CHAPTER FIVE: End With A Pak!

ERALD

THE K-OS Club wanted to have some fun? Fine, we would play along.

"A-Anong gagawin natin? Paano natin made-defuse itong bomba?" nangangambang tanong ng lalaking nakatutok sa package. Nakita ko sa paggalaw ng kanyang lalamunan ang paglunok niya ng laway, malamang dahil sa takot.

Time to enter scene. He had nothing to be afraid of. Our club would come to save the day... just like what our predecessors did a few years ago.

"Dala mo ba ang camera mo?" tanong ko kay Charlotte. She gazed at the Chemistry Society booth where almost every student in the open area gathered. May bahid ng pagkabahala ang kanyang mukha, which wasn't surprising because of our situation.

"Oo, bakit? Do you need to use it?"

"Let's consider this case as one of our club activities. Kailangan natin ng documentation, 'di ba?" sagot ko. Inalis na niya ang kanyang pagkakahawak sa braso ko. "Ayos lang ba kung ikaw na bahala roon?"

"Leave it to me!" Nanumbalik na ang sigla niya kumpara kanina. Pumunta siya sa aming booth para kunin ang kanyang camera at isinabit ito sa kanyang leeg.

I went to the Chemistry Society booth where onlookers had nothing better to do than stare at the bomb. May ilan pa ngang nananalangin na yata sa kanila. I had to slip through the crowd before reaching the table.

"Walang mangyayari kung tititigan lang natin 'yan." Mabilis kong nakuha ang atensyon ng lahat. My classmate Clyde was among the crowd watching my every move closely. "Sa ginagawa n'yo, nagsasayang kayo ng oras."

"Si-Sino ka ba?"

"Forgive my manners, I forgot to introduce myself. My name's Erald Castell, proud member of the QED Club." Itinuro ko ang booth namin sa kaliwa. "Sa mga ganitong sitwasyon, handa ang aming club na tumulong sa inyo."

"QED Club? Meron palang gano'ng klaseng organization, 'no?" bulong ng ilang estudyanteng nasa likuran ko. Parang first time pa lang nilang marinig ang club namin. Nakakainsulto. Imbes na patulan ko sila, minabuti kong tumahimik at magpokus sa kung ano ang dapat gawin.

"That's the only detective club in this school." To my surprise, Clyde took the initiative to explain what we do. "Dissolved by the school admin a few years ago, the club is ready to make its comeback today. Tama ba ako, Erald?"

"Talaga? May detective club pala rito?"

"Ah, oo! Parang may naikwento ang mga senior ko noon!"

His tone suggested that he knew what I intended to do. Did he see through my plans again? Wala bang nakakalampas sa observation skills ng lalaking 'to? Or was I that too predictable?

I shrugged him off my thoughts. Sa ngayo'y mas importanteng ma-defuse ang bomba at magpakitang-gilas sa mga estudyante rito. Kapag nagawa ko 'yon, aayon ang lahat sa aking plano.

"Mr. Detective, paano mo kami matutulungan?" tanong ng lalaking nasa kanan ko. "Kahit nga kaming taga-ChemSoc, hindi alam kung paano ide-deactivate ang bombang 'to!"

Hindi kasi tayo magka-level ng utak. I would have told him that if only it wouldn't make the situation worse. Inilapit ko sa 'kin ang mapanganib na kahon para tingnan kung ano ang laman nito. Around twelve minutes was left on the timer. An old cellular phone attached to three wires with distinct colors was also found in the box.

Sa puntong ito, wala nang dapat sayanging anumang segundo.

"May mga nabasa na ako tungkol sa improvised explosive device." Maingat kong sinuri ang bomba habang nakatapat 'to sa aking eye level. "Some bomb squad uses self-controlled explosions to dispose of it. Papasabugin nila ang bomba gamit ang ibang pampasabog."

All eyes were on me. Nagmukha akong professor na nag-e-explain ng science lesson namin.

"But we don't have other explosives here. Thus the usual method isn't applicable," I continued. "Para sa tulad nating high school students, ang magagawa natin ay putulin ang wire na nagkokonekta sa battery at sa detonator nito."

Narinig ko ang pagkamangha ng ilang estudyante sa tabi ko. Through my peripheral vision, I noticed that Charlotte was repeatedly clicking her camera's shutter button. I pretended that I did not know she was there. Gusto ko kasing magmukhang stolen ang kuha niya kahit hindi.

"Nakasisiguro ba tayong bomba talaga 'yan at hindi isang masamang biro lang?" tanong ng isa pang estudyante. "Baka kasi tinatakot tayo ng mga kumag para guluhin ang event natin!"

Sasagot sana ako sa tanong niya nang biglang may naunang nagsalita sa 'kin.

"Kapag umabot sa zero ang timer, posibleng usok ang lumabas diyan," hirit ni Clyde. He beat me to the punch! "Posible ring mag-spray ng tubig o gumawa ng nakabibinging ingay. Depende sa kung ano ang trip ng may gawa niyan. We can't be so sure until the timer expires."

Gaya ng inaasahan sa lalaking ipinagmamalaki ang tinatawag niyang memory palace, he knew those non-essential details. Speaking of which, I'd like to put his special skill into the test.

"Alam mo ba kung paano mag-defuse ng bomba?" naghahamon kong tanong. "'Di ba meron kang memory palace? Baka matulungan tayo ng ipinagmamayabang mo sa ganitong sitwasyon?"

He raised both hands as if he was surrendering. "Sorry, wala pa akong na-encounter na bomb defusal techniques. May mga napanood ako sa TV kung paano pero hindi talaga gano'n ang proseso, 'di ba?"

Sabi na nga ba, may limitasyon ang kakayahan niya. Mukhang sa 'kin na nakasalalay ang buhay ng lahat. That would play well on my part. Walang sisingit. Walang makakaagaw sa atensyon ng mga estudyante rito.

The fools from the K-OS Club said earlier that they left a clue here. Muli kong in-inspect ang package kung totoo ang sinabi nila. I found a piece of paper inside the box and carefully pulled it out so the others could see. Maliban sa papel, may nakita rin akong tatlong wires sa bomba na kulay asul, dilaw at pula.

"Kailangan nating putulin ang mga wire para tumigil ang timer," I told the crowd as my fingers traced where these wires were connected. "In some action movies, the protagonists cut the red wire. Pero iba ang nangyayari sa pelikula at sa totoong buhay. Sa tingin ko, hindi rin gano'n katanga ang gumawa nito para gayahin ang nasa movie."

I was careful not to touch something that I should not. Ayaw kong magkalasog-lasog ang katawan ko.

"Paano natin made-defuse 'yan?"

Itinuro ko ang papel na kanina pa nila tinititigan. "Salamat sa K-OS Club, naisipan nilang bigyan tayo ng clues kung paano. That piece of paper would be our salvation."

There was nothing else in the box so I placed it on the table. Dapat ngayong pagtuonan ng pansin ang palaisipang nakasulat sa papel.

Ten minutes before the explosion.

Napakamot ako ng ulo habang binabasa ang clue. Kahit pagbali-baligtarin ko ang papel, hindi ko maisip kung paano naging hint ang bugtong na nakasulat dito.

Were those typographical errors? Or did those K-OS buffoons use words that never existed in the dictionary? Kahit yata saang version tingnan, mapa-Merriam-Webster o Oxford English Dictionary, hindi ko makikita ang mga salitang "lhis" at "lhroughoul."

"Dot the i's and cross the t's... Isa 'yong idiomatic expression, 'di ba?" bulong ni Charlotte. Itinutok niya ang kanyang camera sa papel para kunan ng litrato. She was taking her role seriously, huh?

"That can be a riddle or a cipher," Clyde commented. Wala na nga siyang naitutulong, nagbibigay pa siya ng unnecessary side comments. "This is indeed your turf, Erald. I heard that your predecessors in the QED Club were fond of solving riddles."

"Kaya nga wala kayong dapat ikabahala dahil nandito kami!" I jerked my thumb to myself, speaking confidently. To be honest, I wasn't aware that our seniors did this sort of thing. Thanks for telling me, four eyes!

Back to the clue. Walang tuldok ang lahat ng mga "i" at kulang ng gitling ang ilang letter "l" na pwedeng maging "t." Baka gusto nilang gawin naming literal ang interpretasyon sa unang line?

Gamit ang aking ballpoint pen, sinimulan kong tuldukan ang mga "i" at gitlingan ang mga "t." Charlotte continued clicking the shutter button. The pressure doubled when everyone's attention was on me, watching closely on how I would decipher this.

Nang muli kong basahin ang riddle, nagkaroon na sa wakas ng sense ang bawat line. But no matter how many times my eyes read it, I couldn't squeeze anything out of it. Ni hindi man na-reveal kung aling wire ang dapat putulin sa tatlo. If I ever meet the K-OS Club, I would tell them not to make their clues too vague.

"Baka may nakatagong message diyan!" pagulat na sabi ni Charlotte, kinunan naman ngayon ang corrected version ng riddle. Thanks for stating the obvious. Hindi basta-basta papadaliin ng mga kumag ang buhay namin.

Bakit kaya kailangan ko pang tuldukan ang mga "i" at gitlingan ang mga "t"? Baka wala mismo sa bugtong ang clue. Pwede kasing pampalito lamang ito para ma-divert ang atensyon namin sa totoong hint.

Tuldok. Gitling. Ano bang meron sa inyo?

"Morse Code."

Sabay-sabay kaming napalingon kay Clyde na saktong nakahawak sa bridge ng kanyang salamin. Lumapit siya sa akin at itinuro ang mga tuldok at gitling na isinulat ko.

"I read about a way of communication that is based on short and long signals," he explained. Kanina, sa akin nakatutok ang spotlight. Ngayon, nasa kanya na. He was such a scene stealer. "Sa written form, ang katumbas nito ay dots at dashes katulad ng tuldok at gitling na inilagay mo."

Thanks sa trivia, Kuya Kim. Malamang galing 'yon sa ipinagmamalaki niyang memory palace. Sige na nga, papatulan ko na.

"At paano natin mababasa ang code?" tanong ko.

Kinuha niya ang ballpoint pen ko at sinulatan ang papel. Hindi lang eksena ang ninanakaw niya, pati na ang panulat. "Every letter of the alphabet is represented by a series of dots and dashes. Kunwari, tatlong dashes ay equivalent ng letter O habang tatlong dots ay equivalent ng letter S."

The more he talked, the more he wowed the crowd. Was he intentionally stealing the spotlight from me? Masama 'to. If he went on upstaging me in this bomb defusal, my plan would be in vain.

"Sige nga, kung alam mo ang Morse alphabet, subukan mong i-crack kung ano ang tinutukoy ng clue," hamon ko sa kanya. Kung hindi ko siya kayang tapatan sa pagbibigay ng trivia, pwede kong i-challenge kung ano ang nalalaman niya.

He shook his head. "Unfortunately, I haven't memorized every letter in Morse code. I did not save those pieces of information in my memory palace."

Nagmamayabang siya tapos hindi naman pala niya alam? Ang akala ko ba matinik ang memory palace niya? But that's okay. I could steal the spotlight again from him.

"The first line is B! The second line is L!" Nagulat kami nang biglang magsalita sa likuran ko si Charlotte. She was reading something on her phone screen while glancing at the piece of paper. Aanhin mo nga naman ang memory palace kung may internet connection ka? Pareng Google is the undisputed source of answer to any question we could think of.

All the while, I thought that our club president was only a mascot who loves taking photos. Her sudden move to turn to the famous search engine for help surprised me. She may not have the deduction skills that she claimed to possess, but she definitely used her common sense in this case.

"The third line is U while the fourth one is E!"

I appreciated her telling me the answers but I should be the one to crack the code. Hiniram ko ang kanyang phone at ginawang reference ang naka-flash na Morse Code alphabet sa kanyang mobile browser.

It took me less than a minute to reveal a sensible answer.

BLUEYELLOWRED

Asul, dilaw, pula. Dapat sunod-sunod na putulin ang mga wire sa gano'ng order!

They handed me a pair of pliers as soon as I asked for it. Dahil ako ang may lakas ng loob na harapin ang bombang 'to, ako na mismo ang puputol sa mga kable. Lumayo ang mga estudyanteng nakapalibot sa akin sa takot na baka maling wire ang matamaan ko at sumabog ang bomba.

"Are you ready?" tanong ni Charlotte. The worry on her face resurfaced again, but she tried to maintain her composure.

Hindi ko na kailangang sumagot. Kung mali man ang pagkaka-decode ko at bigla itong sumabog, at least marami akong makakasama papunta sa kabilang mundo. The more the merrier, sabi nga nila.

Two minutes before the explosion.

Lumunok muna ako ng laway bago ko ipitin sa ngipin ng plais ang asul na wire. Parang tumigil ang mundo nang maputol ko 'to. Wala ni isang nagsalita. Walang gumalaw. Tila tumigil sa paghinga ang lahat. Tanging bugso ng hangin ang maririnig sa paligid.

I cut the correct wire, but the clock was still ticking.

Limang segundo ang lumipas bago ko sunod na pinutol ang dilaw na wire. Napapikit ang mga kasama ko, nananalangin na sana'y hindi ako nagkamali.

Again, nothing happened, but the timer was still counting down.

One minute before the explosion.

Binitawan ko muna ang plais sa mesa at nag-unat-unat. Nangawit ang mga braso kong dahan-dahang pinutol ang dalawang wire. Mabuti nga sila, pinapanood lang ako.

"Ho-Hoy! Ano'ng ginagawa mo? Ilang segundo na lang, sasabog na 'yan!" sigaw ng isang babaeng nasa gawing kaliwa ko. "Gusto mo bang mag-suicide at idamay kami?"

I wiped off the smug look on my face and put on a mask of sadness. Not an actual mask, but I pretended as if all hopes were lost. "So-Sorry, I did my best. Na-Naputol ko na ang tatlong wire pero 'di pa rin tumitigil ang timer. Mu-Mukhang nagkamali ako."

"A-ANO?!"

One end of my lips was forming a curve, but I tried to control it. Gusto kong kuhanan ng litrato ang mga pagmumukha nila. Nanlaki ang mga naluluha nilang mata at nanginig ang mga baba. May ilang napatakip ng mukha, napaluhod at nagsimulang mag-breakdown.

Oh, this was my kind of fun! Nakaka-enjoy talagang panoorin ang mga kaawa-awang nilalang na halos maglupasay na sa lupa. Masarap pala sa pakiramdam kapag hawak mo ang kaligtasan ng lahat. Ibibigay nila sa 'yo ang buong tiwala nila sa pag-asang ikaw ang magsisilbing Messiah.

I understood why the K-OS Club put up this show.

But playtime's over! Mabilis kong kinuha ang plais at pinutol ang pulang wire. The timer abruptly stopped at seven seconds remaining.

"Just kidding! Na-defuse ko na ang bomba!" Sinabayan ko pa ng ngiti ang aking announcement. Strangely, their reactions did not change. Hindi ba nila na-appreciate ang joke ko?

"Ba-Bakit? Bakit kailangan mo pa kaming takutin?"

Tumalikod ako at nakitang umiiyak si Charlotte. Nadungisan ng luha ang kanyang maamong mukha na pilit niyang pinupunasan gamit ang kamay. Kinakagat niya ang kanyang labi para mabawasan ang ingay na gawa niya.

"Masyado kasi kayong seryoso kaya naisipan kong mag-joke. You know, to lighten up the mood-"

PAK!

Isang malutong na sampal ang kanyang itinapal sa mukha ko. Sa lakas ng tunog, napatingin sa 'min ang ilang estudyante. I may be numb sometimes but that slap hurt. My cheek was swelling, no doubt. People stared at me with curious looks on their faces. The red handprint she left must be easily noticeable.

Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya pero tumakbo siya palayo sa 'kin nang hindi nagpapaalam. Was she that sensitive? It was all in good fun!

Mas makabubuti siguro kung hahayaan ko munang humupa ang tensyon. If I chased after her wherever she was going, she might slap my other cheek.

I reminded myself: Hindi dapat magpakita ng kahit anong emosyon ang kontrabida sa mga tulad niya. I had nothing to apologize in the first place.

"Well played."

That voice was too familiar, I could recognize it even if my eyes were closed. Clyde appeared on my right, slowly clapping. His irritating smirk and his shining eyeglasses made him look more sinister. He was supposed to be the good guy here, but he was emitting an entirely different aura.

"Your dirty tricks never fail to amaze me." Tinapik niya ako sa balikat kagaya noong nagkaharap kami sa Mental Combat. "Bravo."

"Dirty tricks? Tinutukoy mo ba ang masamang biro ko kanina?" tanong ko.

His eyes averted his gaze, but he was standing beside me. "Such a shame that the K-OS Club ruined this club fair with their bomb threat. Luckily, the QED Club is here to save the day. What a convenient coincidence, isn't it?"

He spoke as if he was implying that there's more to this case than meets the eye.

Without saying a word, Clyde walked away from the Chemistry Society booth. Despite my efforts to save them from a life-and-death situation, no one thought of thanking me.

Sa huli, ako pa yata ang nagmukhang masama kaysa maging bayani sa paningin ng iba. Kung tutuusin, gano'n naman talaga ang gusto kong mangyari, 'di ba?

The more important thing was that everything went according to plan.

q.e.d.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top