Epic 34
Sorry kung Lame. Mianhae~
~~~~~~~~~~~~~
Xhy's Pov
Ngayong araw na yung bakasyon namin, naeexcite na nga ako pumunta sa resort nila Phoenix! Handang-handa na nga kami sa lahat ng kailangan eh, sila nalang yung hinihintay namin para makaalis na. Siyempre nagdala parin ako ng swimsuit kahit na pinagbawalan na ako ni Zac. Pero hindi naman yung masyadong bulgar, yung hindi tipong sana hindi ka nalang nagswim-suit, yung hindi masyadong kita yung katawan. Gets niyo ba?
"Antagal naman nila dumating. Nababagot na ako dito eh, gusto ko nang makafeel ng life and fresh air."
"Wag ka nga munang magtatalak diyan Phyrone kay aga-aga." Siguro hanggang ngayon LQ parin sila ni Jung kaya badtrip parin siya. Sobrang protective pala si Kendrick sa ganong bagay noh, protective din naman si Zac sakin pero hindi sa pinapaiinit yung ulo way, sadyang makulit lang talaga ako kaya siya nagagalit. Ayaw lang talaga nila na may mambastos sa taong mahal nila...
Anebeyen kinikileg ake!! Landi eh no.
*beep beep*
Kyaaaa andiyan na sila!! Kumaripas agad ako ng takbo sa pinto para buksan ito.
Pagbukas ko ng pinto pisngi agad ni Jax ang nakita ko. "Knock knock! Knock knock! Antagal naman buksan ng pinto mga hyung, baka tulog pa yung mga yon."
"T*ngina mo Vienick Jax! Tumingin ka nga! Noo ko na yang kinakatok mo!" Hindi kasi nakatingin ang gago. Nakita ko naman na pinipigilan ni Zac na matawa. Ang bait niyang boyfriend noh?
Tiningnan ko naman siya ng tatawa-ka-o-makikipagbreak-ako-sayo-look. Sumeryoso naman ang gago.
"Pfftt~"
Halata na pinipigilan nang mga ugok yung tawa nila.
"Sorry na agad Xhy. Pero impyernes hindi ko naramdaman na noo mo na pala yung kinakatok ko."
"Tanginamo sagad." With matching pakyu pa.
"Wag niyo nang pigilan, baka mautot pa kayo at magkaron ng polluted air dito."
"BWAHAHAHAHAHA!!"
"Sshh wag nga kayo tumawa! Napahiya na nga yung babe ko tapos pinagtatawanan niyo pa. Tumigil na nga kayo." Saway sa kanila ni Zac. Marunong pala siyang makuha sa tingin eh.
"Pfft~ Ehem, Xhy pakitawag na nga sila, pfft~ kailan na natin umalis para hindi tayo abutan ng traffic."
"Tapos biglang ganon? Tss, Tam lika na daw! Maaabutan daw tayo ng traffic!"
Pumasok siya sa loob para matawag na yung iba.
Lumapit naman sakin si Zac para suyuin ako.
Hinawakan niya yung pisngi ko "Babe wag ka nang magalit sakin. Hindi ko naman sinasadya eh. Forgive me."
"Hmp. Nakakainis ka naman eh! Alam mong hindi kita matitiis kapag nilalambing mo ako." Inirapan ko nalang siya. Kahit sa ganyang paraan lang siya magsorry napapatawad ko na kaagad siya, patunay lang na sobrang mahal ko na ang lalaking to...
"So Im forgiven? Im very sorry babe."
"Sige na nga! Sorry din kasi ambilis kong magalit sayo."
"It's okay babe. I love you." Hinalikan niya ako sa
NOO.
Sa noo lang, wag kayong ano.
"Oi, tama na nga yan! Nilalanggam na kami dito!" sagot ni Kendrick na nag papagpag kunwari ng langgam.
"Psh, talaga ba? Hindi kami inform na nilalanggam din kami, diba guys?" Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi ni Phyrone.
"Putangina niyo guys. Suportahan niyo naman ako!"
"Oo na nilalanggam ka na, pwede ka na bang manahimik? Aabutin na tayo ng traffic." Iritadong sagot ni Timothy.
"Paepal ka naman eh! Porket hindi ka pa sinsagot ni Tam." Namula naman si Tam dahil sa sinabi ni Kendrick. Mahal naman niya si Timothy eh, hinihintay niya lang na tanungin siya...
Ininterwined niya ang kamay namin. "Let's go babe."
Napatunayan ko na sa sarili na ang gangster/badboy ay matindi palang magmahal...
Timothy's Pov
Pagkalabas na labas nila sa bahay nila hinanap kaagad ng mata ko si Tam. She's so beautiful...
Kinuha ko kaagad yung mga dala niyang bag, hindi sakanya bagay ang pinahihirapan...
"Tam ako na magdadala niyan, ako na rin maglalagay sa sasakyan. Mauna ka na sa kotse."
"Eh? Kaya ko naman eh, ako na maglalagay don."
"Hindi. Ako na." Maotoridad kong sabi sa kanya.
"Timothy." Maotoridad din niyang sabi.
"Tam. Responsibilidad ko to bilang future-husband mo. Hayaan mo na ako dito." Namula naman siya dahil sa sinabi ko.
"S-sige na nga. Ampilit mo eh."
***
Habang nasa biyahe kami walang oras na natahimik. Pano ba naman nag-aasaran sila. Lalo na sina Jax and Zayne, grabe yung bangayan nila!
"Ikaw nga parang lalaki eh, bagay nga ata sayo na may bigote tsaka balbas eh!" Katulad lang niyan.
"May patunay kang bagay sakin na may balbas tsaka bigote? Wala diba?! Ikaw nga bakla eh, bagay sayo yung nakasuot ka ng bug!! Eh ako may patunay! Eto oh!!" Nilabas ni Zayne ang phone niya at may pinakita siyang picture samin.
"Ya! San mo nakuha yang picture na yan?! Patay iniistalk mo pala ako ah."
"Hindi kita iniistalk no. Nakita ko lang yan. Siyempre kinuha ko na para may pang-asar ako sayo."
"Basta mukha ka paring lalaki! Flat screen!" Pfftt~
"Anong sabi mong bakla ka?! Hindi ako flat screen no!"
"Psh, di daw. Kitang-kita kaya."
"So tinitingnan mo kaya alam mo?!" Huli ka boy!
"Shet! Maghunus-dili ka nga sa mga sinasabi mo. Bakit ko naman yan titingnan? Wala naman akong mapapala sa f-flat mong ano!"
"Wala Jax, wag ka na magpalusot, huling-huli ka na eh."
"May kabastusan ka din palang anyo."
"Hindi ako bastos, si Zac ang bastos."
Bumitaw naman si Zac sa pag-kakayakap niya kay Xhy. "Bakit nasali ako diyan? Nanahimik ako dito ah." Yumapos uli siya kay Xhy.
Parang linta to si pandak, grabe makayapos, akala mo mawawala si Xhy. Sayong-sayo na po siya!
"Alam mo para kang tarsier diyan Zac, walang aagaw sayo." Pagbibiro ni Tam
What a coincidence. Parehas pa kami ng iniisip ng taong mahal ko...
Tinitigan ko lang siya habang tumatawa siya..
Sa ganyang paraan niya ako napahulog, sa simpleng pagtawa niya lang lalo pa akong nahuhulog...
"Ehem baka ehem matunaw yan." Lumingon saakin si Tam.
Nagkatitigan ang aming mga mata...
"B-bakit?" Ako na ang unang bumitaw sa titig kasi baka mailang siya sakin.
"W-wala Tam. Akala ko kasi may dumi ka sa mukha."
Nagkibit-balikat nalang siya.
Bahagya kaming natahimik.
"Kru kru kru." Basag sa katahimikan ni Phoenix.
"*yawn* inaantok na ako!"
"Ako din."
"Tam sumandal ka nalang sa balikat ko para hindi ka mangawit." Ayoko pa naman na nahihirapan siya. Mas okay nang ako na ang mahirapan, wag lang siya...
"Huh? Hindi na, hindi ako mangangawit. Promise."
"*sigh* sige na nga, sandal ka nalang kapag nangawit ka ah. Wag kang mahihiya."
"Sige, salamat."
*After 1 hour* (A/E: Antagal ng biyahe no?)
Lahat sila nakatulog na, siyempre maliban sakin. Alangan naman na magkwento ako sainyo ng tulog, muntanga naman yon.
Sari-saring tunog yung naririnig ko, mga busina, pero mas nangingibabaw talaga yung mga hilik nila eh.
Si Zac pacute yung tunog, si Zeus parang naipit, si Kendrick parang kay spongebob, kay Jacen lalakas-hihina, kay Phoenix hangin lang (Meron ba non?) pero mas maangas parin yung kay Jax, nakakatakot eh, parang monster na gustong mangain. Basta ang creepy! Inshort ang sasakit sa tenga ng mga hilik nila. (Nagsalita!)
Hindi katulad nung kay Tam, ang gandang pakinggan sa tenga, parang isang musika... (A/E: Lahat nalang)
Ilang minuto lang ang nakalipas, napansin ko na pagewang-gewang na yung ulo ni Tam.
*tug*
"Aish." Nauntog na tuloy. Parang wala lang naman sakanya. Manhid amp.
Kinuha ko na kaagad yung ulo niya para hindi na uli siya mauntog.
"Ang kulit mo kasi eh, ayan tuloy nauntog ka." Dahan-dahan kong inilagay ang ulo niya sa balikat ko.
Habang nakasandal siya, hindi ko maalis ang mga mata ko sakanya.
Sana parehas tayo ng nararamdaman, sana mahal mo din ako...
"Mamaya Tam ikaw na ang magiging pinakamasayang babae ngayong araw. Kasi tatanungin na kita, at magiging akin ka na..."
Siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko kayang mawala pa siya sa tabi ko...
To be continued...
--------------------------
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top