Epic 18: RhouQin
Rhoui's Pov
Pagkatapos namin kumain, pinadiretso agad kami malapit sa mga gubat doon daw ipapaliwanag yung kailangan gawin. Yung totoo? Fieldtrip ba to o ano? Kasi ang pagkaka-alam ko sa fieldtrip may pinupuntahang iba't-ibang lugar. Kakaiba din yung fieldtrip sa kanila noh.
Pinaliwanag na samin yung mga gagawin. Ang gagawin daw, hahanapin yung mga flag kung saan man nila nilagay. Ang unang makakuha daw ng mga flags ay may dagdag grades. Mukhang challenging to ah.
Didiretso na sana kami nila sa Jai sa gubat ng biglang nagsalita si Ma'am....
"Wait students, nakalimutan ko sabihin na kailan partner partner. Isang babae isang lalaki." What?! Lagi nalang boys girls ang magkasama. Gusto ko makasama yung mga kaibigan ko eh.
"Last Ms. Dela Vega and Mr. Jung. Magsimula na kayo." Hays siya nalang ba lagi ang makakapartner ko. Ako na nga ang umiiwas eh. Yung mga kaibigan ko naman kapartner yung mga kaibigan ni Kendrick. Buti sakanila walang mga issues.
Lumapit sakin si Kendrick. "Rhoui start na tayo."
Bumuntong hininga nalang ako. "Okay." Pumunta nalang kami sa gubat para mahanap yung mga flags.
Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot samin ni Kendrick. Wala ni' isang nagsasalita samin.
"May nakita ka na bang mga flags?" Basag ko sa katahimikan.
"Huh? Ah.. Eh wala pa. Ikaw?" Bakit mukhang natense siya sa tanong ko? May mali ba sa tanong ko? Bahala na nga siya.
"Eh ilang oras na tayong naghahanap dito pero wala parin tayong makita." Inis na sabi ko sa kanya.
"Eh sa wala padin akong makita eh." Nakangisi niyang sagot sakin. Problema nito?
Inirapan ko siya. "Babalik na ako sa labas ng gubat. Bahala na kahit wala akong dagdag grades."
Naglakad ako ng konti sa kanya. "Basta wag lang kita makasama ng matagal baka bumalik pa yung nararamdaman ko sayo." Pabulong kong sabi para hindi niya marinig.
Clarkendrick's Pov
Umirap siya sakin. "Babalik na ako sa labas ng gubat. Bahala na kahit wala akong dagdag grades." Ang ganda parin niya kahit naiinis siya. Hay ang lakas ng tama ko sayo Rhoui. Kailan ka ba magiging akin?
Naglakad siya ng palayo sakin ng konti. "Basta wag lang kita makasama ng matagal baka bumalik pa yung nararamdaman ko sayo." May sinabi siya pero hindi ko narinig.
Hinabol ko siya para maabutan ko siya. "Rhoui ano yung sinabi mo kanina?" Malay mo importante pala yon diba? Mas mabuti nang sigurado.
Nagulat siya. "N-narinig mo?"
"Bakit? Ano ba yon?" Nakakunot noo kong tanong aa kanya. Nawi-weirduhan na ako sa kanya ha.
"A-Ah, wala yon. Hehehe." Mukhang may tinatago siya sakin.
"Tutal ayaw mo naman ng dagdag grades, mas mabuti pa ngang umalis na nga lang tayo dito." Nauna na akong maglakad sa kanya.
"K-Kendrick?!!" Kagulat naman tong si Mahal!! Mamatay ako ng maaga dahil sa kanya. Hindi ako pwede mamatay ng maaga kasi papakasalan ko pa siya. Yiiieee kinilig si Reader dahil sa malupet na banat ni Kendrick!!
"Ano ba yon? May nakita ka na bang flags?"
Lumapit siya sakin at bigla akong sinampal. Huwaaat?! Bakit?!
"Sinungaling! Sabi mo wala ka pang nakikitang flags?! Eh bakit may tatlong flags sa bulsa mo?! Ginagago mo ba ako huh?!!" Patay nakita pala niya!! Dapat mamaya ko pa to ipapakita sa kanya eh. Baka kasi matuwa siya kapag ginawa ko yon. Pero mukhang kabaliktaran ang nangyari.
"Sumagot ka! Bakit ka nagsinungaling sakin na wala ka pangnakikitang flags?!" Sumagot ka!" Putcha pano ako makakasagot kung talak siya ng talak sakin?!
"Kasi ano..." Ano nga ba?
"Kasi ano?!" Atat!!
"Kasi gus—–."
"ANO NGA?!!"
"KASI NGA GUSTO PA KITA MAKASAMA NG MATAGAL! Kahit ngayong oras lang." Hindi maipinta yung mukha niya dahil sa sinabi ko sa kanya.
"Gusto mo kong makasama? B-bakit?" Naguguluhan niyang tanong sakin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. "Look Rhoui. Matagal ko nang gusto sabihin sayo to pero wala akong lakas ng loob para umamin para sayo."
"Umamin? Anong aaminin mo sakin?"
Bumuntong hininga ako. "Listen, Gusto kita Rhoui ay hindi Mahal kita Rhoui, Mahal na mahal." Naamin ko na rin sa kanya sa wakas.
"P-pero bakit ako? Maraming mas magagandang babae diyan kesa saakin, mas mayayaman, yung babaeng mas bagay sayo."
"Wala akong paki kahit hindi ka kagandahan, hindi ka mayaman, kahit hindi ka yung babaeng bagay sakin sa paningin nila. Pero ikaw yung babaeng mahal na mahal ko, babaeng gusto kong pakasalan, yung babaeng gusto ko makasama habang buhay." Sincere na sabi ko sakanya.
Ngumiti siya sakin. "Salamat kasi ako yung minahal mo. Pero komplikado kasi yung sitwasyon natin eh."
"Huh? Komplikado? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Basta, mahabang kwento." Tumalikod na siya sakin kaagad. Ano yun basted na agad ako?
"Sandali Rhoui! May itatanong pa ako sayo!"
Humarap siya sakin "Ano yun?" This is it pancit!
"Pwede ba kitang ligawan?"
Ngumiti lang siya sakin sabay tumalikod kaagad.
Ano yun? Pumayag na ba siya?!! Hindi ako pwedeng mabasted!!
"RHOUI CELINE DELA VEGA!!" Sigaw ko sa kanya.
"Oo na!! Slow!" O-okay?! P-pumayag na siya?! Pumayag na siyang ligawan ko siya!! I'm the happiest men alive!!
—————————————————————————————————————————
Hi guys~ Sorry ngayon lang ako nakapag-update. Short update muna. Actually pinipilit lang ako ng mga kaklase ko na mag-update. Hahahaha.
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top