Epic 16
Rhoui's Pov
Andito na kami ngayon sa University hindi pa kami umaalis kasi inaayos pa ng teacher namin yung seating arrangement. Dami namang arte tapos kailangan magkatabi babae lalaki. Daming alam. Sukahin pa naman ako sa byahe, nakakahiya naman sa magiging katabi ko kung magsusuka ako diba.
"Class okay na yung seating arrangement niyo!" Natapos din siya.
Tinawag na niya yung mga magkakatabi. "First, Mendoza and Jeon, Ford and Ramos."
"Ma'am sino pong Ramos?" Tanong ni Jai.
"Ikaw Ms.Brianna Jai Ramos." Parang sinasadya ng teacher na yon yung mga magkakatabi. Parang planado.
"Next Valenciano and Marquez, Valdemar and Adams, Ramos and Duke, Santos and Kim, last Jung and ......" Wag sana ako kahit mukhang sadya yung seating arrangement *cross fingers*
"Dela Vega." What!! Hindi pwede!! Kailangan kong umangal.
"Ma'am isa nalang po sa kaibigan ko yung katabi ko. Nakakahiya po kasi kay Kendrick kapag nagsuka ako." Oo tama, nakakahiya!
Tumingin sakin si Kendrick. "It's okay to me Ms. Dela Vega." Sabay kindat. Waaa! Kinidatan niya ako! Wag mo pahirapan na layuan ka Kendrick!
"Oh, okay lang naman daw kay Mr. Jung yung kalagayan mo Ms. Dela Vega." Hays, wala na akong magagawa. Pinipilit ko na ngang lumayo sa kanya pero pilit na pinaglalapit parin kami ng tadhana. Makisama ka naman tadhana sa sitwasyon.
"Okay class, 5mins nalang aalis na tayo." Wala na talaga akong magagawa. Pumasok nalang kami sa bus. Buti nalang tapat tapat lang yung mga upuan namin.
Mas naunang umupo si Kendrick, pumwesto siya banda don sa bintana. Tsk naunahan na niya tuloy ako. Gusto ko pa namang tumingin-tingin sa paligid habang bumabyahe kami.
Tiningnan ako ni Kendrick, umiwas naman ako kaagad. "Gusto mo dito ka nalang pumwesto?"
"Huh? H-hindi na. Okay lang." Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Tss arte pa. Sige na, umupo ka na dito." Tumayo na siya sabay lumipat sa kabilang upuan. Sabi niya eh.
Umalis na yung bus sa University. Kinabit ko nalang yung headset ko sa cellphone ko para hindi ako maboring. Ilang oras na rin yung nakalipas pero wala pa rin kami sa destination namin kaya natulog muna ako. Hindi ko alam kung saan ako pepwesto bahala na nga, hindi ko na talaga kaya yung antok ko.
Clarkendrick's Pov
Kanina pa ako nahihilo sa ulo ni Rhoui. Nilagay ko nalang yung ulo niya balikat ko, baka kasi ma-stipneck yung mahal ko. Oo Mahal ko siya. Bakit ba! Narealize ko lang nung isang araw na mahal ko na pala siya. Hinahaplos-haplos ko lang yung buhok niya nang bigla siyang gumalaw. Nagulat naman ako don kaya kunwari tulog din ako. Nagising ata siya sa ginawa ko. Sorry kung nagising kita Mahal ko!
"Shet wag ngayon. Nakakahiya kay Kendrick kung magsusuka ako sa harap niya. Baka magising din siya." Bulong niya. Nagkunwari akong nagising tapos nagtanong ako kung nasan na kami. Tiningnan ko si Rhoui sa gilid, nakatakip lang siya sa bibig niya.
"Okay ka lang?" Nagthumbs-up lang siya pero halata naman na hindi siya okay sa kalagayan niya. Tiningnan ko yung nga kaibigan niya. Aish ang sasarap ng tulog nila sa balikat ng mga kaibigan ko. Gustong-gusto naman ng mga ugok. Ang sasarap ng tulog nila pero itong mahal ko hirap na hirap na.
"Rhoui wag ka na mahiya sakin. Natural lang yung ganyang sitwasyon." Nagthumbs-up parin siya sakin. Hindi narin niya napigilan yung pagsusuka niya. Buti nalang ready ako kaya nasahod ko kaagad yung kamay ko este yung plastic bag. Ano ba yan ang baboy naman kung kamay ko yung ginamit para sahudin yung suka ng Mahal ko. Pero okay lang din, suka naman ng Mahal ko to eh. Hahaha! Dugyot!! Hinagod-hagod ko nalang yung likod niya. Parang mauubos na yung mga kinain niya kakasuka niya, halos malapit na ngang mapuno yung plastic bag eh. Sakto namang kakatapos lang niyang sumuka ng huminto yung bus para makakain kami.
"Rhoui baba muna tayo para hindi ka masyadong kulob dito." Tumango lang siya tsaka inalalayan ko siyang makababa sa bus. Nakasalubong naman namin yung mga kaibigan niya. Mukhang alalang-alala naman sila kay Rhoui. Ayan kasi, ang sarap kasi ng mga tulog niyo.
"Okay ka na Rhoui?" Ito ata yung Tam eh.
"Oo okay lang ako. Buti nalang andon si Kendrick para tulungan ako. Salamat nga pala Kendrick." Tumango lang ako sa kanya tapos yumuko kaagad ako kasi naramdaman ko na parang uminit bigla yung mga pisngi ko. Hindi lang bakla ang kinikilig noh, pati din kaming mga lalaki.
"Ah Rhoui and Friends punta muna ako sa mga tropa ko ah." Parang Barney and Friends lang eh noh!! Hahaha!
"Sige. Hindi naman kita pag-aari para pagbawalan kita." Huh? Kung pwede ko nga lang sabihin na "Matagal mo na akong pag-aari Mahal ko." Shet! Pati asin lalanggamin yata sa ka-sweetan ko. Wala pa kasi akong lakas ng loob para sabihin sa kanya yon eh. Tsaka parang may pinapahiwatig siya sa katagang sinabi niya.
Lumapit ako sa mga ugok. "Oy ba't ka namumula Kendrick?" Patay napansin ni Zeus.
"Kinilig yan! Ikaw ba naman palibutan ng magagandang babae. Pakilala mo naman ako sa kanila." Jusko Zac! Kailan ka ba titino?!
"Ayoko nga!!" Tinaasan naman nila ako ng kilay. Bakit may gusto ba sila sa mga kaibigan ni Rhoui babes ko?Aish mali pala yung pagkakasabi ko. "I mean, wag na pala." Pagpapaliwanag ko pa uli.
Napangiti ako. Time to make a revenge. Bwahahaha!! "Kayo nga sarap na sarap na natutulog habang nakahiga sa balikat niyo yung mga katabi niyo eh!!" Lintik lang ang walang ganti! Hahaha! Mukha silang mga nakakita ng multo! Wahahaha!!
Sabay-sabay silang umiwas ng tingin sabay sabing "Hindi noh!!"
Tinawanan ko sila. "Anong hindi?! Mukha na nga kayong mga kamatis dahil sa pula!!" Ang sasama ng tingin nila sakin. Wrong move! Umatras lang ako ng umatras habang sila palapit ng palapit sakin. Tulong! Isa laban sa anim?! Ayoko pang mamatay! Help!
"Students!! Kailangan na natin umalis para makapunta na tayo sa destination natin!!" My life saver~ (AN: Patay kumanta na siya ng kanta ni Bieber.)
Tumakbo nalang ako palayo sa kanila sabay pakyu sign. Wahahaha!
Tiningnan nila ako ng masama. "KENDRICK HUMANDA KA SAMIN!!" Ilayo niyo ko dito! Ayoko pang mamatay!!
—————————————————————————————————————————
Layuan niyo po si Kendrick dahil isa po siya sa nakatakas sa Mental Hospital.
Don't forget to vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top