lang sa taong mahal ko na hindi ako mahal..."

Tumulo na naman ang mga luha ko.

Bakit ba hindi kita makalimutan Jax?!

Bakit kasi ikaw pa yung minahal ko?!

Bakit hindi nalang si Blunt?

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero ni isa walang kasagutan.

"So Zayne, we are officially on?"

"Pero Blunt?"

"Walang pero-pero. Ginusto ko to, kaya papanindigan ko."

"Blunt naman."

"Wala ka nang magagawa Zayne. Nasayo parin naman ang benefits nitong gagawin natin."

"Fine, pero susubukan kong mahalin ka pabalik para hindi masayang lahat ng effort mo."

"Okay, It's you're decision. Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo na ang lalaking nanakit sayo."

"Salamat Blunt. Ang laki ng utang na loob ko sayo."

"Ginagawa ko to para sayo, kasi ganon kita kamahal. Kahit sakit man ang kapalit nito..."

Sobrang swerte ko dahil dumating siya sa buhay ko...

*End of Flashback*

So yan, nakwento ko na sainyo ha? Actually hindi pa yan lahat yung nangyari eh. Hindi ko na sinabi sainyo kasi hindi naman masyadong importante yon.

"Babe lika na. Hinihintay na nila tayo." Si Blunt yan.

Matagal-tagal narin yung pagpapanggap namin ni Blunt.

Yung pinangako ko sakanyang susuklian ko yung pagmamahal niya?

Hanggang ngayon hindi ko parin natutupad.

Masyado kong minahal si Jax kaya't hindi ko siyang kayang kalimutan kaagad-agad nalang.

Nung sinabi ko sakanila na kami ni Blunt, siyempre nagulat sila.

Nung pagkatapos namin sabihin yon biglang nagwalk-out si Jax tas naging badtrip.

May problema ba siya?

Galit ba siya sakin dahil binoyfriend ko yung bestfriend niya?

"Zayne were here."

Tango nalang ang isinagot ko sakanya.

Habang papasok kami sa bar bigla nalang akong natanong ni Blunt.

"Nagsisisi ka ba sa naging desisyon mo Zayne?"

"No! Ofcourse not."

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Never akong nagsisi sa desisyon ko Blunt. Nagsisisi lang ako dahil hindi ko masuklian ang pagmamahal mo."

"Ehem, andiyan na pala kayo. Kanina pa nila kayo hinihintay." Salita ni Jax.

Bigla kong naibaba ang mga kamay ko na kaninang nakahawak sa pisngi ni Blunt.

"Sorry bro, sunod nalang kami ni babe."

Tumango lang siya samin.

Bago siyang tuluyang umalis ay tiningnan niya ang magkahawak-kamay namin ni Blunt.

Hindi ko namalayan na hinawakan pala ni Blunt ang kamay ko.

Masyado akong lutang nung dumating si Jax.

"Zayne, Zayne?"

"Huh? A-ano yung sinasabi mo Blunt?"

"Nevermind, tara na."

Pagkapasok na pagkapasok namin ay lahat sila ay nakatingin samin.

Problema nila?

"Guys? May dumi ba kami sa mukha?"

"Huh? Ah-eh, wala."

Nagkibit-balikat nalang ako at tumabi na kay Kryptanne.

"Kryptanne."

"Oh? Andiyan na pala kayo ng BOYFRIEND mo. Kaya pala may isang taong nabadtrip." Napataas naman ang kilay ko dahil sa diin niyang sabi sa boyfriend.

May alam ba siya?

"Ah oo, bakit?"

"Wala lang, nasense ko lang."

"Kryptanne mag-usap nga tayo. Yung tayong DALAWA lang." Diniinan ko talaga para lumayas si Phoenix sa tabi ni Ash.

"May naririnig ka? Diba wala? Sino kaya yon?"

Agad ko namang binatukan si Phoenix.

"Baliw ka talagang bata ka! Lumayas ka na nga!"

Napakamot siya sa ulo. "Ano ba yan noona! Lagi kang epal saming dalawa ni Ash."

"Sasabat pa o papabasted kita kay Kryptanne? Sagot."

Tumayo siya bigla. "Eto na nga oh. Aalis na. Tsk, kung wala ka lang panakot eh."

"Oo na, shoo."

Naglakad na siya palayo samin pero nakatingin pa sakin ng masama.

Mukhang isip bata amp.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Panimula niya.

"Didertsuhin na kita, may alam ka ba saming dalawa ni Blunt?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit? May dapat ba akong malaman Zayne."

Tumingin ako sa ibang direksyon at sinabing "Wala."

"*chuckle* kilala kita. You're not a good liar Zayne. Kaya wag ako ha."

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Zayne Athene."

"Fine, pero sating dalawa lang to ah."

"Hindi ko mapapangakong sating dalawa lang to. Pero susubukan ko."

Bumuntong hininga ako. "Ash, hindi talaga kami ni Blunt, nagkukunwari lang kami."

Ngumiti siya sakin. "I know right."

"Huh? Pano mo nalaman? May nagsabi ba sayo?"

"Sinabi sakin ng mga mata mo."

"Pardon?"

"Wag mo nga akong mapardon-pardon diyan! My nose is bleeding!" Nagkunwari pa siyang nagpunas ng dugo sa ilong.

"Seryoso na Ash."

"Ito na nga, nasense ko na hindi talaga kayo kasi hindi ka naman yung taong nakakamove-on agad. Tsaka hindi ako naniniwala na kaya mong iboyfriend ang bestfriend nang mahal mo. Siguro si Blunt yung naginsist na maging kayo kasi ayaw ka niyang masaktan. Tama ba ako Zayne Athene?"

Literal akong napanganga dahil sa mga sinabi ni Ash.

"Tama ka Kryptanne pero nangako ako kay Blunt na susuklian ko yung pagmamahal na binibigay niya sakin. Kaya nga lang ——"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Kaya nga lang, hindi mo kayang suklian. Alam ko yon Zayne, masyado mong mahal si pareng Jax."

Tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Walang makakaalam na iba sa sikreto niyo. Malalampasan mo din yan. Kuha muna ako ng makakain."

Tumango nalang ako sakanya.

Nagsisisi ako na pumayag ako sa gusto ni Blunt. Kasi hindi ko naman kayang tuparin yung pangakong binitawan ko sakanya.

Parang lalong tumatagal, mas lalo ko siyang nasasaktan...

Rhoui's Pov

This past few day nakakatanggap ako ng mga message na hindi ko alam kung kanino galing. Hindi ko nalang pinapansin kasi baka wrong send lang.

Pero hindi ko maiiwasan na mag-alala dahil napapadalas na. Puro pagbabanta ang mga mensahe na natatanggap ko.

Hindi ko muna iisipin ang tungkol don dahil baka mapansin nila na may bumabagabag sa saakin. Bonding namin tong magkakaibigan kaya hindi ko muna iisipin yon.

"Rhoui!! Dun tayo sa kabilang shop! Tulala ka nanaman diyan." Nabalik ako sa realidad nang sumigaw si Phyrone sa tenga ko.

"Grabe ka naman Phyrone! Kailangan sa tenga ko?!" Feeling ko nahulog lahat ng tutuli ko dahil sa sigaw niya.

"Eh kanina ka pa kasi namin sinisigawan eh! Nag-away na naman kayo ni Jung no?!"

"Hindi no. Pwede ba, wag ka nang sumigaw? Pinagtitinginan na tayo ng tao dito."

Tumingin siya sa paligid. "Wala akong paki." Sabay flip-hair niya.

*toot toot*

Napangiti ako nang narinig kong tumunog ang cellphone ko. Baka nagtext sakin si Hubby.

Pero biglang nawala ang ngiti ko nang nakita ko kung kanino galing ang message.

Ito yung laging nagtitext samin.

Napangiwi ako nang mabasa ko ang message.

'Andito lang kami sa tabi-tabi. Mag-iingat kayo.'

Yan ang sabi sa message. Luminga-linga ako sa paligid upang tingnan kung may mga kahina-hinalang tao.

Pero ni isa ay wala akong makita. Malinis silang magtrabaho.

"Rhoui lika na. Kain muna daw tayo." Lumingon na ako kay Tam na tinatawag ako.

"Sige." Bago ako maglakad, luminga-linga uli ako sa paligid. Wala talaga akong makitang kahina-hinala.

Sabi ko nga, hindi ko muna iisipin yon. Baka wrong number na naman.

***

Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan na namin na umuwi na. Baka daw kasi nag-aalala na yung mga boyfriend namin.

Naglalakad na kami papunta sa sakayan. Inalok naman kami ni Timothy na sunduin kami ng van nila pero tumanggi kami kasi dagdag bonding din kapag nag-commute kami.

So yun na nga, naghihintay kami nang sasakyan ng may biglang may humarang na itim na van sa harapan namin.

Pilit nila kaming pinapasok sa sasakyan nila.

"Anong kailangan niyo samin?! Bitawan niyo nga ako!" Sigaw ko sa kanila.

"Wag ka ngang makulit! Papatayin kita!" Napatigil ako sa pagsigaw ng dahil sa huli niyang sinabi.

Anong ba kasing kailangan nila?! Sa pagkaka-alam ko, wala naman kaming kaaway para mapunta kami sa ganitong sitwasyon.

"Puta naman oh! Sabi ngang ayaw namin eh!"

"Makulit ka talaga ah!"

*Boogsh*

And everything went blank.

———————————————————————————
After 123456789 years nakapag-update din!

Malapit na to matapos guysue! Konting kembot nalang!

Support niyo naman po yung DEAR BIAS ko!! Thankiee!~

Stay tuned~

Spread~

Pls. Vote and Comment ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top