Epic 25

Jacen's Pov

Lumabas muna ako sa tambayan para makapagisip-isip. Sa totoo lang hindi pa ako sigurado sa nararamdam ko may Phyrone. Sinabi ko lang muna yon para manahimik na sila Jax.

Yung sinabi nila kanina na ilalaglag nila ako, tungkol daw yon sa mga panaginip ko. Sabi nila lagi ko daw napapanaginipan si Phyrone, eh wala nga akong naalala na napapanaginipan ko siya. Hindi din naman ako sure kung maniniwa ba ako sakanila kasi malay mo inaasar lang nila ako kaya hindi ako ganon kakumbinsido. Pero ito may aaminin ako sainyo, nagsimula to nung araw na umiyak si Phyrone sa harap ko. Pagkatapos mangyari non hindi na siya nawawala sa isip ko. Parang nage-echo lahat sakin yung mga sinabi niya. The way she smile, she talk, and the way she laugh... Mga yon ang nakikita ko kapag pumipikit ako. Tapos kapag nagsusungit siya, ang ganda parin niya sa paningin ko, siya lang yung nakikita ko... Hindi ko na nga maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Masyado na akong naguguluhan... Alam ko ang limitasyon ko kasi ayaw ko na ako ang pagmulan ng away ng boyfriend niya.

"Ahm Jacen pwede ba kitang makausap?" Yang ganyang boses, alam ko na agad kung sino yan.

"Hmm bakit gusto mo akong makausap? May problema ka ba?"

"Kasi Jacen ano eh.."

"Ano?" Sabi na nga ba may problema na naman siya. Hindi ba siya nawawalan ng problema sa buhay?

"Kasi ano... Nakita kong may kasamang ibang babae si Carl..."

"Anong ginawa mo? Tinitigan mo lang sila?" Sinusubakan kong kontrolin yung emosyon ko pero ang hirap eh..

"Hindi. Nilapitan ko siya at tinanong ko kung sino yung babaeng kasama niya. Alam mo ba kung ano yung sinabi niya sakin? Haha Girlfriend daw niya. Tapos sabi niya din sakin na magbreak na daw kami." Medyo crack na yung boses niya ng sinasabi ang mga yon.

"Tapos? Anong ginawa mo?"

"Sabi ko ayaw ko. Haha lumuhod pa nga ako sa harap niya." T*ngna! Relax Jacen.

Sunod-sunod na yung tulo ng luha niya "P-pero ayaw parin niya eh, s-sinabi pa niya na na p-pinagpustahan lang nila ako! Pinaglaruan lang nila yung damdamin ko! Ang sakit kasi Jacen eh!" T*ngina!! G*go siya!.

"Nasan yung g*gong yon?!! T*ngina niya!! Humanda siya sakin! Anong karapatan niya para saktan ka?!" Pasensya na sa kinikilos ko ha. Hindi ko na kasi kaya kontrolin yung sarili ko pagdating sa ganyang sitwasyon!

"Jacen wag na! Magkakagulo pa eh! Hayaan mo na siya."

"Anong sinasabi mo? Pagkatapos ka niyang saktan tapos sasabihin mong hayaan ko nalang! Hindi naman pwede yon Phyrone. Magkakagulo talaga eh sinaktan ka ng g*gong yon!"

"Hayaan mo nalang. Hindi naman na maibabalik yon."

"Phyrone naman, patuloy kang sasaktan ng mga lalaki kung hindi ka lalaban."

"Sanay naman na ako.. dapat nga hindi na ako umiiiyak eh, kasi sanay nang masaktan yung puso ko. Ayaw ko nang masaktan.."

"Ayaw mo nang masaktan pero patuloy ka paring nagmamahal."

"Hindi ko kayang kontrolin yung puso ko eh, kung kaya ko lang kontrolin baka hindi na ako nasasaktan ng ganito..." Tumulo na naman yung luha niya. Hindi ako sanay kapag nakikita ko siyang umiiyak.

"Oo tama ka ngang hindi natin kayang kontrolin yung puso natin na magmahal. Pero sana kung magmamahal, ibigay mo yung puso mo sa taong deserving yung pagmamahal mo. Yung willing kang patahanin, patawanin at kaya kang mahalin ng buong-buo..."

"Haha wala na atang ganong lalaki. Tsaka ayoko nang mahulog sa taong hindi naman ako kayang saluhin."

Tinitigan ko siya sa mata. "Meron pang ganong lalaki."

"Haha nagpapatawa ka ba? At sino naman yon, kapag may nahanap akong ganong lalaki baka hindi ko na pakawalan."

"Ako. At handa na akong saluhin ka kung mahuhulog ka man... Pero kung hindi ka pa handang magmahal uli, handa akong hintayin ka." Handa na ako ngayon.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kinikilabutan ako sayo eh."

"Seryoso ako Phyrone. Handa akong saluhin ka. Handa akong maghintay sayo." Hanggang ngayon nakatitig parin ako sa mata niya para malaman niya sincere ako sa lahat ng sinasabi ko ngayon.

"Tama na ngang joke time! Lika na baka hinahanap na nila tayo. Tsaka salamat din kasi may nasabihan ako ng problema ko." Nauna na siyang maglakad papunta sa tambayan.

"Phyrone hihintayin ko yung araw na ako na ang mahal mo..."

Hindi siya sumagot sa huli ko sinabi sakanya. Iniiwasan niya ba yung sinabi ko sakanya o ganon lang talagang hinding kapanipaniwala yung sinabi ko? Siguro nga hindi ako yung lalaking tinadhana sa kanya. O kaya hindi lang talaga ako ang deserving sa pagmamahal niya...

Phyrone's Pov

Nauna na akong pumunta sa tambayan kasi iniiwasan ko yung sinabi sakin ni Jacen. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko sakanya. Hindi pa ako handang magmahal uli. Quota na yung puso kong masaktan. Pero sabi niya handa naman daw siyang hintayin ako hanggang sa araw na mahal ko na siya. Darating ba yung araw na handa na akong masaktan uli kapag minahal ko na siya?

------------------------
Super Short update muna. Pigang-piga na po kasi yung utak ko. Guysue may tanong daw po sainyo si Jacen.

(Jacen: Readers may tanong ako sainyo, Inlove na ba ako?)

Ayan po yung tanong niya at sana sagutin niyo naman po ;)

Pls. Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top