Epic 21

Kendrick's Pov

Ngayong araw namin sasabihin ni Rhoui yung tungkol saamin. Sana matanggap ako ng mga kaibigan niya at alam ko din na matatanggap siya ng mga kaibigan ko.

"Kendrick sigurado ka bang matatanggap ako ng mga kaibigan mo?" Napaka-nega naman nitong mahal ko.

"Oo naman. Kaya wag kang kabahan diyan ha? Sasabihin lang naman natin na gusto natin ang isa't-isa.. at sasabihin ko din sa kanila na nililigawan na kita." Nakita ko namang namula si Rhoui dahil sa mga sinabi ko.

"Oo na! Lika na nga."

"Kinikilig ka lang eh!!" Pangangantyaw ko sa kanya na mas lalo pa niyang kinapula. Tss ganon na ba ako kasweet?

Pumunta na kami kung saan namin pinagusapan na magkita-kita. Nakita na namin sila kahit sa malayo palang, nakita namin sila na naghaharutan. Mukhang may mabubuong pagmamahalan dito ah.

"HOYY!! HARUTAN PA MORE MGA BES!" Nagulat naman silang lahat kaya napaupo nalang sila sa kani-kanilang upuan.

"Oh bakit kayo tumigil? Naistorbo ba namin kayo? Gusto niyo aalis na kami para matuloy niyo na yung harutan niyo?" Pang-aasar ni Rhoui sa kanila. Grabe talaga tong future-wifeu ko!

"Hala hindi Rhoui! A-ano ba kasi yung sasabihin niyo?" Nahihiyang sabi ni Kryptanne, may kahihiyan pala sa katawan to si Kryptanne? Palibhasa nahuli namin sila ni Phoenix na nagkikilitian!

"Ehem ano ba kasi yung sasabihin niyo?" Seryosong sabi ni Zeus. Zeusko po! Kanina ang harot-harot!

"Ito na. Tungkol saamin to ni Rhoui."

"Huh?! Pa--."

"Alam kong magrereact kayo. Pero mamaya na ha? Patapusin niyo muna kami magsalita. So ito na nga, kami na ni Rhoui--"

"Hoy Kendrick!" Isang malakas na hampas ang nakuha ko kay Rhoui. Aishhh! Masama pala magbiro dito!

"Sorry naman! Nililigawan ko na kasi si Rhoui! At sana matanggap niyo kami sa hirap at ginhawa!"

*Kruu kruu kruu*

"Oopps! Pwede na kayong magreact!" 1.. 2.. 3.. !!

"CLARKENDRICK QIN JUNG!! ANONG GAYUMA ANG PINAINOM MO KAY RHOUI!" Sigaw sakin ni Tam! Jusko tong babaeng to! Mababasag yung precious eardrums ko ng wala sa oras!

"Grabe ka naman. Wala akong pinainom kay Rhoui maliban sa matamis kong labi." *PAK* ARAAAAYYY!! Isang malakas na malakas na hampas ang nakuha ko kay Rhoui my loves! Grabe naman yung pagka-amazona nito!

"Ano ba kasi yung pinagsasabi mo?! Umayos ka na nga! Hindi kita sasagutin dyan eh! Hmp!"

"NOO! Nagjojoke lang naman ako Rhoui my loves! Yun na yung gusto naming sabihin. Anong masasabi niyo?"

"Ang masasabi ko lang sayo Kendrick is alagaan mong mabuti yan. Wag mong pababayaan. Mahalin mo siya. At higit sa lahat wag na wag mo yang sasaktan! Nako kapag sinaktan mo yan! Malilintikan ka samin." Sabi ni Zayne. Sabay-sabay pa silang nagpatunog ng kamay.

"Nako Jung! Kapag nalaman kong umiyak si Rhoui dahil sayo, babawasan ko yang mahaba mong baba! Wag mo akong susubukan!" Sabi sakin ni Phyrone.

"Aye aye Captain! Maasahan niyo ako pagdating diyan." May kasama pa yang salute.

"Siguraduhin mo lang!"

"Oo na Xhy. Kayo mga bes anong masasabi niyo?"

"Kadiri ka naman Kendrick! Anong bes ka diyan?!" Sabi sakin ni Jacen. Wow anong nasinghot niya para magsalita ng ganyan?

"Tanggap naman namin para sayo si Rhoui bes." Natatawang sabi ni Jax.

"Tutal mabait naman si Rhoui bes kaya okay na okay." Pagsang-ayon ni Timothy.

"Salamat sa inyong lahat! Salamat kasi tanggap niyo kami! Sobrang salamat talaga!" Sa sobrang saya ko, nayakap ko tuloy si Rhoui.

Sobrang saya ko lang talaga kasi tanggap nila kami! SANA walang hahadlang sa pagmamahalan namin! Thank you Lord!~

----------------------
Sorry late update! Lame update.

Pls. Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top