CHAPTER ONE: Pilot
ERALD
KARAMIHAN SIGURO ng mga tao sa mundo, gustong maituring na "hero." Sa dinami-dami ba naman ng mga superhero movie na inilalabas kada taon, napo-promote ang value ng heroism at dumarami ang mga nagpapauto sa ilusyon nito.
Naging mainstream na nga ang idea ng pagiging isang bayani. Kaya mas gusto kong sumalungat, mas gusto kong maging kakaiba. I wanted to be a villain, I wanted to be an antagonist who would spice up the story. Without a competent villain, a story would fall into obscurity. Kung walang kontrabida, mawawalan din purpose ang existence ng mga bida.
"As announced last week, today's our long quiz in Trigonometry," anunsyo ni Sir Lising, ang professor namin sa pinakamahirap na subject ngayong semester. Maliban sa subject na itinuturo niya na hindi naman namin gagamitin sa totoong buhay, nakakainis din ang kachupoy niyang hairstyle.
I heard whispers of frustrations mula sa mga classmate kong nakaupo sa harapan. Lagi akong nakapuwesto sa pinakadulong row ng aming classroom. Ang maganda rito, mas nao-observe ko ang mga ginawa ng halos lahat ng nasa line of sight ko.
Everyone in the class hated this subject, except for the geniuses who were vying for rankings. Sila lang naman ang nag-e-enjoy tuwing may discussion kami sa Trigo.
Habang busy ang mga classmate ko sa pagpapasa ng mga test paper, palihim kong inilabas ang aking phone at nag-text sa ilang phone number. Nang mai-press ko na ang "send," hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi. Kinailangan ko pang yumuko para maitago 'yon dahil nagmukha akong nababaliw.
"I will give you thirty minutes to solve the problems. Remember that you—"
Biglang natigil si Sir Lising nang tila may maramdaman siya sa kanyang bulsa. He took out his phone and read whatever's on its screen. Nabalot ng pangamba ang mukha niya na unti-unting iniangat sa amin.
"Class, we have to postpone the quiz today. Kailangan nating bumaba ng school building at pumunta sa open area," sabi niya.
Napa-"yes" ang ilan sa mga katabi ko dahil mapo-postpone ang aming long quiz. We were asked to bring our bags and fall in line as we calmly exited the classroom.
Hindi lang pala kami ang pinapababa. Pati ang mga taga-kabilang classroom, nakalinya na rin sa hallway at pababa na ng hagdanan. Wala namang naka-assign na earthquake o fire drill ngayong araw kaya labis ang pagtataka ng mga classmate ko kung bakit kinailangan kaming pababain.
Dahil nasa dulo naman ako ng linya, pasimple akong lumayo sa kanila at naglakad patungo sa restroom ng mga lalaki. Inilabas ko ang aking phone, binuksan ang case, tinanggal ang SIM card at inihulog sa toilet bowl. When I pressed the flush button, my crime was complete.
Naliwanagan ang lahat tungkol sa nangyayari nang dumating ang bomb disposal unit. Meron daw nagsabi sa mga professor na may iniwang bomba na nakatakdang sumabog ng alas-diyes.
Little did they know that I was the man behind the silent commotion in the campus.
As part of the protocol, school authorities would never ignore a bomb threat, no matter how false it might be. Wala silang choice kundi itigil muna ang lahat ng ginagawa sa school para i-evacuate ang mga estudyante.
"Sino kaya ang nagpadala ng bomb threat, 'no?" tanong ng katabi ko. "Ang balita ko, trend ngayon ang mga bomb scare sa ibang schools kahit puro hoax ang mga 'yon."
"Dapat tayong magpa-thank you kasi kundi dahil sa kanya, malamang kulelat tayo sa long quiz," sagot naman ng kasama nito. "Ni hindi pa nga ako nakapag-review eh."
"Oo nga! Halos ma-nosebleed ako nang makita ko ang mga problem sa test paper."
Smirking, I covered my mouth with my hand. Tama, dapat kayong magpasalamat sa akin. Kung pwede nga, lumuhod pa kayo. If it weren't for me, you would fail the test.
Bakit ko nga ba ginawa 'to? Kagaya ba ako nila na hindi nakapag-review? Sa totoo niyan, kaya ko namang ipasa ang long quiz namin. But I was bored with our routinely student life so I decided to spice things up.
"How much would that be?" bulong ng lalaking tumabi sa akin.
"One thousand and five hundred pesos," sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya.
"Aba! Ang mahal naman yata? Napakasimple ng ginawa mo tapos sisingilin mo ako ng mahigit sanlibo? Hindi naman yata makatarungan 'yan!"
Dahil narindi ako sa boses niya, hinarap ko na lang siya at tinitigan sa mata. "Gusto mong ma-postpone ang long quiz n'yo dahil hindi ka nakapag-review. Kung hindi ko ginawa 'to, baka failing grade ang makuha mo at magkaroon ng dumi ang record mo."
"Oo, alam ko!" he hissed like a snake, wary that some students might hear our conversation. "Ang isyu ko ay ang overpricing diyan sa serbisyo mo."
I sighed. "Mukhang simple ang ginawa ko pero hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang risk nito? I could be suspended—or worse, expelled—kapag nalaman nilang ako ang may pakana nito. Kung five hundred pesos lang ang bayad mo sa akin, at sakali mang mahuli nila ako, baka kumanta ako at idawit ang pangalan mo."
He clicked his tongue. "Wala bang tawad? One week ko nang baon 'yang hinihingi mo eh."
"Non-negotiable." I shook my head slowly. "Take it or leave it. Kapag hindi mo ako binayaran, ipapakita ko sa mga school authority ang message thread natin. Pwede nilang i-trace ang IP address mo."
"Te-Teka! 'Di ba napagkasunduan nating ide-delete ang thread?"
I smirked. "Do you take me for a fool? Siyempre kailangan ko ng guarantee na tutupad ka sa usapan. Oh, ano? Magsasayang lang ba tayo ng laway rito?"
Walang nagawa ang lalaki kundi bumuntong-hininga sabay bunot ng kanyang wallet. He was wrong if he thought he could trick me. Nagkamali siya ng binabangga.
"Oh, heto!" Isinampal niya sa kamay ko ang kulay asul at kulay dilaw na paper bill. "Wala na akong utang sa 'yo, ah? I-delete mo na ang message natin."
Pasimple kong ibinulsa ang ibinigay niyang pera sabay ngiti. "Nice doing business with you!"
He slithered back into the crowd of students and disappeared from my peripheral vision.
Beep! Beep!
"Huh?" Napasilip ako sa phone mula sa aking bulsa. One message received. Nasanay na akong walang textmate kaya nakaka-surprise na makatanggap ako ng text message.
"Meet me at the QED Clubroom. 4 p.m. sharp."
Muli kong ibinulsa ang aking phone at napabuntong-hininga. One thing I hated about school was after class meetings.
***
Dahil hoax ang bomb threat na bumulabog sa buong campus kaninang umaga, nag-resume na ang mga klase pagsapit ng tanghali. Many were disappointed that the school chose not to send us home. Halos lahat kasi ng napapabalitang bomb scares, mga peke lang kaya ayaw magpaloko ng school admin.
Pumatak na ang alas-kuwatro, ang oras ng uwian. Sa halip na dumiretso ako sa bahay para matulog o mag-log in sa Facebook para i-stalk ang crush ko, umakyat ako sa third floor at naglakad hanggang marating ang dulo ng pasilyo, ang lugar kung saan kakaunti lamang ang dumadaan.
FYI: Hindi ako pupunta sa Chamber of Secrets o kahit anong lihim na lugar dito sa school building. Nag-text kanina sa 'kin ang president ng tanging club na sinalihan ko dahil kailangan daw naming mag-meeting para sa darating na club fair. I hated those kinds of meeting.
Hindi ko gustong sumali sa anumang student organization. Gusto ko ngang bumuo ng sarili kong grupo. Last academic year, I tried to apply for a new club that would accept students with brilliant brains of masterminds. Kita naman siguro sa pagpapakitang gilas ko kanina kung gaano ako kagaling, 'di ba? Unfortunately, the kill-joy Office of Student Affairs junked my club application. Masyado na raw marami ang clubs sa school.
Kahit labag sa kalooban ko, sumali ako sa isang existing club. Here in Clark High, mandatory ang pagsali ng mga estudyante sa isang academic club at isa o dalawang non-academic club. Kapag hindi ka naging miyembro ng kahit anong organization, mabibigyan ka ng exclusive ticket papuntang principal's office at makaka-meet-and-greet mo pa ang "dragon lady."
Huminto ako sa tapat ng pinto kung saan may nakadikit na papel at nakaimprenta ang pangalang "QED Club." Bago pa ako pumasok sa high school na 'to, marami na akong narinig na adventures ng nasabing club. Kapag may problema ang isang estudyante, this is the place where they go.
But that was a few years ago. Halos wala nang nakakaalala sa mga achievement ng club na 'to. Nagmistulan nang alamat na kinalimutan ang mga kasong sinolve nila noon. But thanks to our club president who pushed for the revival of this club, its legacy would be known once more.
Ironic, 'di ba? I planned to form a sinister group of masterminds, but I ended up joining a group of problem-solvers. Sa dinami-dami ng mga club, bakit dito ako sumali?
Una, iisa pa lang ang member nito kaya hindi ko kailangang makipagplastikan sa maraming estudyante. Pangalawa, bilang isang rising evil overlord, kailangan ko ng isang fortress kung saan puwede akong tumambay kapag vacant period.
Skill-wise, naisip ko na kung magaling akong gumawa ng problema o sakit ng ulo para sa iba, magaling din siguro akong magresolba ng gano'n.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna sa siwang para tingnan kung may nag-aabang na trap sa akin. Na-trauma na ako noon. Sa una ko kasing pagpasok sa clubroom para magtanong kung puwedeng sumali, binasa ako ng president gamit ang isang water gun.
"As a member of the prestigious QED Club, dapat handa ka sa lahat ng posibleng mangyari! Paano kung pagbukas mo ng pinto e na-trigger ang pagsabog ng isang bomba?" she told me.
Alam kong classified bilang detective club ang group namin. Kaso sobra naman yata na isiping may magtatanim ng bomba rito o kaya'y gagawa ng krimen.
Once the area was secured, tuluyan kong binuksan ang pinto at tumuloy sa loob. Hindi gano'n kalaki ang clubroom kaya kaunti ang gamit. May maliit na cabinet sa sulok na ang tanging laman ay alikabok. Meron ding nakapakong white board na kasing-linis ng walang sulat na papel at corkboard sa pader. Sa gitna ng clubroom ay nakapuwesto ang mahabang mesa kung saan tila natutulog ang isang babaeng may hawak na camera sa kanang kamay at water gun sa kaliwa.
At sa ibabaw ng mesa'y umaagos ang pulang likido at mabagal na tumutulo sa sahig.
Pu-Pulang likido?! Maaari kayang—
"Ma-Madam President?"
Napahakbang ako nang paurong habang pinagmamasdan ang hindi gumagalaw niyang katawan. Without second thoughts, I locked the door to prevent anyone from peeking at what happened here. Bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang pagdaloy ng dugo.
Posible kayang pinagtitripan ako ng president gaya ng ginawa niya dati? Gusto ko sanang hawakan siya para i-confirm kung totoo nga ang nakikita ko. Ngunit paano kung dumikit ang fingerprints ko sa kanya? A crime that I did not commit would be pinned on me.
Anong dapat kong gawin? Bakit ang isang tipikal na araw sa buhay ko'y naging isang episode ng How To Get Away With Murder? Should I call the police and report to them what happened? Hindi, tiyak na dadaan ako sa mahaba-habang interview at ayaw kong masayang ang mga nalalabing oras ng araw ko. Baka ako pa nga ang magmukhang kahina-hinala sa nangyari e.
Tsk. Hindi ko inasahang mamomroblema ako sa isang bagay na hindi ko ginawa. If caught, I would have taken responsibility for the bomb scare earlier. For this? Definitely no.
Mas mabuti nang tumakas mula sa crime scene at magpanggap na walang nakita. As a self-proclaimed villain — kahit hindi ako ang nasa likod ng krimeng ito — gusto kong bigyan ng sakit ng ulo ang mga tao rito sa campus lalo na ang student council. Tiyak na manginginig ang laman ng mga estudyante kapag nabalitaan nila ang QED Club murder case.
Wasn't it ironic that there's a real crime scene in a detective club?
I already watched a number of crime dramas and I learned that I should not leave a strand of my hair lying around the room or fingerprints on any object here. Kaya inilabas ko ang aking panyo para takpan ang kamay ko. Hahawakan ko na sana ang doorknob nang bigla akong napahinto. Muli akong lumingon sa hindi gumagalaw na katawan ng club president.
"Meet me at the QED Clubroom. 4 p.m. sharp."
I slapped my hand on my forehead. Ang text message niya sa 'kin kanina! If the police would inspect her phone and found that conversation, malamang ipatawag nila ako at ituring na prime suspect. That could get me into a deep trouble!
Mukhang wala na akong choice kundi burahin ang text message para walang ebidensya. Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan niya, nag-iingat na hindi matapakan ang dugong nasa sahig. Sinuri ko ang ibabaw ng mesa. Wala roon ang kanyang phone. My instinct told me that it might be in her pocket.
Hindi ko alam kung mahilig siyang magbura ng sent messages, ngunit mas mabuti na ang sigurado. Sino bang mag-aakala na ang isang simpleng mensahe ay maaaring magpahamak sa akin?
Ipinasok ko ang aking kamay sa kanyang kanang bulsa. Mahilig ang mga tulad niyang right-handed na ilagay sa kanang bulsa ang mga laging ginagamit na bagay. Nang makapa ko ang isang matigas, manipis at parihabang bagay, unti-unti ko itong inilabas.
Sa oras na nabura ang message at malinis ang doorknob na may fingerprints ko, wala na talagang makapagtuturo sa 'kin. Mabuti't walang ibang tao rito at walang masyadong dumadaan sa hallway ng clubroom. Wala ring naka-install na CCTV camera sa parteng ito ng third floor.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti lalo nang mapagtanto kong umaayon ang lahat sa akin. Kahit siguro si Sherlock Holmes o sino pang detective, hindi malalaman na nanggaling ako sa kuwartong ito.
Magkahalong lungkot at awa ang nararamdaman ko para sa nangyari kay Madam President. Pero bilang isang kontrabida, hindi ako dapat makaramdam ng kahit anong emosyon dahil 'yon ang magiging sanhi ng pagbagsak ko.
Malapit ko nang mailabas mula sa bulsa ang kanyang phone... nang may biglang kumatok sa pinto.
q.e.d.
Character sketch by WanningMoon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top