Epic 3
Clarkendrick's Pov
Antagal naman! Dapat pala ako nalang yung sumama kay Timothy. Parang alam ko na yung dahilan kung bakit napakatagal nila. Ayan na pala sila e. As expected napakarami nilang dalang pagkain. Parang may fiesta sa dami e.
"Ba't antagal niyo?" Nagtanong pa. Obvious naman. Di ko alam kung nagtatanga-tangahan o sadyang tanga talaga to si Zac.
"Tanong niyo tong kasama ko." Mukang badtrip na siya.
"Hehe." Aba't nagawa pang tumawa tong alien na'to.
(A/N:Alam ko naman po o natin na ayaw na ni V na tinatawag siyang alien. Pang-asar lang po sa kanya yon.Kaya peace po tayong lahat.)
Nagsimula na kaming kumain ng bigla kaming tanungin ni Timothy kung nakakita daw ba kami kahit isa sa mga bumugbog samin. Sabi naman namin wala kaming nakita kahit isa. Basta sabi nalang niya samin na wag kami susuko hanggang hindi pa namin sila nakikita. Um-oo nalang kaming lahat.
(After 20 minutes)
Tapos na kami lahat kumain pero itong isip bata na'to hindi padin. Parang konti nalang aamagin na kami dito sa tagal niya.
"Jax hindi ka pa ba tapos kumain?"
"Hindi pa.*Nom nom nom*" Napasapo nalang ako sa noo ko sa sagot niya. Halos kami na nga lang yata yung estudyante dito sa canteen.
"Ryu." Pasweet niya pang sabi. May hihingiin yan kaya ganyan.
"Oh? Ah, sige sayo na." Walang kabuhay buhay niyang sagot. Ngiting tagumpay naman tong si Jax pagkatapos ibigay sa kanya yung natirang pagkain ni Phoenix. Di pa ba siya mabusog-busog sa dami niyang nakain?
*After 8 minutes*
"Tapos na!" Mukhang sinadya niya yung pagtapos niyang kumain kasi 2 minutes nalang time na. Tapos itong damuho namang to umangal pa. Keso kakain niya lang daw. Keso busog pa daw siya.Di na namin alam kung anong gagawin namin sakanya!! Aish!! Napakaisip bata talaga!!
Phoenix Pov
(After 2 hours)
*Kring kring kring*
Sa wakas uwian na din! Boring ng araw na'to wala man lang bugbugan na naganap, wala pa kaming warm-up simula nung umuwi kami dito.
"Sobrang nakakapagod tong araw na'to." Guess what?
"Napagod ka pa sa lagay na yan ha. Eh maghapon ka ngang nakaubob sa lamesa. Kulang na nga lang magsama na kayo ng lamesa." Hingal na hingal na bigkas ni Jax.
"Tss."
Imbis na magaway-away sila jan, mabuti pang umuwi nalang.
"Uuwi ba tayo o uuwi." Inirapan ko nalang sila sabay naglakad papuntang parking lot. Don't get me wrong, I'm not gay.
Napansin ko nalang na nasa likuran ko na sila papuntang parking lot.
"Sino magda-drive?" Mapang-asar na tanong ni Kendrick. Tiningnan nalang namin ng sabay sa sabay si Zeus hyung. May galang parin naman ako kahit paano. Okay so yon nga, mukhang na gets naman niya yung ibig sabihin namin. Tingnan niya nalang kami ng masama.
"Tss. Alam ko. Nahiya naman ako sa mga tingin niyo sakin." Sabi niya habang papunta sa driver seat.
Alam niya kasing mga kaskasero kami magmaneho. Siya nga lang ata yung matino magmaneho saming lahat. Pag kami yung nag-drive diretso agad kami sa langit. Pero siyempre hindiy pwede mangyari yon, kaylangan muna namin maghiganti bago kami mamatay. Okay masyado na akong madaldal.
(After several days)
Hindi parin namin makita yung mga nambugbog samin. Saan saan na kami nakapunta para mahanap sila. Mukhang magaling si magtago, ang hirap hanapin. Pinagiisipan nga namin kung magpapa-drop out na kami o hindi e. Pero nakila Timothy hyung at Zeus hyung parin yung desisyon.
"Nakapagdesisyon ka na ba?" Tanong ni Jacen confuse. Hindi joke time ngayon Phoenix.
"Sino sa aming dalawa?" Naguguluhang tanong ni Zeus hyung.
"Kahit sino." Tanga ba to o tanga? Naguguluhan namin siyang tiningnan.
"Mali kasi yung sentence mo gilagid. Dapat kasi ganito. Ehem "Nakapagdesisyon na ba kayo?" dapat ganon!" Ginaya niya pa talaga yung tono ng pananalita ni Jacen. Di ko alam kung kalahating gago to si Kendrick o ano e.
"Whatever." Sagot nalang niya.
"Seryoso. Ano na talaga?" Sumeryoso naman kami sa tanong ni Kendrick.May katinuan pa pala siya sa katawan niya. Akala ko puro katarantaduhan lang yung alam niya.
"Magba-base ako sa signs." Nakangiti niyang sabi.
"Anong klaseng signs?" Tanong ko sa kanya.
"Pag may naka-distract sakin." Nakangiti parin niyang sabi. Ano ba'to baliw? Kanina pa nakangiti ang gago.
"What do you mean by distraction?" Nagtatakang tanong ni Zeus hyung.
Wow umi-english na siya ngayon! Bigtime na si hyung!!
"Girls? Kaaway? Kahit ano, basta kapag na-distract ako hindi na tayo aalis." Nakangiti parin si gago. Confirmed, baliw nga.
Sa tingin niyo ano ang makaka-distract sa kanya. Kaaway o Babae?
Jax Pov
Pinag-uusapan din namin kung anong plano ni Zeus hyung. Kasi kay Timothy hyung distraction. Ano kaya yung kanya?
"Ikaw hyung ano sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Siguro katulad din kay Timothy. Distraction." Tumango nalang kami sa kanya.
"Sa tingin mo anong makaka-distract sayo?" Tanong ni Zac.
"Di naman natin pwedeng sabihing kaaway o babae. Maraming pwedeng distraction." Oo nga naman. May point siya don.
Sa tingin ko babae ang makaka-distract sa kanila. Sa tingin ko lang naman.
(After 2 days)
Hanggang ngayon wala paring nakaka-distract sa kanila. Tinanong nga namin kung itutuloy pa nila. Sabi naman nila itutuloy pa nila.
"Last day na namin bukas. Kung wala, edi wala. Aalis tayo dito." Seryosong sabi ni Timothy hyung.
Mami-miss ko kayong lahat! Magpakabait kayong lahat! Kumain kayong mabuti! Wag kayong magpapakapagod! Goodbye Philippines and Goodbye Wor—
"Hoy Jax, bakit ka umiiyak!" Napatigil ako sa pag-eemote dito dahil sa NAPAKALAKAS na batok ni Zac. Muntik na nga ako masubsob sa sobrang lakas! Anong ginawa ko sa kanya para saktan niya ako ng ganito! Nagpapa-alam lang naman ako sa inyo ah! Ipapasundo ko na siya sa Wonder pets. Sasabihin ko ibalik na siya sa magulang niyang mga unggoy! Tiningnan ko nalang siya ng masama habang pinupunasan yung luha ko.
"Punta na tayo sa tambayan." Tumayo na kami sabay sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami sa lobby, may narinig kaming naguusap....
"Brad may transferee daw. Tas puro babae daw. Pero mahihirap lang daw." Sabi niya.
"Sayang! Tingnan nalang natin." Sabi pa nang isa.
"Nako pag magaganda yan! Pwedeng mapag-tripan!" Excited na sabi pa ng isa.
"Oo nga buti naisip mo yon." Aba mga gago pala to e! Porket mahihirap pagti-tripan na agad! Kahit ganito ako may respeto parin ako sa babae!
"Pwede na palang scholar dito?" Tanong ni Ryu.
"Siguro." Hindi nalang namin pinansin yung mga lalaki na nagchi-chismisan.
Bakit ganon, parang kinabahan ako? Parang may—
Ewan di ko maintindihan.
———————————————————————————————————————
Exciting.
(Jungkook as Phoenix at multimedia)
Next chapter makikilala niyo na yung mga girls.
Pls.Vote and Comment
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top