Epic 37

P.S : Sobrang paasang chapter.

————————————————————————————

Timothy's Pov

Sobrang kinakabahan na ako sa mangyayari mamaya, yung tipong natatae ka na hindi. Alam niyo yun?

Nag-aalala ako kay Tam dahil sa nangyari kanina, baka biglang nag-iba yung tingin niya sakin. At nag-aalala din ako sa isasagot niya, hindi naman sa pagpapaka-nega pero pwedeng bastedin niya ako dahil sa nagawa ko kanina.

"Hyung!"  Lumingon ako sa likod para tingnan sila Phoenix.

Nasan si Tam?

"Hinahanap mo yung kapatid ko no? Hindi na magpapakita sayo yon, nasaktan mo na eh."

"Pinipilit ko ngang papuntahin dito eh, pero ayaw niya mas gusto pa daw niyang umiyak ng dugo kaysa sa makita ka." Bahagya akong nalungkot dahil sa sinabi ni Jai.

Ngumiti nalang ako sakanila ng mapait.

"Hey cheer-up lover boy! Niloloko lang kita. Papunta na yon dito." Muli akong nabuhayan sa sinabi niya.

"Jinja?! Ay wait, parang may alam kayo sa gagawin ko ah, wala man lang nagtanong kung bakit ko kayo pinatawag lahat dito."

Tiningnan ko si Phoenix, siya lang naman ang may alam ng mga plano ko.

"Hehe, sinabi ko na sa kanila hyung, alam mo bang muntikan ka nang sugurin kanina ni noona. Kung hindi ko lang sinabi sa kanila..."

"T*rantado ka kasi! Pinaiyak mo kasi yung kapatid ko." Bulyaw niya saakin.

"Tsaka hindi mo din sinabi samin na ngayon mo na tatanungin yung kapatid ko. Nakakatampo tuloy."

"Haha sorry naman. Hindi ko na sinabi sainyo para hindi ko kayo maistorbo sa pagbabakasyon niyo."

"Urgh, sorry din pala kasi nahusgahan kaagad kita kanina."

Nginitian ko siya "Okay lang, kasalanan ko din naman."

"Guys nag text na sakin si Babe, malapit na daw sila."

"Kyaaaa! Parating na si sisteret! Goodluck Timothy, gawin mo lahat para mapasagot mo yung kapatid ko."

Nagsilapitan sakin ang mga kaibigan ko at bnro-hug nila ako. "Fighting!" Bulong sakin ni Phoenix.

Tumatakbong tanong ni Kendrick "Guysue! Anong meron dito?"

"Wow naman! Ayos na kayo?"

"Yep, diba wifey ko?" Biglang yapos niya kay Rhoui.

"Oo na, ano ngang meron dito?"

"Mahabang baba ay este kwento..."

Pagkatapos ko silang kausapin ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinapatay ko na ang mga ilaw sa crew.

Hindi na ako makapaghintay dahil darating na ang babaeng pinakamamahal ko...

Ilang minuto na ang lumipas at sa wakas ay may narinig na kaming nagsalita...

"Xhy bakit andilim dito? Mali ata yung napuntahan natin. Alis nalang tayo." Halatang galing lang niya sa iyak dahil sa boses niya. Mianhae Tam...

Nabalik bigla ako sa aking wisyo.

Bago pa man sila makaalis ay pinabuksan ko na ang mga ilaw.

"Chyseis Tam..."

"Ay nanay mo!"

Lumapit ako sakanya ng konti pero umatras siya palayo saakin.

"Wag kang lalapit sakin..." Malamig na tugon niya sakin.

Kumirot ang puso ko dahil sa binitawan niyang salita...

G*go ka talaga Timothy! Imbis na mapasaya mo yung mahal mo, kabalaliktaran pa ang nangyari...

To be continued...

—————————————————————————————
Umasa ba kayo sa chapter na 'to? Haha promise sa next Epic na talaga yung proposal. Medyo complicated pa kasi yung natatype ko eh. Pero parang matatagalan pa yon mapublish... Puahahahahaha!!

Malapit na dumating ang mga problema...

Stay tuned guysue~

Don't forget to Vote and Comment  ;)))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top