Epic 10
Zeus Pov
Pagkatapos ko siyang kantahan tumingin agad ako sa kanya para tingnan kung tulog na siya. Psh, tulog na nga. Kanina habang umiiyak siya may kung ano akong naramdaman, naramdaman ko na parang gusto ko siyang alagaan tas hindi na siya makitang umiiyak uli, yung mga ganun! Sa totoo lang kaya kong sirain yung pintong yun eh. Pero parang may pumipigil sakin na gawin yon. Fvck anong nangyayari sakin?! Di pwede toh!
*Kinabukasan*
Nakaramdam ako ng may biglang may sumasampal sa mukha ko. Pero hindi naman masyadong malakas.
"Psst, Zeus gising na." Todo tapik parin siya aa mukha ko. Aish!
"Oo na!" Bigla naman siyang napaupo sa lapag dahil sa gulat. Ayoko ko kasing uniistorbo yung tulog ko eh. Ay wait pano ako nakilala nito?
"Anong oras na ba? Tsaka pano mo ako nakilala?" Curiousity kills.
"7am na. Pasukan na. Huh? Ah-eh narinig ko lang sa mga babae dito!"
"Defensive." Di ko pala kilala tong babaeng toh.
"Ah ano Zeus uwi na ako. Hinahanap na rin siguro ako samin! Bye!" Bago siya umalis pinigilan ko siya. Hindi ko pa natatanong kung ano pangalan niya.
"Ahm, hatid na kita. Tsaka ano pala pangalan mo?" Nagulat naman siya sa tanong ko.
"Ah wag na. Ma-chismis pa tayo. Tsaka ayoko din baka kasi guluhin ng mga fangirls mo yung buhay ko." Di niya ako sinagot kung ano yung pangalan niya. Sinundan ko parin siya.
"Ayaw mo non? Malink ka sa isang lalaking pinagkakagulahan dito sa University?" Hahaha namumula na siya. Para siyang kamatis!
"Bwiset! Uuwi na nga ako!"
"Hatid na nga kita!" Choosy pa siya. Ako na nga tong nagpapaka-gentleman eh.
"Wag na nga sabi."
"Waaah Jai! San ka ba galing?! Halos mamatay na kami kakahanap sayo!" Kagulat naman tong mga babaeng toh. Akala mo 10 years sila hindi nagkita-kita.
"Namiss ka namin Jai!"
"San ka ba kasi galing?!" Sunod-sunod na tanong nila. Mga palengkera ba sila.
"Lul anong namiss. Isang gabi lang tayo hindi nagkita-kita."
Biglang tumingin sakin ng masama yung isang babaeng parang tomboy. Sayang maganda pa naman siya. "At bakit mo kasama tong lalaking to!!"
"Wait nga lang. Pag salitain niyo muna kasi ako. Una."
"Ano?!" Ang OA naman nito.
"Mamaya ka na mag-react Tam."
"Sorry naman concern lang ako sa Ate ko!" Kapatid niya yang tomboy?! Anlayo ng ugali niya sa Ate niya. Masyado kasing kalog tong Tam.
"Ganito kasi yon... nalockankamisaroomkasibiglangsumaradoyungpintotaposhindikokayomacontactkasinakayzayneyungphonekotaposnalowbatnayungphonenizeus." Hingal na hingal siya pagkatapos niyang sabihin yon. Hindi ba uso space sa kanya?
"Ah!" Naintidihan pa nila yon?!
"Hindi ka ba papasok?"
"Hindi na. Hindi pa ako nakakaligo eh. Gawa nalang kayong paraan para ma-excuse ako sa Class."
"Sige sabi mo eh."
"Wala ba siyang ginawa sayo?" Umiling naman siya. Kahit ganito ako may respeto ako sa babae.
"Sige pasok na kayo. Kita kits nalang tayo sa bahay!"
"Hatid na kita."
"Hoy ikaw Zeus, siguraduhin mo lang na ibabalik mo si Brianna Jai samin ng buo ah! Kung hindi malilintikan ka saming anim! Lalong-lalo na kay Tam!" Nagpatunog naman ng buto si Tam sabay ngisi.
"Makakaasa kayo."
*Parking lot*
Hinihintay ko si Jai dito sa parking lot kasi nag-cr muna siya. Bigla namang dumating yung mga kaibigan ko.
"Oh Zeus hyung bakit hindi ka umuwi kagabi?"
"Hindi ka papasok?"
"Hindi na. Hahatid ko pa si Jai sa kanila." Aish, bakit ko ba sinabi yon? Kukulitin na naman nila ako.
"Oy sino si Jai?" Sino pa ba mahilig sa babae. Basta babae.
"Basta." Sakto namang paalis na sila nung dumating si Jai.
Bigla namang lumingon si Zac na parang mababali na yung leeg.
"Pasok ka na sa loob." Nag-nod nalang siya sakin. Siyempre pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Ganda ah." Lahat naman maganda sa kanya eh. Oo pati ikaw na nagbabasa nagagandahan din sayo si Zac.
"Mamaya ko na ke-kwento sa inyo lahat."
Psh, maha-hot seat ako nito pag-uwi. Tsk tsk.
Jai's Pov
Nakakabingi yung katahimikan dito sa sasakyan ni Zeus. Nakakailang kasi eh.
"Ah Zeus sorry sa mga inasal ng mga kaibigan ko kanina ah." Sincere kong sabi sa kanya.
Napatingin siya saglit sakin. "Okay lang. Concern lang sila sayo. Kung ako nasa lugar nila baka magka-ganon din ako." Sabagay.
"Sorry din kasi hinusgahan ko kaagad yung pagkatao mo." Yumuko nalang ako kasi nakakahiya kanya eh.
Tiningnan niya lang ako. Nagagalit ba siya sakin? "Sorry talaga Zeus ah. Hindi ko naman alam na mabait ka pala. Galit ka ba?"
Ngumiti siya sakin sabay gulo ng buhok ko. "Hindi ako galit sayo. Ganun talaga sa umpisa." Akala ko galit siya sakin eh.
"Matulog ka muna traffic pa kasi eh."
"Sige. Goodmornight Zeus." Ngumiti nalang uli siya sakin.
Naramdaman ko na tumigil na yung sasakyan. Bago ako dumilat naramdaman ko na mas humahaplos sa mukha ko. Dahil sa sobrang curious bigla ako dumilat. Nagulat naman siya sakin. Nagpatay malisya nalang ako kasi baka mailang siya sakin.
"Nasan na tayo?"
"Ah, andito na tayo sa inyo. Sure ka bang kaya mong mag-isa?"
"Oo, sige thank you!"
"Wait Jai. Gusto ko muna makipag-kaibigan sayo. Kung okay lang naman sayo?" Siya makikipag-kaibigan sakin? Isang gangster? Pero okay lang naman. Mabait naman siya eh. Rhoui sorry sa gagawin ko. Gusto ko lang naman makipag-kaibigan.
"Okay lang naman. I'm Brianna Jai Ramos. You can call me Jai. Kapatid ko si Chryseis Tam Ramos. Kaibigan ko sina Kryptanne, Xhy, Phyrone, Zayne and Rhoui. Ikaw?"
"Ah, I'm Krysley Zeus Ford. You can call me Zeus kasi baduy yung Krysley. Kaibigan ko sina Timothy, Phoenix, Zac, Kendrick, Jax and Jacen. Friends?" Nilahad nila yung kamay niya sakin.
"Friends."
"Sabi mo yan ah. Sana maging magkakaibigan din kami ng mga kaibigan mo."
"Oo naman. Sigurado akong magugustuhan ka nila." Kahit alam kong mahihirapan si Rhoui sa gagawin kong desisyon. Maiintindihan niya naman ako diba.
"Sige Jai bukas nalang. Salamat ng marami. Bye."
Hindi naman pala lahat ng gangster masasama, may tinatago din pala silang kabaitan. At masaya ako na naging kaibagan ko si Zeus. Kahit alam kong mahihirapan si Rhoui layuan si Kendrick.
———————————————————————————————————————
Yehey friends na sila. Ang problema matatanggap ba ni Rhoui?
(Jin as Zeus at multimedia)
Pls. Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top