Epic 20: VienThene

Zayne's Pov

"Okay class meron kayong kailangan gawin which is group work. Hindi as in yung madami kayo, ibig sabihin by partners." Partners na naman, sino pa bang aasahan ko na kapartner ko? Lagi nalang si Jax. Wala na bang iba?

"Ms.Santos and Mr.Kim." As expected. Wala naman nabago. Hindi ba nila pwede iparanas sakin yung ibang partner nalang? Pero pwede namang umangal diba?

"Wala nang aangal at change partners na magaganap. Okay class dismissed." Sasabihin ko palang sana eh.

"Hoy Jax saan tayo gagawa ng group work?"

"Ah, sa bahay ko." WHATT?!

"Huh?! Bakit sa inyo?!"

"Eh ako yung tinanong mo eh. Kaya sa bahay tayo gagawa ng group work bakit aangal ka?"

"Tss, bahala ka na. Saan ba bahay niyo? Tsaka anong oras ba?"

"Pumunta ka nalang sa school ng 3pm. Dito nalang tayo magkita." Sagot niya sakin.

"K." Tipid ng sagot ko no? Ganyan ako kapag badtrip.

*Fastforward: School*

Andito na ako sa tapat ng school pero wala parin yung Jax na yon. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko don. Siguro dahil don sa nangyari sa canteen. Hays ayoko nang balikan yon, masyado akong napahiya sa pangyayaring yon.

"ZAYNEEE!! Sabi ko sumakay ka na sa kotse ko!"

"Ay palaka! Hindi mo naman sinabi na andiyan ka na pala!" Aatakihin ako sa puso nito eh!!

"Kanina pa kaya kita tinatawag. Masyado lang malalim yung iniisip mo. Sakay na para matapos na agad tayo."

"Ay kabog may kotse ka pala? Wala kasi sa itsura mo na nagda-drive ka."

Pinanlisikan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko. "What?!" Katakot naman to!

"Ah hehe wala. Sige magdrive ka na."

Lumapit siya sakin as in sobrang lapit. "A-anong gagawin mo?"

Mas lalo pa siyang lumapit sakin. "H-huy ano ngang gagawin mo?" Pinagpapawisan na ako ng malupet dahil sa ginagawa nito ni Jax.

Nilagay niya yung kamay niya sa tabi ng hita ko. Anong gagawin niya?!!

"Aayusin ko lang naman yung seatbelt mo. Baka kapag nadisgrasya tayo sagot pa kita." Nginitian niya ako ng sobrang lapad.

"A-ah okay."

*Bahay nila Jax*

"Pasok ka." Wow ang laki ng bahay nila!!

"Salamat."

May lumapit saming babaeng hindi katandaan kung titinggnan mo siya para siya 60-70 years old. Siguro lola niya to.

"Hello hija, ikaw ba ang napaka-swerteng girlfriend ng gwapo kong apo?" Ako girlfriend ni Jax?! No way!!

"Huh? Hindi po, hindi po!" Pagtanggi ko kay Lola.

"La sabi ko naman sayo na wala pa akong girlfriend diba. At hindi ako magkaka-girlfriend." Malumanay niyang sabi. May ganyan pala siyang side.

"Excited lang ako apo, kasi gusto ko bago ako mamatay may kasintahan ka nang mag-aalaga at magmamahal sayo. Tsaka anong hindi ka magkaka-girlfriend? Lalaki ka Jax kaya wag ako." Ay taray ni Lola gumaganon.

"Tss La' andrama mo naman."

"Pinapaalahanan lang kita." Okay parang personal na yung pinag-uusapan nila, nagmumukha tuloy akong OP dito.

"Oo na. Nasaan po pala yung mga maids? Papakuha ko po kasi yung mga material na kailangan namin." Sabi niya.

"Sandali. HOYYYY!! MGA MAIDS SA BAHAY NA TO! MAGSILABAS KAYO AT IHANDA NIYO YUNG KAILANGAN NI VIENICK JAX! NANDITO ANG GIRLFRIEND AY ESTE KAIBIGAN NG AMO NIYO!! MAGSILABAS KAYO!!" O-okay?

Tarantang nagsilabasan yung mga maids sa di malamang lugar nagmula. Yung isa galing sa likod ng ref, yung isa naman galing sa ilalim ng sofa. Yung isa hirap na hirap lumabas sa ilalim ng lababo yung isa naman galing sa baul at yung pinakamatindi ay yung nagtago sa loob ng washing machine na halos matumba na paglabas niya!!

What the bakit sila galing don?!! Pfffftttt~ Bwahahaha! Paano?!

"Jusko paano! Bakit kayo naglabasan sa di malamang gamit! Lola ano na namang pinaggagawa ninyo?" Pffftt~ Mukhang paiyak na si Jax! Hahahaha.

"Pasensya ka na apo! Nagtagu-taguan lang naman kami. Nabobored na kasi ako eh. Tsaka hindi ako nakapagtago kasi dumating kayo."

"Hindi naman yun La eh! Bakit hindi niyo ako sinali?! " Huh? Eh Ano?!

"Ay oo nga pala! Sorry apo hindi ka namin nasali sa laro namin. Hayaan mo na next time maglalaro na ulit tayo ha? Kaya wag ka na umiyak diyan! Mukha ka namang bata apo eh. Sshh tama na apo, nakakahiya naman sa kasama mo yung inaasta mo." Yung totoo? Ano tong napasukan kong bahay?

"Ay oo nga pala hehe. Akyat na po kami." Gangster ba to? Parang hindi eh.

"Sige po."

*Taas*

"Ehem wag mong pagisipan ng kakaiba yung inasta ko kanina ah. Medyo makakalimutin kasi si Lola eh, baka kapag nag-asta ako ng hindi ganon baka makalimutan niya ako. Kilala niya kasi ako sa isip bata. Kaya wag ka magisip ng masama."

"Psh wala naman akong sinabi. Defensive ka masyado."

"Yah! Ako pa defensive? Yun naman talaga yung dahilan ah."

"Oo na kahit halatang defensive ka. Simulan na nga natin to para matapos na."

"Hindi nga ako---."

"Shattap."

"Aish!! Oo na. Pasalamat ka babae ka. Kahit naman babae ka may gagawin parin naman ako sayo hehe."

Whatever!! Daming alam.

Jax Pov

Nakakapagod naman tong pinapagawa ni Ma'am. Ang hirap tapos hindi ko pa alam yung gagawin! Hay buhay parang life!

"Jax ano na? Alam mo na ba yung gagawin?" Psh, nagtanong pa. Nababaliw na nga ako dito eh.

"Tch, Hindi." Napasabunot naman siya sa ulo niya na ang ibig sabihin ay nafufrustrate na siya.

Kasalanan ko bang hindi ko alam kung pano gawin? Hindi diba, kasi kasalanan ni Ma'am yon. Hindi ba niya naisip na baka mahirapan ako sa pinagawa niya? Patanggal ko siya sa school eh, tutal kila Zac naman yung school. Don't mess with me. Ay kabog!

"Ako na nga lang gagawa. So wala ka namang ibang gagawin kaya kumuha ka nalang ng makakain natin kasi nagugutom na ako."

"Aba hindi ako utusan ha. Tsaka kaya nga may maid para may mautusan." Utusan ba naman ako.

"Aba sumasagot ka pa, gusto mong sabihin ko na hindi ka gumawa. Yan na nga lang matutulong mo tas ayaw mo pa."

"Oo na. Letche ka." Kung wala lang siyang pangblack-mail edi sana hindi ko siya sinunod.

(Author na epal: Pero sabi nga niya kanina kaya niyang ipatanggal si Ma'am eh. Ay naki-Ma'am din eh no? Charot~ )

Third Person's Pov

Kasalukuyan ng gumagawa si Jax ng pancake para may makain sila. Habang nagluluto siya ng pancake ay unti-unti niyang tinitikman yung bowl na may pancake. (A/N: As in yung may harina, itlog basta yung sangkap ng pancake. Pasensya mahirap idescribe.)

"Ang sarap naman nito. Bakit kaya kailangan pang lutuin? Pwede namang iserve ng ganito. Hay mga tao nga naman, sayang tuloy sa gas." Sabi ni Jax sa kanyang sarili.

"Jax hijo ako na diyan. Bumalik ka na don at ako na ang maghahatid sa inyo nito." Sabi sa kanya ng isa nilang katulong.

"Hehe hindi na po, kaya ko na po ito. Baka kasi kapag nakita ako ni Zayne na hindi ako ang gumagawa ng mga ito, baka isumbong niya ako kay Ma'am." Sagot naman niya sa katulong.

"Ah ganun ba? Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka."

"Sige po!"

*After a few minutes*

"Hay natapos din akong magluto."

Umakyat na si Jax dala ang niluto niyang pancake. Para makakain na sila.

"Tapos na kaya niya yon?" Tanong niya sa kanya sarili.

Nang buksan na ni Jax ang pinto bumungad sakanya si Zayne na nakasubsob sa lamesa. Nilapitan niya ito ng konti para malaman niya kung tulog lang ba o namatay na dahil sa gutom.

"Ganon ba ako katagal kaya nakatulog na siya?"

Lumapit siya ng sobrang lapit upang matitigan niya ng mabuti ang maamong mukha ni Zayne.

"Alam mo ang amo ng mukha mo kapag tulog ka, sana tulog ka nalang palagi ha. Tsaka maganda ka parin pala kahit malapitan tsaka malayuan, amazona ka nga lang. Haha mukha akong tanga dito, kinakausap ko habang tulog."

Nilapit niya pa lalo ang mukha niya upang matitigan niya ito ng mabuti. Hanggang sa...

----------------
----------------
------
Pabitin muna guys! Tinanggal ko na po yung mga portrayers na gumaganap bilang partners ng BTS. Kayo na po ang bahala kung sino ang gusto niyo gumananap sa kanila.

Pls. Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top