Epic 11

Xhy's Pov

Kaming dalawa lang ni Tam yung naiwan dito sa room yung iba kasi nasa kung parte ng University na to. May meeting kasi ang mga teacher kaya wala munang klase, dalawang oras nalang naman tas uwian na.

"Psst, Xhy samahan mo ako mamaya sa mallshow ni Daniel ah." Ito ayaw ko kay Tam eh. Ang kulit tapos ang pilit pa. Kasi alam niyang hindi ko siya tatanggihan.

"Ayoko." Nakakatamad kasi gumala eh.

"Please." Amp. nagpupppy-eyes pa. Hay nako! Kailan ko ba siya tatanggihan?

"Tsk, pasalamat ka di kita matiis!" Tuwang-tuwa naman si gaga. Nag-go sexy dance pa siya.

"Anong oras ba yon?" Tumingin siya sa notebook niya na punong-puno ng schedule ni Daniel.

"3pm, mamayang uwian diretso na agad tayo sa venue."

"Di ba 2:30 pa uwian? Tsaka pano tayo makakakain?"

"Para hindi tayo makipag-siksikan, pag ganon kailangan maaga ka. Ako na bahala sa kakainin natin." Wow galante si Ate. Nag-iipon kasi talaga siya para sa Daniel niya.

"Yan gusto ko sayo eh. Sige, labas muna ako ah."

"Geh lang."

*Hallway*

Naglalakad ako dito sa hallway ng biglang may mga nagtatakbuhang mga babae. Wala naman silang hinahabol eh. Ay parang alam ko na, siguro aabangan nila yon hanggang makarating sa dulo. Bago ako makapunta sa CR may mga narinig akong yabag ng mga paa. Tiningnan ko kung sino yung hinahabol nila. What the! Alam niyo ba kung sino yung hinahabol nila?! Kung hindi. Hindi ako nagkakamali si Zac yon. Putspa! Ikaw ba naman hindi habulin ng mga babae habang nakasando. Kahit nasa malayo pa sila rinig na rinig ko na yung mga kung ano-anong pinagsasabi nila. Katulad ng "Kyaaa Zac akin ka nalang!" "Zac ang hot mo!" "Zac marry me!"
Oh diba! Hindi naman masyadong halatang adik sila kay Zac. Gigilid sana ako ng bigla akong hinila ni Zac. T*ngna! Anong trip nitong lalaking toh?! Bakit niya ako hinila?!

"Hoy Zac bitawan mo nga ako!"
Kulit nitong nilalang na toh!

"Wag ka munang maingay!" Ang nito ah! Siya na nga yung nanghila sakin tapos uutos-utusan niya pa ako! Ang kapal talaga!

"Bakit mo ba kasi ako —–"

"Isa pang salita mo hindi ako magdadalawang-isip na halikan ka." Seryoso niyang sabi sakin. Sabi ko nga! Tatahimik na'ko! Baka bigla pa akong halikan nito! Ayoko mapunta yung first kiss ko sa taong hindi ko mahal.

(A: Choosy ka pa? Si Zac na yan oh! Kunwari ka pa. Sabi mo sa Epic 7 sa Pov ni Jai na crush mo si Zac! Wala ka ng kawala *In Kiko's voice*)

Epal tong si Author! Lumayas ka na nga!

*Rooftop*

"Hoo kapagod!" Sino ba namang hihindi mapapagod sa kagagawan niya?!

"Letche ka kasi! Pati ako dinamay mo sa kagaguhan mo!" Pag naiinis ako hindi ko mapigilang hindi magmura.

Tumawa siya "Easy ka lang! Kagaguhan na ba ang pagiging Hot at Gwapo?!" Niloloko ata ako nito eh?!

"Bakit mo ba kasi ako hinila?" Kailangan ko ng kasagutan niya ngayon.

"Kasi ano... Baka kasi matamaan ka ng mga humahabol sakin!" O-okay!

*Lub dub lub dub*

Hoy puso bakit ka tumitibok ng ganyan! Alam ko tong sign na toh. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya. Nagpromise sakin si Dar—–

"Uy okay ka lang ba?" Okay nga ba ako?

"Huh? O-okay lang ako. Napagod lang ako kanina." Mabuti pang umalis na agad ako dito.

"Ah sige baba na ako. Thank sa concern mo na hindi kapanipaniwala." Hindi naman kasi talaga kapanipaniwala. Gumilid na nga ako para hindi ako matamaan ng mga humahabol sa kanya.

"Ay wait!" Bigla naman niya akong hinila. Eh ako naman si tanga nadapa kasi nadislocate yung paa ko. Halata sa itsura niya na nagpipigil siya ng tawa.

"Wag mong pigilan baka mautot ka diyan." Inirapan ko nalang siya.

"Wahahaha! Anyare sayo?!" Ay g*go pala to eh! Imbis na tulungan niya ako dito mas minabuti niya pang tawanan ako. Tiningnan ko siya ng Tangna-mo-ka-hindi-mo-ako-tutulungan-look.

"Ay masakit ba?! Akala ko kasi nagfi-feeling serena ka diyan eh!" Ay g*go talaga! Pinagkamalan pa akong serena! Tiningnan ko siya ng nakakamatay na tingin. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa siya namatay. Tumayo nalang ako kahit masakit yung paa ko. Mukhang wala naman siyang balak tulungan ako eh.

"Tulungan na nga kita." Alam niya pala yung word na yun?

"Hindi na. Kaya ko na sarili ko." Pinilit ko parin na makatayo ako kaso ayun nag-feeling serena na naman ako.

"Ayan tuloy! Ang kulit mo kasi eh." Bigla naman niya ako binuhat na pang bridal style.

"Oy baba mo nga ako!" Machismis kami nito eh.

"Hindi ka na nga makatayo kanina tapos gusto mo naman na ibaba kita."

Bumuntong hininga ako. "Baka kasi machismis tayo, baka sabihin nila na kabago-bago ko lang sa University na tapos lumalandi na agad ako." Napayuko nalang ako.

Ngumiti muna siya sakin bago siya mag-salita. "Hayaan mo sila. Mga inggit lang yan." Palibhasa sanay na kasi siya.

"Pag may nangbanat sakin, sagot mo ko ah! Kung hindi, baka pabugbog kita kay Tam tsaka kay Kryptanne!"

"Oo, ako bahala sayo." Mabait naman pala siya eh. Nakakafa—–.
Okay wala akong sinasabi.

*Clinic*

Pagkahatid na pagkahatid niya dito sakin sa clinic pinaalis ko na siya kaagad, pero ito namang lalaking to ayaw pa rin. Baka maabutan kami dito ng mga kaibigan ko.

"Sure ka talaga?" Ang kulet ng nilalang na toh!

"Oo nga, sure na sure na sure." Baka hindi parin siya maniwala sakin niyan?

"Sige na nga. Pakibantayan nalang siya." Sabi niya sa nurse. Hindi ko alam kung concern siya sakin o trip niya lang ako. Ang pagkakakilala ko kasi sa kanya isa siyang playboy.

"Salamat nga pala Zac." Kahit papaano kailangan ko parin magpasalamat sa kanya.

"Ahm, ano pala pangalan mo?"
Tinatanong niya kung sino ako?

Ngumiti ako sa kanya. "Prieline Xhy Valdemar. Pwede mo kong tawaging Xhy."

"Magpapakilala muna ako sayo Xhy. I'm Zacriel Neo Adams." Inalok naman niya yung kamay niya sakin. Hinawakan ko na baka mapahiya kasi eh.

"Hoy Prieline Xhy anong nangyari sayo?!"

"Ay palaka!" Kagulat naman tong mga toh!

"Oy ano yang mga kamay na yan?" Napatingin naman ako sa kamay namin ni Zac, tsaka ko narealize na hawak ko pa pala yung kamay niya napabitaw tuloy ako sa sobrang hiya. Natawa nalang sakin si Zac. Ay tinawanan ako!

"Ah sige Xhy una na ako. Nice meeting you."

"Sige. Nice meeting you din." Ngumiti lang siya sakin bago siya tuluyang umalis.

————————————————————————————————————————
Sabaw na chapter.

Pls. Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top