Epic 19: JaSiann
Phyrone's Pov
*ANG FLAG BOW*
Nakalabas naman kami ng buhay ni Jacen sa letcheng gubat na yon. Ang nakakalungkot nga lang wala kaming nakuhang flags ni isa! Ito kasing kasama ko tamad eh, ako pa yung pinahanap sa mga flags pagtumanggi naman ako baka isipin niya na weak ako. Buti nalang good mood ako kanina pero ngayon hindi na!
"Uy ang lalim ata ng iniisip mo ah. Siguro iniisip mo ako no? Ayiee!" Sino pa ba?
"Gago ang kapal naman ng mukha mong gunggong ka. Dahil sayo wala tayong dagdag grades unggoy ka!" Pasensya beast-mode na talaga ako dahil sa labanos na to.
"Chill, Bakit ba ako sinisisi mo?" Aba't nagtanong pa ang gago.
"Nagawa mo pa talagang magtanong ah. Ba't hindi mo itanong sa gilagid mong panget ka!"
"Takte ilang panglalait narinig ko sayo ah! For your information hindi ako panget!" Sumasabat pa talaga siya ah!
"Sino namang nagsabi sayo na hindi ka panget?! Sino yung bulag na nagsabi sayo non?!"
"Nanay ko bakit?! Aangal ka?!" Pfffttt!~
"Pfffttt~ kaya naman pala eh. Hahahahaha! Suportado ka ng nanay mo hahahaha!!"
"Pag hindi ka tumigil hahalikan kita!"
"Hahahaha! Ha ha?! Anong sabi mo?!" Bastos to ah!
"Sabi ko pag hindi ka tumigil diyan hahalikan kita!"
"Subukan mo lang gago ka! Makakatikim ka talaga sakin ng hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo! Wag mo akong susubukan."
"Dami mong sinabi, titigil ka rin naman. Tsaka wala naman talaga akong balak halikan ka noh, baka badbreath ka tas mahawa pa ako." Pagkapos niyang sabihin yon iniwan na niya akong nakanganga.
Sakanya pa talaga galing yon ah! Ang kapal mo talagang gilagid ka!
"Hindi pa tayo tapos Jacen Ryle Valenciano! Magtutuoos pa tayo!" Lintik lang ang walang ganti!
"Hoy Phyrone bakit ka sumisigaw diyan?" Dumating si Rhoui kasama si Kendrick.
"Wala yon. Ngayon lang kayo dumating? Oh buti pa kayo may nakuhang flag kahit isa."
"Wala kayong nakuha? Eh magaling si Jacen pagdating sa paghahanap eh. Akala ko nga kayo mananalo." Huh?
"Anong ibig mong sabihin? Huh? Ang gulo!"
"Sabi ko magaling si Jacen pagdating sa paghahanap ng mga bagay bagay pero bakit wala kayong flag kahit isa?" So ang ibig sabihin ay may nakikita naman siyang mga flags pero hindi niya kinukuha?! Pinag-tripan niya lang ba ako o ano?!
"Lintik na kaibigan mo yan! Pinahirapan ako kanina maghanap ng mga flags eh."
"Hahahaha napag-tripan ka niya, ganon talaga yon. Siguro tini-test ka lang niya, kaya ako na ang nag sosorry para sakanya."
"Test? Bakit kailangan niyang mangtest ng isang tao?" Nagkibit-balikat lang siya. Hindi ko maintindihan yung nga nangyayari. Naiistress yung kagandahan ko! Charr~
"Ay may sasabihin pala ako sa inyo mamaya." Sabi sakin ni Rhoui.
"Sige lang. Sige pahangin muna ako don. Kita nalang tayo mamaya. Iintindihin ko muna yung mga nangyari kanina." Ngumiti lang ako sa kanila tas iniwan ko na sila don.
Jacen's Pov
Kung tutuusin sinadya ko talaga na ipahanap sa kanya yung mga flags. Tutulungan ko naman siya kung tatanggi siya eh. Pero hindi siya tumanggi kaya hinayaan ko nalang siya. Madami akong mga nakitang flags pero hindi ko tinuturo sa kanya. Rude ba sa tingin niyo? Okay lang. May dahilan naman kasi ako kung bakit ko ginawa yon.
Hays magiisip-isip muna ako dito sa taas ng puno. Buti pa dito tahimik, una kasi sa lahat ayoko ng maingay at magulo. Pero lahat ng yon nagbago nung dumating yung pitong babae sa buhay naming pito. Naging magulo at maingay. Nakalimutan na nga namin yung plano namin na maghiganti. Nawala lahat ng yon ng dumating sila...
"Letche ka talaga Jacen! Pag nakita talaga kita kakalbuhin kita ng sobra-sobra!" Wala na kaagad yung tahimik kong araw.
Umupo siya malapit sa puno kung nasan ako mga 2 metro pa naman yung layo niya kung nasaan ako. Siguro badtrip to sa ginawa ko kanina.
"Humanda ka talaga sakin Valenciano." Pumulot siya ng bato tsaka niya binato sa kawalan.
"ARAY PUTA!!" Lintik sa akin pa tumama!
"Ay puta! May tao ba diyan?! Kung sino ka man humanda ka sakin kasi nakinig ka sa mga sinabi ko! Kaya lumabas ka na habang may oras pa." Imbis na magsorry lalo pang nagalit.
"Hindi ka talaga lalabas? Okay pasensyahan nalang tayo! Stone attack!"
*Boogsh boogsh boogsh*
"TUNGINA ANG SAKET!! MAKAKABABA BA AKO KUNG PATULOY MO AKONG BINABATO?!"
"IKAW PALA YAN UNGGOY NA LABANOS KA! BUMABA KA AT IPALIWANAG MO SAKIN YUNG SINABI NI KENDRICK!"
"Sandali! Ganon ba kadali bumaba sa puno? Easyhan mo nga lang." Try niya kaya para malaman niya. Tss.
"Nakakagago kasi eh! Sabihin mo sakin bakit mo ko pinagtripan kanina? Kung may nakita ka namang flags bakit hindi mo kinuha? Alam mo ba kung gaano kaimportante yung flag na yon para sakin? Dagdag grades yon Jacen eh, scholar lang kami kaya kailangan namin ng mataas na grades, para hindi kami matanggalan ng scholarship. Palibhasa mayayaman kayo kaya wala kayong pakielam kung may natatapakan kayo. Shet bakit ba ako umiiyak sa harapan mo at sa lecheng flag na yon? Matatag kang tao Phyrone kaya hindi ka iiyak dahil lang sa flag na yon. Psh, sinasayang ko lang yung luha ko sa taong walang kwenta. Kung ayaw mo sakin sabihin yung dahilan, okay lang. Sana maguilty ka sa pinaggagawa mo." Tumalikod na siya sakin tsaka naglakad palayo. Napayuko nalang ako dahil sa lahat ng sinabi niya.
"Oo naguguilty ako sa pinaggagawa ko sayo kanina. Pwede ka naman tumanggi sa sinabi ko diba? Kung tumanggi ka sana may flag ka ngayon, pero hindi ka tumanggi dahil sa pride mo. Tingin mo kasi sa sarili mo matatag kang tao, pero hindi yon ang nakikita ko. Pilit mo kasing tinatatak sa isip mo na matatag ka dahil sa sitwasyon mo." Sinasabi ko lang kung ano yung nakikita ko sakanya.
"Oo pinipilit kong maging matatag. Kung hindi ako magiging matatag para samin, anong mangyayari samin? Wala diba? Kung kahinaan ang ipapakita ko sa inyo walang mangyayari samin, kung magiging mahina ako baka lagi kaming aapihin ng mga taong sobrang taas ng tingin sa sarili nila. Inalala ko lang naman yung kinabukasan namin eh. Kasi kayong mayayaman isusubo nalang sa inyo yung mga kailangan ninyo."
"Okay lang naman maging matatag pero hindi sa paraang pinapataas mo yung pride mo para hindi ka pag-isipang mahina ka. Sinasabi ko sayo to kasi may pakielam ako sayo bilang kaibigan mo." Masyado nang madami yung sinasabi ko ngayong araw, parang hindi na ako to.
"Salamat. Salamat kasi may pakielam ka pala sakin/samin. Salamat sa lahat ng sinabi mo kahit hindi ka namanag salitaing tao. Salamat kasi may narealize ako sa lahat ng sinabi mo. Ano bang pwede kong isukli sa lahat ng yon?"
"Yakap? Haha okay lang ba sayo yon? Pero walang malisya yon ah."
"Psh daming sinabi, yakap lang pala gusto."
Masarap pala sa pakiramdam na may natutulungan kang tao sa paraang kaya mo.
----------------
----------------
------
Sorry guys ngayon lang ako nakapag-update. Comment naman po kayo para malaman ko po yung reaksyon niyo o kaya po kung may problema kayo. Free to suggest some scenes!
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top