Epic 14
Zeus Pov
Ilang weeks na rin ang nakalipas pero hindi parin namin nakikita yung mga nambugbog samin. Parang nakakasawa na rin kasi eh. Nabubuhay kami sa puot at galit. Parang nawawalan na rin kami ng pag-asa sa paghahanap sa kanila. Parang ayoko na rin ituloy tong paghihiganti na toh. Wala namang mangyayari pag tinuloy parin namin to nabubulag lang kami dahil sa galit.
"May balak pa ba kayo ituloy yung plano?" Natahimik naman sila sa tanong ko.
Tumingin sakin si Jacen. "Bakit naman hindi?" Alam kong hindi niya nagustuhan yung sinabi ko.
"Nakakasawa na kasi. Naghihintay lang tayo sa wala."
"Kung kayo nagsasawa na, ako hindi! Ganyan ba kadali para kalimutan yung mga nangyari sa atin?! Alam ko na kung bakit kayo biglang nagsawa. Porket may bago na kayong pinagkakaabalahan. Ang bilis niyo namang makalimutan yung mga nangyari,dahil sa mga t*nginang mga babae!! Ganyan na ba kayo kaintirasado sa kanila?!"
Biglang tumingin sa kanya si Timothy ng masama. Kinwelyohan niya si Jacen. "Ganyan ba tingin mo samin?! Hindi madali kalimutan yung mga nangyari noon! Pero kung ganon nga tingin mo samin. Mas mabuti nalang na maghiwahiwalay na tayo!" Pumasok nalang siya sa kwarto.
"Timothy!" Pano na toh? Kailangan nila magka-intindihan.
"Hyung bakit mo ba sinabi yon? Ano nang mangyayari ngayon?" Napasabunot nalang si Phoenix sa mga nangyayari.
"Wala. Inaantok lang ako." Ano?! Dahil lang sa inaantok siya. Anong kagaguhan yan?! Inaantok lang pala tapos kung ano-anong masasamang pinagsasabi!!
(AN: Paalala: Wag kakausapin si Jacen kapag inaantok baka kung anong masabi niya sa inyo.)
Jacen's Pov
Pumunta muna ako sa park para mahimas-masan ng konti. Dala lang siguro ng kaantukan kaya kung ano-ano yung mga nasabi ko kanina. Hihingi din naman ako ng tawad eh. Pero hindi ko alam kung papaano. Habang nagiisip ako kung pano ako makakahingi ng tawad sa kanila may nakita akong nag-aaway pero yung babae parang pamilyar. Ewan ko kung bakit hindi ako umaalis sa kinakatayuan ko, parang gusto kong pakinggan lahat ng pinag-uusapan nila.
"Phyrone ayoko na! Pagod na ako pakisamahan yung ugali mo! On and Off yung relationship natin! Hindi ko alam kung magwo-work pa toh! Kaya sorry. I still love you but I need to brake up with you."
"Yvo please give me a second chance to prove that I love you so much. Pipilitin ko baguhin yung ugali ko para sayo." Lumuhod na siya sa harapan ng lalaki.
"Sorry talaga Phy, pero ayoko na talaga. Sana makahanap ka ng lalaking para sayo na hindi ka iiwan."
"Yvo!!" Pagka-alis ng lalaki di ko alam kung bakit ako lumapit sa kanya para iabot yung panyo ko. Bigla siyang tumingin sakin tapos mas lalo pa siyang umiyak. Hindi ko alam kung pano mag-comfort. Ayoko pa naman makakita ng babaeng umiiyak.
"Miss tumigil ka na. Sayo na yang panyo ko."
Tumingin siya sakin. "Hindi mo kasi naiintindihan eh. Kung hindi dahil sayo hindi sana kami magbe-brake ni Yvo." Huh?
"Huh? Pano ako yung naging dahilan?" Ako? Paano?
"Gusto mo sabihin ko sayo lahat kung bakit ikaw yung dahilan ng brake up namin?" Tiningnan ko siya ng kung-pwede-look.
"Nung muntikan mo na ako suntukin."
"Yun lang?!" Ambabaw naman ng dahilan ng ugok na yon.
"Oo. Nakita niya kasi ako non nung nakikipag-away ako sayo. Nung nakipagkita siya sa akin sabi niya ang warfreak ko daw, dapat daw hindi ako pumapatol sa lalaki. Dapat nung araw na yon makikipag-break na siya sakin pero biglang may tumawag sa kanya na umuwi na siya. Tapos magkaiba pa kami ng pinag-aaralan. Una palang talaga ayaw niya ako dun pumasok."
"Eh paano ka niya nakita?" Pano yun? Eh bawal outsider sa Athen's.
Huminga siya ng malalim. "Pumunta siya don kasi monthsary namin nung araw na yon." Bigla naman siyang nalungkot.
"Ah, sorry nga pala don. Alam kong hindi na mababalik yung boyfriend mo ng sorry ko. Sana mapatawad mo pa ako." Kahit papaano nakokonsensya din ako noh. Di pa nga ako nakakapag-sorry kay Timothy eh.
"Wala na tayong magagawa, nangyari na eh."
"Sorry talaga."
"Wala na yon. Nga pala bakit ka andito?"
"Nag-away kasi kami ng kaibigan ko."
"Tungkol saan?" Sabihin ko ba sa kanya na mga kaibigan niya yung dahilan kaya kami nag-away? Siguro wag muna kasi hindi ko pa siya ganun kakilala para pagkatiwalaan.
Ngumiti ako sa kanya. "Private eh."
"Sorry."
"Alam mo may mali din yung ex-boyfriend mo eh. Dapat tanggap ka niya kung ano man yung ugali mo. Siguro itsura mo lang yung minahal niya. Hindi yon dahilan para mahalin ka niya. Dapat kung mahal ka niya, dapat mahal ka niya bilang ikaw at hindi dahil sa itsura mo at hindi din yung magbabago ka para sa kanya." Shet! Words of Wisdom. San ko hinugot yon. Yan ata yung pinaka-mahaba kong nasabi.
Nakatulala lang sakin si Phyrone. "Huh? Oo, siguro nga. Kailangan ko ng magmove-on. Hindi siya kawalan. Tomorrow is another day!!" Grabe parang walang nangyari sa kanya.
"Phyrone nga pala. Mukha ka namang mabait eh." Mukha daw akong mabait?
"Jacen. Mukha ba talaga akong mabait?"
"Oo nam——"
*Ring ring ring*
"Wait lang ah. Tumatawag kasi si Rhoui eh." Lumayo lang siya ng konti sakin kaya rinig ko yung pinag-uusapan nila.
"Hello sino toh?.... Sorry bago kasi yung phone ko eh.... Ganun ba?.... Sige uwi na ako. Bye." Lumapit na uli siya sakin.
"Sige una na ako Jacen. Thank you sa Words of Wisdom mo. Sana magkabati na kayo ng kaibigan mo kung ano man yung pinag-awayan niyo!" That girl is interesting huh.
Bakit ba ang lalapit ng grupo ng babaeng yon samin? Anong ibig sabihin non?
———————————————————————————————————————
Short update muna guys. Sana po mag-vote and comment naman po kaya para ganahan po akong mag-update.
(J-Hope as Clarkendrick at multimedia)
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top