Epic 13

Kryptanne's Pov

"Yah Kryptanne, Dong shinun an joo yeo ppu da!"

"Huh?" Anong ibig sabihin non?!

"Bye!" Phoenix!!

Ano ba kasing ibig sabihin non?! Alien language ba yon? Search ko na nga lang sa google mamaya!!

"Huy Kryptanne! Ano tulala?"  Ako tulala?

"Huh? Hindi! Hindi ako tulala!" Di naman kasi talaga ako tulala.

"Nasan na yung kasama mo?"

"Ah yung kasama ko? Umuwi na." Sabihin ko ba sa kanila na si Phoenix yon at nakipagkilala siya sakin?

"Parang pamilyar sakin yung lalaking yon." Sabi ni Zayne habang nag-iisip.

"Pamilyar talaga. Kasi si Phoenix yon."

"Huh?! Ano?!" Sabay sabay pa talaga sila ah.

"Naka-disguise kasi siya." Tiningnan nila ako ng naguguluhan.

"May sasabihin din pala ako sa inyo."

"Ano? Kayo na?!" Kami agad? Di ba pwedeng niligawan niya muna ako? Charr~

"Hindi noh! Friend na kami, parang ganun."

"Bakit kayo lang?! Bakit kami hindi?! Huhuhu!" Pumunta si Phyrone sa pader para magwa-lling. Tiningnan ko yung reaksyon ni Rhoui. Parang nagulat siya sa sinabi ko.

Umiwas siya ng tingin. "Uwi na nga tayo." Sabi na nga ba hindi magugustuhan to ni Rhoui.

"Hoy Phyrone tama no yang pagwa-walling mo!" Sabi ni Tam. Siguro okay lang naman sa kanila na friends na kami ni Phoenix, maliban na nga lang kay Rhoui.

Zacriel's Pov

"Badtrip! Badtrip! Badtrip!" Sampung milyon niya na ata sinasabi yan!! Ganyan ba siya magselos? Grabe naman.

"Uy tumigil ka na nga diyan. Bakit ka ba badtrip?" Tanong ni Zeus.

"Ewan. Basta." Tumayo na siya tapos pumasok na sa kwarto.

"Phoenix lika sa labas kwento ko sayo kung bakit badtrip yon." Pabulong ko sabi sa kanya baka kasi marinig ng iba.

"Sige sige! Maganda yan!" Pumunta na kami sa garden.

"Uy ano na?"

*Flashback: Mall*

Naglalalakad-lakad kami sa mall kasi hindi namin alam kung san napadpad si Phoenix. Tapos napansin namin na andaming tao sa ground floor. Yun pala may artista. Di ko naman kilala yung lalaki eh, pero mas gwapo ako don *smirk*. Tapos tinanong ko si Tinothy kung kilala niya yung artista. Pero sinadya ko yon kasi nasa stage yung babaeng gusto niya. Tumingin siya saglit tapos sabi niya hindi. Hindi pa siguro niya nakikilala yung babae. Dahan-dahan siyang lumingon kasi nakilala na niya ata yung babae. Titig na titig siya don sa stage, ang sama pa nga ng tingin niya don sa lalaki eh. Napa close fist pa nga siya eh! Pinipilit ko na nga lang hindi matawa sa reaksyon niya eh! Biglang kinantahan ng lalaki yung babae. Yung babae naman sobrang kilig na kilig. Mas gwapo at mas maganda parin yung boses ko sa kanya *smirk*. Pagkatapos kumanta nung lalaki bigla niyang niyakap yung lalaki. Tiningnan ko uli yung reaksyon ni Timothy. Pffftt. Mukha na siyang natatae dahil sa selos! Niyakap din pabalik nung lalaki yung babae. Mangiyak-ngiyak na nga yung babae eh.

"Anong pangalan mo?" Tanong sa kanya.

"Tam po!!" Ah, Tam pala yung pangalan niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong uli sa kanya.

"Sobrang saya ko lang po! Sobrang fan mo kasi ako Dj eh!!" Dj pala pangalan niya. Mas cool parin pangalan ko sa kanya *smirk*.

Tiningnan ko uli si Timothy. Hahaha sasabog na siya sa sobrang selos! Nagsigawan naman yung mga babae kasi biglang hinalikan ni Dj sa kamay si Tam. Nagkagulo naman yung crowd dahil don.

"Kyaaah! Ang swerte ni girl!!"

"Sana ako nalang siya! Dj ako din!!" At kung ano-ano pa yung pinagsasabi nila.

"Lika na. Uwi na tayo. Wala naman tayong mapapala dito." Tss, nagseselos ka lang eh.

"Hindi pa namin nakikita si Phoenix."

"Baka madaanan natin siya, kung wala text niyo nalang." Nauna na siyang maglakad samin. Ganyan pala siya magselos.

*End of Flashback*

"Hahaha sayang wala ako don. Pero okay lang, nakilala ko naman si Kryptanne eh." Whoa, Phoenix ikaw ba yan?! Hindi siya mahilig sa babae! Sa totoo lang kilala ko talaga si Kryptanne.

"Hoy ikaw sino si Kryptanne? Hindi ka naman mahilig sa babae ah." Pang-aasar ko sa kanya. Mukhang may nakabihag na ng puso ng isang Phoenix Ryu Jeon!

"Gusto mo siya?" Pag-sumagot to ng Oo!! Mawawasak ang mundo ko! Sakanya lang umiikot yon! Wahahaha! Joke lang mga girls! Kawawa naman ang mga babaeng nagkakandarapa sa abs ko.

"Nakipagkilala lang gusto na agad! Di ba pwedeng nabaitan lang ako sa kanya."

"Ewan ko sayo. Way ko kasi ng pakikipag-friends is gusto ko yung tao." Totoo yun, yung kay Xhy kaya ako nakipag-friends kasi gusto ko yung personality niya. Yun lang at wala ng iba.

"What do you mean by Gusto?"

"Katulad nung kay Xhy, nakipag-friends ako sa kanya kasi gusto ko yung personality niya." Ay patay bakit ko nasabi si Xhy sa kanya! Hot seat na naman!

"Sino naman si Xhy?" Tsk, dapat hindi ko pala sinabi sa kanya. Pero mapag-kakatiwalaan ko naman si Phoenix eh.

"Ano ba naman yan! Edi yung kaibigan ni Kryptanne, Jai and Tam!" Ano ba naman yan, dapat inaalam niya muna yung nasa paligid ng gusto niyang maging kaibigan! Buti pa ako! Stalker here! Amputek pang bakla yan Author!

"Alam na alam ah. Kilala mo silang lahat?" Psh, ako pa!

"Oo naman! Una si Xhy, Kryptanne, Tam, Jai, Zayne, Phyrone and Rhoui." Diba kilala ko silang lahat. Stalker here! Amp! Author!

"Pansin ko lang si Timothy hyung may gusto kay Tam. Si Zeus hyung nali-link kay Jai. Ikaw kaibigan si Xhy tapos akin naman si Kryptanne." Oo nga noh! May lahi ata tong detective eh.

"Oo nga. Sila Jax, Kendrick and Jacen nalang ang walang close sa kanila." Hihintayin ko ang pagkikita-kita nila.

"Pero di naman close ni Timothy hyung si Tam ah." Dapat kaylangan namin gumawa ng paraan. Pero paano?

"Ang torpe kasi ng taong yun. Parang dati lang, tayo ang dahilan kung bakit nakaamin siya sa dati niyang girlfriend."

"Sa bagay. Sa tingin mo sino yung mga magiging close?" Sa tingin ko? Hmmm.

Humawak ako sa baba ko para kunwari nag-iisip. "Ahm... Si Jax kay Zayne kasi pareho silang matakaw. Sunod si Jacen and Phyrone kasi ewan ko, feel ko lang. Huli si Kendrick tas si Rhoui kasi feel ko lang din! Hahaha!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Annoying." Tapos pumasok na siya sa loob.

Ayan nabubugnot na naman siya mga kababayan! Hahaha. Quiet lang kayo ha! "Nabubugnot" what a word!

—————————————————————————————————————————
Baliw po si Zac.

(Suga as Jacen at multimedia)

Pls. Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top