CHAPTER NINETEEN: Restore Factory Settings
ERALD
After my confrontation with Torry, I went straight to the QED clubroom. Kadalasa'y nakakasabay ko si Clyde kapag pumupunta rito. Just imagine how awkward the situation was when only the two of us were left inside. Kadalasa'y hindi kami nagpapansinan. We mind our own business, and that's cool for me.
Wala masyadong ganap sa campus kaya nitong nagdaang araw, nagsilbing tambayan ko lang ang headquarters namin. Dito na rin ako nagla-lunch para hindi ko na kailangang makisabay sa mga nagsisiksikan sa cafeteria.
Hopefully, walang client na magko-consult sa amin ng kanilang problema dahil wala ako sa mood na magbigay ng advice.
Saktong ipapasok ko na ang susi sa keyhole ng clubroom nang bigla akong mapahinto. I stared down at the doormat that I was stepping on. Weird. Laging may five centimeter na space sa pagitan ng mat at ng pinto. Ngayon, nakasagad na ang doormat sa pintuan. Kapag nagalaw iyan ng kahit kaunti lang, alam kong may napadaan sa headquarters namin. That's a simple trick that I employed as part of our club's security.
Idinikit ko ang aking tenga sa maliit na siwang sa pinto at narinig ang nanghihingalong tunog ng ceiling fan. Ang kuripot kasi ng school admin, hindi pa 'yon pinapalitan. Sa pagkakatanda ko, iniwan kong nakapatay ang fan kaya bakit naiwang nakabukas?
There's only one simple deduction in my mind: Someone's inside. Only three persons have access to this room. It couldn't be Clyde since he was still busy chit-chatting with the class president. It couldn't be me as well since I'm still outside. That only leaves one person: Charlotte.
After days of being missing-in-action, posible kayang bumalik na si Madam President? Maliban sa aming dalawa ni Clyde, siya lamang ang may hawak ng spare key.
Maingat kong ipinihit ang doorknob at dahan-dahang itinulak ito paloob. Kung nagbalik na nga si Charlotte, kailangan kong mag-ingat para sa mga prank niya. Baka mabiktima ulit ako. She may have disappeared for a few days, but her fondness of pranks might not have gone away.
When the door swung open, no stream from a watergun greeted me. No loud "good morning" pleasantries or bright smile. Our president's usual spot was still vacant. But there's one person who was already inside and his back was turned to me. He was reading a newspaper.
Initially, I thought he was a client. His body frame was familiar to me.
"Good morning," bati ko kahit walang "good" sa aking umaga. Lumingon sa direksyon ko ang bisita at binati ako ng isang malawak na ngiti.
"Good morning, Erald," Reign Imperial of the execom stood to greet me. "Sorry if I let myself in. Nakabukas kasi ang pinto kaya pumasok na ako."
It has been days since I last saw his face at the leadership seminar. He's from the executive committee, the right hand men of the student council, so he could literally walk in any clubroom. Sino ba naman ako para paalisin siya?
Ang unang akala ko'y isa lamang siyang random character na makikilala ko rito sa campus. But when he saw through my abduct-the-president trick, I realized that he might be someone whom I shouldn't underestimate. Someone who's on the same level as Clyde.
Teka, alam kong ni-lock ko ang pinto. O baka naman nakalimutan kong i-lock ito kanina dahil sa kakamadaling pumasok? Either way, ipinatong ko ang aking bag sa mesa at umupo sa katapat na puwesto ni Reign.
"Sorry, we are undermanned today," sabi ko sabay patong ng aking kanang binti sa kaliwa. "How can we help the executive committee?"
Iniabot ni Reign sa akin ang hawak niyang kapirasong papel na nakatupi. What was it? A love letter? "I'd like to apologize if it took a while for us to give the list that you asked for. Inuna muna kasi namin ang liquidation ng seminar expenses."
Malugod kong tinanggap ang listahang iniabot niya. Nang buksan ko ito, bumungad ang nasa limampung pangalan. At halos karamihan sa kanila, hindi ko kilala. Tatlo o apat lang yata ang pamilyar sa akin. Within this sea of names is the person who did the dirty work for Torry of the K-OS Club. Once we figure out who it was, the walls would start closing in for the supreme leader.
"You might have a lot of cases on your plate, but the executive committee wants to officially request your assistance in this case," Reign said in a serious tone, his face darkened. "Given the reputation of the QED Club three years ago and its resurgence this academic year, we are confident that you will track them down."
That wasn't a fair assessment, in my opinion. Magkaibang-magkaiba ang club noon at saka ngayon. If our predecessors were better detectives, we have large shoes to fill. But that wouldn't mean na magpapatalo kami sa achievements ng nakaraan.
The fact is I already know who's the brains behind that rogue club. Wala lang akong matibay na ebidensyang magpapatunay na si Torry talaga ang mastermind. Citing my exchanges with him wouldn't make my case stand against that happy-go-lucky guy. I need something concrete.
Ibinaba ko sa listahan at tiningnan nang mata sa mata ang execom chairman. "Just to manage your expectations, we may not be as spectacular as the men who roamed this room three years ago. Baka ma-disappoint kayo na hindi kaagad namin ma-identify kung sino ang hinahanap natin."
"Knowing that you are doing your best to catch the culprits is good enough for us," Reign replied. "Have you made any progress the past two days? Even without that list?"
I stared at him for less than a moment. Can he be trusted? Hindi naman sa pagdududa, pero kailangang maging thorough ang imbestigasyon namin. Kahit siya pa ang execom chairman, hindi 'yon nangangahulugang crossed out na ang pangalan niya sa list of suspects.
Back to the night when Charlotte, Clyde and I executed the abduction of the student council president, Reign Imperial was always within my sights. The only time he disappeared from my eyeshot was when I entered the organizers' room. Paglabas ko ng kuwarto, nakaabang siya roon at ipinahiwatig sa akin na alam niya ang pinlano namin ng mga kasama.
The gap wasn't long enough for him to secretly take Charlotte away from the crowd, bring her to the pool, bind her wrists and legs and return to us as if nothing happened. For now, it is safe to assume that Reign did not have enough time to do Torry's bidding.
However, until we capture the accomplice and secure evidence, I shouldn't tell him a single thing about the mastermind. He may not be the person we are looking for, but he might leak the information to his subordinates. One or two of them may be conspiring with Torry and the K-OS Club. Sana nga lang ay walang nakikipagsabwatan sa kanila.
Muli kong itinupi ang papel. "Unfortunately, wala pa rin hanggang ngayon. But this list might shed some light. We will start checking them out one by one."
It might take a while dahil marami-rami rin ang mga pangalang nasa listahan. That meant a ton of effort is going to be required.
"How's your club president? May balita na ba kayo sa kanya?" Napasulyap si Reign sa bakanteng upuan na laging puwesto ni Charlotte. May kaunting kalungkutan na puminta sa kaniyang mukha. "Ilang araw ko na siyang hindi nakikita rito sa campus."
"Meron daw siyang sakit kaya absent pa siya hanggang ngayon," sagot ko. "All thanks to the K-OS Club."
"I hope she gets well soon," Reign said in a tone that echoed optimism. "And I hope that whoever's behind her predicament will be properly disciplined. No one in his right mind would put an innocent girl in a pool being filled with water and try to drown her."
I'm not a psychiatrist, but Torry must have a loose screw in his head. All he wanted was to wreak chaos and have fun, without any regard to the well-being of other people. If that's not crazy, I don't know what that is.
"May meeting pa kami sa execom kaya kailangan ko nang umalis," paalam ni Reign sabay tayo. "If there's any development on this case, inform us as soon as you are able. The seminar incident may not be the last time that this rogue club would strike. We have to work together and stop their madness."
Tuluyan na siyang lumabas ng clubroom at isinara ang pinto, iniwan akong mag-isa rito. Muli akong napatingin sa listahang ibinigay niya. Maybe I should start looking at people who might have any connection with Torry. Baka may classmate siya rito o kasama sa parehong club?
"Hey, Erald?"
Napaangat ang tingin ko sa kaliwa, sa puwesto kung saan laging nakaupo si Madam President. I thought I heard her sweet yet annoying voice. Baka guni-guni ko lang. Buhay pa naman si Charlotte, 'di ba? Walang dahilan para magparamdam siya?
Baka naman nami-miss na siya ng kuwartong ito? I must admit that this room lost its vibrance while the club president wasn't around. Parang matamlay. Parang may kulang.
"Erald? Erald?"
Napailing ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Kanina pa yata ako nakaupo na parang estatwa at nakatitig sa upuan ni Charlotte kaya hindi ko napansin ang pagpasok ni apat-na-mata. My mind got slightly sidetracked.
Clyde quietly dragged the monobloc chair across me and sat on it. Naglabas siya ng libro at sinimulang ilipat-lipat ang mga pahina nito. Here we go again with minding our own businesses.
Ayaw ko mang basagin ang katahimikan sa kuwarto pero kailangan ko siyang i-update tungkol sa nangyari kanina.
"Dumaan pala rito ang chairman execom." Ipina-slide ko sa kaniya ang hawak kong kapirasong papel. "'Yan ang listahan ng mga nag-attend sa leadership seminar. Baka may makita kang kahina-hinalang pangalan."
Naningkit ang mga mata niya habang binabasa ang listahan. Sinubukan kong basahin mula sa kaniyang facial expression kung may hint of recognition. Napailing lamang siya at ibinalik sa akin ang papel.
"Some names are familiar but I doubt that any of them committed the crime," Clyde responded. "But we can't rule out anyone until we clear their names. Sometimes, the least suspicious is the offender."
"Masyadong marami kung isa-isa natin silang iinterviewin," buntong-hininga ko. I was trying to send him a signal na siya na lamang ang kumausap sa mga taong 'to. But he failed to pick it up.
"Baka may clue si Charlotte tungkol sa taong nagdala sa kaniya sa pool?" tanong ni Clyde. "A small hint may go a long way in this investigation."
Napapalatak ako sabay iling. "Kung meron man siyang nakita, baka nakalimutan na niya. Hindi nga niya maalalang natuloy ang leadership seminar. Have you forgotten that she has some sort of memory reset button?"
Huwag sanang ma-misinterpret ni Clyde ang pakikipag-usap ko sa kaniya. Kadalasan kasi'y hindi ko siya pinapansin kapag nandito kami sa clubroom. Baka isipin niyang open na akong makipagkaibigan sa kaniya. No, no. Kinakausap ko lamang siya dahil may iniimbestigahan kaming kaso. We have a common interest, and I'm willing to set our differences aside for the sake of the investigation.
"Speaking of Charlotte, bakit hindi natin bisitahin sa kanila?" suhestiyon niya.
"Wala namang problema sa aki-Ano? Gusto mong puntahan natin si Charlotte?" Nanlaki ang mga mata kong nabaling sa kanya. "Seryoso ka ba riyan?"
Marahan ang naging pagtango niya na sinabayan pa ng ngiti. "Naka-save sa aking data bank ang address niya. Nakita ko kasi 'yong application form niya rito sa clubroom habang naglilinis ako noong isang araw. I also saw your address."
Creepy. Naglilinis ba talaga siya o naghahanap lang ng impormasyon tungkol sa amin? Either way, I have to thank him for cleaning our clubroom. At least, hindi mapupuno ng agiw at alikabok ang kuwartong 'to habang wala ang club president.
"Miss na miss mo na ba siya kaya isina-suggest mong puntahan natin si Charlotte?" pabiro kong tanong. "Kung gusto mong bumisita sa kanila, go lang. But do not drag me to it."
"Aren't you concerned about her?" he asked. "Ilang araw na siyang hindi pumapasok. If she contracted common colds, she would have attended school since yesterday."
Anong akala niya sa akin? Naglalakad na bato? Tao pa rin naman ako na may emosyon, kahit kadalasa'y nire-repress ko dahil alam kong posibleng maka-distract o makasira sa akin.
"Didiretso ako ng uwi pagkatapos ng klase natin mamaya," sagot ko. "Next time na lang ako pupunta. Ikumusta mo na lang ako sa kaniya. Tell her that I wish her a speedy recovery."
"Knowing Charlotte, mas matutuwa siya kung kasama ka," tugon ni Clyde. "We must show her that we, as her fellow clubmates, care about her."
"Hindi ko talaga hilig ang mga ganyang kadramahan. Kaya sorry kung hindi kita masasamahan."
Doon nagtapos ang pag-uusap namin ni Clyde. Bumalik na ulit kami sa lagi naming ginagawa: ang hindi magpansinan. An hour of silence ensued. Ibang-iba talaga ang clubroom kapag wala ang club president namin.
* * *
Bilang isang self-proclaimed kontrabida, dapat alam ko kung paano pigilan ang aking mga emosyon. Sabi ko nga, posibleng maka-distract at maka-destruct ang mga ito sa 'kin.
Pero heto ako ngayon, hinihintay si Clyde sa labas ng isang supermarket. Bumili kasi siya ng mga prutas para kay Charlotte. The good news? I did not have to pay for any of it because he volunteered to shoulder the expenses.
Nagtataka ba kayo kung bakit nagbago ang isip ko? Ako nga rin, medyo naguguluhan. Hindi pa kami gano'n ka-close ni Charlotte at hindi pa umaabot ang level ng koneksyon sa point na talagang bibisitahin ko siya kapag meron siyang sakit. Kung may sipon man siya o chicken pox, ayaw kong mahawa.
Maybe I was being bothered by my conscience. Kinakatok nito ang pinto na hindi dapat nag-eexist sa puso ko. Charlotte was the kid who I saved four years ago. That's a fact. At dahil napalakas ang tulak ko sa kanya noon, nabagok ang ulo niya at nagkaroon ng problema sa part ng kaniyang cognitive function.
Hindi maiwasang sumagi sa isip ko na ako ang may kasalanan sa kalagayan niya ngayon. Bakit kasi sa dinami-dami ng pwede kong makikilala sa QED Club, siya pa ang babaeng 'yon? Kung sanang ibang tao, hindi ako mababagabag ng ganito.
Malayo pa ang New Year pero puro bilog ang mga biniling prutas ni Clyde. Naka-basket ang mga 'to at bitbit niya sa isang kamay. He knew that it would be futile to ask me to carry those.
"Saan ba ang bahay nina Charlotte?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa pedestrian lane. I never bothered to check her home address in the application form. Clyde's sharp memory bank would do the trick anyway.
"She lives in a hotel with her mom. Lalagpasan lang natin ang pedestrian crossing diyan tapos liliko tayo."
Huminto muna kaming dalawa sa tapat ng traffic lights at hinayaang dumaan ang mga sasakyan. Nang mapatingin ako sa pedestrian lane, tila may nag-flash na image ng batang babae sa harapan ko. I needed to shake my head to shrug off that image.
Hanggang dito ba naman, minumulto niya ako?
Thank god, the hotel wasn't that far from the intersection. Papaakyat pa lang kami sa hagdanan ng hotel, nakangiti na kaming binati ng security guard. Pinagbuksan niya pa kami ng pinto. Dumiretso kami ni Clyde sa receptionist at tinanong kung anong floor at room unit ng taong bibisitahin namin.
"Charlotte Claveria?" tanong ng receptionist habang hinahanap sa listahan ang pangalan. "Seventeenth floor. Room 1754. Ine-expect niya bang bibisita kayo?"
"Hindi ho."
"Sige, tawagan ko muna ang unit nila. Just a moment, sir." Kinuha ng receptionist ang telepono kasabay ng pag-dial sa isang phone number.
Habang nagri-ring ang phone, iginala ko ang aking mga mata sa hotel lobby. Charlotte's family must be well off to afford living in this luxury hotel.
"Hello, ma'am? May mga bisita ho kayo rito sa lobby. Mga-kaano-ano nga ulit kayo ni Miss Charlotte?-ah, mga kasama raw ho sa club. Paakayatin ko na sila, ma'am? Sige ho."
Pagkababa ng telepoho, muli kaming hinarap ng receptionist. "Pwede na ho kayong tumuloy sa elevator. Sa seventeenth floor. Pagkalabas n'yo, kumanan kayo tapos lakarin n'yo ang hallway hanggang marating ang dulo."
"Thank you!" masiglang sagot ni Clyde. Masuwerte ako dahil kasama ko siya. Bakit? Dahil hindi ko na kailangang magpeke pa ng ngiti sa babaeng receptionist.
Naranasan n'yo na bang ma-trap sa isang kuwarto na salamin ang mga pader pati ang kisame? Gano'n kasi ang itsura ng loob ng elevator. Kahit saan ako lumingon, imposibleng hindi ko makita ang reflection. Don't get me wrong. I was not afraid of my face. Hindi lang talaga ako sanay na humarap sa salamin.
"Takot ka ba sa salamin?" tanong ni apat na mata pagkapindot niya sa number 17. "You don't look comfortable here."
"Bakit ako matatakot sa sarili kong reflection?" nakangisi kong sagot. "First time ko lang makasakay sa ganitong klase ng elevator kaya naninibago ako."
Tumawa nang marahan si Clyde, may halong pang-aasar. "May mga tao na natatakot tumingin sa salamin, pero hindi dahil naaasiwa sila sa kanilang itsura. Ang iba kasi, hindi nila kayang tingnan kung ano na sila ngayon at hindi nila maiwasang ikumpara ang kanilang sarili sa dati nilang version."
"At bakit napunta ang topic natin sa salamin?" sumabay sa tanong ko ang biglaang pagbukas ng pinto. Pumasok ang iba pang hotel guests at pinindot ang button ng floor na kanilang pupuntahan.
"While staring at the mirror, have you ever wondered what caused you to change? Kung dati'y ganoon ka, ngayo'y ganito ka na?" Clyde asked. "Have you reflected even once why you are no longer the person that you once were?"
I thought our whole business here was to visit our club president. Bakit napunta sa ganitong topic ang usapan namin?
To answer his question, the Erald before is already dead and replaced by a better version. There was a turning point in my life, that I can admit. My mind was so pure and innocent, and filled with ideals before. But thanks to some external forces, such as my dearly beloved sister, my mind is now corrupted. I no longer believe in those ideals.
Before, I cared about the process. Now? No longer. As long as I can get things done, the process no longer matters to me. Only the results matter.
"Unang-una, hindi pa ako baliw para kausapin ko ang sarili ko sa salamin." Sumandal ako sa salamin at tiningnan ang reflection ng kasama ko. All I can see is a smart-ass who thinks he's better than me. "At saka kung anuman ako ngayon, hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa akin."
Nang marating namin ang 17th floor, lumabas na kami ng elevator at sinimulang lakarin ang pasilyo. Tumigil kami sa tapat ng pinto ng Room 1754. Sinenyasan ko si Clyde na siya na ang pumindot ng door bell.
Ding! Dong!
"Sandali lang!" sigaw ng isang babae mula sa loob. Sa sigla ng kaniyang boses, walang dudang ang club president namin 'yon. She was the only person in this world who has that level of energy.
Naghintay pa kami ng ilang segundo bago tuluyang binuksan ang pinto. Bumati sa amin ang malawak na ngiti ni Charlotte na nakasuot lamang puting T-shirt at shorts. Wala siyang mga peklat sa mukha kaya malabong nagkabulutong siya. Thus I am safe. Wala ring pinagbago sa itsura niya maliban sa namumula niyang ilong na malamang ay dahil sa sipon.
"Hi! The receptionist said na may mga bisita ako," bati niya, hindi pa rin napapawi ang ngiti sa kaniyang labi. "I wasn't expecting visitors today."
"Nami-miss ka na kasi ni Erald kaya naisipan ka naming bisitahin," Clyde jested. "Here, we brought some fruits for you."
"Hey, hey! Ikaw kaya ang nagyayang pumunta rito? Tapos ako pa ang itinuturo mong naka-miss sa kaniya?" Kung nakatalikod lang si Charlotte, binatukan ko na itong si apat-na-mata. Kahit na totoong medyo na-miss ko ang presensya ni Charlotte sa clubroom, hindi naman tamang baligtarin ako ni Clyde at palabasing ako ang may pasimuno nito.
"Thank you!" malugod na tinanggap ni Charlotte ang basket. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa amin, tila kinikilala kami. "Pero... uhm... sino nga ulit kayo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top