CHAPTER THIRTEEN: An Unusual Request
ERALD
NAPAKABIHIRANG PAGKAKATAON na sabay kaming mag-almusal ni Madeleine bago kami pumasok sa school. Lagi kasi siyang kumakain ng breakfast sa school canteen. One perk of being a student council officer was the free meal. Kapag umaalis siya nang maaga, malamang ay ina-avail niya ang gano'ng privilege.
For this morning, naghain ang housekeeper namin ng French toast na may kasamang slices ng mangga. Ako na mismo ang nagtimpla ng sarili kong kape. Hindi kasi minsan nakukuha ng kasambahay namin ang timplang gusto ko.
Tahimik kaming kumain na tila mga estrangherong magka-share sa iisang mesa. So sobrang arte, ginamitan niya ng kutsilyo at tinidor ang paghiwa sa tinapay habang ako nama'y kinakain ang toast nang nakakamay. She could eat the bread the way normal people do. Walang ibang tao sa paligid namin kaya bakit pa siya magiging conscious?
The only time that Maddie and I exchanged pleasantries is when our dad joins us at breakfast. Ilang araw siyang nasa Cebu ngayon para sa isang conference ng mga doktor sa buong Pilipinas. At dahil hindi namin siya kasamang kumakain, wala kaming pakialamanan ng ate ko. Wala rin akong interes na malaman kung kumusta na siya sa pagiging student council officer o kung may lalaking nagkamaling pumorma sa kanya.
"I have read this week's issue of Clark Clarion," she spoke after drinking her orange juice. "Your club seems to be getting attention nowadays."
Muntik ko nang maibuga kay Maddie ang mainit na kapeng iniinom ko. May mahiwagang ingredient bang inilagay ang housekeeper sa kinakain naming French toast kaya naisipan ng ate ko na mag-start ng conversation? Napaka-unusual ng ganitong pangyayari sa umaga.
"Kung sasabihin mong dapat akong magpasalamat sa 'yo, huwag mo nang subukan." Pinunasan ko ang aking bibig at kumagat sa paubos kong tinapay. "Kung may dapat akong pasalamatan, 'yon ay ang sarili ko."
Marahan niyang binitawan ang mga kubyertos sa plato at muling uminom ng juice. "Bilib na bilib ka rin sa sarili mo, 'no? Iniisip mo bang kundi dahil sa 'yo, mananatili pa rin sa anino ang QED Club?"
"Parang gano'n na nga," tumango ako bago inubos ang aking kape. If it weren't for my genius, the legacy of our club would have been keep in the dark. I deserve some credit, don't I?
"Sige nga, patunayan mo sa akin na ikaw ang trump card ng inyong club," hamon ni Maddie sabay punas sa kanyang bibig. "Meron akong challenge sa inyo."
Challenge? Napataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang ngiti sa kanyang labi. "'Yon ba ang dahilan kaya sinabayan mo akong mag-almusal? Dahil may gusto kang ipagawa sa akin? At please, huwag mo nang gamiting excuse na gusto mo akong i-challenge. Only a fool would fall for that cheap trick. And I am no fool."
Lalo pang lumawak ang ngiti sa kanyang mukha na lalo pang nakainis sa akin. "Oh... So you can now read between the lines, huh? That's good. Bagay na bagay nga sa iyo ang sumali sa club. But let's put your skills to the test, shall we?"
"Huwag mo na akong bolahin. At huwag kang umasang susunod ako na parang aso sa gusto mong ipagawa," pabalang kong tugon bago ako tumayo. Ang akala niya siguro'y mauutakan niya ako. But no, mali siya ng taong inuuto.
"If you grant my request, I will owe you and your club a favor."
Saktong paliko na ako sa hagdan nang marinig ko ang pahabol na hirit niya. Dahan-dahan akong lumingon at tinitigan siya ng mga naningkit kong mata. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"
Maintaining her irritating smile, Maddie nodded. "Yes, as long as I can do it. Kung kailangan n'yo ng extra budget sa club, I can persuade the treasurer to have that request approved. Kung gusto n'yo ng bagong clubroom, I can give it to you in the snap of a finger. Don't underestimate my power as the secretary."
The deal was quite tempting. With the blank check she was offering, I could advance my plans, if ever I had one. Bumalik ako sa aming dining table at tumayo sa tapat niya. Nagkatitigan kami bago ko siya binato ng tanong. "Ano ba 'yang request mo?"
"Alam kong mahilig kayong mag-solve ng problema. But this time, kayo mismo ang gagawa no'n," sagot ni Maddie, kinukutsara ang isang slice ng mangga. "Gusto ko sanang ilagay n'yo sa sitwasyon ang student council vice president para ipagtapat niya ang kanyang nararamdaman sa aming president. Kahit anong pilit nilang pagtatago, alam kong may feelings sila para sa isa't isa."
Ewan kung dapat ba akong matawa o ma-disappoint sa request niya. Ang akala ko'y mabigat ang hihingin niyang pabor na maglalagay sa akin sa bingit ng pagkaka-suspend o expel. She wanted me and my club to act like stupid Cupid.
"At kailan ka pa naging interesado sa love life ng iba, ha?"
"I'm worried na baka makaapekto sa performance nila bilang council officers ang kanilang... romantic feelings." May pandidiri sa tono ni Maddie. Wala rin kasing karoma-romansa sa balat ang babaeng 'to. "Ayaw kong may mga unnecessary factor na humadlang sa pagtupad ng aming mga responsibilidad."
"At kailan mo gustong maisagawa ang plano mo?"
"Magkakaroon ng leadership training seminar para sa mga non-academic club sa weekend. Gusto naming malayo sa siyudad kaya pinili naming venue ang isang ecopark sa paanan ng Mount Arayat. Don't you think that's the perfect time and place to execute the plan?"
Isa sa mga pinakaayaw ko kapag member ka ng isang club ay ang mga mandatory seminar o conference. Ang mas masaklap, naisipan nilang mamundok kami kung saan siguradong mahina ang signal ng mga internet service provider. Hindi ako makakapanood ng YouTube videos kapag bored ako o mag-browse ng nakakatuwang memes.
Napahawak ako sa aking baba at napaisip. "I assume na kasama kaming mga taga-QED Club sa seminar na 'yan, tama?"
"Yes, kaya nga kayo ang naisipan kong hingan ng pabor. Pwede kayong mag-stage ng isang kaguluhan doon at kunwari'y iso-solve n'yo ang kaso. In that way, mas lalawak pa ang exposure ng inyong club. Pero huwag n'yong kakalimutan ang main objective n'yo: Kailangang magkaaminan na ang dalawang co-officers ko."
Mukhang challenging nga ang gusto niyang mangyari. Kung paggawa lang ng kaguluhan ang usapan, number one expert ako riyan. I have already proven myself to be capable of creating chaos before. I could do it again.
"Hindi ako ang nagde-decide kung anong request ang tinatanggap ng QED Club kaya kailangan ko munang i-refer ito sa aming president. Kung hindi siya pumayag, pasensyahan na lang."
"Don't worry," Maddie replied, finishing her glass of milk. "Confident akong papayag siya sa request ko. Unlike you, your sweet club president is thankful for all the considerations that I have given your club. Just mention the student council, she would automatically say yes."
I clicked my tongue out of annoyance. She knew very well how Charlotte would respond to her request. Naglakad ako palayo sa kanya, patungo sa hagdan, nang may ideyang sumagi sa isip ko. Isang tanong na kanina pa gustong kumawala sa aking bibig.
"By the way, paano ka nga pala magbe-benefit sa planong ito?" I asked.
Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan sa pagitan naming dalawa habang muli kaming nagkatitigan. Nginitian niya lang ako sabay sabing, "Does it matter?"
Knowing her, she wouldn't ask for such a request if she had nothing to gain from it. Kahit siguro pilitin ko siya kung ano ang kanyang ulterior motive, ititikom lang niya ang kanyang bibig. Kung tutuusin, pwede ko naman itong i-decline pero masyadong nakaka-tempt ang offer na gagawan niya ako ng pabor kapag nagtagumpay kami sa misyon.
It was such a tough choice to make.
* * *
"Yes, here we are!" nakangiting wika ni Charlotte nang huminto ang sinasakyan naming bus sa tapat ng isang gate. She was like a child going on a field trip the first time. Panay ang pindot niya sa shutter ng nakasabit na camera sa kanyang leeg.
Nagsimula nang magsibabaan ang mga estudyanteng kasama namin. Dahil nakaupo kami sa pinakahuling row nina Charlotte at Clyde, pinauna na namin ang mga kasama naming atat na atat nang makababa. Nang umikli na ang pila sa exit, sumunod na kaming tatlo bitbit ang aming mga gamit.
Tatlong araw bago kami pumunta sa leadership training seminar, nabanggit ko sa co-members ko sa QED Club ang tungkol sa request ni Maddie. As my sister predicted, kaagad itong in-approve ni Charlotte dahil mukhang exciting daw ang misyon at bilang pagtanaw ng utang na loob sa "kabutihan" ng secretary. Hindi naman tumutol si Clyde kaya may green light na ang request.
Pagbaba namin sa bus, bumati sa amin ang naglalakihang puno at ang asul na kalangitan. Sa kinatatayuan namin, tanaw na tanaw ang kagandahan ng Mount Arayat. Nasa paanan kasi ng nasabing bundok ang ecopark na nirentahan ng student council. Masarap singhutin ang hangin. Nakakapresko, hindi gaya sa siyudad na halos polluted na. Maririnig ang walang humpay na huni ng mga ibon at ang marahang paghampas ng mga sanga.
"Wow! Ang ganda pala rito!" Palinga-lingang naglakad si Charlotte sa sementadong daan. She was wearing a floral blouse and skirt. Hindi gaya ng hairstyle niya kapag nasa school, nakapusod ang kanyang buhok. Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang nakasabit na camera sa kanyang leeg.
"These nature trips are good for the health," komento ni Clyde, nagliwanag ang lente ng kanyang salamin. Asul na polo shirt ang suot niya na tinernuhan ng denim pants. "Being away from the busy city is definitely refreshing."
Habang sila'y "well dressed" para sa okasyong ito, ako nama'y naka-V-neck shirt lang at naka-shorts. Kung may score sa pagiging fashionable, malamang zero ang nakuha ko pagdating sa fashion sense. Wala kasi akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang importante, may suot akong damit. Mas masagwa siguro kung pumunta ako rito nang nakahubo't hubad.
Nauna na ang ilan sa mga estudyante sa harapan namin habang may iilang nagpaiwan para magdala ng mga gamit na para sa mga activity ngayong araw.
"So what do you think of this place? Is it conducive for the seminar?"
Lumingon kaming tatlo sa likuran at binati ng nakangiting mukha ni Maddie. Nagba-bounce ang kanyang kulot na buhok habang naglalakad patungo sa amin. My morning would have been perfect if it weren't for her.
Kasama niya ang isang lalaki na pamilyar ang mukha. We already met each other before, but I could not recall his name. Nasa dulo ng dila ko. Nang magtagpo ang mga itim naming mata, nginitian niya ako. Itim na polo shirt ang suot niya, kapareho ng uniform ng ilang estudyanteng nagbubuhat ng mga gamit.
"Ang secretary..." bulong ni Clyde kay Charlotte matapos magpukol ng nagtatakang tingin sa ate ko.
"Ah! Kayo pala 'yon! It is nice to meet you in person!" Inabot ng aming club president ang kanyang kamay kay Maddie. "Thank you nga pala tungkol doon sa clubroom. I really thought we would get evicted."
Nakipag-handshake naman ang ate ko na tila isang politikong may nakasalubong na loyal supporter. "We give special consideration sa mga estudyanteng may nako-contribute sa peace and order ng campus. I assume my younger brother has already told you about my request?"
"Brother?"
Nagawi ang tingin sa akin ni Maddie, nababasa ko sa kanyang naningkit na mga mata ang tanong na "You haven't told them that I am your sister?"
Why should I tell anyone about how we are related? Would anyone actually care if they found out that the student council secretary is my sister? "Importante bang malaman nila? Kahit sabihin kong kapatid kita o anak ako ng presidente ng Pilipinas, hindi 'yon magiging relevant sa club namin."
Nanlaki ang mga mata ni Charlotte habang no reaction si Clyde. The former was not expecting that revelation while the latter seemed to have known about it ages ago. What do you expect from four eyes?
"Talagang mahiyain si Erald kaya siguro hindi niya nasabi sa inyo. By the way..." Itinuro ni Maddie ang kanyang kasama na nakatayo na parang estatwa sa tabi niya. "This is Reign Imperial, the head of our executive committee. You have met him before, if I'm not mistaken."
Now I remember. How could I forget that one syllable name?
"When I delivered the good news to their club," Reign smiled. Isa-isa niya kaming kinamayan habang nakangiti't pinapakita ang kanyang mapuputing ngipin. "We hope you would enjoy the activities that we have prepared for you."
Napa-thumbs up si Charlotte na tila game na game talagang sumabak sa mga ipagagawa nila sa amin. "Don't worry! We will actively participate sa mga 'yon! Excited na nga kami, eh!"
Hey, hey. Huwag mo akong idamay sa enthusiasm mo sa mga activity mamaya. Nandito ako para tuparin ang request ni Maddie at hindi para makipagkaibigan sa ibang mga estudyante.
"Siya nga pala, Maddie, kailan ang birthday ng student council president?" I asked as soon as their obligatory chit-chat was over.
Tumingin siya kay Reign na tila humihingi ng kumpirmasyon. "September 1, 1998 yata? Bakit, balak mo ba siyang regaluhan? Two months pa bago ang birthday niya."
"Ah, wala. Na-curious lang ako." I rolled my eyes. 'Yong mga kaibigan ko nga, hindi ko nireregaluhan kaya bakit ako mag-aaksaya ng pera't panahon para sa isang taong hindi ko lubos na kilala?
Ay teka, wala nga pala akong kaibigan.
We excused ourselves and followed the students who went ahead of us. Ilang mayayabong na puno rin ang aming dinaanan. Mapapaisip ka minsan na baka biglang may sawang mahulog mula sa malalaki nitong sanga.
"Why didn't you tell us that your sister is the student council secretary?" tanong ni Charlotte na nangunguna sa aming tatlo. Itinutok niya ang kanyang camera kung saan-saan at kumuha ng litrato. "Nakiusap ka ba sa kanya para hindi tayo tanggalan ng clubroom?"
Hell no. Hinding-hindi ako hihingi ng pabor sa tulad niya lalo na't alam kong may kapalit ito. "Gaano ba ka-relevant sakaling nalaman n'yo ang tungkol doon? At saka nagkakamali kayo kung iniisip n'yong ginamit ko ang koneksyon niya sa student council para ma-reverse ang eviction notice sa atin."
"Tama. Masyadong out of character kung gagawin niya 'yon," Clyde said. "Kung nasa Titanic tayo, mas gugustuhin pa niyang magpaiwan at lumubog kasama ang barko kaysa humingi ng tulong kahit kanino. The typical Erald."
Ngumisi ako nang marinig ang kanyang komento. Mukhang kabisado na ni apat na mata ang pag-uugali ko, ah. But that was not enough for us to be friends.
"Anyway, kailangan nating i-review ang ating plano ngayong nandito na tayo mismo sa venue," sambit ko, lumingon-lingon sa luntiang paligid. May mga natanaw na akong mga building sa 'di kalayuan. "Dinala n'yo ba 'yong mga gamit na pinadadala ko?"
The two nodded, but there was doubt written on Charlotte's face. "You still haven't told us a single thing about your plan except for the necessary tools. Kaya paano natin masisigurong coordinated tayong tatlo kung ikaw lang ang nakakaalam no'n?"
"Siguradong madudumihan ang mga kamay natin sa taktikang naiisip nitong si Erald," hirit ni Clyde na napasulyap sa akin. I hate to say it, but he was right. "At sigurong komplikado ang binabalak niya."
To be fair, I told them nothing about my plan because they might back out or refuse to cooperate the moment they knew it. Their morals might get in the way.
"Basta magtiwala kayong dalawa." Napangiti ako nang sumagi sa aking isip ang iniluluto kong gimik. "Simple lang ang gagawin natin: Kikidnapin natin mamaya ang student council president."
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top