CHAPTER TWO: Dilemma of the QED Club
ERALD
TOK! TOK! TOK!
Whoever's on the other side of the door wouldn't stop knocking! Mabilis akong nagtago sa ilalim ng mesa, sa tabi ng mga hindi gumagalaw na hita ni Madam President, para hindi ako kaagad makita sakaling biglang bumukas ang pinto. I have never been in such an embarrassing position.
Tumagal din ng mahigit tatlong minuto bago huminto ang nakakairita at sunod-sunod na katok. He probably got tired when he received no response here. But that's good news for me. Maitutuloy ko na ang pagbubura ng ebidensya. I hope that no one would interrupt me again.
Muli kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng palda ni Madam President para kunin ang kanyang phone. Nang mailabas ko na ito, gumalaw ang katawan niya at nakarinig ako ng tili na muntikan nang makabasag sa eardrums ko.
"KYAAA! Pervert! Pervert! PERVERT!"
Sa isang iglap, nagkaroon ng buhay ang inakala kong patay na. Nagpatuloy siya sa pagsisigaw habang kinakalabit ang gatilyo ng kanyang water gun na nakatutok sa mukha ko. Her toy gun shot a stream of water into my mouth. Lasang kalawang!
Mabilis kong iniharang ang mga kamay ko sa aking mukha para hindi ako tamaan ng tubig. Napapikit din ako nang may maaninag na nakakabulag na flash mula sa kanyang camera.
Kainis! Mukhang nahulog na naman ako sa mga patibong niya!
"Tama na!" pagsusumamo ko habang napapahakbang ako paurong. She wouldn't stop pulling that trigger! "Sige na, panalo ka na!"
Nakakahiya. Kung may ibang makakakita sa 'king basang anyo, tiyak na pagtatawanan nila ako. Isa itong malaking sampal para sa kontrabidang tulad ko.
"Pervert!" muli niyang tawag sa 'kin matapos niyang itigil ang pagpindot sa kanyang laruan. "How dare you take advantage of me!"
"Huwag mo akong sisihin. Kasalanan mo 'to. Kung hindi ka nagpatay-patayan diyan, e 'di sana—"
Baka ma-misinterpret niya ang mga salitang lumabas sa bibig ko kaya hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin ko. In the first place, it wasn't my intention to take advantage of her. Ang gusto ko lang ay kunin ang phone niya at burahin ang message thread namin.
Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang panyo at inayos ang "wet look" hairstyle ko. Kanina'y nakababa ang bangs ko at halos natatakpan na nito ang aking mga mata. Ngayo'y kailangan kong suklayin ito pataas at ipakita ang malapad kong noo. Nakakasagabal kasi sa paningin ko ang tumutulong tubig mula sa mga hibla ng basang buhok.
"Ano bang pumasok sa utak mo't naisipan mong pagtripan na naman ako?" The funny taste of that water still lingered in my mouth. Masama ang kutob kong tubig-banyo ang inilagay niya sa water gun. That would be terribly disgusting!
"Gusto kong malaman kung kaya mong i-deduce na nagpapanggap akong patay." Compared to her reaction earlier, kalmado na siya at mukhang nakalimutan na ang maling pang-aakusa sa 'kin. "As a member of the QED Club, kailangan nating i-test kung gaano kagaling ang mga member pagdating sa deductions! Kung sanang nagduda ka sa dugo rito sa mesa at tinikman mo, malalaman mo kaagad na isang palabas ang lahat ng ito!"
Titikman? Oo, nagduda ako na baka prank na naman niya ito, but it never crossed my mind to taste that liquid as dark red as blood.
"At saan mo galing ang props na 'yan?"
"Tomato juice," she answered, showing a cannister hidden in her bag. "Hindi ko naubos kaninang lunch kaya naisipan kong gamitin para sa trick na 'to. Teka, puwede ka bang tumalikod?"
"At bakit? Hindi ka pa ba satisfied sa trap na ginawa mo kanina?" Did she have something else prepared for me?
"Magpapalit ako ng damit!" sabi niya sabay turo sa pulang mantsa sa bandang itaas ng kanyang blouse. "We had our PE today kaya meron akong dalang ekstrang damit. So do you mind?"
"Tsk." Napapalatak muna ako bago humarap sa puting pader ng aming clubroom. Siguraduhin niyang wala na siyang nakatago pang patibong kundi malalagot talaga ang babaeng 'to sa 'kin.
Meet Charlotte Claveria, the president of the QED Club. I couldn't help but wonder why she chose to revive this club instead of joining more popular ones. Sa tingin ko, mas bagay niyang magpa-member sa Glee Club, Arts Club o Sewing Club. Was she too fascinated with mysteries kaya naisipan niyang buhayin ito?
"Puwede ka nang humarap," aniya matapos ang ilang minutong paghihintay. Nakasuot na siya ng kulay puting shirt. She was combing her straight hair that reached past the shoulders. The fringes covered almost half of her big forehead. Kulay tsokolate ang tila lagi niyang nagniningning na mga mata, may katangusan ang ilong at medyo nakaumbok ang magkabilang pisngi. Kapag tinatamaan ng sikat ng araw ang kanyang balat, nagliliwanag sa kaputian ang kanyang kutis.
Mula sa kanyang bag, inilabas niya ang isang notebook at ipinatong ito sa parte ng mesa na walang bahid ng ibinuhos niyang tomato juice. Tiningnan niya muna ang kanyang camera bago sumulat sa isang pahina nito.
Ever since setting foot in this club, I have been curious as to why she was always doing that. Minsa'y basta-basta siya kukuha ng picture, kagaya noong nagtanong ako kung puwedeng sumali sa club at kanina habang binabasa niya ako gamit ang water gun. She never forgot write down something in her journal.
Hanggang ngayon ba'y gumagamit pa rin siya ng diary? Posible kayang nagsusulat siya ng kuwento na ipa-publish niya sa Wattpad? O baka naman nire-record niya ang "makukulay" na tagpo ng kanyang high school life?
Gusto ko sana siyang tanungin kung para saan ang ginagawa niya upang malutas na ang misteryo. But that's none of my business, right? She could write whatever she wanted or take a photo of anything. Minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko.
Pumuwesto ako sa upuan sa kanyang harapan at ipinatong ang aking mga siko sa mesa. Time was running and I couldn't waste another minute playing with her. "Puwede na ba nating pag-usapan kung ano ang agenda natin?"
Nakangiti siyang tumango bago kinuha ang nakatuping papel na nakaipit sa kanyang notebook at iniabot sa 'kin. Was she asking me to deduce from whom this letter came or what kind of stationery was used? Hindi malayong gano'n ang ipagawa niya dahil nasa detective club kami at gusto niyang ma-test ang deduction skills namin.
"Love letter?" pabiro kong tanong bago ito binuksan. I had no time to be on deduction mode for that silly game, if that was her intention all along. "Ilang araw pa lang tayong magkakilala. Huwag mong sabihing nahulog na ang loob mo sa 'kin?"
"Stop joking!" she said, rolling her eyes. She continued writing something on her notebook. "Nakadepende sa letter na 'yan ang magiging future ng club natin kaya seryosohin mo."
"Nice try," bulong ko sa sarili bago ibaling ang tingin sa sulat. Galing ito sa Committee on Non-Mandated Organizations na nasa ilalim ng aming kataas-taasang High School Student Council. I read only the part where the recipient's name was indicated, then I gave up. Masyadong mahaba ang nilalaman at isinulat sa English kaya nakakatamad basahin.
I threw that piece of paper on the table. "What exactly is the point of this letter?"
"That's an eviction notice from the committee," the club president answered, a tone of sadness rang in her voice. "Alam mo namang ni-request kong i-renew ang club na 'to, 'di ba? They approved it and gave us this room."
"Yes, yes. Let's skip to the alarming part."
"May ilang clubs kasi na kaunti ang members kaya balak nilang tanggalan ng clubroom ang ilan at ibigay ito sa mas malalaking club," she went on explaining. "Ang mas nakakabahala, baka ma-dissolve ang isang club kapag hindi na-meet ang required number of members."
"And that's our problem because...?" Sumandal ako sa upuan at iniunat ang aking mga braso. Ewan kung bakit pinoproblema niya ang gano'ng kaliit na issue.
"Dahil sa ngayon, tayong dalawa pa lang ang members ng QED Club."
Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko. I thought she was just kidding, but her tone was serious so what she said must be true. Ilang weeks na mula nang muling buksan ang club kaya nakapagtatakang nahaharap kami sa ganitong dilemma.
"Ba-Bakit? Wala bang nag-a-apply na mga interesadong estudyante?"
"Merong iilan, kaso kapag ibinigay ko na ang application form at screening exam, bigla silang magpapaalam na pupunta sa washroom tapos hindi na babalik." Damang-dama ko ang pagkadismaya sa boses niya. Pakiramdam niya siguro, pinaasa siya ng mga potential member namin. "Don't worry. Natatandaan ko ang mga mukha nila pati boses kaya puwede natin silang i-ban dito sa office."
Ganon ba siya ka-confident sa kanyang memorya?
"But that's still strange." I gently caressed my chin with my eyes narrowing into slits. "Ang akala ko ba ito ang prestihiyosong detective club? We brought it back from the dead. Shouldn't these students be excited to be one of us? I expected na aabot tayo ng mahigit sampu."
"To be fair, hindi man umabot sa lima ang members noon ng club." The club president jerked her thumb at the small box on the bookshelf. "Binasa ko kasi ang lumang magazine issue ng Clark Clarion kung saan featured ang mga club member. Did you know that there were only four of them? Dadalawa nga lang sila noong una eh."
"Kung dalawa o apat lang sila noon, bakit nila tayo pinagbabantaang tatanggalan ng clubroom? O mas malala, ma-dissolve?"
"Hindi pa kasi gano'n kadami ang clubs noon kaya naging maluwag pa ang committee," sagot niya. "Ngayon, sa sobrang dami ng naka-apply at naka-renew, kailangan na nilang mag-set ng conditions para malaman kung magiging active ang club mo."
Speaking of which, my club application was denied because there were too many clubs in the school. Hanggang dito ba naman, sinusundan ako no'n?
"Nanghihinayang ako kung madi-dissolve ang club kahit kaka-revive pa lang nito." The club president looked down, discouraged. "Kailangan nating umisip ng paraan para makakuha ng members lalo na sa club fair."
Normally I wouldn't care whether this club was dissolved or not. But the advantages of having this headquarters and the thought of the student council taking it away were too compelling for me to do something about it. Hindi ko hahayaang ipamigay nila ang room na 'to sa mga mas mababang uri ng nilalang sa campus.
I wouldn't let them win. Kailangang magawan ko ito ng paraan para hindi mawala sa amin ang clubroom at mabuwag ang club.
"May ideya ka ba kung paano natin malulusutan ang butas ng karayom na 'to, Madam President?" tanong ko.
Napatingin siya sa kisame na tila roon hinahanap ang kasagutan. "Kung meron kang friends na puwedeng magpa-member, madali nating malalampasan ang problemang 'to. I already tried talking to my classmates but no one wants to join the club. They are not into detective stuff."
Napakadali naman pala. Kailangan ko lang i-invite ang mga kaibigan ko para sumali.
Teka, wala nga pala akong kaibigan.
Lingid sa kaalaman ni Madam President, kasing-dami ng mga naging girlfriend ko ang bilang ng mga kaibigang puwede kong pakiusapan — zero. I had no intention of asking help from my classmates either. Kung hihingan ko sila ng pabor, tiyak na papaluhurin muna nila ako at pagtatawanan. Isang malaking kahihiyan 'yon para sa 'kin.
"Pasensya na, hindi kasi ako isang social butterfly kaya wala akong masyadong ka-close sa klase," palusot ko, umaasang kakagatin niya ito. Kung alam niya lang, ang mindset ko bilang kontrabida ang dahilan kaya wala ako ni isang kaibigan. But that was worth it. No friends, no stress.
Napakrus ang mga braso niya habang nakatitig sa 'kin. "We have no other choice but to rely on traditional methods. Kailangan nating mag-post ng mga ad sa bulletin boards at magpakitang-gilas sa darating na club fair sa Biyernes. We have to give our best shot. Otherwise..."
"Madaling sabihin kaysa gawin," bulong ko kasabay ng aking pagkalas sa staring contest naming dalawa. Hindi ako komportableng matagal na magkatagpo ang aming tingin. Kinda felt awkward. "Kung sanang may iba pa tayong members ngayon, mas mapapadali ang trabaho."
"There's nothing we can do about it!" aniya. "We have to make do. Hindi naman natin mapipilit ang iba na sumali kung ayaw nila, 'di ba?"
Tama. Sino nga ba ang gustong sumali sa QED Club? Pangalan pa lang, napaka-weird pakinggan. Ako nga mismo na member, hindi alam kung ano ang meaning ng acronym.
Kundi lang dahil kaunti ang member nito — na dadalawa lang pala at isa na ako roon — at sa clubroom na puwede kong gawing tambayan, hindi ko maiisipang tumapak dito.
An idea then popped in my head.
"Sa tingin ko, may dalawang paraan upang ma-solve ang problemang 'to," I blurted out, raising two of my fingers. "You have already presented the first one: that is to recruit members in the best way that we can. But I present you the second option."
"And that is?"
"Alam naman natin kung sino-sino ang mga nag-a-approve ng mga club, 'di ba?" I leaned a little closer to her. Wala namang ibang tao sa loob ng clubroom. Kailangan ko lang maging maingat dahil baka may na-e-eavesdrop sa conversation namin. "Bakit hindi sila ang puntiryahin natin?"
Naningkit ang mga mata ni Charlotte. Mukhang hindi niya na-gets kung ano ang ibig kong sabihin. Man, do I have to spell out my plan to her?
"If we blackmail the person responsible for deciding whether we get to keep this clubroom or not, hindi na natin kailangang mag-effort masyado," sabi ko.
"That is the most brilliant plan!" she clapped slowly as her head shook in the same pace. "The most brilliant plan... to get us kicked out of this room! Do you think na pamba-blackmail ang best way para malusutan natin 'to?"
"The most convenient way—"
"Do I have to remind you that we are a detective club!" she cut me short. "We are supposed to go after people who blackmail other people, not commit the same crime!"
"I'm only putting all options on the table!" I said in my defense. Sorry, but my tendencies to act and think like a villain were showing up. Muntik ko nang makalimutan na dapat mag-ala detective ako sa pag-iisip ng solusyon.
"We will not resort to devious methods," she said. "Kailangan nating mag-focus sa all-out promotion para maging aware ang mga schoolmate natin na nagbabalik na ang QED Club. Maliwanag?"
Paano magiging all-out kung kulang kami sa manpower? Para sa akin, kahit gaano kaganda ang advertisements namin, kung ayaw talagang sumali ng mga estudyante, hindi sila sasali.
Ang natitirang paraan na lang ay magpakitang-gilas sa araw ng club fair. If we managed to get their attention and pique their curiosity, baka maenggayo silang mag-sign up.
Pero paano? Dapat ba kaming magsagawa ng magic show sa harap ng madla o magbuga ng apoy? Kung sanang may—
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang napabuka ang aking bibig nang may ideya na namang pumasok sa isipan ko. Parang may hindi nakikitang bumbilya na umilaw sa ulo ko. Malamang, iyon na ang hinahanap naming sagot para maisalba ang club na 'to.
Don't worry. It wouldn't involve any illegal activity so the club president could relax.
"Have you thought of something that we can do?" nagtatakang tanong niya. Nabasa niya siguro sa aking facial expression na may naisip na akong paraan.
Lumawak ang ngiti sa natutuyo kong labi. Mabuti na lang, mabilis akong makaisip ng pakulo. This would just be a piece of cake for me.
"Madam President, alam mo bang pagdating sa mga cool na gimik, ako ang go-to person ng mga nakakakilala sa akin?"
q.e.d.
Character sketch by WanningMoon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top