Epic 33

Kryptanne's Pov

Nagce-celebrate kami ngayon dahil sa pagkapanalo ng Team. Kami-kami lang din naman yung mga magkakasama, wala namang bago don.

"Guysue, bakasyon na this week. Anong plano?" Oo nga pala! Gusto ko nang magbakasyon!

"Buti nalang pinaalala mo yung tungkol don hyung. Tamang-tama pwede tayo don sa private resort namin." Pag-aalok ni Phoenix.

"Yon! Nice Maknae! Pwede ba kayo sumama Rhoui?" Tanong sakanya ni Zeus.

Tiningnan niya kami isa-isa.

"Saakin okay lang, ewan ko lang sa kanila."

"Saakin okay lang." Sabay-sabay nilang sabi maliban sakin.

"Hindi ka ba sasama Ash?" Tanong saakin ni Phoenix.

Ang hilig niya akong tawaging Ash. Bakit kaya?

(A/E: Guys diba sinabi ni Phoenix na gusto niya yung name na Ash. Nasa Epic 12 po yon.)

"Gusto ko... pero..."

"Gusto mo naman pala eh, eh pero ano?"

"Kasi... kasi takot ako sa lugar na may dagat o pool, ganon."

"Tss yun lang pala. Ganito nalang, tutulungan kitang mawala yung feqr mo."

"Pero —–" Hindi natuloy yubg sasabihin ko kasi pinutol kaagad niya. Ang bastos talaga nito!

"Walang pero-pero. Sasama ka sa ayaw o sa ayaw mo. At ako ang masusunod."

Binatukan ko nga siya.

"Arayyy!" Daing niya.

"Ano bang sinasabi mo?! Hindi pa kasi ako tapos magsalita eh. Pinapangunahan mo kasi kaagad ako."

"Eh? A-ano ba kasi yung sasabihin mo?"

"Wala kasi kaming pangbayad don. Alam mo na, hindi kami mga richkid." Poorkid kasi kami.

"Pfftt~ yon ba yung pinagkakaila mo, libre na kayo don. Kami naman may-ari non tsaka malakas ka kaya sakin *wink*"

"Tch wag ka nga, wala akong piso brad."

"Psh, hindi ko kailan nang piso brad, kasi ikaw yung kailangan ko *wink*"

Hahampasin ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Biro lang! Pero hindi ka ba kinilig kahit konti?"

"Kikiligin? Pwe! Bakit naman ako kikiligin?"

"Sabi ko nga. So ano na, kailan tayo pupunta don? Para makapagpa-reserve na ako ng rooms." Pagcha-change topic niya. Pahiya si g*go!

Lahat kami tumingin kay Zeus tsaka kay Rhoui. Sila kasi yung nakakatanda samin eh.

"Okay okay, mga monday siguro. Okay lang ba sainyo yon? Kung hindi pwede naman natin imove."

"Hindi na, okay na yon. Para makapag-ready pa kami." Nag-evil smile si Rhoui kay Kendrick. Haha alam ko yung iniisip niya!

Tumingin sakanya si Kendrick ng sobra sama yung tipong pwede ka nang mamatay dahil sa tingin.

"Nako Rhoui Celine, wag mong susubukan gawin yang nasa isip moMalilintikan ka talaga sakin! Wag mo akong susubukan." Lah nagwalk-out si Kuya.

Sumunod naman si Rhoui sakanya. "Uy joke lang yon hubby! Ito naman hindi mabiro!" LQ ang putek!

"Ikaw din Xhy ah, wag na wag kang magsi-swimsuit don."

Inirapan ni Xhy si Zac.

"Anong gusto mo? Magjacket ako don?"

"Pwede din para walang makakita sa katawan mo. Ako lang kasi ang may karapatan makakita ng katawan mo *smirk*"

Nanlaki bigla yung mata ni Xhy dahil sa sinabi ni Zac. Awkward! SPG amp.

"Alam mo ang bastos mo talaga eh no. Hindi ko nga alam kung bakit kita sinagot." Biglang tumayo si Xhy sa kinauupuan niya. Drama lang ang peg nila.

Lumapit si Zac at niyakap siya sa likod.

"Babe kaya ko sinabi sayo yon kasi ayokong may mambabastos sayo. Kapag nangyari yon baka mapatay ko yon kung sino man siya."

"Hala ka! Hindi ko na nga itutuloy, makapatay ka pa ng wala sa oras baka makulong ka, ayokong mawala ka sa tabi ko." Humarap siya para mayakap si Zac pabalik.

"Kaya wag kang gagawa ng ikagagalit ko kung ayaw mong mawala ako sayo."

"And cut! Bravo!!" Pagbibiro ni Tam.

"Ang sweet nila..."

"Sweet ba sila brad?"

"AY SWEET! Putek ka naman Phoenix eh, aatakihin ako sa puso dahil sayo."

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako, tas binaon niya pa yung ulo niya sa balikat ko.

"Sorry na brad. Ayan sweet narin tayo, baka nilalanggam na yung mga ampalaya ngayon."

"Dami mong dama brad. Umalis ka na nga sa balikat ko." Hanggang ngayon nakayakap parin siya sakin. Nawiwili ah.

"Ehem may tao pa po dito." Pagpaparinig samin ni Jai.

Tae ayaw parin niyang umalis. Nakakahiya sa kanila!

"Shet nilalanggam na ako! Ang sakit ng mga kagat." Sabi ni Phyrone.

"Hintay ka lang Ash. I love you." May huling sinabi saakin si Phoenix pero hindi narinig. Masyadong mahina.

"Sabi ko sayo Ash pati ampalaya lalanggamin sa sobrang sweet natin eh. Tingnan mo si Phyrone noona sa sobrang bitter nilalanggam na."

Bigla namang hinabol ni Phyrone si Phoenix.

"G*go ka talagang bata ka eh!! May araw ka rin sakin!" Ang cute nilang tingnan parang sila mag-inang naghahabulan.

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik ni Jax. Napapansin niyo din ba?

Ganon din si Zayne, kung magsasalita siya ang konti lang. May problema ba silang dalawa?

Lumapit ako kung saan siya nakaupo.

Alam kong may problema siyang dinadala. Nakikita ko yun sa mukha at mga mata niya. Malalaman mo naman kaagad kapag may problema siya eh, pag nakikita mo siyang maaliwalas yung mukha, maingay tsaka kapag nakita mo siyang may bumabagabag sa loob niya.

Pagkalapit ko sakanya tinanong ko na kaagad kung may problema siya. "Ah Kryptanne wala, wala akong problema." Tumingin siya sa ibang direksyon. Isa lang lang ibig-sabihin niyan, nagsisinungaling siya.

"Liar. Kilala kita Zayne Athene. Sabihin mo nga sakin, ano yung bumabagabag sa loob mo."

"Sa labas na natin pag-usapan. Baka may ibang makarinig."

Pagkatapos niyang sabihin yon nagpaalam kaagad ako sa kanila na lalabas lang kami.

Pagkalabas na pagkalabas palang namin tinadtad ko na siya ng tanong.

"May problema ka ba? Malamang kaya ka nga nagkakaganyan eh."

"May nanakit ba sayo?"

"May pinagdadaanan ka ba sa pamilya niyo?"

"May malalang sakit ka ba?"

"May ——"

"Sandali nga Ash! Ang OA mo naman eh. Unang-una wala akong malalang sakit. Pangalawa wala kaming problema sa pamilya."

"Eh ano naman yung pangalawa kong tanong kasi yung una nasagot ko na. Don't tell me may nanakit sayo!"

"Ganito kasi yon, hindi ko naman masabi na sinaktan niya talaga ako, sinabi niya lang yung nakikita niya kung ano ako sakanya."

"At sino naman yung tarantadong nagsabi sayo non?! Ano ba yung mga sinabi niya?"

"Ganito kasi yung sabi niya. Ehem, Nagpapatawa ka ba Fire? Eh mas lalaki pa nga kumilos sakin yan eh. Tsaka ang amazona niya kaya, h-hindi ko type yung mga ganon!" Putek ginaya pa niya yung boses. Ow parang alam ko yung may ganong boses ah!! Aha! Tama nga yung hinala ko na may problema silang dalawa!

"Sinabi yon ni Jax!! Eh walang hiya pala siya eh!"

"Easy ka lang tsaka pano mo nalaman na si Jax yung nagsabi non?"

"Hehe hinulaan ko lang, wag mo nang bawiin, so si Jax talaga yung nagsabi non?"

"*sigh* oo si Jax nga..."

"Bakit ka nasasaktan ng ganyan? Mahal mo ba siya?"

Napatingin naman siya sakin pero bigla siyang yumuko.

"Siguro... Baka... Pwede... Hindi ko alam Kryptanne. Basta yung sinabi niya yon nasaktan talaga ako ng sobra. Parang sinabi niya narin na hindi ako yung babaeng deserving sakanya." Nalulungkot ako sa kalagayan ni Zayne ngayon.

"Siguro may dahilan siya kaya sinabi niya yon."

"Hindi ko alam, naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano yung dapat kong isipin."

"Ano nang plano mo?"

"Sinisubukan ko siyang kalimutan pero ang hirap eh, ang hirap kalimutan yung taong bumubuo ng araw mo at nagpapasaya sayo..." Tumingin ako sakanya ng naguguluhan.

"Huh? Bakit kailangan mo pa siyang kalimutan? Hindi ba pwedeng mahalin mo nalang siya ng palihim?"

Natawa siya. "Hindi ako martyr
para gawin yon. Kung hindi niya ako gusto, edi hindi. Hindi ko kailan ipagsiksikan yung sarili ko sa taong hindi naman deserving. Alam kong may darating na deserving para sa pagmamahal ko." Nagkibit balikat nalang ako. Wala naman akong magagawa, desisyon niya yan.

"Sabi mo eh. Basta kapag kailan mo ng masasandalan andito lagi ako/kami para damayan ka."

"Salamat Kryptanne... Sorry, sorry din kasi hindi ko sinasabi sainyo yung problema ko. Actually wala naman talaga akong balak na sabihin sainyo to eh. Akala ko kasi madali lang yung proseso ng pagmomove-on. Sobrang hirap pala."

"May balak ka na ba sabihin sa kanila? Alam kong maiintindihan nila yung sitwasyon mo. Kaya nga pamilya tayo diba?"

"Bigyan mo muna ako ng araw para makapag-isip tungkol diyan. Salamat uli sa pag-iintindi Kryptanne."

"Wala yon! Just call my name and I'll be there. Sana maayos niyo pa yang problema niyo."

Natawa na naman siya. "Imposible na siguro yon. Tara na nga, pasok na tayo baka nagtataka na sila kung bakit antagal natin."

Sana maayos pa nila kung anong meron sila ni Jax. Mahal naman niya si Jax eh, ayaw niya lang sabihin kasi ayaw niya nang masaktan. Kanina pa niya pinipigilan yung luhang nagbabadyang pumatak sa mata niya, ayaw niyang ipakita yon dahil gusto niya ipakita sakin na malakas siya, na hindi siya magpapatalo sa nararamdaman niya.

Alam kong gagawa ng paraan si Tadhana para sa problema nila. Hindi nga lang ngayon...

———————————————————————
Tada!! Dahil birthday ni Namjoon ko, nag-update ako! Echos lang yung hindi ko itutuloy no. Kaya nga ako Author na Epal eh, kung ano-anong ginagawa sa buhay.

So Happy Birthday sa pangatlo kong asawa! Sana umuwi ka na dito, miss na miss na kita! Charr~ Wag mong kalimutan na mahal na mahal ka namin :*

Pls. Vote and Comment ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top