Epic 26
Jax Pov
Half day lang kami sa school kaya maaga akong nakauwi. Hindi muna ako sumama kila hyung kasi darating yung dalawa kong kapatid, pinapasundo kasi sila ni Lola sa airport. Pero kasi ko masyadong kabisado yung daan papuntang airport. Pano na yan? Aha! Tawagan ko nalang kaya si Zayne kasi baka kabisado niya yung daan don. Sana pumayag siya *cross fingers* Matawagan na nga. "Zayne sumagot ka. Malapit na lumanding yung ——– Hello? Zayne kabisado mo ba yung daan papuntang airport?"
(Zayne: Oo, bakit?)
"Pwede mo ba akong samahan? May susunduin kasi ako."
(Zayne: Sino?)
"Mga kapatid ko. Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ba pwedeng oo nalang agad?"
(Zayne: Aba Jax! Ikaw na nga lang tong nagpapasama tapos nagrrereklamo ka pa.)
"Sorry na agad. Samahan mo na kasi ako. Baka hinihintay na nila ako."
(Zayne: Sige na nga, iiyak ka na eh. Tsaka ilang taon na ba? Babae o lalaki?)
"6 and 15 years old. Parehas lalaki. Happy?"
(Zayne: Sige na, daanan mo nalang ako sa NBS, buti nalang pauwi na ako.)
"Okay. Gomawo."
(Zayne: Nako Jax wag mo akong inialien language dahil wala akong maintindihan! Baka minumura mo na ako ng hindi ko alam.)
"Hindi kita minumura. Thank you ibig sabihin non. Sige baba mo na."
(Zayne: Welcome. K. Bye.)
*toot toot*
Mukhang goodmood siya kaya pumayag agad.
*NBS*
Nakita ko na agad kung nasan si Zayne. Makikilala mo na siya agad kahit nakatalikod.
"Zayne! Lika na." At sino naman yung kausap niyang lalaki?
"Uy Jax. Sige Justin una na ako." Justine huh. Cheap!
"Bilisan mo na baka naghihintay na sila don." Badtrip!
"Sorry."
Fast Forward: Airport
Halos hindi kami nagkikibuan ni Zayne kanina sa biyahe. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabadtrip nung nakita ko siyang may kausap na lalaki. Aish! Dwaesseo! (Nevermind). Dapat ang iniisip ko ngayon yung mga kapatid ko. Asan na ba sila?
"Jax asan na yung mga kapatid mo?"
"Ewan ko. Baka paba—–"
"Hyung!!" That voice!
"Rain!! I miss you! Where's Fire?"
"There!" Sabay turo niya don sa naglalakad na pacool. Tch, hindi na nagbago. Iniwan kong mayabang, hanggang ngayon mayabang parin.
"Gwaenchanhseumnida (What's up) hyung?" Nakapamulsa niyang sabi sakin.
"Letche ka! Wag ka na nga magkorean! Nasa pilipinas ka na." Nagkorean pa, marunong naman yan magtagalog eh.
"Basag trip ka naman kuya! Nagpapa-impress nga ako sa mga readers eh! *wink*" Landing bata! Saakin lang ang mga readers! Kinilig ka naman!
"Bakit hindi ka susunod? Baka gusto mong mabatukan sa leeg?" Ano daw? Batok na nga leeg pa!
"Sabi ko nga. Asan na pala si Rain?" Oo nga pala nasan na yung batang yon, nalingat lang ako sandali nawala na agad. Tumingin ako sa paligid para makita ko siya.
"Hyung ayun siya oh, may kasamang babae." Lumingon ako banda kung saan niya nakita si Rain. Kasama lang pala ni Zayne. Nagpapacute amp.
"Kilala ko yung kasama niya, lika na." Lumapit na kami sa kanila.
"Uy Rain kung kani-kanino ka sumasama, malay mo kidnapper pala siya."
"Grabe ka naman! Mukha ba akong kidnapper sa lagay na to?" Hmm, medyo?
"Medyo, kasi naka-cap ka, naka rip jeans and hoodie. Malamig ba sa pinas kaya ka naka hoodie?"
"Walang basagan ng trip, ito nalang yung damit ko eh, nasa labahan yung iba."
"Jax hyung and Ate Zayne wag po kayong mag-away. Ikaw kasi Jax hyung, wag mong binabasag yung trip ni Ate Zayne eh hindi ka naman niya pinapakielaman." Aish! This kid! Nagpapasikat na naman
"Yah! Bakit siya pa yung kinakampihan mong bata ka? Siya ba yung kapatid mo?"
"Hindi ko siya kapatid kasi girlfriend ko siya, and I'm not a kid anymore! Look, I have a girlfriend thats why Im not a kid. You, you are the kid because you don't have a girlfriend!"
"Pfft~ Hahaha oo nga hyung, bakit wala ka pang girlfriend? Balak mo bang tumandang binata?" Aba bastos tong mga to ah! Pinagtutulungan ako. Kapatid ko ba sila?
"Duh? Study first kaya muna ako. Tsaka wala pa akong balak magkagirlfriend tsaka wala akong magustuhan. Ayt, may gusto pala akong tao pero baka hindi niya ako gusto..." Yeah right.
"Si Ate Zayne hindi mo gusto?"
"Nagpapatawa ka ba Fire? Eh mas lalaki pa nga kumilos sakin yan eh. Tsaka ang amazona niya, h-hindi ko type yung mga ganon! Ha-ha-ha." Mas okay nang ilihim nalang para sa ikabubuti...
"Good. Ate Zayne is mine, the two of you backoff! Ate Zayne let's go to the car." Yung totoo? Bata ba yung kausap ko? May nalalaman pang backoff, edi sakanya na! Hindi naman inaagaw sakanya.
"Lika na nga Fire."
Sobrang traffic kaya hangggang ngayon hindi pari kami nakakauwi. Yung dalawa nakatulog na dahil sa sobrang traffic. Si Rain nakatulog sa hita ni Zayne, si Fire naman ayun nakakanganga tapos nakaharap pa sa salamin. Buti nalang tinted tong sasakyan, kung hindi tinted to baka magulat sa mukha niya yung makakakita sa kanya!
Nakakapanibago lang kasi antahimik ni Zayne, kanina pa ako tingin ng tingin sa kanya gamit ang rear mirror, kapag tinitingnan ko siya sa bintana lang siya nakatingin... parang sobrang lalim ng iniisip niya. Isang dahilan lang yung naiisip ko kung bakit siya nagkakaganyan... Nasaktan ba siya sa mga sinabi ko tungkol sa kanya? Hindi ko naman intensyon na saktan siya, intensyon ko lang na itago muna kasi masyado pang maaga...
Pero nakokonsensya ako eh.
"Zayne may problema ka ba?" Tumingin siya sakin.
"Huh? Anong sabi mo Jax?"
"Ang sabi ko, may problema ka ba. Ang lalim kasi ng iniisip mo."
"W-wala akong problema. Pagod lang siguro ako."
"Seryoso ako, ano ngang problema mo? Tungkol ba sa sinabi ko tungkol sayo?" Kung yun nga, sabihin niya.
"Huh? H-hindi yon. Ang babaw ko naman para damdamin yon." Sabi niya sakin na nakatitig sa mata.
"Zayne you're not a good liar. Spill it."
"Pwede bang mamaya nalang? Baka magising yung mga bata."
"Okay."
"Hyung malapit na ba tayo?" Tanong sakin ni Rain.
"Yes malapit na tayo bro."
"Okay. Ate Zayne sama ka bukas samin, mamasyal kamung tatlo. Please, pretty please." Nagpuppy-eyes pa. Tss.
"Ahm, okay lang ba kay Kuya Jax mo kung sasama ako?"
"Oo naman po! Diba hyung?"
"Yeah?"
"Bakit patanong pa?"
"Oh ito na, Yeah. Happy now?"
"Yeah whatever. Ayan Ate Zayne pumayag na si hyung! Okay lang ba sayo?" Ang kulit naman nito. Kairita.
"Sige na nga. Hindi kita kayang tiisin e."
"Yehey! Magdi-date kame ni ate!"
"Jax, bukas nalang pala tayo mag-usap."
I just smiled bitterly to her.
Ganon ba epekto sa kanya kaya kailangan pang ipagpabukas?
————————————————————————
Pasensya po kung natagalan po ako mag-update. Dapat po kasi korean yung convo nila pero po nahihirapan pa po ako. Kaya ginawa ko nalang pong tagalog. Pangalawang beses ko po tong ginawang Epic kaya po natagalan. Hindi po kasi ako sure sa mga korean words na nandon sa una kong ginawa :)
Pls. Vote and Comment :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top