CHAPTER THREE: East Versus West
ERALD
I YAWNED as I walked my way toward the white board of our classroom. Nakapokus sa 'kin ang tingin ng mga classmate kong nakaupo sa gawing kaliwa. The worried look on their faces was priceless! May ilan sa kanila ang sumisigaw ng "Hoy, ayusin mo 'yan, ah! Huwag mong sayangin ang pinaghirapan namin!"
"Para sa final round ng ating Mental Combat, si Erald ang napiling representative ng west team!" anunsyo ng aming instructor na nakaupo sa huling row. "Sino naman kaya ang ipangtatapat ng east team?"
Paglilinaw: Hindi kompetisyon para sa mga ipadadala sa mental hospital ang Mental Combat. It was a battle of intelligence between two groups.
Iba-iba ang trip ng mga teacher dito sa Clark High, kagaya ni Ma'am Basco. Sa halip na magpa-written quiz sa Chemistry subject, mas pinili niyang hatiin ang klase sa dalawang grupo at pagharapin ang mga miyembro nito sa isang one-on-one showdown. The winning team would be awarded perfect score while the losing group would get 80 out of 100.
Kahit saang anggulo mo tingnan, win-win situation na 'to. Walang makakakuha ng bagsak na grade kaya tuwang-tuwa ang mga tamad naming classmate. Kaso may ilan sa mga kagrupo ko ang ayaw mag-chill. Taking this contest seriously, they did not want to lose to our enemies.
Ang score ngayo'y isang tie. Parehong may 14 points ang bawat grupo. At dahil huling round na 'to, sa akin nakasalalay kung mananalo o matatalo ang team na kinabibilangan ko. I could lead our team to victory or to defeat, if I wanted to. Depende ang magiging kahihinatnan nito sa kung ano ang trip ko. Kaya nga hindi mapakali ang iba kong kasama dahil baka palubugin ko mismo ang sarili naming bangka.
Pinilit kong itago ang ngiti ng aking labi. Their fate lies on the hand of the person they usually ignore and despise. Nag-e-enjoy akong makita ang mga nababahala nilang mukha. Paano pa kaya kung matalo kami? Tiyak na mababahiran ang mga 'yon ng kalungkutan, pagkadismaya at desperasyon.
While deciding whether I should make our team win or lose, tahimik na lumapit sa harapan ang isang lalaking may magulong buhok na tila hindi nagsusuklay o tumitingin sa salamin. Gusto ko sanang itanong kung mahangin ba sa labas. Dahil sa suot niyang salamin, nagmukha siyang isang genius, stereotypical nerd na walang ibang ginawa kundi gawing almusal, tanghalian at hapunan ang pagbabasa ng libro.
Sa puntong ito ng laro kung saan parang all-or-nothing ang sitwasyon, dapat na ilabas ng bawat grupo ang kanilang secret weapon. At ang lalaking katapat ko ngayon ang lihim na sandata ng mga kalaban namin.
Mukhang kailangan ko nang magseryoso. He's not someone that I should underestimate.
Isa sa mga itinuturing na ace student ng aming klase si Clyde Cielo. Kung ang tingin sa akin ng karamihan ay kontrabida, ang tingin naman nila sa kanya ay isang bida. Most of my classmates admired him and every time he spoke, he always got their undivided attention.
Sa tatlong taon kong pag-aaral dito sa Clark High, nakita ko na siguro ang iba't ibang mukha ng mga matatalinong estudyante. Karamihan sa kanila'y mga utak-talangka, naghihilaan pababa para matawag na numero uno sa ranking o makakuha ng pinakamataas na grade sa isang subject.
But Clyde was different. Hindi siya gano'n kauhaw sa mga numero. He would quietly be seated in front, listening to lectures. He may not be that active when it comes to class participation, but once called by our teacher, he could wow everyone on how well he answers. Kataka-taka pa ba kung bakit mas tinitingala siya kumpara sa ibang matatalinong estudyante sa aming klase?
That's also the same reason why I hated his guts. Kung isa itong kuwento, siya ang mas nararapat na tawaging hero dahil sa taglay niyang katangian. Ngunit masyado nang gasgas ang mga bidang katulad niya.
Kung ako ang kadiliman, siya ang liwanag. Kung ako ang evil wizard, siya ang white knight. At ngayo'y magkakaalaman na kung sino ang mas magaling sa aming dalawa.
Sandaling nagkatagpo ang tingin namin bago kunin ang dalawang white board marker na nakapatong sa teacher's table. But my hands accidentally hit the pens, causing them to fall from the desk and roll on the floor. Ako na mismo ang yumuko para kunin ang mga 'yon. Kinuha ko ang isang marker para sa akin at iniabot ang isa pa sa kanya.
"Salamat," he said, smiling at me and showing his pearl white teeth.
He-he-he. Ako dapat ang magpasalamat.
"Mukhang confident ka sa sarili mo na mananalo kayo, ah?" komento ko nang harapin ang white board para maghanda sa tanong na ibabato ni Ma'am Basco.
"I trust that my memory palace would lead us to victory," Clyde answered calmly. He faced the white board. His hand was steady, seemingly prepared to answer the last question.
This wasn't the first time I heard about his so-called "memory palace." Wala akong ideya kung saan niya galing 'yon pero ayon sa kanya, may kakayahan siyang mag-imbak ng mga impormasyon gamit ang nasabing technique. One could compare it to a hard drive where he could save anything he wanted.
Tingnan natin kung uubra 'yang memory palace mo laban sa katusuhan ko.
"Remember, don't write anything until I say go," paalala ni Ma'am Basco sa aming dalawa. "Now for the final question, what is the fiftieth element in the periodic table?"
Napalunok ako ng laway habang hinihintay ang hudyat ng aming teacher. Sumulyap ako kay Clyde na walang kahit anong bakas ng kaba sa mukha. Pareho nang nakahanda ang hawak naming markers para isulat ang sagot anumang sandali mula ngayon.
Kusang napapangisi ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Teka, huwag muna. Relax lang, Erald. Hindi ka pa puwedeng ngumiti. Hindi mo pa puwedeng ipakita na ikaw na ang nagwagi.
I already won the battle before it even started. Sinadya kong inihulog ang dalawang white board markers kanina para palitan ang isa ng marker na walang laman. At 'yon ang iniabot ko kay Clyde na hindi man nagduda.
Hahaha! Aanuhin mo ang pagiging matalino kung tuso naman ang kalaban mo?
Nakatitig ang mga mata ko sa tip ng hawak niyang marker. Gusto kong makita ang kanyang reaksyon kapag napansin niyang walang tinta ang panulat niya.
"Go!"
Laking-gulat ko nang biglang binitawan ni Clyde ang marker at naglabas ng isang nakatago panulat mula sa kanyang bulsa. In just a second, he wrote the word "Tin" on the board.
The marker that he threw away moments ago rolled to my shoes. Dahil masyadong nakapokus ang atensyon ko sa kanya, wala akong naisulat ni isang letra o isang tuldok.
"The east team got the correct answer!" anunsyo ng aming teacher na sinabayan ng hiyawan mula sa mga classmate kong nasa gawing kanan.
"Sabi ko na nga ba, ipapatalo tayo niyang Erald na 'yan e!" komento ng kagrupo kong nasa harapan. In this case, however, I did not intentionally make our team lose.
"Dapat talaga iba na lang ang isinabak natin," dagdag ng katabi niyang mukhang gorilya.
I still couldn't believe it. How did Clyde figure out my trick? Nakita ba niya kung paano ko pinalitan ang isa sa mga nahulog na marker kanina? Imposible. Mabilis ang galaw ng mga kamay ko kaya malabong napansin niya 'yon!
We faced each other on the platform, locked in a staring contest. Walang gustong bumalik sa mga upuan namin. Tumunog ang school bell, hudyat na pumatak na ang alas-dose ng tanghali, pero hindi pa rin kami umaalis sa aming kinatatayuan. May sinasabi si Ma'am Basco na pumasok sa isang tenga ko at lumabas sa kabila.
He went to my side, his right hand patted my shoulder and his head leaned closer to my ear. "Nice try, Erald. I would have fallen to your dirty tricks if I failed to notice one thing."
One thing?
"Nang mahawakan ko ang marker kanina, napansin kong masyadong magaan ito," paliwanag niya nang muli akong nakipagtitigan sa kanya. I glanced at him sidewards. I couldn't see his eyes because his pair of eyeglasses was reflecting the light outside our room. "I have held a number of white board markers before so I basically have an idea on how they weigh on my hand. At dahil ikaw ang katapat ko sa final round, I came to a conclusion that you switched the markers when they rolled on the floor. And my guess was right."
"At bakit may nakatago kang marker diyan sa bulsa mo?"
Ipinakita niya sa 'kin ang hawak niyang panulat at inilapit sa pagitan ng mga mata ko. Parang naduling tuloy ako habang nakatitig doon. "Just a safety precaution. Alam naming mahilig ka sa mga maruruming taktika kaya minabuti naming maghanda."
Tsk. May disadvantage din pala kapag alam ng mga classmate mong kontrabida ka. Kaya nilang hulaan ang susunod mong galaw.
"Until next time, Erald." Dalawang beses niya akong tinapik sa balikat bago tuluyang umalis sa harapan ko. "Well played. Better luck next time."
There was something in his voice that bothered me. He was supposed to be the humble student, but his tone suggested otherwise. Parang naghahamon pa siya. At ang tingin sa mga mata niya, may kakaiba talaga.
But one thing's for sure. I got beaten by that four-eyed guy.
Dahil lunch time na, nagsilabasan ang halos lahat ng mga classmate ko. Pinauna ko muna sila, lalo na ang mga kagrupo ko kanina. When almost everyone was gone, doon na ako tuluyang lumabas.
But surprise! Halos mabulag ang mga mata ko nang bumungad ang flash ng camera sa labas. I was about to curse, but my tongue froze when I realized that there's only one person who would do that: Charlotte, the president of the QED Club.
"Yow!" she greeted, her voice was energetic and her aura was emitting good vibes. Medyo nasisilaw ako sa kanyang matamis na ngiti. Kung gano'n ba naman kaputi ang mga ngipin mo, pwede mong ipagmayabang.
Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang hawak-hawak niyang posters na may mga salitang "Join our club!" That reminded me of the upcoming club fair on Friday.
Nang may mga classmate pa akong lumalabas sa classroon, kaagad kong hinila si Charlotte palayo roon. Mahirap na, baka may makakita sa 'min at magkaroon ng maling ideya. Tiyak na pagtsitsismisan ako kung magkagano'n. "Paano mo nalamang dito ang classroom ko?"
"Nakalimutan mo na yatang ako ang president ng QED Club? Are you underestimating my detective skills?" mayabang na tugon niya sabay hawak sa kanyang baywang.
Detective skills, huh? Who was she kidding? Kahit ako, kaya kong alamin kung anong section niya. It wasn't rocket science. "Ang sabihin mo, nakita mo 'yon sa application form na ipinasa ko sa 'yo. Teka, bakit kinailangan mo pa akong sunduin?"
"You're not replying to my messages kaya pinuntahan na kita."
"Pasensya na, wala kasi akong load," I lied. Humingi kasi siya ng tulong na magdikit ng mga poster sa bulletin boards pagsapit ng lunch time.
Wala sa bokabularyo ko ang tumulong kung hindi naman ako makikinabang. Yes, this was for our club, but I already had an idea on how to solve our dilemma. At saka nakakababa ng pagkatao ko bilang kontrabida kung makikita ako ng iba na abala sa pagdidikit ng kung ano-ano. Me doing menial tasks? That's ridiculous.
We walked toward the staircase leading to the third floor. Halos puno na ng iba't ibang advertisements mula sa ibang clubs ang bulletin board. Inutusan ako ni Charlotte na ipaskil ang poster doon.
"Bakit ba kailangan mo pa ang tulong ko?" I protested. She wasn't handicapped so there was no reason she couldn't do it by herself. "Kaya mo namang gawin ang ganitong napakasimpleng bagay."
"As a member of the QED Club, kailangan mong sumunod sa utos ng president," pagpapaalala niya na parang isang professor na nangangaral sa isang estudyante. "Hindi ka naman siguro mamamatay kung gagawin mo 'yan, 'di ba? At saka, I already posted some of these earlier kaya it's your turn to do the same."
Oo, walang masamang mangyayari sa 'kin kung itatapal ko itong papel sa bulletin board. Ngunit paano ang dignidad ko bilang isang kontrabida? She had no idea how humiliating it would be for me.
Nagkatitigan muna kami, wala ni isa sa 'min ang kumalas ng tingin at kumibo. I couldn't stare that long at any girl so I tapped out of this staring contest. Napabuntong-hininga ako at pumayag din sa gusto niya. Baka tanggalin niya pa ako sa club kung hindi ako susunod. Sana nga lang, hindi puro pagdidikit ng poster ang gawin namin sa buong academic year.
"By the way," hirit niya habang ipinupuwesto ko ang poster, "hindi mo pa nai-share sa 'kin kung anong klaseng gimik ang pinaplano mo para sa club fair."
Sandali akong napasulyap sa kanya bago sumagot. "That's a secret for now. Kahit ikaw ang club president, hindi ko muna puwedeng sabihin sa 'yo."
"Just a safety precaution. Alam naming mahilig ka sa mga maruruming taktika kaya minabuti naming maghanda," sambit niya matapos kong mailagay nang maayos ang club advertisement.
Teka, parang pamilyar ang linyang 'yon, ah. Where did I hear those words?
"That's what your classmate said habang kausap ka niya," she explained when she probably noticed the confused look on my face. "Don't tell me na balak mong gumamit ng maruming taktika sa club fair? Is that why you don't wanna share it with me?"
Kuhang-kuha niya ang bawat salitang binanggit ni Clyde kanina. Narinig ba niya ang usapan namin? Kaso nasa labas siya ng classroom. Ang lakas naman yata ng pandinig niya?
I heaved a long sigh as we walked down the stairs. Mukhang wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanya ang binabalak ko. "Kailangan mong magpatay-patayan para makuha ang atensyon ng mga estudyante. Tapos, papasok ako para lutasin ang kunwari'y murder case."
Napapalakpak siya sa tuwa. Lalo pang nagningning ang mga mata niya, parang bata na binigyan ng candy. "Wow! Maganda ngang pakulo 'yan para maka-attract tayo ng members! Why haven't I thought of that earlier?"
Sa totoo lang, sa kanya ko nakuha ang ideya 'to matapos niya akong i-trick gamit ang tomato juice kahapon. The best way to invite students into our club was to show what we would be doing. Sana'y hindi magkaroon ng series of murder cases dito sa school. That would be too much for us to handle.
Upon landing on the ground floor, we were taken aback by what we saw on the bulletin board. The arrangement on it was a mess.
"Wha-What happened here?" pagulat na tanong ni Charlotte habang pinagmamasdan ang mga nakabaligtad na posters. No one would be too stupid to post these club adverstisements this way. Hindi ko na kailangang gamitin ang detective skills ko para sabihing may sadyang nanggulo rito.
Sa gitna ng bulletin board, isang natatanging papel ang maayos na nakapuwesto. I removed it from being pinned and read whatever's written on it.
This is a work of the K-OS! Club. Kung gusto n'yong gumawa ng gulo gaya ng nangyari sa bulletin board na ito, mag-text o tumawag sa 0918-XXX-XXXX.
"This isn't a good joke, is it?" tanong ni Charlotte. She grabbed the note from my hand and took a photo of it. Inalis din niya ang lahat ng mga poster at muling ipinaskil ang mga 'to sa ayos kung paano namin sila nakita noong una. Tandang-tanda niya kung saan nakapuwesto ang bawat isa.
"Hindi 'yan isang biro." I slowly shook my head while watching her rearrange the posters. "Ganito ang paraan ng club na 'yan para i-advertise ang sarili nila. I have never heard of that K-OS Club until now. They must be one of those clubs not recognized by the student council."
"An unofficial club, huh?" Charlotte rubbed her palms together when she was done. Her memory must be too sharp to remember where exactly each poster was placed on the board.
"Ang mga club na walang magawa kundi manggulo." I muttered, staring at the contact number on the note. "At kung tama ang kutob ko, muling magpaparamdam ang K-OS Club sa club fair."
"If that's the case, our job is to stop them from creating chaos during that event," Charlotte said, looking determined. "It is high time to bring back the glory days of the QED Club!"
Mukhang kailangan kong i-revise ang plano ko para sa club fair.
q.e.d.
Character sketch by WanningMoon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top