HUNTER

(unedited)

*

DEATH #0

hunter


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita sa aking harapan. Anong klaseng eskwelahan ba itong pinasok?

Ramdam ko ang pagtindigan ng aking balahibo sa batok ng mahigpit na hinawakan ni Sir Viktor ang aking palapulsuhan. Pilit akong nagpupumiglas ngunit mas lalong humihigpit ang kanyang hawak.

"B-bitawan mo ako!" nanginginig ang tinig na utas ko at pilit kumakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagbaon ng kanyang mga daliri sa aking balat.

Hindi niya pinansin ang pagpupumiglas at pagsigaw ko. Isang nakakapanindig balahibong halakhak ang kanya lamang tugon at walang hirap akong hinila. Awtomatikong bumukas nang mabagal ang nakahihindik na gate. Walang sabi-sabing hinila niya ako papasok. Sobrang lakas niya at wala akong panama!

Takot na tinignan ko ang dahan-dahang pagsara muli ng dumudugong gate. No!

"Let go off me!" Malakas ang tinig na utas ko  ahbang pilit pa ring nanglalaban ngunit wala akong panama sa kanyang lakas. Narinig ko ang isang malakas na click hudyat na tuluyan na iyong nagsarang muli.

Hanggang sa mahila na niya ako palayo roon sa gate ay nandoon pa rin ang aking tingin. Nanginginig ang aking tuhod at hindi ko namalayan na may pumuslit ng luha sa aking kaliwang mata. I feel like I am losing my mind. Ni hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa misteryosong school na ito...kung school nga ba ito.

Hindi ako pinansin ni Sir Viktor at patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin. Malayo-layo pa ang aming nilakad hanggang sa malaglag ang aking panga ng mapagmasdan ang paligid. Matatayog na buildings ang nakatirik sa di-kalayuan. Hindi lamang iyon basta-bastang buildings dahil gawa ito sa makapal na glass at metal! Halos hindi ko mapaniwalaan ang aking nakikita dahil first time ko palang nakakita ng ganito. Hindi pa rin ako nakakahuma sa nakakikita ng bigla na lang niya akong hinila papasok sa isang building na hindi ko mawari kung ilan ang palapag mula sa labas.

Pagkapasok ay agad kong napagtanto kung gaano kalinis ang paligid. Walang kahit isang tao ang pakalat-kalat. Kami lamang dalawa ni SIr Viktor ang naroon at nasa isa kaming tila maluwang na hallway. Tinignan ko ang mga dingding at nagtaka dahil hindi kita mula roon ang nasa labas. I am sure it is made of glass!

"N-nasaan tayo?" nauutal ang tinig na tanong ko at nag-angat ng tingin sa madilim na mukha ni Sir Viktor. Tila hindi na siya ang kakilala kong mabait kanina! 

"Viktor!" Marahas akong napalingon sa gawin ng nagsalita. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang isang maganda at maputing babae na nakaupo sa swivel chair na naroon. Napaawang ang aking bibig sa sobrang gulat na naramdaman. Walang tao roon kanina at walang kahit anong bagay rito sa loob! Hindi ko alam kung kanina pa ba siya dyan o hindi ko lang talaga napansin! But I'm pretty sure of what I saw. This is just an empty room earlier!

"Fahye," matigas ang tinig na tawag ni Viktor sa kanya. Naglakad doon palapit si Viktor kaya't sumunod na lamang ako sa kanya. Blonde at maalon ang buhok ni Fahye at kapansin-pansin talaga ang kanyang kutis na tila kakulay na ng puting wallpaper. Kahit nakaupo siya sa swivel chair ay halata kong matangkad siya. Pinkish ang kanyang labi at walang bakas ng kahit anong makeup sa kanyang mukha.

"Another trainee?" Tanong niya habang titig na titig sa akin, nilalaro niya ang kanyang buhok. Na-conscious ako sa intensidad ng kanyang tingin kaya't nag-iwas ako ng tingin. Masungit na tumango lang si Viktor sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung bakit mula nang kaladkarin niya ko papasok dito ay snobber na siya. Samantalang kahapon at kanina sinisilaw pa ko ng ngiti niya. People change ika nga. Napaismid ako sa naisip.

"What's your name?" nakataas ang kilay na untag sa akin ni Fahye. Kumikislap ang kanyang mga mata habang patuloy sa paglaro ang kanyang daliri sa kanyang iilang hibla ng buhok.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon dahil tila may iba sa pagtanong at pagtingin niya sa akin. Nang hindi ako sumagot ay nakita ko kung paano niya tinignan si Viktor bago nilipat muli ang tingin sa akin.

"I'm not sure if I should tell it to a stranger," asiwang utas ko sa kanya habang ramdam ko ang mabilis na pagpitik ng puso ko sa kaba.

"Oh. What a long name you got. Well, nice meeting you, Not sure if I should tell it to a stranger. I'm Fahye," nakangiting utas niya sa akin at lumabi pa.

Magkasulubong ang kilay ko na lamang siyang tinignan dahil sa kanyang sinabi. I don't know if she's joking or not. Gusto kong umismid ngunit pinasaloob ko na lamang. These people are weird.

"Matagal  pa ba 'yan, Fahye?" narinig kong iritang utas ni Sir Viktor na inirapan lamang ni Fahye.

"Here it is...Welcome to University of Death," nakangiting utas sa akin ni Fahye dahilan para malaglag ang panga ko.

Bago pa ako makahuma ay inabot niya na sa akin ang isang black slip. Tinignan ko iyon at binasa ang kung anumang nakasulat.

A Letter of Recognition


Dear unnamed,

Welcome to the University of D.E.A.T.H.

Demons, Evil Slayers, and Titans Hunt.

An extra-ordinary school for students who possess a unique, special skill and ability. A school full of battle against one another. A school which is full of blood and modern weapons. A school of every single day of death.

Once you step your foot in the academy, there is no turning back. It is a matter of life and death. You enter the university to fight for your life. Keep breathing until you reach the line.

And now, I will ask you this.

Are you ready to put your life at risk?

The mission of the Univesity is to hunt all the demons, discover who the real allies and titans, and protect at all costs the people.

You have 1, 111 days to fight and survive.

You can now call yourself, a certified hunter.

Congratulations, Hunter #69. You are now officially enrolled in the University of Demons, Evil slayers, and Titans Hunt. We, the Titans, are looking forward for your survival and mission accomplishments. Be vigilant, intuitive, and brave. 


Nahigit ko ang aking hininga sa nabasa. What in the fucking world is this?!

"Sir Viktor? What is this nonsense!?" galit at mataas ang tinig na utas ko at marahas na nag-angat ng tingin kay Sir Viktor na blangko pa rin ang ekspresyong ng mukha. I can't believe this! What is happening?

"You will be known as Hunter #69 in the system, Akira. Your missiong will be delivered shortly after 8 hours," matigas ang tinig na utas niya at tinanguan lamang si Fahye. Pinagtaasan ako ng kilay ni Fahye at binato sa akin ang isang kumikinang na susi.

"Your key," nakangiting utas niya bago tila parang bula na nawala. Naguguluhang napasapo akosa aking ulo. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako anumang oras. Hindi ko alam ang nangyayari!

"You should rest. Don't think too much about this, you'll know when you get enough rest, Akira," diretso ang tinging utas niya habang naglalakad na palabas ng building. Mabilis akong tumakbo para mahabol siya.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko! Ano ba itong pinasok ko?

"Just tell me what is happening? I didn't sign up for this!" malakas ang tinig na utas ko  habang naramdaman ko kung gaano kalamig ang humampas na hangin sa aking katawan ng tuluyan kaming makalabas.

Mataas pa rin ang sikat ng araw ngunit hindi ko alam kung bakit unti-unting dumidilim na ang paligid.

Sabay pa kaming tumingin sa kalangitan dahil tila uulan. Narinig ko ang mura niya sa gilid.

"I need you to listen to me, Akira," utas niya at diretsa akong tinignan sa mga mata. Pumatak ang luha sa aking kanang mata sa sobrang helplessness na nararamdaman. I don't even know what is happening.

"What is it! What kind of school this is?" nahihirapang utas ko at pinalis ang luha sa aking pisngi.

"I can't tell that now, but the important thing here is for you to stay in your room. Never go out...unless you hear the sound, okay?" mabilis at tila desperadong utas niya at muling ginala ang tingin sa kalangitan na dumidilim na.

"Let's go!" nagmamadaling utas nya at walang sabi-sabing hinila na ako palayo roon. Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang pupuntahan namin ngunit pilit ko na lang pinaniwala ang sarili na magiging okay rin ang lahat. Hindi ko alam kunb bakit tila mag-aalas-sais na rito dahil alam ko ay umaga pa lamang talaga noong umalis kami.

Sobrang takot ang nararamdaman ko ng makarinig ako ng di kaaya-ayang tunog mula sa itaas. Matatayog na mga puno ang nasa aming paligid at hindi ko na gaanong makita ang aming mga dinaraanan.

Nakailang higit ako sa aking hininga ng tuluyang makarating sa isang kulay-pulang wooden door. Inangat ko ang aking tingin sa tayog ng building na nasa aming harapan. Hindi katulad noong mga nakita kong glass at metal na buildings ang isang ito, luma na ang building ang pawang bato sa gawa. Tila siya sinauna na ngunit matatag pa rin hanggang ngayon. 

Lumunok ako at nag-angat ng tingin sa seryosong mukha ni Sir Viktor. 

"Go to your room, your room number is there, already carved in the key," utas niya at tinulak na ako papasok sa mabigat at kulay-pulang pinto.

Kahit naguguluhan ay nagpatianod na lamang ako. Hindi na pumasok si Sir Viktor kaya't naiwan akong nakatanga sa may loob ng building na pinasok ko.

Agad kong nasalubong ang isang taimtim na tingin ng isang matandang babae na naroon sa may reception desk. Kulay-pula ang reception desk at may malaking painting na naroon. 

"Maligayang pagdating, Miss Akira," pormal ang tinig na utas nito at minuwestra ako sa isang eleganteng hagdan na nasa may gilid. Maluwang ang bulwagan ang wala akong nakikitang bakas ng kahit na sino. Tila iyon isang Victorian mansion dahil sa interior design at mga funrnitures na naroon.

"I-I just want to ask where's my room..." aligagang utas ko sa kanya ngunit minuwestra niya lamang ang hagdan.

Napangiwi na lamang ako at sumunod sa kanyang tinuturo. Kahoy ang hagdan at halatang lagi iyong nililinisan. Kumikintab ang bawat baitang maging ang barindilya.

Sinipat ko ang binigay na susi ni Fahye at nakita ang numero roon. 69.

Lumabi ako at tumingin sa mga placard na nakalagay sa bawat hilera ng pinto sa may second floor.

Sa may sixth floor pa yata ang kwarto ko. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang pagod at labis na pag-iisip sa mga nangyayari. Naisip ko na maghanap na lamang ng elevator dahil ayokong mapagod lalo sa pag-akyat sa hagdan.

Nakita ko ang saktong pagbukas ng isang kahoy na double door. Linuwa niyon ang isang babaeng istrikta ang mukha. Magulo ang buhok nito at may dalagang bagahe.

"Hi! Bago ka ba rito?" mabilis na utas ko sa kanya. Pre-occupied siya sa paglinga-linga sa paligid kaya't nagulat siya ng magsalita ako.

"H-Hi," utas niya at huminga nang malalim. "Yes, I'm new here." aniya na tila wala lang sa kanya  ang mga nasaksihan.

"T-Then do you know what kind of school this is?" ani ko at desperada siyang hinarap.

Nagsalubong ang kanyang kilay sa narinig. "Of course, miss. That's why I'm here," iritadong utas niya at pumasok muli sa may elevator. Mabilis ko siyang sinundan kaya't napataas ang isang kilay niya sa akin.

"Well I don't know about this! I thought this was just an ordinary school!" naghihisteryang utas ko sa kanya ngunit agad ding naputol ng ilapag niya sa tapat ng aking bibig ang kanyang isang daliri.

"Don't be loud..." mahina ang tinig na utas niya at luminga-linga sa paligid kahit na kami lamang dalawa ang naroon. Agad akong ginapangan ng takot.

"It is starting...so if you don't want to be dead, shut the fuck up," matalim ang tinig na utas niya at may nilabas sa bulsa ng kanyang gray hoodie jacket.

Kuminang ang kulay gold niya ring susi.

"We're roommates," nahigit ko ang aking hiningang utas ng makita ang maliit na mga numerong nakaukit doon.

Umismid siya. "How did you see that?" may iritang utas niya at binulsa na lamang muli iyon.

"I have keen eyes...and mind," ani ko sa kanya.

"So? The important thing here is you know where you belong," mariin ang tinig na utas niya at tinakpan ang kanyang tainga.

"W-why?" kinakabahang utas ko dahil nalukot na ang kanyang mukha habang tinatakpan ang tainga. Bumilis ang kanyang paghinga at napamura.

"They are all around us..." nahihintakutang utas niya dahilan para mag-eratiko ang tibok ng aking puso. Nang muling bumukas ang elevator door ay mabilis na kaming pumasok sa kwartong para sa amin. Ni-lock iyon ng babae at mabilis ang paghingang dinouble lock ang malaking bintana.

"W-who are you?" natatakot na utas ko dahil tila ang dami niyang alam tungkol sa school na ito.

"I'm Audie," walang gatol na utas niya at umupo na sa bunk bed na naroon.

"Akira," tipid na utas ko at umupo na rin sa tabi niya.

"I-I don't understand what's happening, Audie..." seryoso ang mukhang utas ko sa kanya at hindi na napigilan ang mga luhang pumatak sa aking pisngi. Nanatili lamang siyang nakatingin sa may kulay-pulang dingding habang naririnig ang aking paghikbi.

"Maybe it is a shock for you, but most people who are here know why they need to be here," seryosong utas niya at saka lamang ako tinignan.

"This place is not for the weak, Akira...and you're here means that you're not so own up to it," matigas ang tinig na utas niya.

"P-pero hindi ko ito pinili, Audie!" malakas ang tinig na utas ko kasunod niya ang malakas na kalabog sa aming bintana. Mabilis na nagmura si Audie at pinatahimik ako.

Nanindig ang aking balahibo ng makita ang isang tila malaking ibon na anino mula sa labas ng aming bintana. I never saw a bird that big!

Lalo akong napaiyak dahil pakiramdam ko ay mabilis akong mamamatay rito. I don't want to die. 

"But you are one of the chosen kids. We are here for a reason. We are here to survive and fight." matalim ang tinig na utas niya saka muli akong matalim na tinignan.

"Everything will make sense to you tomorrow. They will tell you all of it tomorrow, so might as well rest for now," utas niya na parehas lang sa sinabi ni Sir Viktor kanina.

Naguguluhang napaupo akong muli sa may kama habang nawawalan na ng pag-asa.

"Trust me, Akira. You are here for a reason...you shouldn't die," makahulugang utas niya at nginitian ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top