Epic 27

Zayne's Pov

Nahatid na ako nila Jax. Inabot na nga kami ng gabi kasi nag-aya pang kumain si Rain.

Ito ako ngayon, nakahiga sa sahig with matching titig sa langit kasi wala kaming bubong. Charot lang.

Hindi ko alam kung bakit ako nataman sa sinabi ni Jax kanina. Dahil ba totoo lahat yung sinabi niya sakin? Ganon ba akong tao? Ako ba yung taong hindi kagusto-gusto? Hindi ko na alam kung ano yung iisipin ko, masyado na akong naguguluhan... Aamin ko na medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Sakanya pa talaga galing, galing sa taong malapit nang mahulog yung loob ko... Pero parang binigyan niya ako ng dahilan para hindi ko na siya tuluyang mahalin. Binigyan niya ako ng dahilan na hindi ako yung tipong babaeng mamahalin niya...
Siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa... Siguro hanggang magkaibigan lang talaga kami... Susubukan kong tanggapin ang lahat ng yon para sa ikabubuti...

"Hala! Zayne bakit ka umiiyak? May nang-away ba sayo?! Gusto mo resbakan na natin?!"

"Kalma nga Kryptanne! Walang nang-away sakin." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sakanya...

"Seryoso? Eh bakit ka umiiyak?"

"Hmm napuwing lang naman ako. Yun lang."

"Yun lang pala eh. Kailangan ko nang linisin yung bahay natin, masyado na atang madumi. Tsaka kapag may problema ka sabihan mo lang ako ah. Andito lang ako para damayan ka. Subukan mong maglihim! Nako subukan mo lang Zayne Athene!"

"Oo na po. Kaya mahal na mahal ko kayo eh. Kasi lagi kayong nandyan para sakin. Kahit hindi naman tayo magkakadugo. Salamat Ash."

"Ganon talaga kapag pamilya! Laging nagtutulungan sa hirap o ginhawa!"

"Oo na. Tulog na tayo." Alam kong mali na ilihim ko sakanila to... At hindi ko na sasabihin sa kanila dahil kakalimutan ko na siya hanggang mabaon sa limot..

•••

Pagkadating namin sa mall nauna na yung dalawa sa Quantum. Kaya nagkaron kami ng chance ng makapagusap ni Jax.

"Ahm Zayne may problema ka ba dun sa sinabi ko kahapon?"

"Wala, wala akong problema don." Meron, meron akong problema don.

"Sure ka ha. Kahit wala kang problema don, sorry padin. Sorry sa nasabi ko kahapon." Alam kong sincere siya sa paghingi ng tawad sakin.

"Okay lang. Sundan na natin sila." Umiwas na agad ako para matapos na.

(Quantum)

Nakita ko kaagad sila Rain na naglalaro ng basketball. Kay Rain ko nalang muna itutuon yung atensyon ko.

Ilang sandali lang ay napansin din ako nila Rain.

"Ate Zayne tulungan mo po ako makuha yung stuff toy dun sa machine!"

"Try ko ha. Hindi kasi ako masyadong marunong don eh."
"Okay lang po."

*after 5 mins*

"Rain hindi talaga ako marunong. Andami ko nang naubos na token pero wala parin akong nakukuha. Pano natin makukuha yan?"

"It's okay lang po kung hindi niyo nakuha, atleast po binigay niyo yung best niyo. May naxt time pa naman po."

"Sure ka ha. Pakuha mo nalang kaya kay Kuya Jax mo."

"Sige na nga po. Jax hyung pakuha nga po ng stuff toy na yon para sakin!" Lumingon si Jax sakanya na naglalaro dun sa may pinupukpok na lumalabas sa butas. (A/E: Pasensya hindi ko po alam yung tawag don hehe.)

Lumapit si Jax saamin na nakasimangot. Pati ba naman yon labag sa kalooban niya.

"Ano ba naman yan Rain! Naglalaro pa ako eh. Pano ko makukuha yung malaking stuff toy na malaki don?"

"Dali na kasi hyung! Nagpapakaisip-bata ka nanaman eh! Hayaan mo na yun, wala ka namang pagbibigyan non. Ibibigay ko kay Ate Zayne yung stuff toy na nandon!"

"Psh, epal ka naman eh. Mas malaki naman yung mabibigay ko kay Zayne kaysa sayo." May huling sinabi si Jax pero hindi ko narinig kasi mahina.

"Anong sabi mo Jax hyung?! Narinig ko yon! Ikaw ha!" Biglang sabi ni Fire sa likod ni Jax.

"Bakit Fire anong sabi niya?" Nakita kong pinandidilatan niya ng mata si Fire.

Napakamot naman si Fire sa batok niya. "Hehe, wala yon Ate Zayne. Jinojoke ko lang si hyung."

"Okay sabi mo eh."

*kring kring kring*

Tinignan ko kung phone ko yung tumunog pero hindi naman saakin.

"Yeoboseyo? Ne... Andito kayo?... San banda?... Ne, magkita-kita nalang tayo dito sa Quantum tapos sabay-sabay na tayo pumunta don... Araso, bye." Ano daw?

"Rain next time nalang natin kunin yang gusto mong stuff toy." Sabi ni Jax sakanya.

"Wae?"

"Pupunta dito sila Timothy hyung, tsaka may pupuntahan tayo."

"Araso. Pero san tayo pupunta?" Kanina pa sila nag aalien language! Jusko!

"Sa Star City! Maganda don!" Omg! Star city?! For real?

"Wait Jax kasama ba nila sila Kryptanne?" Sana kasama sila!

"Ne ay oo pala. Syempre para makadamoves na daw sila."

"Talaga?! OMG! Rain ipapakilala kita sa mga friends ko ah."

"Sige po! I can't wait!"

"Okay OP ako sainyo. Baka may balak kayo na isali ako?"

"Sorry Fire, bakit kasi antahimik mo? May galit ka ba sa mga tao?"

"Wala naman akong galit sa mga tao, sadyang wala lang talaga akong matopic."

"Ahh, mamaya hindi ka na maoop."

Pano ko makakalimutan si Jax kung patuloy na pinaglalapit kami? Tadhana makisama ka naman oh.

———————————————————————
Short update muna! :)

Pls. Vote and Comment :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top