CHAPTER TEN: "High Tower"


ERALD

NAGING TOPIC sa buong campus ang latest post ng The CHS Files. Students whispered to each other as they walked across the hallways, with phones in their hands, and browsed the trending Facebook page.

The main course for today's gossip was the club in question. May kalaswaan daw na ginagawa ang dalawang member nito. The only clue that they had was the phrase "end of proof." If I wasn't the one who started that rumor, hindi ko alam kung anong grupo ang tinutukoy nila. But certainly they were referring to the QED Club.

Apparently, the acronym "Q.E.D." stands for quod erat demonstrandum. Those three letters were usually written at the end of an argument. In a less direct translation, it means "thus it has been demonstrated." Napilitan tuloy akong mag-research tungkol doon para ma-confirm kung tama ang hinala ko sa latest confession.

But my concern wasn't about our club. I set up a trap yesterday. Today, my target fell to it. Oras na para magkaharap kaming dalawa.

By nine o'clock in the morning, saktong pag-ring ng school bell, dumiretso ako sa rooftop. Itinext ko kasi si Harold — ang espiya sa Clarion — at nakipag-arrange ng meeting doon para opisyal nang isara ang kasong ito. I remembered my encounter with the K-OS Club supreme leader at this same spot.

Pag-akyat ko roon, nakita ko siyang naghihintay habang nakatanaw sa malawak naming campus. The only way I could save him from shame was to push him over the edge. But even if that was an option, I wouldn't do it.

"Sorry kung pinaghintay kita," pambungad ko. Kaagad siyang napaharap sa akin, walang kaide-ideya na rito na magtatapos ang pang-e-espiya niya. Biglang umangat ang kanyang magkabilang-balikat na parang nagulat.

"Akala ko kung sino na!" Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Nakita mo na ba ang bagong post ng The CHS Files?"

Dahan-dahang akong lumapit sa kanya habang nakapamulsa ang mga kamay ko. "Oo, at mukhang QED Club ang tinutukoy nila, base sa iniwang clue ng admin."

"Wala akong pinagsabihan na kahit sino tungkol doon sa ibinigay mong tip sa akin kaya paano nangyari 'yon? Posible kaya na ang friend mong member din ng club ang nag-leak no'n sa The CHS Files?"

Pinanood ko lang ang nababahala niyang pagkilos at hinayaan siyang magsalita nang magsalita. Nakakaaliw pagmasdan ang pagpapanggap niyang wala siyang kinalaman sa nangyari. Mga tao nga naman.

"Natanong mo na ba ang friend mo kung siya nga ang nag-confess sa page?"

"Hindi," umiling ako.

"Ba-Bakit?"

"Dahil..." Huminto ako sa tapat niya at nagbato ng isang nakakaasar na ngiti. Time to reveal my trick! "...walang katotohanan ang mga sinabi ko sa 'yo kahapon."

Nanlaki ang mga mata niya at napahakbang paurong. That was exactly the same reaction I imagined for him to show. Pwede nang pasukan ng mga langaw ang nakabukas niyang bibig. "A-Anong ibig mong sabihin? Sabi mo, nakita ng kaibigan mong taga-QED ang kalaswaang ginagawa ng mga member doon?!"

"Didn't you hear me the first time? That's an obvious lie!" And he was a fool to fall for it. "Sinabi ko 'yon sa 'yo para malaman kung ikaw ang nagli-leak ng info mula sa Clarion. Nobody else in this school knows that there are alleged lewd happenings in the QED Club. Kaya kung may magkakalat man ng tsismis na 'yon, walang ibang dapat paghinalaan kundi ikaw."

"Si-Sinasabi mo bang isa 'yong patibong?" Namuo ang pawis sa kanyang noo.

Tumango ako. Hindi pa ba obvious? Naku naman. "Oo, at madali ka namang nahulog. Kung ako sa 'yo, ititigil ko na ang pagmamaang-maangan dahil bistado na kita. Checkmate! Game over! Confess now that you are the mole in the Clarion."

Yumuko siya't mukhang nawalan na ng ganang pabulaanan ang akusasyon ko. I had him cornered, exactly where I wanted him to be. "Sabi ko na nga ba, dapat naging maingat ako sa tsismis na shinare mo kahapon."

"Tell me, who ordered you to spy on the Clarion?" I asked impatiently.

"Wa-Walang nag-utos sa akin. Maniwala ka."

Mukhang hindi niya natindihan ang tanong ko kaya inulit ko at itrinanslate pa sa Filipino para sa kanya. "Meron bang nag-utos sa iyo na mag-espiya sa Clarion?"

"A-Ang admin ng The C-CHS F-Files!" nauutal niyang sagot. "Basta-basta na lang niya ako chinat at in-offer-an ng isang deal. Gusto niyang makakuha ng exclusive scoops mula sa Clarion. Bawat scoop, may bayad. Hindi ko alam kung saan niya balak gamitin. Baka gusto lang niyang magpakalat ng tsismis sa campus."

"Kilala mo ba kung sino siya?"

"Hi-Hindi."

"Talagang hindi mo siya kilala?" pag-uulit ko.

"Ma-Maniwala ka sa akin!" bahagyang tumaas ang boses niya. "Bakit pa ba ako magsisinungaling sa 'yo?!"

Napabuntong-hininga na lang ako habang tinititigan ang nakakaawang mukha ni Harold. Kung totoo man ang sinabi niya, mukhang wala na akong mapipiga sa lalaking ito. "Your friends at the Clarion know the truth so if I were you, I would try to think of an excuse."

I left him alone at the rooftop. Kung anuman ang gawin sa kanya ng mga taga-Clarion, hindi ko na business 'yon. I already fulfilled their request to sniff out the mole. What's about to happen next was out of my hands.

Nang pababa na ako sa hagdan patungong third floor, nakita kong nakasandal sa pader si Clyde at nakapamulsa ang mga kamay. He looked more sinister than usual with his spectacles gleaming.

Nakita kaya niya ang post ng The CHS Files? Narinig kaya niya ang usapan namin ni Harold sa taas?

"Yow," kumaway ako sa kanya at binati ng ngiti. Hindi ko ginagawa ito, lalo na sa kanya, ngunit dahil maganda ang gising ko ngayong umaga, na-feel kong dapat ikalat ang good vibes. And hey, I just caught the leak in our school paper.

Nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdanan hanggang sa magkatapat kami. He did not return my greeting. Baka nabulag na siya kaya hindi niya nakita ang pagdating ko?

"What have you done, Erald?"

I halted my steps when I was about to reach the ground level. Without turning to him, I asked. "Anong ibig mong sabihin? May ginawa na naman ba akong masama o hindi mo nagustuhan?"

"Itinatanong pa ba iyan?" He fixed his eyeglasses. "Employing dirty tactics... is that the only way you can think of when solving a problem?"

My mood made a one hundred and eighty-degree turn. Ang aga-aga, sinisira niya ang araw ko. Humarap ako sa kanya at nagkasukatan kami ng tingin. I could pretend that I had no idea about what he was talking about. But he's Clyde, the person who could see through my schemes. Lying to the teeth or feigning to be oblivious was futile.

"May masama ba sa ginawa ko?" tanong ko. "Nakahanap ako ng paraan upang mabilis nating ma-solve ang kaso. At mukhang hindi naman ako nagkamali sa desisyon ko. Na-reveal ko na kung sino ang espiya sa Clarion. Ikaw, anong nagawa mo?"

Umiling-iling pa siya sa mismong harapan ko kaya lalong kumulo ang aking dugo. "You have solved the problem, but you have created another. Charlotte and I came up with a solution. But thanks to you acting without our knowledge, our plan went right out the window."

I chuckled. "At bakit ko kailangang magpaalam sa inyo? You should be praising me instead of criticizing my methods. Ngayong exposed na ang identity ng espiya, Clarion will write an article about us and soon, clients will flock to our club. You can still use that plan you thought of, if a similar case comes knocking on our door."

"So you value the result more than the process?" he asked.

"The end justifies the means," may paninindigan kong sagot.

Tama naman, 'di ba? Aanhin mo ang isang maayos na proseso kung sa bandang huli ay hindi mo makukuha ang resultang gusto mo? Reaching the destination is what matters the most, no matter which path you take — be it a shortcut or a long and winding road.

Matapos ang mahabang buntong-hininga, umalis si Clyde mula sa pagkakasandal sa pader. He started walking to the direction of our clubroom. "Mukhang kahit anong sabihin ko sa 'yo, wala ring magiging epekto. I hope you won't regret having that philosophy in life."

Wala siyang alam kaya mas mabuti pa kung manahimik na lang siya.

Pinauna ko na siyang maglakad dahil dama ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. We are like magnets with similar polarities. Kahit kailan, hindi kami maa-attract sa isa't isa. Not in a romantic way, if I may add.

Pagpasok sa clubroom, nakita ko si Charlotte na nakaharap sa white board at tinitingnan ang mga nakadikit na litrato ng mga babae roon. When she heard the creaking noise made by the wooden door, she was quick to turn around and greet us with a smile.

"Hey, alam n'yo bang may kumakalat na tsismis ngayon?" she asked as soon as Clyde and I settled down.

"Oh?" walang gana kong tugon. Kunwari'y wala akong kaalam-alam. "Tungkol saan naman 'yan?"

"Meron kasing post sa The CHS Files tungkol sa isang club na may ginagawang kababalaghan sa clubroom nila." Her face turned serious. "May ilang nagsabi sa akin na baka QED Club daw ang involved roon base sa clue. But that's absurd, right? Wala naman tayong ginagawang kalaswaan dito."

Napaka-slow talaga ng babaeng 'to. Mabuti hindi siya kasing talas ni Clyde pagdating sa pagkokonekta ng mga bagay-bagay. If she was smart enough to realize what was going on, she would have slapped me in the face again.

Nahuli kong sumulyap si Clyde sa akin bago siya tumugon. "Baka may gusto lang sumira sa club natin kaya may nagpapakalat ng malisyosong tsismis. Because of the club fair incident, our detective group gained some traction, thanks to Erald's genius."

Was he trying to cover up for me? Ano, sa tingin niya ba'y magkakaroon ako ng utang na loob dahil doon? Sorry to say, but he's gravely mistaken. I had no need of him coming to my defense anyway.

"Ano nang balak natin sa espiya ng Clarion?" nakapamewang na tanong ni Charlotte. "Teka, bakit hindi ka pala dumaan dito kahapon, Erald? Pinag-usapan namin kahapon ni Clyde kung paano namin mahuhuli ang salarin. Together, we could have come up with a plan."

"Ah, kasi..." I started to explain my action, but someone interrupted me. Bastos, ah.

"Erald has already figured out who the spy is," bigla na namang sumingit si Clyde kahit hindi siya ang tinatanong. "There's no need for us to execute that plan."

Nanlaki ang mga mata ni Charlotte. Noong una'y parang namangha siya sa kanyang narinig pero 'di nagtagal, sumimangot din siya. You two should be singing in glee! Case closed!

"Does that mean na sinolve mo ang case nang mag-isa? Nang hindi kami sinasabihan?" she asked.

"Masyadong hassle kung sasabihin ko pa sa inyo ang pinaplano ko kaya ako na mismo ang umasikaso," I answered. "If I could do it alone, I would. Ayaw ko nang maistorbo kayong dalawa."

"Dahil ba... gusto mong patunayan na mas magaling ka kay Clyde kaya nag-solo ka?"

Sabay kaming lumingon ni Clyde kay Charlotte. She always looked cheerful, but at this moment, she was obviously sad. Hindi ko inasahang mababasa niya ang intensyon sa likod ng ginawa ko kahapon. She sometimes surprises me.

"Erald, remember that we are one in this club," malumanay niyang sabi nang hindi ako nakasagot. She was acting like my mom. "Instead of competing with him, bakit hindi tayo magtulungan? We should be friends here, not rivals."

Sanay na akong mag-isa sa mundong ito kaya hindi ko na kailangang makipaghawak-kamay kahit kanino. Gusto ko sanang buweltahan ang mga sinabi ni Charlotte tungkol sa konsepto ng teamwork at sa kakornihan ng friendship pero pinili ko na lang manahimik. I wanted to spare my face from being slapped again.

"Sige na, hindi ko na uulitin ang nangyari kahapon." My words almost got stuck in my throat. Pero para sa ikatatahimik at ikakapayapa ng umaga ko, ito ang best na sagot.

"Promise?" She went near my seat and showed me her pinky finger. Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang kanyang maliit na daliri. Mukhang alam ko na kung anong gusto niyang gawin.

"Promise."

Labag man sa loob ko, nakipag-pinky swear ako sa kanya, tanda na hinding-hindi ko sisirain ang aking pangako. Another childish act, brought to you by our club president.

Heh. She's a fool if she thought that I would genuinely cooperate with Clyde.

"By the way, bakit may mga nakadikit na pictures diyan? Mga bagong client ba sila?" I pointed at the whiteboard, changing the topic entirely. Baka kaming dalawa pa ni apat na mata ang sunod niyang ipag-pinky finger.

"We were checking kung may similarities ang mga subject ng tsismis," paliwanag ni Charlotte, sabay lapit sa board. "Parang common denominator. Baka kasi sa ganitong paraan, malaman namin kung may koneksyon sila sa isa sa mga suspek. So far, wala pa kaming nae-establish na kahit anong magkokonekta sa kanila. Eto lang dalawa ang may pagkakatulad."

She directed our attention to the photos of two girls. Ang isa'y may itsura at mahaba ang buhok habang ang isa nama'y may suot na pabilog na salamin at hanggang leeg lang ang buhok.

"At anong meron sa kanilang dalawa?" tanong ko. Were they ex-girlfriends of the mysterious man who asked Harold to spy on the Clarion? Did they not reciprocate his affections so he's committing a petty revenge plot?

"Maliban sa mga kumalat na tsismis na naninira sa kanila, there were rumors na balak nilang tumakbo sa student council next year," Charlotte went on. I leaned forward upon hearing the phrase "student council" and my eyes narrowed a bit. "Isang sikat na personality rito sa campus ang sinasabing buntis habang ang babaeng inili-link sa isang teacher ay scholar at kabilang sa mga top student every year."

A popular female student and an academic achiever, huh? If they played their cards right, they could win the elections.

"We are considering the possibility that the CHS Files is part of the demolition job against them to ruin their chances of getting elected, even if the election is still months away," Clyde elaborated. "But we can't find the thread that will connect these two to the other targets."

Hindi ko napigilang mapangisi. For them, the whole affair was too nebulous so they decided to discard the thread that might lead them to the truth.

But me? My senses could see beyond these simple yet effective machinations. I had a gut feeling on what the motive was and who might be pulling the strings behind the curtains.

The spreading of rumors. The involved students. The threat they could bring. All these threads would lead to only one truth.

***

I checked the page of the CHS Files as soon as I got home in the afternoon. Ilang beses akong nag-refresh at nag-scroll sa kanilang page, hinahanap ang post nila tungkol sa pekeng tsismis sa QED Club. Mukhang binura na nila o kaya'y itinago sa kanilang timeline.

After finding out that it was a straight-up lie, they probably took action as soon as they could. Pwede naman nilang pabayaan doon, kaya bakit kailangang burahin?

But that was actually a good thing. Kung nandoon pa ang post, ime-message ko ang admin nila para i-request na i-take down 'yon. I had to preserve the integrity of our club, kahit ako mismo ang dahilan kung bakit nagkatsismis. But hey, I was correcting my mistake.

Having nothing to be worried about anymore, lumabas na ako ng kuwarto at bumaba mula sa second floor. We were living in a two-storey building, a house that my father inherited from my great-great-grandfather. Sa tanda na nito, naikukwento ng mga kasambahay namin na may mga pagala-galang multo.

Yeah, this place looked spooky, but I wasn't afraid of any ghosts. They should be afraid of me instead. Kung pwede nga lang, papalayasin ko sila.

"I'm home!"

Kasabay ng pagsara ko sa refrigerator ay ang pagbukas ng pinto. Nag-echo sa loob ng bahay ang malulutong na yabag ng sapatos na kumikiskis sa marmol na sahig.

I sat on the couch of our living room. My peripheral vision caught sight of a towering girl with perm hairstyle and slender body frame. She was wearing the same uniform as Charlotte.

In other households, a younger brother would greet his elder sister a good afternoon. Pero iba ako sa kanila. I just let her walk in front of me without saying hi or hello.

Meet my sister, Madeleine Castell. She's the proud secretary of the High School Supreme Student Council. Imbes na "ate" ang itawag ko sa kanya, tinatawag ko siyang "Maddie." Whenever I got angry, I called her "Mad Eleine."

"You seem to be enjoying yourself," komento ni Maddie habang tinatanggal ang kanyang shoes na may heels. She looked taller because of that.

"Since when did you become interested in my activities?" I must say that I was surprised to hear her start a conversation with me. Hindi na ako nag-effort pa na tumingin sa direksyon niya.

Inilabas ko na lang ang aking phone at naglaro ng Clash of Clans. Ipinakita kong busy ako para hindi na niya ako istorbohin. Naku, may umatake pala sa base ko! Magantihan nga.

"Until recently," she replied, removing her coat and hanging it on her arm. Umupo siya sa kabilang couch at ipinagkrus ang mga binti niya. "That reminds me, hindi mo pa pala ako napapasalamatan sa ginawa ko para sa club mo. A simple expression of gratitude would be much appreciated."

May dapat ba talaga akong ipagpasalamat sa kanya? Kung tutuusin, oo, dahil kung hindi niya iniligtas ang club namin mula sa eviction, wala na akong tambayan sa school. But I wouldn't give her the satisfaction. Sa oras na sinabi ko ang salitang "thank you," magkakaroon ako ng utang na loob sa kanya.

"Trabaho mo 'yon bilang secretary ng student council kaya wala akong dapat ipagpasalamat," I spat, glancing at her. "At saka hindi naman ako lumuhod sa harapan mo para huwag kaming tanggalan ng clubroom."

"I wasn't really expecting anything from you, not even a simple thanks. But at least, I tried." She stood and made her way to the staircase. "Kahit hindi mo magawang magpasalamat, hindi ko na babawiin ang naging resolution namin sa club n'yo. You have nothing to fear."

That did not sound as a veiled threat so I had nothing to worry about.

But there's something that I would like to know from her. Oras na para ilabas ko na ang aking itinatagong baraha. "Narinig mo na ba ang mga tsismis na pinapakalat ng The CHS Files? As a student council officer, you must be monitoring that page."

She was in the middle of a flight of stairs when she stopped, turning to me. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. "Tsismis? Anong klaseng tsismis?"

Pretending to know nothing, huh? Napadekwatro ang mga binti ko at ini-relax ang likod ko sa couch. "Tungkol sa isang senior high student na buntis daw at ang scholar na may forbidden relationship sa isang teacher."

"What about them? Bakit kailangan kong malaman ang tungkol sa kanila?" nakangiti niyang sagot na parang wala siyang pakialam. Sa ganyan naman siya magaling, sa pagpapanggap.

"Did you know that they were planning to run for the student council in the next election? Pareho silang sikat at may pangalan sa campus kaya madali silang makakahakot ng boto. But thanks to the gossips spread by the CHS Files, their chances of winning were probably affected."

Naglakad siya pababa ng hagdanan habang nagpapaliwanag ako. Nakangiti lang siya't walang bahid ng pagkasorpresa o pagkabahala sa kanyang mukha. Marunong talagang magtago ng emosyon ang babaeng ito.

"They might have been random targets of that rumor-mongering page," I continued while closely observing her reactions. "But if you look at it from a more enlightened angle, makikita mo ang ikinukubling katotohanan."

"Katotohanan?"

"Na may mga taong gustong isabotahe ang pagtakbo nila sa student council kahit kakasimula pa lang ng school year. An early demolition job, you may call it. The question is: who might be behind these preemptive strikes? Pustahan tayo, kakandidato rin ang taong 'yon sa susunod na student council elections kaya gusto niyang alisin ang mga sagabal. Gusto niyang bunutin ang mga damo sa paligid niya bago pa sila tumubo. So who on earth can think of this scheme?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya't ibinaling ito sa kisame, kunwari'y nag-iisip nang malalim. Of course, isa lang itong acting dahil kanina pa ako may ideya kung sino ang makakagawa nito.

"Wait a minute," I looked at her in the eye. "You are still eligible to run for the student council next year, aren't you?"

Nagtitigan kami ng kapatid ko. Walang mata na gustong kumalas. Wala ring kumikibo sa amin. The silence in the living room was deafening.

"You're right. I can still run for a higher position in the student council next election," she spoke at last, breaking the silence. "Are you planning to play the villain if and when I decide to run?"

Bullseye! Hindi man niya sinagot categorically ang tanong ko, ang tugon niya'y isang confirmation na tama ang aking hinala.

"If I have to, why not?" sagot ko. "I have learned to love playing the villain, thanks to you."

Without saying anything, she beamed at me before turning her back. Muli siyang umakyat sa hagdanan.

Just when I was about to concentrate on my game, she threw a question out of the blue.

"By the way, Erald, do you still remember that accident four years ago?"

Nanigas ang kaliwang kamay ko habang humigpit ang aking hawak sa phone. Bakit niya na-bring up ang alaalang 'yon? Para asarin ako? Gumaganti ba siya dahil nabuko ko ang plano niya?

"They say na mapaglaro ang tadhana. Hindi ako naniniwala...until recently," she added.

Naningkit ang mga mata ko. Ano namang kinalaman ng tadhana sa pinag-uusapan namin? That's the most random thing she could bring up in a conversation! "Anong gusto mong sabihin, ha?"

Ngumiti ulit siya sa akin, tila may halong pang-aasar. "Nothing. Just enjoy your time in your club."

Hindi ako naniniwala sa "nothing" niya. Paniguradong meron siyang ipinupunto pero ayaw niyang sabihin sa akin.

Glaring, I watched her disappear from my eyeshot. The entire house was silent once more. Only the sound of Maddie swinging the door of her room could be heard.

Hanggang ngayon, hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari noon... na nagtulak sa akin para maging ganito ako.

q.e.d.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top