BOOK 2: The Revenge of the Gangsters

Napagdesisyunan ko na po. Yep, pagsasamahin ko nalang siya kasi yung ang gusto ng nakararami.

---------------------------

Prologue:

Masakit pala magmahal ng sobra...

Yung tipong kaya mong ipagpalit yung buhay mo para sa kanila. Yung handa kang masaktan, dahil ayaw mong sila yung masasaktan. Yung tinatago namin yung nararamdaman namin kapag nasasaktan kayo. Tiniis namin ang lahat ng yon para sa inyo. Hindi pala sapat lahat ng yon.

Isa lang naman yung hiniling namin sainyo diba? Hiniling namin na wag niyo kaming iiwan kahit ano man ang mangyari.

Oo nangako nga kayo na hindi niyo kami iiwan. Pero hindi kayo tumupad. Totoo nga yung kasabihan na "Lahat ng pangako, napapako." At alam niyo yung pinakamasakit? Yung nagsinungaling kayo samin. Matagal niyo na palang alam yung katotohan, pero wala kayong balak sabihin samin. At ang mas masakit sa iba pa nanggaling ang katotohan. Siguro kung sinabi niyo kaagad samin siguro maiintindihan namin. Akala namin may tiwala na kayo samin, pero wala pala.

Binigyan niyo kami ng dahilan para ituloy ang paghihiganti namin. Na ngayon ay alam na namin ang katotohanan...

Pero bakit ganon? Sinaktan niyo na kami pero hindi parin nawawala yung pagmamahal namin sa inyo...

Siguro ganon talaga kapag minahal mo ng sobra ang isang tao. Sinaktan ka na nga pero mahal na mahal mo parin.

May nagawa ba kaming masama para saktan niyo kami? Masaya na sana tayong lahat eh. Pero yung saya na yon ay panandalian lamang pala.

Iniwan niyo kami na parang tanga, iniwan niyo kaming nasasaktan na halos ikabaliw na namin, iniwan niyo kaming naguguluhan...

Pero mas masakit parin na iniwan niyo kami ng walang sapat na dahilan...

Date Started: April 18, 2017
Date Ended: -------

----------------------
Hi guys!~ Book 2 po ito ng The Epic Revenge Of the Gangster!! Request granted! Sana po suportahan niyo itong book 2 katulad ng binigay niyong suporta sa book 1! May madadagdag pong mga characters. Enjoy reading!

Abangan niyo nalang po kung kailan ko ipapapub yung Revenge 1 ;)

Thank you sa cover  crescentV love you! 💋💋

Don't forget to Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top