Epic 38

Hindi na paasa to. Ito na talaga yon. Hope you like it~

———————————————————————————

Timothy's Pov

Akmang aalis na siya pero pinigilan ko kaagad.

"Tam alam kong nasaktan kita sa mga nakita mo kanina... Pero sana bago mo ako talikuran, pakinggan mo muna yung kantang sinulat ko para sayo..."

*Hold me tight*

(A/E: Kunwari po siya yung gumawa ng Hold me tight. Alam naman natin na si Bwii talaga yung gumawa non. *^_^*)

"Oh? Ginagawa mo ba to para pagbigyan kita? Sorry pero hindi ko kaya eh."

Paalis na sana siya pero hinabol ko siya.

"Tam, bigyan mo naman ako ng oras para makapag-paliwanag."

"Hindi na. Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo. Nakita na ng dalawang mata ko. Tapos mo na iparinig diba? Pwede na ba ako umalis? Nasasayang kasi yung oras ko sa wala eh." At tuluyan na siyang umalis.

Napayuko nalang ako at umalis sa lugar na yon.

Kailangan kong mapag-isa para makapagisip-isip.

Wala na talaga atang pag-asa Timothy...

Tam's Pov

Pagkatapos niyang kantahin yon ay umalis na kaagad ako. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon, masyado akong nasaktan...

Habang naglalakad-lakad ako dito sa resort ay may biglang babaeng humarang sakin...

Siya? Siya yung kaninang babaeng kausap ni Timothy...

(A/E: Eepal po muna ako.)

"Ahmm, hello po ma'am. Pwede ko po ba kayong makausap?"

Napataas kilay ako dahil sa sinabi niya. Lakas ng loob ah.

"Bakit naman kita kakausapin? Bigyan mo nga ako ng dahilan?" Sorry not sorry, pero dahil sakanya kaya ako nasasaktan ng ganito.

"Gusto ko lang po ipaliwanag sainyo yung nangyari kanina. Hindi po kasi deserve ni Sir Timothy yung ganon."

Hindi niya deserve? Tss.

"Kaya po ma'am bigyan niyo po ako ng chance na makausap ka. Ako po kasi ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng ganon."

Medyo naawa na ako sakanya kaya papayag na ako. Mukhang sincere naman siya sa mga sasabihin niya e.

"Sige, pumapayag na ako. Pero siguraduhin mo na worth it yung binigay ko sayong oras."

"Sinisigurado ko po."

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Kwento mo na."

Nagbuntong hininga muna siya bago niya simulan.

"Ganito po kasi yon, kaya ko po nilapitan si sir kanina dahil gusto ko pong sabihin sakanya na ayos na yung venue  para sa gagawin niyang proposal." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Proposal?

"Nagulat ka po no? Ngayon na po kasi kayo sana tatanungin ni sir pero mukhang nasira ko pa. Alam niyo habang kinikwento ka niya sakin, halatang-halatang na sobrang mahal ka niya. Kada kwento niya kumikislap ang mga mata niya. Sobrang pinag-effortan niya yung mga yon para sayo. Ang swerte niyo nga po e, may nagmamahal sainyo ng ganon. Minsan nalang po makahanap ng ganong lalaki sa panahon ngayon. Kung ako po sainyo baka hindi ko na po siya pakawalan."

Literal akong napangaga dahil sa sinabi niya.

Hindi ko pa madigest  lahat ng sinabi niya.

Loading parin ako hanggang ngayon.

"Ma'am okay lang po kayo? May mali po ba akong nasabi?"

Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang nayakap.

"I'm very sorry... Sorry dahil nasungitan kita." I feel so sorry for her.

"Haha okay lang po yon."

Medyo naging magaan yung loob ko.

"Sorry talaga ah. Ayt ano palang name mo?"

"Faye po."

"Sorry talaga Faye ah, susubukan kong makabawi sayo."

"Kahit hindi na po, mas maganda po kung subukan niyo kausapin si Sir Timothy hanggang hindi pa huli."

Bigla kong naalala si Timothy. Sigurado akong nasasaktan siya ng sobra ngayon.

"Una na ako Faye. Puntahan ko lang yung taong mahal ko."

Tango nalang ang nireply niya saakin.

Ang tanga mo Tam! Naiinis ako sa sarili ko, ni hindi ko siya binigyang ng oras para makapag-paliwanag.

Tumakbo na ako para maabutan ko pa siya don.

Nang makarating ako don ay wala nang tao.

Huli na ba ako?

Sana hindi pa ako huli. Kasi hindi ko kaya mawala yung taong mahal ko nang dahil sa katangahan ko.

Sana hindi pa talaga huli...

Timothy's Pov

Hindi ko inaasahang ganito ang kalalabasan ng plano ko... Dapat masaya na kami ngayon eh...

(A/E: Sisihin si Faye! Hahaha!)

Ako lang ang mag-isa dito sa tabing-dagat, tanging alon at hangin lang ang maririnig sa sobrang tahimik.

Napa-isip ako na bakit kailangan pang masaktan ang isang tao? Bakit sa ganoong paraan pa ng pagsubok?

"Tam sorry kung nasaktan kita... Hindi ko gusto na ganito ang mangyari... Pero kung sa ikakasaya mo na lumayo ako sa tabi mo, lalayo ako, pakakawalan na kita... Ganon kita kamahal..." Bulong ko sa kawalan.

Napabuntong hininga ako. "Mahal mo rin kaya ako?" Hindi ko na talaga kaya...

Sobrang bigat na sa dibdib…

Biglang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala sa mga mata ko.

Napaupo nalang ako sa buhangin dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Bakit kailangan pang ganito ang mangyari?

"Sana kahit sa sandaling panahon naramdaman mo yung pagmamahal ko sayo."

Hindi ko gustong magdrama pero t*ngina, hindi ko mapigilan. Para kang sinaksak sa dibdib ng paulit-ulit. Alam niyo yon? Sobrang sakit.

"Timothy..." Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa narinig kong boses.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko siya harapin.

Ngumiti ako sakanya. "Uy Tam. Bakit ka andito? May gusto ka bang sabihin?" Arte kong parang walang nangyari.

Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo at niyakap ako ng mahigpit.

"I-Im very sorry... Sorry Timothy... Alam ko na ang lahat... Sorry kung hindi kita pinag-paliwanag kanina... Sorry kung nagpadala ako selos..."

Nagseselos siya?

"S-sorry talaga Timothy..." Binaon niya lalo ang ulo niya sa dibdib ko.

"Sshh... Wala kang kasalanan." Niyakap ko din siyang pabalik at hinagod ang likod para tumahan.

Humiwalay siya akin. "Pero ako ang may kasalanan kung bakit ka umiiyak, at nasaktan..."

"Kanina ka pa ba sa likod ko?"

Tango na lamang ang isinagot niya saakin.

Kung ganon?

"Narinig mo din yung lahat ng sinabi ko?" Tumango uli at yumuko.

Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Ako na naman ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Tatapusin ko na to. Ayoko siyang nakikitang umiiyak lalo na't ako ang dahilan.

Lumapit ako sakanya at niyakap. "Narinig mo na pala... Now, I'm setting you free. I'll let you go Tam, for good." Biglang tumulo ang ko dahil sa mga binitawan kong salita.

Alam kong masakit yung ginawa kong desisyon. Pero gagawin ko to para sa ikabubuti.

"W-wag... Wag mo kong pakawalan... Dito ka lang sa tabi ko... H-hindi ko kaya kapag nawala ka..." Niyakap niya ako ng sobrang higpit yung tipong ayaw niya na akong pakawalan.

Ngunit hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. "Bakit ayaw mo? Ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak."

"Kasi mahal kita... Mahal na mahal kita Timothy..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa nagpo-process sa utak ko ang sinabi niya.

"Mahal na mahal din kita Timothy, kaya wag na wag mo kong hayaang lumayo sayo..."

Mahal niya din ako kaya ayaw niyang pakawalan ko siya?

"Timothy? Wala ka bang masasabi? Nganganga ka nalang?" Napabalik ako sa katinuan nang nagsalita siya. Ngayon lang nagsink-in sakin na Mahal niya din ako...

"Ah eh... Mahal na mahal din kita..." Inshock pa ako kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

Niyakap niya uli ako, namimihasa na ah. Hahaha.

"I love you so much. Hindi ko kayang mawala ka..." Humiwalay ako sakanya at dinukot ang singsing sa bulsa ko. Ito na ang tamang oras.

"Chryseis Tam? Will you be mine forever?"

"Ala?! Ngayon na talaga?! Omygash! Oo na!" Sinuot ko sakanya yung singsing.

Niyakap ko uli siya. "I love you in English, Mahal kita in Filipino, Saranghae in Korean, Ti amo in Italian, Aishteru in Japanese, Te quiero in Spanish, S'agapo in Greek, Je t'aime in French, Wa ga ——"

"Tama na! Edi ikaw na maraming alam na language."

"Kahit gaano mang kadaming lenggwahe kaya kong sabihin sayo para lang masabi ko kung gaano kita kamahal  I love you so damn much..."

"I love you too..." Humiwalay ako sakanya at inilapit ko ang mukha ko sakanya...






















"Hoy bawal yan!! Bata pa yung kapatid ko!" Natulak ako ni Tam bigla dahil dumating ang barkada.

"Nice hyung! Sayang! Yon na yon eh." Lumapit ako kay Zac at binatukan siya.

"Kayo na?" Nagtinginan kami ni Tam at sabay na tumango.

Lumapit si Jai kay Tam at biglang sinabunutan.

What the f*ck?!

"Gaga ka talaga! Andrama mo kasi! Tapos ngayon magsosorry-sorry ka kay Timothy!"

"Aray naman Ate! Parang kanina lang galit na galit ka sakanya ah. Biglang nag-iba yung ihip ng hangin."

Nilayo ko na kaagad sakanya si Tam, baka makalbo ng wala sa oras.

"Okay lang Jai, naiintindihan ko naman kung bakit siya nagalit sakin." Sabi ko habang inaayos ang buhok ni Tam.

"Tss, wag mong kinukunsinti yang kapatid ko ah!"

"Wag ka ngang bitter diyan Jai. Wala ka lang lovelife eh. Amin-amin din kasi. Hayaan mo, sasagutin kaagad kita."

Isang malakas na batok ang natanggap ni Zeus kay Jai.

"Ang kapal mo talaga! Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha! Argh, makaalis na nga dito."

Pagkatapos magwalk-out ni Jai ay nagsilapitan sila saamin para ikonggrats.

"Salamat... Nga pala balik na tayo don sa venue may mga pagkain don."

"Yon! Gotta go!" Sabay-sabay silang nagsitakbuhan pabalik don sa venue.

Hindi naman halata na mga gutom sila no?

"Timothy?"

"Hmm?"

"Sorry talaga kanina ah. Tsaka thank you kasi hindi ka lumayo saakin."

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Namihasa narin ako eh. Ambango kasi niya, amoy baby...

"Ano ka ba? Okay nga lang diba. Tapos na yon, pwede natin palitan ng mas bago at magandang alaala. Alaala na kasama natin ang isa't-isa, alaala na hanggang sa tumanda tayo na magkasama..."

Hindi ko alam kung bakit nagiging cheesy ako, ganito ba ang epekto ng pagiging inlove?

"Aww, ang sweet mo naman. Kaya mahal na mahal kita eh."

"Haha, oo na po. Wag na wag mo kong iiwan ah? Kasi kapag nawala ka sa tabi ko, baka ikamatay ko..."

"Opo, promise."

"Nangako ka, wag mo sanang babaliin..."

"Opo, I love you..." Humiwalay ako sa yakap at hinalikan siya ng matagal sa noo.

"I love you too..." Bago kami umalis ay inakbayan ko siya at siya naman ay ininterwined niya ang kamay niya sa kamay ko na nakaakbay sakanya. Gets?

(A/E: Hanggulo mo po!!)

Hindi ko inaakala na magiging masaya ako ng ganito. Akala ko wala na talaga...

Pero sang-ayon saaming dalawa si Tadhana eh...

Alam kong ilang beses ko na sinabi to, pero hindi ko talaga kaya na mawala si Tam sa buhay ko... Lalo na't pagmamay-ari ko na siya ngayon...

Sana dumating ang panahon na sang-ayon parin saamin si Tadhana hanggang sa huli...

—————————————————————————
Guysue magbigay nga kayo ng pwedeng tawagan nila Tam and Timothy. Ang common naman kasi ng Honeybunch, Baby, Babe, Cutiepie, Vanilla, Chocolate, magbigay kayo ng something unique.

Yun lang!! :*

Pls. Spread :))

And don't forget to Vote and Comment :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top