Epic 4

Zayne's Pov

Grabeng laki ng Athen's University! Dati pinapangarap lang namin to. Pero ngayon nakatungtong na kami dito! 1st year college palang kami pero nagtake kami ng exam para sa scholarship. Buti nga pinayagan kami ng magulang namin. Buti nalang din nakapasa kami sa scholarship! Full scholarship din to! Sana magkaroon kami dito ng totoong kaibigan, kasi yung iba gusto lang makipag-kaibigan dahil mayayaman. Di man kami mayaman sa salapi, mayaman naman kami sa pagmamahal. Ayyy, taray ang drama ko naman!

"Oy mga laway niyo tutulo na!" Ang baboy naman neto ni Kryptanne. Makapa nga, ay oo nga meron. Kadiri ka naman Zayne!

"Ang laki naman kasi netong school na'to." Manghang-manghang sabi ni Jai. Agree! Wala pa nga ata to sa kalahati ng dati naming school.

Habang naglalakad kami sa lobby ang daming nakatingin samin. Famous ba kami para tingnan nila kami ng ganyan. Nakakaflattered naman! Ngayon lang ba sila nakakita ng mga magagandang babae? Charr~ Ang kapal lang eh no. Alam naming hindi kami magaganda. Pero sana wag na nilang ipagsigawan. Nakakawala tuloy ng confident.

"Bakit andaming nakatingin satin?" Pabulong na tanong ni Xhy.

"Baka ngayon lang sila nakakita ng magandang babae katulad ko." Sabay flip hair ni Phyrone. Minsan di'ko alam kung anong nakain ng babaeng to, sobrang hangin!

"Ang kapal naman ng kalyo mo sa mukha Siann!" Matawa-tawang sabi ni Tam.

"Hey, don't call me Siann.It sounds cheap." Puta nag-english na. Oppss, sorry sa pagmumura. Nasanay kasi ako sa school naming puro siga. Bakit naman ako magpapakaplastik sa harap nila kung ano ugali ko ganon ipapakita ko sa kanila.

"English ka pa jan.Tumigil kang gaga ka. Hindi ka mayaman." Diretsiyahang sabi ni Rhoui. Babala: Wag niyo pong kakausapin si Rhoui kapag badtrip siya. Baka matrash-talk kayo ng di oras.

"Bakit ka ba badtrip Rhoui?" Tanong ko.

"Nakakainis kasi yung mga babae don. Kung anong panglalait yung pinagsasabi satin. Ang sasama pa tumingin. Pag hindi sila tumigil, baka madukot ko yung mga mata nila! Urgh, first day na first day ganito agad bumungad satin." Inis na inis niyang sabi.

"Chill ka lang. Hindi pa nga tayo nakakapunta sa room natin baka makick-out na agad tayo." Matawa-tawang saad ni Jai.

"Lika punta muna tayong Secretary's Office para malaman natin yung section natin."

(Secretary's Office)

Siyempre kumatok muna kami bago pumasok. Hindi kami bastos noh.

*Tok tok*

"Come in." Wow english.

"Ah, Miss gusto lang po namin malaman yung room namin." Tanong ni Kryptanne.

"Dun kayo sa section 1, 3rd floor, 4th room." Sabi ng Dean.

"Salamat po." Sabi namin.

Tumango nalang siya samin bago kami umalis. Naglalakad kami sa corridor ng may mabangga ako, dahil sa kakulitan nila.

"Ay sorry po miss." Sabi ko sa nabunggo ko.

"Hey watch out b*tch!" Aba tinawag niya kong bitch. Iba nang usapan yan.

"Hoy ikaw na babaeng parang espasol sa sobrang puti! Wag na wag mo kong matawag na b*tch! Baka -" Galit na sigaw ko sakanya.

"Baka ano?!" Sinusubukan mo talaga akong babaeng ka ah!

"Baka mawala ka sa mundong ibabaw!" Wag niya kong susubukan.

"Oh, I'm scared." Maarte niyang saad.

"Uy Zayne tama na yan. Kakapasok palang natin may record na agad tayo." Kinakabahang sabi ni Kryptanne. Badtrip kasi tong babaeng to e!

"Asal mahihirap talaga." Wow nagsalita ang gaga.

"Mayaman ka nga pero tingnan mo naman ugali mo, mas masahol pa sa mahirap." Totoo naman ah. Itsura lang naman nila yung mukang mayaman.

"Whatever B*tch. Bye!" Pinakyu niya pa kami bago siya umalis. Gago tong babaeng to ah!

"Psh, papansin ang P*ta!" Patay ayan na naman po si Rhoui. Nakakabeast-mode kasi e!

"Lika na bago pa tayo malate sa first subject. Kulang lang yon sa pansin." Sabi ni Jai.

Dahil beast-mode ako nakakatamad na magkwento.

Zacriel's Pov

Andito kami ngayon sa tambayan namin. Hindi muna kami pumasok kasi nakakatamad makinig sa walang kwentang math subject na yan. Wala naman silang magagawa kung hindi kami papasok. Kanina habang andito kami sa tambayan namin. Kitang-kita ko yung mga transferees kung paano sila pagkaisahan, sayang di ko nakita yung mga mukha nila. Sa banda kasi namin nakatalikod sila. Pero mga palaban, sila nga lang ata yung may lakas loob na sagutin yung babaeng yon. Okay,wala naman akong pakielam sa kanila. Matanong nga sina Timothy and Zeus kung paano kapag may nakadistract sa kanila.

"Zeus ano bang nangyayari sayo kapag distracted ka?" Tanong ko sa kanya.

"Minsan tulala, minsan seryoso, ganon." Tumango nalang ako. Buti nalang hindi niya ako tinanong kung anong dahilan. Jusko kapag tinanong niya ko! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ikaw Timothy?" Tanong ko naman sa kanya. Gusto ko kasi malaman kung ano magiging reaction nila kapag nangyari yon. Titingnan ko kasi or should I say kami yung mga galaw nila. Wow english!

"Nung naging distracted ako sa dati kong girlfriend. Hmm, tulala, nagsasalita mag-isa, tapos wala sa sarili. Bakit?" Bigla naman niyang tanong sakin. Kagulat naman toh, di ako prepared! Anong isasagot ko neto! Ito yung kinakatakutan ko! Bahala na si Batman!

"Kasi ano -" Di natuloy yung pagsasalita ko kasi agad akong pinutol ni Phoenix.

"Canteen tayo. Libre ko. Una na kayo, sunod nalang ako" Kindatan niya nalang ako. Omyghad kinindatan ako crush! De joke lang. Lalaki ako noh.

"Salamat brad. Mapapagastos ka tuloy ng wala sa oras." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"De okay lang. Mukhang hindi mo alam sasabihin mo kanina e." Aba tinawanan pa ako.

"Salamat uli."

"Geh, sunod ka nalang."

Basta nararamdaman ko malapit na dumating yung distraction para kay Zeus and Timothy.

————————————————
————————————
Sorry sa mga badwords.

Pls.Vote and Comment

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top