CHAPTER FOURTEEN: Eraldian Stratagem
ERALD
"KIDNAPIN?! ARE you out of your mind?" pagulat na tanong ni Charlotte. I shushed her because the other students passing by started looking at us. Could she lower her voice? Ito ang dahilan kaya hindi ko kaagad sinabi sa kanila ang plano, eh.
"As expected from you, Erald!" Clyde clapped slowly. "You never fail to disappoint me with your schemes."
'Yon na siguro ang pinakamainam na paraan upang maisagawa ang request ni Maddie. Natural sa mga tao na hanapin ang mga bagay na nawawala. Maiwan nga lang ang phone nila sa isang lugar, kinakabahan na sila. Paano pa kaya kung ang taong malapit sa kanila ang biglang mawala nang parang bula?
"Kapag lumubog na ang araw, doon natin isasagawa ang plano." Hininaan ko ang aking boses nang makarating kami sa tapat ng isang puting gusali kung saan nakalupong ang iba naming kasama. "I thought of giving them a code to solve. Ang kailangan nating asikasuhin ay ang lugar kung saan natin itatago ang student council president."
Iginala ni Clyde ang kanyang tingin sa paligid, tinatanaw ang iba pang building sa ecopark na natatakpan ng malalaking puno. "Kailangang maglibot mamaya para maghanap ng lugar na pagtataguan sa target natin."
"Te-Teka, Clyde! Don't tell me na payag ka sa plano ni Erald?" protesta ni Charlotte. "Shouldn't you be the first one to condemn his scheme? He is proposing that we commit a crime punishable by law!"
"I understand your point," patango-tangong tugon ni apat na mata. Maging ako'y nasorpresa na hindi siya nagreklamo at tumutol sa brilliant plan ko. Ano bang nakain niya? "Basta walang masasaktan sa binabalak ni Erald, wala akong nakikita na seryosong problema. At saka hindi ba mabuti na paminsan-minsan, nagagawa nating mag-isip tulad niya? Let us consider this kidnapping mission as an exercise for our minds."
"Hmm..." Yumuko si Charlotte, napahawak sa kanyang baba. Mukhang hindi pa siya one-hundred percent na payag sa plano. "It's two against one so majority wins. Basta dapat walang mapapahamak, ah? At dapat malinis ang gagawin nating... krimen."
One end of my lips curved. Ngayo'y wala nang hadlang para sa abduction plan namin. "Huwag kayong mag-alala. Hindi hahantong sa delikadong sitwasyon ang gagawin natin. Bawat isa sa atin, may malaking papel na gagampanan mamaya kaya inaasahan kong makikipag-cooperate kayo sa akin."
Pinapasok kami ng mga organizer sa puting building na tinatawag na "Batyawan Hall." Sa loob, naka-set-up na ang ilang rows ng monobloc chairs at isang mahabang mesa sa harapan kung nakalagay ang isang projector. Malawak ang buong hall kaya kasya ang nasa limampung estudyanteng um-attend sa training na 'to. Uupo sana ako sa pinakadulong row pero bigla akong hinila ni Charlotte at pinaupo sa bandang unahan.
When the clock struck thirty minutes past seven in the morning, the hall was already jam-packed. Pumasok na ang limang makapangyarihang estudyante ng Clark High, kasama ang execom sa pangunguna ni Reign.
"Good morning, everyone!" masiglang bati ng babaeng nakasalamin na tumayo sa aming harapan. Her ebony hair had pigtail braids that fell below the shoulders. Her innocent face was obviously familiar because she ran for the student council elections last year. Ngunit dahil wala silang kalaban noon, nanalo sila by default basta makakuha sila ng fifty percent plus one na number of votes.
"First of all, thank you sa mga um-attend sa ating annual leadership training seminar! I know dapat nagpapahinga kayo ngayon sa mga bahay o dorm n'yo pero you decided to spend your time in this worthwhile event."
Dapat talagang magpasalamat kayo lalo na sa akin dahil usually sa mga oras na 'to, mahimbing pa ang tulog ko. At kung sanang walang request si Maddie, hindi naman talaga ako pupunta rito. Why would I waste my precious time in this, excuse me, worthless event? Hindi kasi nadadaan sa mga ganitong seminar ang pagho-hone sa mga student leader. Kadalasan, innate sa kanila ang quality ng leadership.
And let's not kid ourselves here. Most of us, if not everyone, won our seats through popularity contest or because there were no other candidates to choose from.
"Bale siya ang kikidnapin natin mamaya?" bulong ni Charlotte. Sinusundan niya ng tingin ang nagsasalitang officer sa harapan. "In case you don't remember, ang pangalan ng student council president natin ay Agnes Aguinaldo."
Ah, siya pala ang nakasulat na "Aguinaldo" sa notes ni Jessica Sotto na writer ng Clarion.
Pasok sa isang tenga at labas sa kabila ang mga salitang binitawan ni Agnes. Blah, blah, the rules this, the regulations that. I had no interest on listening to the objectives of this seminar. Common sense would tell me they want us to learn the value of leadership, camaraderie, et cetera, et cetera.
The student council president called the boy with spiky hair and muscular frame. Sa limang officer, siya ang may matapang na mukha at matatalim na mata na parang tutusukin ka kapag nagtagpo ang tingin n'yo. Sinimulan niyang ipaliwanag ang iba't ibang lugar sa ecopark na gagamitin namin para sa dalawang araw na event. Once again, in one ear, out the other.
"At sino naman ang lalaking 'yan?"
"Bruce Bonifacio," sagot ni Charlotte. Itinutok niya ang kanyang camera sa nagsasalitang officer. Sa gandang lalaki ba naman ng taong nasa harapan niya, talagang kukunan niya ito ng litrato. "He's the vice president."
So those two were the targets, huh? Ewan kung ano ang nakita ni Maddie at bakit naisipan niyang magpaka-stupid-este cupid-sa dalawang 'yan. Ang sabi niya, may nararamdaman ang dalawang 'yan sa isa't isa pero bakit wala akong makitang sparks? Her judgment might be wrong and she might be asking us to do an impossible task.
"For two days and one night, mag-e-stay kayo sa Tuknangan Rooms. Dahil three representatives per club ang in-invite namin, pwede kayong mag-stay sa iisang kuwarto na kayang mag-accommodate ng dalawa hanggang tatlong katao. Iga-guide kayo ng mga execom member papunta roon."
His blatherings went on and on until my ears grew tired of hearing his voice. I thought of plugging them, but Charlotte would surely scold me for such a disrespectful act. Napapapikit na nga ang mga mata ko at muntikan na akong maidlip... kundi lang ako kinukurot sa braso ng katabi ko para magising.
Could we skip over this uninspiring seminar and proceed to the real deal? The kidnapping mission?
* * *
Hindi ko masabi kung nagtitipid ang council o talagang part ng "experience with nature" ng ecopark ang hindi pagkakaroon ng aircon sa aming kwarto. Maliban kasi sa electric fan, bumubugso ang sariwang hangin sa bukas naming bintana. Heto pa, isang doubledeck bed ang higaan namin. Simple mathematics: two of us had to share one. Dahil nag-iisang babae si Charlotte, masosolo niya ang isang higaan kaya kaming dalawa ni Clyde ang magse-share sa isa pa.
Mas gugustuhin ko pang makatabing matulog si Charlotte kaysa kay apat na mata. Don't get me wrong. I had no evil designs on the forgetful girl. Ayaw ko lang makatabi si Clyde.
"So what's our plan now?" Charlotte asked, taking the upperdeck of the bed for herself.
"Care to tell us how you wanna execute the plan, mission commander?" Clyde stood by the window, sneaking a glimpse at the green landscape outside. By "commander," he was referring to me.
May one hour pa kami bago mag-start ang first session ngayong umaga. Pwede naming libutin ang buong ecopark at maghanap ng venue para sa gagawin naming "krimen."
"I-check muna natin kung kumpleto ang mga gamit para sa mission," sagot ko sabay hablot sa nakatabi kong bag.
Mabilis na inilabas ng dalawa ang mga kagamitang ni-request kong dalhin nila para sa abduction maya-maya. Inilapag sa sahig ang isang rolyo ng duct tape, ilang metro ng lubid, isang bote ng chloroform, pingpong ball at ski mask. Ako naman, inilabas ko ang isang stun gun na in-order ko pa online. Thanks, Lazada.
"Ta-Taser! A-Anong balak mong gawin diyan?" Nanlaki ang mga mata ni Charlotte nang makita ang dala kong armas. "Ang akala ko ba walang masasaktan sa planong ito?"
"Naninigurado lang ako sakaling hindi gumana ang Plan A." Pinaglaruan ko ang stun gun sa aking mga kamay. I played with the button, creating a static noise. "And I might need this for self-defense sakaling may manggulo sa seminar natin. Who knows? Baka may masasamang loob na pumasok at gawin tayong hostage."
Tinanggal ni Clyde ang suot niyang salamin, nabaling sa akin ang tingin, at pinunasan ang mga lente nito. "Enlighten us on how we could use these items for our plan later."
"Very simple!" I raised my forefinger. "Kailangan nating ihiwalay ang student council president mula sa mga kasama niya. Kapag mag-isa na siya, tatakpan natin ang ilong at bibig niya gamit ang panyong may pampatulog. Kapag wala na siyang malay, dadalhin natin siya sa lugar na hindi kaagad matatagpuan ng iba."
"At paano nila mahahanap ang pinagtaguan natin sa president?"
"Kung nakikinig ka sa sinabi ko kanina, bibigyan ko sila ng code na kailangan nilang i-solve para malaman kung saan siya dinala."
Charlotte, who seemed to have no objections with my plan, simply nodded. But Clyde? He had some doubts as I could see in his face.
"Easier said than done," he commented, crossing his arms across his chest. "Paano natin masisigurong walang hahadlang sa atin? Your plan has loopholes. There are some eventualities that we cannot account for. Paano kung maging busy siya mamaya? Paano kung laging may nakabuntot sa kanya?"
I clicked my tongue. Andami namang tanong ng apat na mata na 'to. Takpan ko kaya ng duct tape ang bibig niya?
"Trust me, I'm a strategist. Kukuntsabahin ko ang secretary para siguradong aayon ang lahat sa plano." I rose to my feet and put my hands inside my pockets. "O siya, maglilibot muna ako sa ecopark habang may time. Mag-relax muna kayo rito."
If they still had any concerns, bahala na sila. I am confident that my plan would work, as long as every piece on the chessboard would cooperate with me.
Ilang kwarto ang dinaan ko bago ko narating ang labas ng Tuknangan Rooms. The hallway was silent. Everyone must be busy with unpacking their bags and enjoying this break time.
Pagkalabas, binati ako ng nakakasilaw na sinag ng araw kaya napasaludo ako para protektahan ang aking mga mata.
"Erald, wait!"
Lumingon ako't nakitang tumatakbo papunta sa akin si Charlotte. Her treasured camera was dangling around her neck.
"O bakit ka nandito?"
"Gusto ko ring mag-sightseeing!" she replied enthusiastically. "Sayang naman kung magkukulong ako sa kuwarto hanggang mag-start ang morning session."
Hinayaan ko siyang maglakad sa tabi ko habang tinatahak namin ang sementadong daan. Salamat sa mayayabong na lilim ng mga puno, hindi kami masyadong naiinitan. Habang ako'y palinga-linga sa paligid, si Charlotte nama'y walang tigil ang pag-click sa kanyang camera.
"Bakit ba lagi mong dala-dala 'yang camera mo?" tanong ko. Ilang linggo na rin kaming magkakilala at magkasama sa QED Club pero hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam ang dahilan. Maging ang pagsusulat niya sa kanyang notebook tuwing nasa clubroom kami, isa pa ring misteryo sa akin.
Huminto siya sa paglalakad at itinutok ang kanyang camera sa itaas kung saan may nagpapahingang ibon. After capturing that seemingly insignificant scene, she turned to me. "Para makapag-record ng memories. Minsan kasi nakakalimutan ko kung saan ako pumunta kahapon o kung anong ginawa ko kanina. Para maalala ko, lagi akong kumukuha ng litrato. In-advise sa akin ni mama na gawin ko ito para ma-fill ang gaps sa memory ko."
The events that followed shortly after the club fair incident flashed on my mind. Nakalimutan niya ang pananakot na ginawa ko sa kanila pati ang pagsampal niya sa pisngi ko. We chose not to tell her what really happened. Mas mabuting hindi na niya maalala. Ngunit ano kayang klaseng kondisyon ang meron siya? Bakit bigla-biglang nabubura ang ilan sa mga alaala niya?
Tumigil kami sa tapat ng isang swimming pool na walang lamang tubig. Nasa four feet siguro ang lalim nito. Mula rito, natatanaw ko ang isang villa kung saan nakita kong lumabas ang president at vice president ng student council.
"Bakit ba gustong-gusto mong tumutulong sa pagbubuhat ng mga gamit?" tanong ng vice president na nakapamulsa pa habang naglalakad.
"Masyado nang busy ang execom at saka hindi naman gano'n kabigat ito," sagot ng president na may bitbit na malaking kahon. Ni hindi man siya naisipang tulungan ng kasama niya. How unbecoming of a gentleman. Kung ako ang nasa lugar niya, well, hindi ko rin siya tutulungan. Siya ang nagkusang magbuhat, eh.
"Dapat sa president na kagaya mo, nakaupo sa trono at inuutus-utusan ang mga kawal mo. Para saan pa ang mga kasama nating execom kung tayo rin ang gagawa ng trabaho nila?" The vice president had a point. He beat me to the punch. Presidents should not worry themselves about mundane tasks.
"Ang mabuti pa, tulungan mo na lang akong magbuhat nito."
"Tss! No way!"
At saka kumaripas ng takbo ang vice president, iniwan ang kanyang boss nang mag-isa sa daan.
Teka, ang akala ko ba, may feelings ang lalaking 'yon sa president? Bakit kung umasta siya, parang wala siyang pakialam sa love interest niya? Nagkamali nga kaya si Maddie sa kanyang kutob? Or was he just a douchebag?
"In denial ang lalaki." Narinig kong sambit ni Charlotte, nakatutok ang kanyang camera sa nag-iisang president.
"In denial?" I giggled. "Nakita mo naman ang ginawa niya. Basta-basta niya iniwan ang babaeng supposedly na gusto niya."
Charlotte lowered her camera and looked at me. "Erald, nagka-girlfriend ka na ba? O naranasan mo na bang manligaw? Sige, kahit ma-in love man lang?"
"At paano naging relevant 'yan?" Answering a question with another question would be the best tactic to avoid answering it. Sa totoo niyan, negative ang sagot ko sa lahat ng tanong niya. Nagka-crush ako noong mangmang pa lang ako kaso hindi ko 'yon ikino-consider bilang pagiging "in love." That's nothing but foolishness, and I hated myself for being a fool.
Ipinakita niya sa akin ang mga nakuha niyang litrato ng vice president noong nasa Batyawan Hall kami. Nasa frame din ang president na pasimpleng sumusulyap sa nagsasalitang ka-partner niya.
"Hindi ko nakunan ng litrato ang speech ni Agnes kanina pero napansin kong patingin-tingin si Bruce sa kanya. Tapos sa picture na 'yan, si Agnes naman ang pasulyap-sulyap kay Bruce."
"Okay, so what?"
She sighed. "May dalawang dahilan kung bakit tititigan ng isang babae ang isang lalaki. Either may dumi siya sa mukha o may gusto siya sa kanya. At dahil walang dumi sa mukha ni Bruce, may mabubuo tayong isang conclusion. You are a detective, a member of the QED Club! You should know this stuff!"
"Do you have any scientific basis for that?" I asked back. "May nag-conduct ba ng study para ma-determine ang correlation ng pagtitig ng isang tao at pagka-attract romantically? Kung wala, what you have just said is nonsense."
"Wala, pero pagdating sa mga ganitong bagay, malakas ang radar ko. For example, noong magkita kayo ni Faith sa clubroom, may kakaiba akong naramdaman sa inyong dalawa kaso hindi mutual ang feelings n'yo sa isa't isa."
Napapalatak ako. Of all the examples that she could give, talagang 'yon pa ang binanggit niya?
Anyway, sisimulan ko na ang plano namin. The clock was ticking and we had no time to waste. Ang pinakaunang hakbang para umayon ang lahat sa script ay kunin ang tiwala ng target.
"Diyan ka muna," paalam ko kay Charlotte bago tumakbo patungo kay president. Hindi pa siya masyadong nakakalayo kaya nahabol ko siya.
I walked at the same pace as her and took the box from her hands. Teka, ano nga kasi ulit ang pangalan niya? Agatha? Hay, bahala na. "Tulungan ko na kayo, Madam President."
"Ay, thank you!" Akala ko'y aangal pa siya sa kabutihang ginawa ko. Well, this act of kindness was not without reason. "Sorry kung naistorbo pa kita. May I know your name?"
"Erald from the QED Club," pagpapakilala ko. My lips tried to form a curve so I would look more friendly. Kahit ayaw ko, kailangan eh.
"Oh, that club!" Napapalakpak ang president na parang may sumaging billion peso idea sa isip niya. "Marami na akong narinig tungkol sa inyo. Magaling daw kayo pagdating sa deductions at pagso-solve ng mga problema. Remember the club fair incident? I was amazed sa ginawa n'yo."
Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi kahit nakakangawit sa muscle ng bibig ko. I bet that I looked like the most awkward person in the world at the moment. Ang hindi niya alam, ako mismo ang may pakana no'n, sa tulong ng K-OS Club.
"Gusto n'yo bang pakitaan ko kayo ng aking deduction prowess?" pagmamayabang ko.
"Sige nga.!Tingnan natin kung totoo ang mga tsismis tungkol sa club n'yo," may paghahamong tugon ng president.
Tinanggal ko muna ang nakabara sa aking lalamunan sa pamamagitan ng pag-ubo bago ako nagsimula. "May gusto ka sa vice president, tama?"
Nanlaki ang mga mata niya, namula ang pisngi at bahagyang bumuka ang bibig. She wanted to say something, but she was holding back. Hindi tuloy siya kaagad nakasagot. "A-Ano bang sinasabi mo?"
"Ang pagbubuhat mo ng kahon na ito ay isang test para sa kanya, tama? Gusto mong malaman kung magpapaka-gentleman siya at tutulungan ka niya. Ang kaso, hindi umayon ang lahat sa inaasahan dahil bigla siyang umalis."
"Na-Nagkakamali ka," pailing-iling pa niyang depensa sa sarili. The blushing of her face was enough to tell me that my deduction was spot on. "Friend lang ang turing ko kay Bruce. Don't look into it too much."
"Eh? Bakit kaninang nasa Batyawan Hall tayo, panay ang sulyap mo habang nagsasalita siya? At habang nakatingin ka sa kanya, lumalaki ang pupils ng mga mata mo, isang indikasyon na attracted ka sa kanya. Kung wala talaga sa 'yo iyon, bakit pinagpapawisan ka ngayon? Dahil ba nababahala kang may nakabuko sa nararamdaman mo?"
My mouth was like a machine gun, shooting observations left and right that may or may not make sense. Gusto kong mahuli sa sarili niyang bibig ang isda kaya kung ano-anong pain ang pinagbabato ko.
Tumigil siya sa paglalakad at tumugon ng isang ngiti. "Minsan nakakatakot ang mga tulad n'yo na kayang basahin ang iniisip o nararamdaman ng isang tao sa pag-oobserba ng maliliit na detalye."
"You cannot complete the big picture without the small puzzle pieces." Ngayong kumagat na siya sa pain ko, kailangan ko na siyang hilahin pataas at ilabas mula sa tubig. Oras na para ilatag ang next phase. "Gusto mo rin bang malaman kung reciprocated ang feelings mo sa kanya?"
"I don't think na mutual ang feelings namin sa isa't isa." Napawi ang saya sa mukha ni president at may umukit na kalungkutan dito. "Lagi niya akong binabalewala. Kahit ako ang student council president, minsan parang nakababatang kapatid ang turing niya sa akin na pwede niyang asar-asarin."
"Sa tingin ko, magkatulad kami ni vice president pagdating sa pagha-handle ng feelings." Naging seryoso ang tono ko, dahilan para mapatingin siya sa akin. "Minsan idine-deny namin ang nararamdaman namin sa takot na baka masira ang status quo. May ilan kasi na kapag nag-confess ng pag-ibig sa isang tao, nasisira ang friendship nila. Minsan pa nga, nagiging strangers na sila."
"Ang saklap naman. Nangyari na ba sa 'yo iyon?"
"Sa kasamaang palad, oo." Heh. Biro lang. Ni hindi ko pa nga talaga na-experience na ma-in love kaya paano ko malalaman ang kakayahan ko sa pagha-handle ng feelings? Lahat ng sinabi ko'y kasinungalingan para makuha ang loob ni president. And it was working.
"Kaya mas mabuti kung kaagad mong malalaman ang tunay na nararamdaman niya para sa 'yo," I finished my nonsense blabbering.
"Pero paano?" tanong niya. "Humihingi ako ng signs pero lahat ng iyon, hindi tumatama."
"Ganito ang dapat mong gawin. Mamayang gabi, bago mag-dinner..."
* * *
Mabilis na natapos ang buong araw ng sunod-sunod na seminar. Kung hindi ko sana katabi si Charlotte, malamang ay natulugan ko na ang lahat ng sessions. I may be physically present in the session room, but my thoughts were elsewhere.
Nagtago na ang haring-araw at sumulpot na sa mapanglaw na kalangitan ang nagliliwanag na buwan kasama ang mga alipores nitong bituin. Kaming tatlo na taga-QED Club, nakatambay sa likod ng mga puno, malapit sa walang tubig na swimming pool.
"Ano bang hinihintay natin dito?" tanong ni Charlotte na ilang beses nang napatingin sa clock display ng kanyang phone. Hey, we were out here for just fifteen minutes and she got bored already? Patience!
Inilapit ko sa aking hintuturo sa labi ko. "Huwag kang maingay! Baka matunugan tayo."
"Hinihintay ba natin ang pagdating ni Agnes dito?" Clyde leaned his back against a tree. Sana kagatin siya ng mga langgam diyan. "Ano bang sinabi mo sa kanya at bakit sigurado kang pupunta siya rito?"
Siniko ako ni Charlotte sa braso, halatang hindi makapaghintay kung ano ang gagawin namin. "Hey, i-orient mo naman kami. Wala kaming kaideya-ideya sa kabuuan ng plano mo."
What's the rush?
I let out a sigh before answering their questions. "Kaninang umaga, nangako ako kay president na tutulungan ko siyang i-reveal ang nararamdaman ng vice president sa kanya. Sinabi ko sa kanyang ise-set-up ko silang dalawa rito para magkaaminan na sila."
Clyde squinted his eyes. "Pero..."
"Pero hindi ko ginawa 'yon. Ni hindi ko nga nakausap ang vice president magmula nang dumating tayo rito."
"Eh?" Bahagyang napalakas ang boses ni Charlotte. I had to shush her again. "So what's the sense of this set-up?"
"Sinabi mong in denial ang vice president sa kanyang feelings para sa president, tama?" I recalled. "Kung itinuloy ko ang ganitong set-up, sa tingin mo ba talagang aamin ang lalaking 'yon? Dapat may compelling force na mag-intervene sa kanilang dalawa. At 'yon ay ang pag-kidnap natin sa babaeng kakarating lang dito."
Nakita namin ang figure ng student council president, palingon-lingon sa paligid at halatang may hinahanap. She was so gullible that she agreed to come here alone. If I had any malicious motives, she would easily fall for my trap.
"I talked to the secretary earlier," bulong ko habang pinapanood ang paglapit ng president sa hindi masyadong naiilawang parte ng daan. "Ipinasiguro ko sa kanya na lahat ng mga attendee maliban sa ating tatlo ay nasa loob ng Batyawan Hall para walang umistorbo sa atin."
"Okay. So we are here and she's also here. What are we gonna do?"
Isinuot ko ang dala kong ski mask at inilabas ang isang panyo na may chloroform. Mabagal akong naglakad patungo kay president, nag-iingat na huwag gumawa ng kahit anong ingay.
Luckily, her back was turned to me the moment I reached her position. Kaagad kong tinakpan ng panyo ang kanyang ilong at bibig. Sinubukan niyang sumigaw at magpumiglas pero makalipas ang ilang segundo, tuluyan na siyang nawalan ng malay.
So this was how it felt like to be a kidnapper.
When the coast was clear, lumapit sa akin sina Charlotte at Clyde, naging maingat din sa kanilang paglalakad at palingon-lingon sa kaliwa't kanan, tinitiyak na walang paparating sa kinatatayuan namin.
"Bale ganito ang gagawin natin," sabi ko sabay tanggal sa ski mask. "Charlotte, pumasok ka sa Batyawan Hall at umarte na nakita mong may dumukot kay president. Dalhin mo ang kanyang phone na tatawagan natin mamaya."
"Si-Sige, I will do my best to act," she replied with a little hesitation.
"Good!" Sunod na nabaling ang tingin ko kay Clyde at iniabot sa kanya ang susi na nakalakip sa isang papel. "At ikaw naman, dalhin mo ang babaeng 'to sa lugar na pagtataguan natin. Gamitin mo ito para makapasok doon. Sundan mo ang mga instruction diyan at kapag okay na ang lahat, bumalik ka na sa Batyawan Hall."
Clyde eyed the piece of paper suspiciously before taking it from me. "What would happen next?"
"Tatawagan natin ang phone ng president na nasa kamay na dapat ng sinumang nasa hall at ibibigay sa kanila ang code." Inilabas ko ang aking phone at nagsimulang mag-type sa screen nito.
O A G B W Q Z N R T A W O V
I showed them a series of letter that would not make any sense at the first glance. "Ito ang code na gagamitin natin. At ang clue para ma-crack ito ay isa sa mahahalagang araw sa buhay ng student council president."
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top