Epic 35

Phoenix Pov

Naalipungatan ako kasi medyo bumabagal na yung sinasakyan namin, siguro malapit-lapit na rin kami.

Ngayon ko lang napansin na nakasanday pala sa balikat ko si Kryptanne.

Lalo siyang gumaganda kapag natitigan mong mabuti yung mukha niya.

Nagkunwari akong tulog kasi biglang dumilat si Kryptanne. Muntikan na ako don ah.

Naramdaman ko na tumigil na yung sasakyan, so andito na kami.

"Guys andito na ata tayo." Sabi samin ni Kryptanne.

Nag-inat ako para kunwari kagigising ko lang.

"Andito na tayo?" Tanong ni Rhoui.

"Siguro? Ewan?"

"Oo guys andito na tayo. Natatanaw ko na yung malaking gate ng resort."

"Really?! Kung ganon halika na!" Tumayo at nauna na lumabas si Phyrone noona samin.

Hindi naman masydong halata na excited siya no?

"Aish. That woman." Bulong ni Jacen hyung.

"Jai mauna na kayo don. Kami na magdadala ng mga gamit."

Mukhang nagpapalakas si Timothy hyung kay Jai noona ah. Siguro ngayon niya na tatanungin si Tam.

"Sure ka Timothy ah."

"Oo, ako na bahala."

Nung nakalayo na si Jai noona samin siniko ko siya.

"Ngayon mo na ba tatanungin si Tam?"

"Sshh! Wag ka maingay! Baka may makarinig satin tas masira pa yung plano ko." Pabulong niyang sigaw.

"Mianhae. Tutulungan nalang kita, para makabawi-bawi ako sayo nang konti."

Biglang siyang nag-evil smile sakin.

O oh! Mukhang hindi maganda yung naisip kong pag-aalok ah!

"Sabi mo yan ah. Mamaya ko na sasabihin sayo, iisipin ko muna kung ano yung ipapagawa ko sayo." Kinuha na niya yung ibang gamit at umalis na.

"Yah hyung! Wag mahirap ah!"

Nag-okay sign lang siya sakin. Aish! That idiot hyung!

*after an hour*

Kanina pa namin gustong mag-swimming pero ayaw pa ni Zeus hyung. Masyado pa daw kasing tirik yung araw. Baka daw masunog yung balat namin.

Ang lame ng dahilan niya no? Kaya nga kami andito eh.

(A/E: So kaya kayo andiyan para mag-pasunog ng balat?)

Wag ka ngang epal otor! Shoo!~

So yun na nga, mukha kaming mga batang ayaw payagan ng nanay dito.

"Ahmm, Zeus-hyung, pwede na ba kaming mag-swimming?" Panimula ko.

"Hi—–." Hindi niya natuloy yung sinabi niya kasi biglang nagsalita si Jai noona.

"Hindi parin pwede? Grabe ka naman Zeus, tayo na nga lang ata yung taong hindi nagsi-swimming dito oh."

"Eh kasi n—."

"Ano? Tirik parin yung araw? Wala ka na bang ibang reason? Kaya nga tayo andito para magswimming, hindi tumambay na parang poste, tss."

"*sigh* sige na nga, concern lang naman ako sa mga balat niyo."

Biglang nagliwanag yung mga mata naming lahat.

Kanina para kaming mga nalugi, pero ngayon para kaming waging-wagi! Finally!

Ngumiti siya kay Zeus-hyung. "Talaga?! Dapat pala kanina ko pa ginawa yon para kanina ka pa pumayag! Haha nauto kita!" Tumakbo kaagad siya ng mabilis kasi alam niyang hahabulin siya ni hyung.

"Bwiset ka Jai! Nauto mo nanaman ako! Hindi na ako magpapauto sayo uli!"

Parang silang mag-asawa habang naghahabulan... Soon mangyayari din yon...

"Guys magpapalit lang kami ng damit ah. Mauna na kayo Phoenix."

"Sige!" Hinubad ko ang suot kong t-shirt at nauna na akong pumunta sa pool pero naalala ko si Kryptanne.

Lumingon ako kung saan pumunta si Kryptanne, andon lang siya sa isang tabi, tinitingnan yung mga taong naliligo...

Ayt, sabi ko pala sa kanya na tutulungan ko siyang mawala yung takot niya sa tubig.

Lumapit ako at tinawag ko siya. "Ash!!" Nanlaki ang mata niya at tumakbo palayo.

(A/E: Ikaw ba naman lapitan ng lalaking naka-topless hindi ka magugulat?)

Problema non?

"Kryptanne Ash! San ka pupunta?! Bakit mo ko tinatakbuhan?" Sigaw ko sakanya habang tumatakbo.

Sa pagkaka-alam ko wala akong nagawang masama sakanya.

"Lumayo ka sakin Phoenix... Magkakasala ako nito eh..." May huli siyang sinabi pero hindi ko narinig, masyadong mahina.

Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa naabutan ko siya. Hinarang ko siya at tinulak ng mahina banda don sa pader.

(A/E: Imagine that!!)

Tinitigan ko siya sa mata."May problema ba tayo Kryptanne?" Umiwas siya ng tingin sakin.

"W-wala. Wala tayong problema Phoenix, kaya lumayo ka na sakin."

"Hindi Ash, hindi ako naniniwala sayo, hindi ka naman magkakaganyan kung wala akong nagawang mali sayo diba? Kung nakita mo kong nakatitig sayo kanina, wala lang yon, sobrang nagagandahan lang ako sayo."

Tumingin siya sakin na kunot ang noo. "Huh? Tinititigan mo ko kanina?" Mwo?! So hindi yun yung dahilan?!

"Ah-Eh, kung hindi yon eh a-ano yung dahilan?" Ramdam na ramdam ko yung pagkakapahiya ko. Damn you Phoenix! Nasabi mo pa tuloy nang wala sa oras! Aish!

"Tss, ikaw ba naman habulin ng lalaking naka-topless hindi ka ba magugulat?"

(A/E: Malamang hindi siya magugulat kasi lalaki siya, edi nagmukha naman siyang bakla kung may nanghabol sakanya ganon. Duh! ^_~)

Napatingin bigla ako sa katawan ko. Shit! Nakalimutan kong hinubad ko pala yung shirt ko kanina.

"Hehe mianhae, na-nakalimutan ko kasi eh." Sana makalimutan niya yung sinabi ko... Sobrang nakakahiya kasi.

Nag-smirk siya sakin. "Alam kong nililigaw mo ako sa topic kanina Phoenix. Kaya wag ako ha?"

Ngumiti ako sakanya ng pilit. "Wala lang yon, nagjojoke lang ako kanina."

"Utot mo. Sabihin mo nga sakin yung totoo. Ano ba talaga?" Biglang sumeryoso yung mukha niya. Kailangan ko ba sabihin sakanya?

Ibubuka ko na sana yung bibig ko para sabihin sakanya yung totoo nang may biglang nagsalita sa likod namin.

"Hoy kayong dalawa! Anong ginagawa niyo jan?! At bakit ganyan ang posisyon niyo?" Nanlaki yung mata naming dalawa ni Ash. Aish! Puro kahihiyan nalang ba ang mangyayari sa araw ko ngayon?

"Sige mag-swimming na kayo. Dun nalang ako sa cottage natin. Enjoy kayo!" Pag-iwas niya, mas mabuting siya nalang yung umiwas kasi kung ako hindi ko alam yung gagawin ko.

*After an hour*

Medyo nawala na yung awkward sa pagitan namin ni Ash, buti nalang hindi niya masyadong dinibdib yon.

Tsaka ilang beses ko na siyang pinipilit na maligo pero ayaw parin niya, pano mawawala yung takot niya niyan?

Ano bang magandang gawin para mapilit ko siya?

*Ting* Tama! Yun yung gagawin ko! Hindi ko man siya mapilit sa salita pero kaya ko siyang mapilit sa gawa kahit ayaw pa niya *smirk*

Dali-dali akong pumunta kung saan siya nakapwesto, at humanap din ako ng tiyempo.

"Hi Ash!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Problema mo? Gusto mo pera? Wala ako non." Aba't tinalikuran lang ako. Gusto mo talagang gawin ko sayo yung naisip ko ah. Humanda ka ngayon Kryptanne Ash...

Buti nalang medyo malapit yung cottage namin sa pool. Mas madali kong magagawa.

1...2...3...!

Binuhat ko kaagad siya ng pa-bridal-style at tumakbo kaagad malapit sa pool.

"Puta Phoenix san mo ko dadalhin?! Magkakalimutan talaga tayo dito! T*ngina mo Jeon! Bitawan mo--- Aackk!"

Tumalon agad ako sa pool, siyempre kasama si Ash don.

"Phoenix!! Ayoko dito! Please iahon mo ko dito..." Sobrang kapit na kapit siya sakin yung tipong kaya nang mapunit yung balat mo sa sobrang higpit.

"Phoenix please... Nagmamakaawa ako sayo." Medyo naawa ako bigla sakanya, sa sobrang takot niya naiyak na siya. Ganon ba siya katakot sa pool?

"Please Pho---." Hindi ko na siya pinatuloy magsalita kasi niyakap ko kaagad siya.

"Sorry Ash, I'm very sorry." Hindi parin ako bumibitaw sa yakap kasi nafifeel ko paghikbi at pag-iyak niya. Takot na takot talaga siya...

"Sorry talaga Ash."

"I-iahon m-mo nalang a-ako dito. Please.." G*go ka talaga Phoenix! Pinaiyak mo yung babaeng pinaka-importante sa buhay mo...

Pano pag nawala siya sayo? May magagawa ka pa ba? Damn!

————————————————————————
FINALLY! After 1357924680 nakapag-update din! Masyado bang mabagal yung flow ng story? Kung masydong mabagal gagawan ko nalang ng paraan.  Yung tipong isang Epic nalang tapos na agad? Siyempre joke lang yon. Madami pa kayong kailangan subaybayan sa istoryang ito. At siyempre hindi mabubuo ang isang istorya kapag walang problema/kontrabida. Mas lalo niyo kailangan subaybayan dahil papasok na sila isa-isa...

Stay tuned~

(A/E: Yow rhouiceline_02, sa next Epic nalang yung request mo. Hintayin mo nalang.)

Don't forget to Vote and Comment~ :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top