Epic 15
Clarkendrick's Pov
Andito kami ngayon sa room, hindi muna kami nag-cut ng class kasi may sasabihin daw na importante yung Teacher namin. Psh, importante ba yung "Fieldtrip"? Fieldtrip pa! Ano kami elementary? Walang kwenta.
"So class required kayong lahat don. 40% of your grades, at kasama din yon sa darating niyong clearance." Psh, kahit hindi naman kami sumama diyan makakapasa parin kami.
"Lahat po talaga kasama. Pano po kung may emergency sa day na yon?" T-tama.
"Yes lahat Ms. Dela Vega. Kung may emergency sa day na yon, kayo na bahala humandle don. Okay class dismissed."
Nakakatamad din naman kasi sumama sa fieldtrip na yon. Sana kung trip to Korea mas masaya pa ako. Nami-miss ko na din don. Matanong nga si Timothy kung sasama kami.
"Timothy sasama ba tayo sa fieldtrip?"
"Ewan ko sa inyo. Gusto niyo ba?" Hindi naman sila sumagot, siguro pinag-iisipan pa nila. Nakakaantok naman! Umub-ob nalang ako sa desk.
"Sasama ba tayo?" Rinig kong sabi ni R-rhoui kahit nakayuko ako.
"Oo naman! Bonding din natin yon." Tumingin ako saglit sa kanya.
Ngumiti naman siya. "Sige na nga. Wala naman akong magagawa eh." Urgh, that smile! Don't do this to me again Rhoui!
Oppss!
May sasabihin akong secret sa inyo ha. Wag niyong ipagsabi sa iba. Alam niyo ba, crush ko yan si Rhoui dati pa. Hindi ko alam kung gusto o mahal yung nararamdaman ko sa kanya. Nagtataka din ba kayo kung bakit ganito ako umasta? Diba ang alam niyo sakin isip bata, pwes nagkakamali kayo. Sinasadya ko yon pag nasa paligid ko lang si Rhoui. Nagpapapansin ako sa kanya eh. Pati mga kaibigan ko hindi alam na matino ako, ang alam nila paiba-iba yung ugali ko. Wag kayo maingay ha? Kayo kayo palang may alam ng nararamdaman ko. Kasi baka kapag sinabi ko sa mga kaibigan ko baka asarin nila ako.
"Sasama na pala tayo." Sabi ni Timothy. Yieee! Alam ko kung bakit!! Hahahaha. Hindi ako manhid noh. Wala na rin naman kaming magagawa eh, siya Leader eh.
Timothy's Pov
Bago kami pumunta sa Univerity nagpaalam muna ako sa kanila para may puntahan. Sabi ko sa kanila may bibilhin lang muna ako.
"Kaya ko toh. Para sa babaeng gusto ko. Fighting!" Pumasok na ako sa loob ng kotse para pumunta sa bahay nila.
Tiningnan ko muna yung box na ibibigay ko sa kanya. Simple lang yung kwintas na ibibigay ko sa kanya. At nilagyan ko din ng letter yung box. Alam kong hindi ako marunong sa ganito. Nakakahiya na kasi sa mga kaibigan ko na sila lagi yung gumagawa ng paraan para maka-amin ako sa taong gusto ko.
Nakarating na ako sa bahay nila. Buti nalang walang tao sa paligid. Nag-stay muna ako saglit para pag-isipan kung itutuloy ko ba. Tumingin ako sa orasan ko, isang oras na lang bago fieldtrip. Baka hinahanap na din nila ako. Kaya napag-desisyunan ko na iwan nalang yung box sa tapat ng pinto nila. Kasi masyado pang maaga at wala pa akong lakas ng loob para magpakita sa kanya. Ayaw ko munang magpadalos-dalos. Saktong paalis na ako ng may biglang lumabas sa bahay nila buti nalang nakatago agad ako sa likod ng halaman.
Sana magustuhan mo yung regalo ko sayo Tam. Sana tanggapin mo din yung pagmamahal ko sayo, kahit hanggang tingin muna. Alam ko na hindi mo agad mapapansin yung pagmamahal ko sayo kasi masyadong kang naka-focuse sa pagiging fangirling mo sa iniidolo mo. Hihintayin nalang yung araw hangga't sa mahalin mo ko.
Jai's Pov
*Fieldtrip day*
Andito kami sa bahay naming magkakaibigan. Explain ko muna sa inyo kung pano kami nagkabahay, ganito kasi yon nagpaka-independent kasi kami sa mga magulang namin. Pinag-ipunana namin to para mahulog-hulugan yung bahay. Minsan naman binibigyan kami ng magulang namin. Hindi naman kami actually mahirap kung baga may kaya lang. Ganon lang talaga tingin samin sa school na yon, palibhasa laki sila sa yaman. Okay back to reality na tayo. Ready na kami papunta sa school, sila andon pa sa loob ako andito na sa labas kasi naeexcite ako. Sa sobrang excite ko di ko napansin na may box pala sa harap ng pinto. Kanino kaya to galing? Wala namang tao dito sa paligid. Tiningnan ko nalang yung laman ng box. Waaah may sulat!! kanino kaya to?
To: Tam
Hindi ko kayang hindi mahulog sa araw-araw. Naneun jin jja jo-a hae.
From: Rap Monster
Kahit hindi ko naintindihan yung message sa dulo kinikilig parin ako sa unang nakasulat!!
"Kyaaah!! Tam!!" Tili ko nung nakita ko yung message.
"Ate! Anong nangyare sayo?!" Alalang-alalang tanong ng kapatid ko.
Hinampas-hampas ko siya. "Waaa! Tam! Inunahan mo pa si Ate!" Talo pa ako ng kapatid ko!
"Huh? Aray ko! Ano ba kasi yon?!" Inabot ko sa kanya yung box.
Tiningnan naman niya yung box. "Anong gagawin ko dito?"
"Malamang bubuksan! Tanga lang sis?!" Inirapan niya nalang ako.
"Sino naman nagpapabigay?"
"Hindi ko alam kung sino nagbigay pero may pet name diyan na Rap Monster daw!! Nakita ko lang yan sa tapat ng pinto!" Biruin mo may nagkagusto sa amazona kong kapatid. Sa tingin ko nga hindi babae yon eh! Hahaha! Joke lang sis! I'm so happy for my sister! Kinabog pa yung lovelife ko.
"Mamaya na kayo magharutan diyan. Konting oras na lang late na tayo." Ang sungit talaga ni Rhoui! Fieldtrip here we go!!
—————————————————————————————————————————
Super short update. Sweet ni Timothy. Bigyan niyo ko ng isang katulad niya! Mutual na yung feelings nila Rhoui and Kendrick!!
Don't forget to vote and comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top