Epic 29
Kendrick's Pov
"Hyung bakit mo ba ako sinama dito? Nagugutom na ako eh!" Gusto niyo ba malaman? Secret! Siyempre joke lang, malakas kayo sakin eh!
"Tatanungin ko na kasi ngayon si Rhoui kung pwede ko na siya maging girlfriend. Tutal sasakay naman tayo sa Ferris wheel mamaya, dun na yung magandang spot kung san ko siya pwedeng tanungin. Alam na rin nilang lahat, maliban kay Rhoui. Maayos na ang lahat, kinausap na rin namin yung operator ng ferris wheel buti nalang pumayag. Kulang nalang talaga kung ano yung ibibigay ko. May maganda ka bang naiisip na pwedeng ibigay kay Rhoui?" Halos perfect na nga ang lahat... Si Rhoui nalang talaga ang kulang para kumpleto na ang buhay ko...
Nagevil-smile sakin si Jax, mukhang may binabalak to ah. Dapat pala hindi nalang siya yung sinama ko. "May naisip akong magandang ibigay sakanya. Pero... may kapalit." Sabi ko na nga ba eh.
"Oh siya, sige na nga. Ano bang kapalit yung gusto mo?"
"Hay makakatipid ako ngayon ah, ahm gusto ko yung malaking teddy bear na yon." Turo niya don sa napakalaking teddy bear.
"Grabe ka naman! Baka mas mahal pa yan kesa sa ibibigay ko kay Rhoui. Nagiipon din ako para sa future namin no. Tsaka kanino mo ba ibibigay yon?"
"Kay Zayne. Future agad nasa isip mo. Sigurado ka bang sasagutin ka niya? Baka kapag binasted ka niya umiyak ka. Kung ayaw mo okay lang. Sayang napaka-ganda pa naman ng suggestion ko para sa ibibigay mo kay Rhoui." Sa tingin niyo ba babastedin ako ni Rhoui?
"Sige na! Drama mo. Wait kay Zayne mo ibibigay? Naglilihim ka na sakin ngayon ah. Hindi mo sinasabi na may nagugustuhan ka na palang babae."
"Kasi naman hyung eh, hindi pa naman kasi ako masyadong sure. Pero kakaiba talaga kasi yung nafi-feel ko kapag kasama ko siya." Ohhh, parang naramdaman ko lang nung unang beses kong nakita si Rhoui.
"Wag mo na ngang pakielaman yung lovelife ko, isipin mo yung posibleng mangyari mamaya. Bilin na muna natin yung teddy bear para makabili na rin tayo ng ibibigay mo kay Rhoui."
Pumunta na kami kung saan mabibili yung ibibigay daw niya kay Zayne.
Pagkatapos namin mabili yung gusto niyang teddy bear nanlulumo parin ako dahil sa presyo! RIP sa wallet ko! Sobrang laki ba naman kasi.
"Hyung gusto mo na ba malaman kung ano yung suggestion ko?"
"Nako Vienick Jax! Siguraduhin mong maganda yan! Kung hindi baka bawiin ko yang teddy bear na yan." Siguraduhin niya lang!
"Edi necklace! Diba maganda yon! Para maiba naman, kasi yung binigay ni Zac kay Xhy singsing eh. Tapos akin teddy bear edi sayo necklace."
"Yun lang! Akala ko pa naman napaka-bongga ng naisip mong gunggong ka! Pero pwede na rin yun, common na kasi yung singsing no? May matutulong ka parin pala kahit ganyan ka." Ang sama eh no! Hahaha.
"Ano bang tingin mo sakin? Special child? Kung special child ako, eh ano ka naman? Kabayo ganon?" Aba't!
"Hindi ako kabayo! Bakit ba kanina mo pa ako inaasar na kabayo? Aish, samahan mo na nga ako bumili ng kwintas."
Pagpunta namin sa bilihan ng kwintas hindi kami makapili agad kasi anggaganda lahat. Lahat bagay kay Rhoui. Kung kaya ko lang bilin ang lahat ng yon para kay Rhoui... Edi napakayaman ko naman non, pagtatrabahuhan ko muna bago ko siya mabilan ng lahat ng yan...
"Hyung ito maganda to, bagay na bagay kay Rhoui myloves mo." Tiningnan ko yung tinuro ni Jax na kwintas. Hmm, maganda. Mukhang bagay na bagay nga kay Rhoui.
Saktong-sakto, parang pinapakita ng necklace yung tibok ng puso ko para kay Rhoui...
"May taste ka din pala eh no? Hindi ko alam yun ah."
"Anong gusto mo wala akong panlasa? May sakit ba ako para mawalan ng panlasa? Alam mo hyung hindi kita maintindihan eh. Ikaw ata ang special child at hindi ako."
"Kanina kabayo, ngayon special child. Ano namang sunod? Baka may naiisip ka pa? Wag kang mahiya." Sarcastic kong sabi sakanya.
"Ahm ano ka nam-." Sineryoso talaga! Ano bang meron sa bata na to! Hindi ko nga alam kung bakit ko yan naging kaibigan.
Hindi natuloy ni Jax yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita yung saleslady. "May balak pa po ba kayo bumili Sir? Kanina pa po kasi kayo nagdadakdakan diyan."
"Sorry Ate. Hindi pa kasi kami makapag-decide eh."
"Magkano ba to?" Turo ko don sa kwintas na tinuro ni Jax.
"40k po." Ay ang mahal! Masakit man sa wallet... basta para kay Rhoui bibilin ko...
"Ang mahal naman niyan hyung. Sa bangketa ka nalang bumili. Makakatipid pa tayo dun. Ipunin mo nalang sa future niyo yung matitira."
"Wag na. Andito na tayo eh. Tsaka baka fake yung mga andon." Hindi naman sa pagiinarte pero ma-
"Alam mo hyung ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa halaga ng bagay na binibigay mo... Dapat binibigay mo yung pagmamahal na galing sa puso mo... BOOM!"
"Ay Boom! Peste ka! Bilib na sana ako sayo eh. Ang ganda na sana eh! Tsk, panira naman. Bibilin ko na nga yan Miss."
"Dami pang satsat, bibilin mo din pala. Ay hyung bilisan na natin kasi baka hinahanap na tayo ng mga yon. Tsaka nagugutom na rin ako eh."
"Ay shit nakalimutan ko! Baka hinahanap na ako ni Rhoui ngayon. Baka magtaka na yun. Ate kukuhain ko na po yan, tsaka po pakibilisan." Tiningnan ko kung anong oras na. Putek malapit na yung binigay na oras samin ng operator ng ferris wheel!
"Kukuhain mo lang hindi mo babayaran?"
"Babayaran!"
"Babayaran mo lang hindi mo kukuhain?"
"Kukuhain!"
"Kukuhain mo lang hindi mo ibi-"
"Ano ba Jax! Nagmamadali na nga eh."
"Ayan nagmamadali ka ngayon! Angdaldal mo kasi!" Fishtea lang!
"Eto n-" Hindi ko na pinatapos magsalita yung saleslady, binigay ko na kaagad yung credit card ko.
"Si-" Pinutol ko na kaagad yung sasabihin niya. Nagmamadali na nga eh.
"Tapos ka na ba? Pwede na ba kami umalis?"
Kahit hindi pa siya sumasagot sa tanong ko umalis na kaagad kami. Wala namang kwenta yung sasabihin niya. Mas importante pa saakin na maging akin na yung babaeng pinakamamahal ko...
To be continued...
---------------------------
Dahil masaya ako ngayon kasi umabot na ng 1.08k may update ako ngayon! Thank you sa lahat ng nagbabasa! *le cries* Kung wala kayo baka hindi na siya umabot ng 1.05k! Kahit po walang masyadong votes! Okay lang! Thank you po sa pagsupport! Gomawo! Kamsahamnida! Salamat! Thank you! :*
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top