Epic 36

Timothy's Pov

Gulong-gulo na ako dito, ni hindi ko na nga alam yung gagawin kong pag-alok kay Tam. Ngayon ko lang kasi gagawin to sa isang babae. (A/E: Nagawa mo na yan sa lalaki?!!) Hindi ako masyadong magaling sa mga ganitong bagay.

Buti nalang hindi nila ako nahahalatang nagpe-prepare para sa proposal ko para kay Tam. Buti nalang din na magaling na kasabwat si Phoenix. Yung pinagawa ko kasi sakanya is idistract sila Tam. Ayon ginagawa naman niya ng maayos yung pinapagawa ko sakanya. Plano ko kasing hindi muna pansinin si Tam hanggang hindi ko pa nasasagawa yung plano ko.

"Sir okay na po yung venue para mamayang gabi." Sabi sakin ng isang crew dito sa resort.

Actually ginamit ko si Phoenix para magawa ko yung plano ko, saktong resort pa naman nila to. Kaya medyo petiks lang.

Humingi din ako ng tulong sa lahat ng crew dito sa resort nila para mapaganda yung proposal ko.

"Ahm sir okay lang po ba kayo?" Nabalik yung katinuan ko nung natungin niya ako.

"Oo okay lang ako, kinakabahan lang ako sa pwedeng mangyari mamaya."

Tinapik niya ako sa balikat "Relax ka lang po. Think positive nalang po kayo, sigurado po akong mahal ka din non."

Ngumiti ako sakanya ng bahagya "Salamat Faye ah."

(A/E: Eepal muna ang author ah!)

"Wala po yun sir Timothy, bagay na bagay nga po kayo sa isa't-isa eh."

Tiningnan ko si Tam dun sa pool "Shit..." Napamura nalang ako dahil sa nakita ko.

Nakatingin si Tam sa gawi namin at ang sama pa ng tingin. Patay na! Baka kung anong isipin niya.

"Ay sorry po, balik na po ako sa trabaho ko. Baka ano pa pong isipin ni Ma'am. Goodluck nalang po sainyo."

"Sige, salamat uli."

Gusto ko sanang lapitan si Tam para mapaliwanag ko yung nakita niya. Pero masisira yung planong pinaghirapan ko.

Pinipigilan ko nalang yung sarili na hindi lumapit kay Tam. Pero namomroblema ako kasi baka maging iba yung tingin niya sakin, baka isipin niya na may nililigawan akong tao pero lumalandi parin.

Lumayo nalang ako don habang napipigilan ko pa ang sarili ko. Mianhae my love...

Tam's Pov

Nagsasaya kami dito sa pool, pano ba naman kasi naglalaban sila Xhy and Phyrone sa tubig, yung nakasakay sila sa balikat nila Zac and Jacen.

Sobrang laptrip nga eh, kasi laging kawawa si Xhy kay Phyrone! Grabe kasi mamisikal yung babaeng yun eh, akala mo kaaway niya yung kalaban niya.

Pero napansin ko na hindi ko nakikita si Timothy simula nung makapunta kami dito.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid, baka sakaling makita ko siya sa tabi-tabi.

Paahon na sana ako sa pool pero nagbago ang isip ko dahil sa nakita ko.

Wow! Just wow! Wala akong ibang masabi! Kakaiba talaga!

Nakita ko lang naman siyang nakikipag-tawanan sa isang babae. Take note, nakikipag-tawananan. Ano yon, clown na siya ngayon?

Y-yung feeling na para kang sinaksak sa dibdib dahil sa nakita mo. A-alam niyo yun? Ang sakit lang...

"Uy Tam! Bakit ka tulala diyan? Hoy T-tam, umiiyak ka ba?!" Pinunasan ko kaagad yung luhang lumalabas sa mga mata ko.

Ngumiti lang ako sakanya "W-wala to, napuwing lang ako. Lika dun na ulit tayo."

"Wag mo kong linlangin Chryseis Tam, kung kaya mo silang linlangin, pwes ako hindi."

Lumingon ako sa lugar kung nasaan si Timothy.

Wala ba siyang gagawin? Hindi man lang ba niya ieexplain yung nakita ko?

Lumingon siya saamin, pero di nagtagal umalis din siya...

"Brianna Jai!! Tingnan mo yung kapatid mo!" Ang kulit naman naman nito ni Kryptanne eh! Mag-aalala sa saakin si Ate eh.

"Oh bakit? Prob-- bakit umiiyak yan?! Chryseis Tam, bakit ka umiiyak?"

"W-wala to ate, napuwing lang nga ako."

Tinaasan niya ako ng kilay "Hindi ako nakikipag-lokohan sayo Chryseis Tam. Kailangan ko ng kasagutan."

"Ate wala nga, may naalala lang ako."

"Ayan nagsisinungaling ka, kanina napuwing ka lang, pero ngayon may naalala ka lang. Yung totoo?"

Napayuko nalang ako.

"Kryptanne bakit umiiyak yan?"

Pilit kong pinipigilang tumulo ng tumulo yung luha ko pero ayaw tumigil sa pag-agos...

"K-kasi nakita niya tsaka ako na nakikipag-tawanan yung manliligaw niya sa babae, yung crew dito sa resort. Tapos nakita naman niya kami na nakatingin sakanya pero umalis lang siya. Gara niya diba?!"

Hindi ko na kaya, mas mabuti munang magpahangin muna ako.

"Bayaan niyo na yon, lalaki siya hindi yon mawawala sa kanila kahit may nililigawan pa siyang tao. Hayaan niyo nalang ah, sige doon muna ako sa cottage."

"Hindi pa tayo tapos mag-usap Chryseis Tam."

"Ako na bahala sa kanya Jai."

"Sige, siguraduhin mong walang mangyayaring masama diyan Prieline Xhy."

"Opo ma'am. Babe samahan ko muna si Tam. Mukhang broken hearted eh. I love you babe!" Sa harapan ko pa talaga sila naglandian. Saya diba?

"Sige lang po babe, love you too po." Okay lang talaga ako.

Pinilit ko nalang na ngumiti sa kanila bago kami umalis.





Nakita na nga niya na nakatingin ako sakanya pero hindi man siya lumapit para magpaliwanag at ang mas malupit pa na parang wala lang sakanya na nakita niya na nakatingin ako, pero wala pang mas sasakit na umalis siya ng nakatingin ako sakanya.

Masakit palang makita na may kasamang iba yung taong mahal mo kesa sa iniwan ka ng magulang mo. Para sakin yun ang mas masakit kasi hindi ko naman naramdaman yung pagmamahal ng magulang namin, pero siya pinakita niyang minahal niya talaga ako...

Jai's Pov

Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kay Timothy dahil sa ginawa niya kay Tam. Iniiwasan ko ngang mapaiyak si Tam kasi siya yung taong dadamdamin agad yung narinig o nakita niya. At sigurado akong hindi alam ni Timothy yon.

Kaya hindi ko ko na alam ang gagawin ko sakanya dahil pinaiyak niya yung kapatid ko. Masaktan na ako wag lang ang kapatid ko...

(A/E: Shet ang sweet naman niya sa kapatid niya! Kabaliktaran kasi yan ng ugali ng kapatid ko eh, rhouiceline_02 kabaliktaran din ba yan ng kapatid mo?)

"Alam mo Jai, pwede ka bang tumigil sa palakad-lakad mo diyan? Dahil una nakakahilo ka, pangalawa mukha kang tanga."

"Alam mo din Zeus, manahimik ka nalang. Dahil una wala kang pakielam, pangalawa wag kang epal." Ginaya ko pa yung tono ng boses niya.

"Tss, wag na nga kayo mag-away,
namomroblema na nga tayo dito eh. Imbis na marelax tayo dito, mas lalo pa tayong naistress." Singit ni Jacen.

"Bakit hindi niyo kasi pagsabihan yung tukmol niyong kaibigan na wag manligaw kung hindi mapigilang lumandi."

"Pano namin masasabihan yon kung ngayon niya lang naman yon ginawa, tsaka malay ba naming gagawin niya yon."

"Hep hep!" Pigil saamin ni Phoenix.

"Hooray!"

"G*go! Hindi tayo naglalaro Vienick Jax!" Andito pala si Kendrick, hindi ko man naramdaman yung presence niya. LQ parin kasi sila ni Rhoui.

"Kailangan magmura?" Mataray na tanong ni Rhoui.

"Bakit ba? Pinakielaman ba kita nung naka-swimsuit ka? Diba hindi? Wag mo din akong pakielaman."

"Tss hindi daw. Eh sino yung nag-utos kay Zayne na lagyan ako ng malong kanina?"

"H-hindi ako yung nag-utos sakanya."

"Okay, salamat nalang sa nag-utos sa kanya, kung hindi ako nilagyan non baka tuluyan na akong nabastos ng mga lalaki don."

"A-ANO?! MAY NAMBASTOS SAYO?!"

Dumagungdong ang buong cottage dahil sa sigaw ni Jung.

"Kailangan sumigaw?!"

"Ibang usapan na yun Rhoui eh, binastos ka, sinong matutuwang boyfriend kapag nalaman na may nambastos sa girlfriend nila? Kaya ayaw kitang payagan magswimsuit eh, kasi alam kong mangyayari yan."

"Kayo ngang dalawa mag-usap kayo ng masinsinan sa labas. Wag niyo nang patagalin yan. Kung ayaw niyo, edi magbreak nalang kayo."

"Siyempre wag naman. Rhoui ayusin nga natin to."

"P-pero..."

"Rhoui Celine Dela Vega."

"S-sabi ko nga."

Natahimik kami nung umalis sila Rhoui.

"Kruu kruu..." Basag ni Jax.

"May gusto ba kayong sabihin? Kung wala aalis nalang ako dito, kasi pupuntahan ko yung kapatid ko."

"Ahm, may gusto akong sabihin sainyo tungkol kay hyung."

"Ano yun?" Bigla akong naging intirisado sa sinabi ni Phoenix.

"Mamaya na kayo mag-react ah. Ganito kasi yon..."





***

Tapos nang ikwento samin ni Phoenix yung tungkol sa ginawa ni Timothy.

"Pwede na kayong mag-react."

"Kyaaaa!!! So ngayong gabi na tatanungin ni Timothy yung kapatid ko?!"

"Sshh! Wag ka maingay noona, pero ganon na nga."

"Mga damoves talaga ni Lover boy."

Omygash! Ngayong gabi na tatanungin ni Timothy si sisteret! Gusto ko sana kausapin si Timothy para makapag-sorry ako. Kasi hinusgahan ko siya kaagad nang hindi ko pa nalalaman ang buong storya. I feel sorry for him.

"San ba gaganapin?"

"Diyan lang kabilang pool, buti nga na naniwala kayo na may nakarent na iba dun sa private pool eh."

"Ugok ka talaga! Napaniwala mo kami don ah."

"Sorry naman Ash!"

*toot toot*

May nag text!

"Wait nagtext na si hyung... Guysue punta na daw tayo don. Zac pakitext naman si Xhy na sumunod na don."

"Yeah sure."

"Ako nalang magtetext kila Kendrick na pumunta don." Prisinta ni Zeus.

"Salamat hyung."

This is it pancit!

Rhoui's Pov

"Rhoui? Alam kong naging mahigpit ako sayo this past few days, pero para din naman sayo yun eh."

"Alam ko naman po yun eh, niloloko lang naman kita don."

Tumawa ako "Sineryoso mo kasi eh, tas nagwalk-out ka pa."

"Sorry huh?"

"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagalit sakin eh, siguro tama lang na nabastos ako. Kasalanan ko din naman yon, hindi kasi ako nakinig sayo..."

Yumuko nalang ako.

Hinawakan niya ang mukha ko at inangat ito.

"Hindi mo kasalanan yon, kung tutuusin kasalanan ko pa nga yun eh. Boyfriend mo ako pero hindi kita naprotektahan sa nambastos sayo. Nagpadala ako dahil sa galit ko. Sorry talaga, dahil sakin kaya ka nabastos."

"Sshh wala kang kasalan, kasalanan ko ang lahat ng to. Ginusto ko na magbihis nang ganon. Hindi ko naman dapat talaga gagawin yun eh, tinuloy ko nalang kasi nainis ako sayo."

"Sorry wifey ko, hindi na ako magpapadala sa init ng ulo."

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I'm very sorry..."

"Oo na po."

Mas lalo pa niyang binaon yung ulo niya sa balikat ko.

Humiwalay na siya sakin at tinitigan niya ako sa mata.

"I'm sorry..." Hinalikan niya ako sa noo. "I love you..." Sa ilong. "I'm sorry..." Sa kaliwang pisngi. "I love you..." Sa kanang pisngi. "I'm sorry..." Sa baba. "I love you so much..." At ang huli ay sa labi...

Shoot namiss ko siya ng sobra-sobra!

*toot toot*

Inihiwalay niya ang labi niya sakin upang tingnan kung sino ang nag-text.

"Wifey nagtext sakin si Zeus, pumunta daw tayo sa private pool."

"Eh kung ganon ano pang hinihintay natin. Tara na."

"Wait... Last na to..."

Muli niya akong hinalikan sa labi.

"God! I miss you so much!"

Ngumiti ako sakanya. "Ako din po, oh ano pang hinihintay natin? Baka hinihintay na nila tayo."

"Pero... Last na ta--"

Agad ko na siyang hinalikan. Para manahimik na.

(A/E: Naging SPG na siya! Bawal sa mga bata!)

"Ayan tama na ah, quotang-quota ka na."

"Sige na nga po..."

Ngayon lang uli ako naging masaya ng ganito, sana hindi na matapos to...

------------------------
Sinubukan ko talagang pahabain yan para sainyo guysue! Next Epic na po mangyayari yung pinakahihintay na proposal ni Timothy kay Tam. Stay tuned~

Don't forget to Vote and Comment~ :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top