Epic 22

Timothy's Pov

Ilang buwan ko na rin tinatago sa kanila yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanila. Pero binabalak ko ngayon na sabihin sa kanila dahil kailangan ko na ng masasandalan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko...

"May sasabihin ako sainyo pero sana wag kayong magagalit."

"Ano ba kasi yon?" Tanong sakin ni Jacen.

"Tungkol to sa babaeng gustong-gusto ko... Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya. Baka kapag inamin ko na sakanya bigla nalang isang araw na hindi niya na ako papansinin, kakausapin. Takot ako na isang iglap lang mawala yung pinagsamahan namin. Kaya tiniis ko na tingnan nalang siya sa malayo, ligawan siya ng patago.. Sabihin niyo sakin anong gagawin ko?"

"WHOOHOO! Sa wakas umamin ka na rin!" Sigaw ni Kendrick with matching talon-talon.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Naguguluhan ako ha.

"Hyung matagal na namin na napapansin na gustong-gusto mo si TAM. Hindi nga namin alam kung pano mo natiis na sabihin samin yon ng ilang buwan." Natatawang sabi sakin ni Phoenix. So alam na pala nila. Bakit hindi ko napansin yon? Masyado bang napunta lahat ng atensyon ko kay T-tam?

"Bakit hindi niyo kaagad sinabi saakin? Sana hindi ako nagpapakahirap na itago yung nararamdaman ko kapag nasa paligid ko lang siya."

"Binigyan ka lang namin ng privacy. Hinayaan ka naming magisip-isip muna, para malaman mo talaga yung totoo mong nararamdaman."

"Oh ano nang gagawin mo ngayon? Titingnan mo nalang siya sa malayo? Kung hindi ka pa gagalaw baka maunahan ka pa ng iba."

"Pano ko masasabi sa kanya na gusto ko siya kung ang lahat ng atensyon niya ay nasa idol niya." Kaya hindi niya ako mapansin-pansin dahil don. Ano bang meron sa kanya na wala ako?

"Aha! Hyung may naisip ako! Magtapat ka ng nararandaman mo kay Tam sa mismong mallshow ng idol niya. Ikasabwat natin siya. Sabihin natin na magtatapat ka lang ng nararamdaman mo! Siguro maiintindihan naman niya yon." Maganda sana yung naisip niya pero pano kung bastedin niya ako? Edi nakakahiya pa yon, nakakahiya sa mga taong andon.

"Magandang idea yon Jax! Simulan na natin ang oplan na pag-amin ni Timothy kay Tam!"
"Sure ba kayong pupunta si Tam bukas? Tsaka pano kapag binasted niya ako?" Kahit bastedin naman niya ako hindi parin ako susuko!

"Pupunta yon. Narinig ko na pupunta silang lahat don para samahan si Tam!" Chismosong bata to si Jax. Pero nakatulong yung pagiging chismoso niya ah.

"Oo nga! Hindi ka babastedin don! Tiwala lang. Alam ko na gusto ka din ni Tam." Sana nga parehas kami ng nararamdaman... Mahirap yung ikaw lang ang nagmamahal...

*Backstage: The day of Mallshow*

"Kuya pwede po ba namin makausap yung lalaki sa loob ng tent?" Tanong ni Kendrick sa bodyguard na nagbabantay sa labas.

"Ay pasensya na hijo, hindi siya pwedeng makausap. Baka po kasi pagkaguluhan." Hayys wala na ata akong pagasa na makaamin kay Tam.

"Ganon ba? Sige ganito nalang! DANIEELL! LUMABAS KA DYAN! KAKAUSAPIN KA LANG NAMIN KAHIT SANDALI! PAGBIGYAN MO LANG NG CHANCE NA MAKAAMIN SI HYUNG SA BABAENG MAHAL NIYA WHICH IS FAN MO! DALI NA DANIEL!" Hala sumigaw na si Jax! Nakakahiya sa mga tao sa paligid. Baka isipin mga baliw kami.

"Ay oh kilala niya! Stalker ka na pala ngayon bes?!"

"Hindi ako stalker bes! Sinearch ko lang yung profile niya sa internet. Sabi naman don mabait." Sagot naman ni Jax kay Phoenix.

"Hay ang kulit niyo naman. Umalis nalang po kayo bago pa po magkaron ng gulo." Wala na ba talagang pag-asa?

"Pareng Daniieell! Bigyan mo na kami ng chance! Paaminin mo lang si Hyung kahit sandali!" Napayuko nalang ako habang paalis na sa tapat ng tent..

"Sandali! Manong papasukin niyo na ho sila." Talaga?!

"Sige na nga Ser. Pasok na daw kayo."

"Bleh! Ang damot mo kasi eh!" Pang-aasar ni Jax sa bodyguard.

"Jax lika na para matapos na."

Atleast nagkaroon ako ng chance para maamin ko na mahal ko si Tam at hinding-hindi ko sasayangin ang oportunidad na'to...

Third Person's Pov

Kasalukuyan na nilang kinakausap si Daniel para sa kanila plano..

"Ah Mr. gusto lang sana namin humingi sa inyo ng tulong. Bigyan niyo sana kami ng kahit konting oras lang na umepal sa show niyo. Tsaka sorry kasi naistorbo namin kayo, pasensya narin sa ginawang kahihiyan nitong si Jax." Paghihingi ng tawad ni Zeus.

"Hindi okay lang, pano ko ba kayo matutulungan. Sabihin niyo na para mapagplanuhan ng mabuti, isang oras pa naman ang natitira bago magsimula."

"Ganito kasi yon.. pwede po bang pagkatapos niyong kumanta paakyatin niyo sa stage si Tam?"

"Tam? Parang siya yung laging pumupunta kung nasan man ako, siya yung diehard na fan ko."

"Siya nga at yon yung babaeng mahal na mahal ni hyung!"

Nasabi na nila ang kanilang plano. Ang kanilang plano ay pagkatapos 2 kanta ay papaakyatin nila si Tam sa stage. Ang una muna ay kakantahan siya ng idolo niya at pagkatapos ay aakyat si Timothy sa stage upang kantahan din si Tam.

Sumang-ayon naman si Daniel sa kanilang plano. Kung tutuusin kinasabwat din nila ang mga fan na unang nakarating sa show. Binigyan nila ito ng tigiisang banner na may nakasulat na Saranghae Tam (I love you Tam) Joahamnida (I like you) Nanul sarang ida (I'm inlove with you) ganyang mga nakasulat sa banner, pumayag naman ang mga ito dahil may kapalit na galing kay Daniel. Sabay-sabay nila itong itataas kapag magkasama na sila sa stage.

Limang minuto nalang ang natitira bago magsimula. Hindi mapakali si Timothy dahil sa sobrang kaba, dahil isang beses palang niya gagawin ito para sa babae.

"Timothy hyung relax ka lang." Pagpapakalma sa kanya ni Zac.

"Hindi ko kayang kumalma sa ganitong sitwasyon!"

"Guys magsisimula na, magready na kayo."

At sisimulan na nila ang kanilang plano para makaamin kay Tam.

Timothy's Pov

Sana masabi ko na sakanya.. Sana maayos ang kalalabasan.. Sana magustuhan niya... Dahil sa kanya ko lang gagawin ang isang ganitong bagay...

To be continued...

———————————————————————
Hope you like it!~

Pls. Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top