Epic 32
Jai's Pov
3rd quarter na pero hindi parin naglalaro si Jacen, siya nalang yung pag-asa para manalo, hindi ko naman sinasabi na wala akong tiwala kila Zeus pero sobrang na sila parang nawawalang na sila ng gana maglaro. Dapat siyang nangunguna dahil siya ang Captain.
"Rhoui sa tingin mo ba masakit lang ba talaga yung paa ni Jacen kaya hindi pa siya naglalaro?"
"Sa tingin ko hindi, sa tingin ko may hinihintay siya." Nagkatinginan kami bigla ni Zayne dahil sa sinabi ni Rhoui. So hindi pa siya naglalaro dahil hinihintay pa niyang icheer siya n——
"T*ngina ka Jacen!! Ano hindi ka maglalaro?! Hahayaan mo bang matalo yung school natin dahil sayo?! Ano sagot!! Kapag natalo yung school natin hindi na kita papansinin!!" Lahat ng tao ay natahimik at napanganga dahil sa sinabi ay mali sinigaw ni Phyrone. Pati nga kami napanganga dahil hindi namin iniexpect na gagawin niya yon. I mean siya kasi ang naisip namin kaya hanggang ngayon hindi parin naglalaro si Jacen.
"Ano bakit kayo natahimik? May mali ba akong nasabi? Ikaw Jacen maglalaro ka ba o hindi? Kung hindi mag——"
Biglang tumayo si Jacen. "Ehem maglalaro na pala ako coach, hindi na masakit yung paa ko." 1... 2... 3 !!!
"Kyaaaaa!! Maglalaro na si Captain!!"
"Go Jacen!! Athenians for the win!!" Lahat ng tao ay napapalakpak at muling nabuhayan dahil maglalaro na si Jacen.
"P*tangina mo labanos! Maglalaro ka din pala, hinintay mo pa akong murahin ka! Dapat pala kanina pa kita minura!! Bwiset tong g*gong to!" Nginisian nalang siya ni Jacen bago siya sumalang sa laro!!
Nagsimula na ang 3rd quarter at sa amin yung bola. Halata mong pinagpupursigehan talaga nilang makascore. Seryosong-seryoso si Jacen maglaro.
Pinasa ni Jax ang bola kay Phoenix pero hindi siya kaagad makashoot kasi sobrang magbantay yubg kalaban, sumenyas si Jacen na ipasa sakanya ang bola. Ipinasa naman kaagad ni Phoenix yung bola kay Jacen, tumakbo si Jacen banda sa 3 pts. spot at ishinoot ang bola!! *cross finger*
"Kyaaaa! Go Jacen!" Nashoot niya!!
"3pts. for Athens!"
"Phyrone simula palang yan, hintay ka lang." Asar ni Rhoui.
"Whatever." Favorite line bes?
So yon na nga ituloy na natin yung tungkol sa laban, syempre nasa amin na naman yung bola. Hindi nga ata nila binibigyan ng chance na makascore yung Romanian. Pag magtatangkang umiscore mabubutata o kaya mabibitawan nila yung bola. Grabe silang magbantay, parang ayaw na nilang patirahin yung kalaban.
Sa totoo lang malapit na nila mahabol yung score, hindi na nga umuunlad yung score nila nung pumasok na si Jacen! Nakakaexcite!
***
4th quarter na mga bes!! At guest what?! Lamang na kami! Wohoo!
Sobrang dikit na ng laban, medyo nahahabol din ng kalaban yung score pero hindi naman umaabot sa all.
Nagkakagulo na yung mga tao dito sa gym, kasi ang ganda ng laban. Pero alam naman namin na kami parin yung mananalo! (A/E: Wag kang masyadong makampante Jai.)
Ewan ko sayo Author na epal! Kami naman talaga mananalo. (A/E: Ikaw nagsusulat? Hindi diba? So kaya kong ipatalo yung school niyo!) Hala ka! Author, wag mo naman ipatalo yung school namin *puppy eyes* ikaw na ang pinaka-magandang asawa nina Jungkook, V and Rap Mon. Kaya wag mo nang ipatalo huh? (Hintayin niyo muuto ko si Author.) (A/E: Hmp. Sige na nga! Basta walang nang bawian yung sinabi mo ah?) Sabi ko sainyo eh, mauuto ko si Author, hehe.
Back to reality na tayo. Kami nila Zayne dito nagkakasakitan na kasi kanina pa kami naghahampasan, pero mas kawawa ako kasi ang bigat ng kamay niya!
"Kaya mo yan Timothy! Parang globe, go lang ng go!" Sabi ni lil sis.
"Go Hubby ko! Kapag natalo tayo wala kang kiss sakin!"
"AYYIIEE!" Sumigaw naman yung crowd dahil sa sinabi ni Rhoui, tapos biglang nagulat si Kendrick dun sa wala daw siyang kiss, biglang nagseryoso eh.
Eto naman kasing si Zeus lampa, bangko ang p*ta! Hindi man lang napakinabangan, water boy nga lang ata siya dun sa lugar nila. Ang sama eh no? Sshh lang kayo ah.
"Woah!! Hala anong nangyari?!" Bumalik ako sa realidad ng may sumigaw.
Dumudugo yung labi ni Jacen! Anong nangyari?!
"Xhy anong nangyari? Bakit dumudugo yung labi ni Jacen?"
"Tangna ng kalaban eh! Siniko! Halatang-halata kaya! Tapos hindi pa tinawagan ng foul." Madaya!
"Hoy foul yun ah! Bakit hindi mo tinawagan?! Bayad ka ba?! Nagtrabaho ka pa ng referee kung hindi ka naman marunong! Kadayaan yun eh!"
"Phyrone tumigil ka na, wag ka na mag-iskandalo, andaming tao oh."
"Hindi! Madaya yon eh, pinaglalaban ko naman yung totoo eh. Lahat tayo dito nakita yung nangyari." Maliban sakin hehe.
"Oo nga! Nakita din namin yon!" Lahat na ng tao nagsabi na nakita nilang lahat yung nangyari. Dahil don medyo natagalan bago ituloy yung laro. Pinalitan muna yung referee na madaya, buti nalang marunong mag-referee yung teacher namin sa P.E .
Sumenyas si Jacen na okay na siya kaya sinimulan na uli yung laro. Minutes nalang naman yung natitirang oras kaya pachill-chill nalang sila.
"Go labanos! Go gilagid!" Napalitingin ako kay Phyrone na sobrang mag-cheer kay Jacen. Si Phyrone na mataas yung pride chinicheer si Jacen?
Halos lahat kaming magkakaibigan nakatingin kay Phyrone. Awkward!
"Hehe, G-go labanos."
"Nice Marquez! Nahihiya ka pa kasing icheer si Jacen eh." Kantyaw ni Kryptanne.
Inirapan niya nalang kami. "Push mo yan gilagid!" Sakto yung sigaw ni Phyone kasi patira palang si Jacen kaya tinuro niya si Phyrone na ang ibig sabihin ay para sakanya yun.
Lumaki naman yung mata ni Phyrone kasi nashoot yung bola.
"Ayyyieee!" Kantyaw ng mga tao.
*Buzzer*
Putek last shot na pala yon, hindi namin namalayan yung oras.
Lahat kami ay nagbubunyi kasi nanalo nanaman yung school namin, himala nalang magpapatalo samin.
"Ang galing mo naman babe!" Salubong ni Xhy kay Zac.
"Congrats Phoenix." Pabebe pa to si Kryptanne.
Finorm ni Phoenix yung kamay niya na parang hug, siyempre ako si sabog kaya tinulak ko si Kryptanne sakanya.
Hindi maexplain yung itsura niya para siyang nandidiri na ano. Arte ni beshtie! Ang daming nagkakadarapang mapababae man o mapalalaki diyan kay Phoenix. Kung ako yan hindi ko na yan bibitawan. Char~
"Bitaw na Phoenix, punong-puno na ako ng pawis mo." Haha halatang diring-diri siya.
Inamoy naman ni Phoenix yung sarili niya. "Hindi naman ako mabaho ah, amuyin mo pa yung kili-kili ko." Dinikit naman ni Phoenix yung kili-kili niya sa mukha ni Kryptanne. Putek subsob sa kili-kili!
"Ambaboy mo naman Jeon! Kahit hindi mabaho yan, pawis ka parin."
Tinusok-tusok niya si Kryptanne. "So hindi nga ako mabaho, galing na sayo yan." Haha inirapan lang siya ni Kryptanne.
Nakakainggit sila...
"Rhoui yung kiss ko? Ginalingan ko naman tapos nanalo pa kami pano ba yan?" Lumaki naman yung mata niya kasi hindi niya alam na seseryosohin pala yon ni Kendrick.
"Hehe j-joke lang yon h—– *tsup*" 1...2...3...4...5...6!! 6 sec katagal yung kiss nila!
"KENDICK!!" Parang naman sasabog na sa sobrang kahihiyaan si Rhoui dahil sa nangyari.
Tumakbo naman kaagad si Kendrick sa malayo kasi alam niyang hahabulun siya ni Rhoui.
"Eeww, bakit sa harap pa ng mga bata Jung?!" Sigaw ni Zeus sakanya.
Nakakainggit talaga sila... sana may magmahal din sakin ng ganyan...
———————————————————
Sorry late update.
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top