CHAPTER FIFTEEN: Turn the Tables
ERALD
LET THE game begin.
Pasimple akong bumalik sa Batyawan Hall na parang wala kaming ginawang krimen. Ganito pala ang feeling kapag may ginawa kang kalokohan. Parehong nakaka-excite at nakakakaba.
Nakahanda na ang mga pabilog na mesa na may mga nakahaing pagkain. Kaso hindi pa rin nag-uumpisa ang dinner. They couldn't start without the president.
"Nag-reply na ba siya sa inyo?" Narinig kong tanong ng vice president sa mga kasama niya sa student council. Maging si Maddie na kinuntsaba ko, umarte na parang walang alam. Why wasn't I surprised? She was so good at acting anyway. "Kanina pa dapat siya nandito, ah. Saan ba nagpunta ang babaeng 'yon?"
"Did you try calling her?"
"Oo, pero hindi siya sumasagot. Baka naiwan niya ang phone niya kung saan." Unti-unting pumipinta ang pagkabahala sa mukha ng lalaki. Sige, mag-alala ka pa para lalong magkaroon ng impact ang balitang ihahatid sa inyo ng kasama ko. This was going exactly as I had predicted.
Tahimik akong umiinom ng tubig sa isang sulok habang hinihintay ang first act ng play na ako mismo ang nag-direct. I wasn't only the director. I was also the scriptwriter. Everyone in this hall was my audience, except the actors that I had asked to play their part.
Makalipas ang ilang segundo, pumasok sa hall si Charlotte na tila nakakita ng multo sa daan patungo rito. Here comes my actress. Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago niya nilapitan ang mga student council officer na nasa harapan. Lights, camera, drama!
"E-Excuse me. Ma-May da-dapat kayong malaman," nauutal na sabi niya. Lumapit sa kanya ang mga nakiusyong officer. "Na-Nakita ko si Agnes sa labas kani-kanina, biglang may dumukot na lalaki sa kanya! Sinubukan ko siyang habulin pero mabilis ang takbo niya."
"A-Ano?!" Nanlaki ang mga mata ng vice president at halos malaglag ang panga sa pagkagulat. "Si-Sigurado ka ba riyan sa sinasabi mo?"
Iniabot ni Charlotte ang puting phone na kinuha namin kanina sa bulsa ng president. "Nahulog niya ito kanina. I wasn't sure at first, but when I saw the phone wallpaper, alam kong kay Agnes 'yan."
Naging mabibilis ang mga daliri ng vice president sa pagpindot sa screen ng phone, halatang natataranta na. "E-Eto nga ang phone ni Agnes. Sh*t! Sinong makakagawa nito? Nakita mo ba ang itsura ng taong dumukot sa kanya?"
Umiling si Charlotte. "May suot na ski mask 'yong lalaki kaya hindi ko nakita ang itsura niya pero may katangkaran siya - nasa five feet and six inches siguro - at malaki ang katawan."
Hindi ko in-expect na ganito pala kagaling umarte ang club president namin. Wala kasi 'yon sa script na ibinigay ko. Kumbaga sa isang kanta, magaling siyang mag-ad lib. Nagbigay pa siya ng fake description para linlangin ang sinumang susubok na hanapin ang lalaking tumangay sa walang malay na biktima.
"Reign!" tawag ng vice president sa lalaking abala sa pag-aayos ng gamit sa kabilang mesa. Nagmadali itong lumapit sa kanya at nagpukol ng nagtatakang tingin. "Tawagin mo ang lahat ng execom members na nandito at halughugin n'yo ang buong ecopark!"
"Halughugin? Bakit? May nangyari ba?" Reign looked at the concerned faces of his other colleagues.
"Nawawala ang president natin!" sagot ni Bruce. "May dumukot daw sa kanya."
Dahil malakas ang boses niya, narinig ng lahat ng nasa hall ang masamang balita. May halong pag-aalala at pagkaalarma ang mga itsura nila. Naisipan ko ngang kunan ng picture, kaso baka mahalatang ako lang ang nag-e-enjoy sa nangyari. Ang ilan pa nga sa tabi ko'y nagbulungan pa na parang mga bubuyog.
"It would be better if we ask for the help of the staff here," Maddie suggested, to which the vice president and Reign agreed. "Dapat sigurong mag-search tayo sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng mga taong nasa ecopark. Malamang doon nagtatago ang dumukot kay Agnes, kung hindi pa siya nakakaalis dito."
My fingers impatiently tapped on the table as if I was playing the piano. Clyde was taking too long to enter the scene. Dahil sa pekeng description na ibinigay ni Charlotte, malamang hindi siya paghinalaan kahit late siyang dumating dito sa hall.
Habang abala ang lahat sa pagtsitsismisan at kung ano ang dapat gawin, pumunta ako sa men's comfort room at ini-lock para masigurong walang mang-iistorbo sa akin. I went to a cubicle, took out my phone and typed the following message:
I know you really want to find her
But first, let me give you a code to decipher:
O A G B W Q Z N R T A W O V
If you don't know how to crack it, here's a clue:
Her birthdate should serve as your cue.
Still don't get it? Oh! It's quite too easy,
I'm getting impatient so you better hurry.
Pagka-send ko sa message sa number ng president, binuksan ko ang casing ng aking phone, inalis ang isang SIM card at inihagis ito sa inidoro. There's no way they could trace me. I always keep a spare SIM card just in case I need to make a prank call or send a bomb threat. Wala rin akong importanteng contact na naka-save doon.
Paglabas ng banyo, nakita kong nakalupong ang ilang estudyante kay Bruce. He was shaking his head frantically, his brows furrowed while staring at the phone he was holding. "A-Ano 'to? I-Isang code? Wa-Wala akong maintindihan."
"Someone wants to play with us. Is that why they abducted the president?" Maddie asked. Nakapamewang pa siya't pabalik-balik ang lakad sa tabi ng vice president. "What if we don't find her quickly? What will happen to her? Hopefully nothing bad."
"Ang sabi ng sender, baka maubusan siya ng pasensya kaya baka-Tsk! Kainis! Bakit ngayon pa nangyari ito?!" The vice president was fuming in rage, his confused face darkened. Anytime, baka masuntok niya ang kanyang katabing si Reign. If I were the execom chairman, I would distance myself from that man.
"Baka pakulo n'yo lang itong mga taga-council, ha?" someone in the crowd shouted. "Baka gusto n'yo lang kaming takutin?"
"Sa tingin mo ba makakagawa kami ng ganitong klaseng joke?" Ramdam ko sa bawat salitang binibitiwan ni Bruce ang pagkairita. Kulang na lang ay magbuga siya ng apoy sa init ng kanyang ulo. That's exactly what I was aiming for. Gusto kong makaramdam siya ng intense emotions para mas malakas ang impact ng plano ko.
Everything seemed to be going according to plan. But I couldn't say the same in the next moments. Kailangang siguruhin kong walang butas ang pakulo ko.
Nilapitan ko si Clyde na nakaupo sa isang mesa at pasimple siyang binulungan. Everyone's attention was on the vice president and his friends, so no one would mistake my whispers as part of the scheme at play. "Sinunod mo ba ang nakasulat sa instructions ko?"
"Yes, but may I know why you asked me to put a pingpong ball-"
I shushed him before he could complete what he was about to say. Every moment was critical and not a single word about our plan should be leaked or overheard.
Iniangat ko ang aking tingin at hinanap si Charlotte sa lupong ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa nangyari. Nang magtagpo ang tingin namin, sinenyasan ko siya na lumapit sa amin.
"Magiging okay ba ang lahat?" nababahala niyang tanong. Naimpluwensyahan na rin yata siya ng mood ng mga kasama namin sa hall. "Hindi ba't masyadong OA ang message na ipinadala mo sa kanila? Parang pinalabas mo na papatayin natin si Agnes kahit hindi naman."
"Minsan, kailangang bigyan ng illusion of danger ang ibang tao para mas bumilis ang physical reflexes at thought processes nila," sagot ko habang pinapanood ang mga hindi mapakaling council officer. Their reaction was priceless. Ito dapat ang kinukunan ng litrato ni Charlotte, hindi kung ano-ano.
"Wala na tayong oras para sa gimik na 'to!" sigaw ng vice president. "Reign, humingi ka na ng tulong sa staff ng ecopark. Sisimulan na natin ang paghahanap kay Agnes."
"How about the code?"
"Damn the code! Mas priority natin ang hanapin ang president kaysa i-crack ang isang bagay na hindi natin maintindihan!"
Wala nang nagtangkang tumutol sa utos ng vice president kaya nagsikilos na ang mga officer. Bago pa sila tuluyang makalabas ng hall, umeksena na ako. Now's the time to shine.
"Actually, hindi n'yo na kailangang magpagod at mag-aksaya ng oras."
Lumingon sa akin ang lahat ng mga tao sa hall na parang may dumating na celebrity. Spotlight naman diyan, oh. I stood in front of everyone, just a few steps away from the vice president. Sandaling nagkatagpo ang tingin namin ni Maddie bago kumalas ang mga mata ko.
"May ipinadala raw na code ang taong dumukot kay Madam President, tama ba?" Kunwari'y wala akong kaalam-alam sa pangyayari.
"Si-Sino ka?" Kumunot ang noo ni Bruce na kanina pa nagpa-panic. I asked him a question, and he chose to answer me with another question.
"You are lucky that the QED Club is here," I replied, before pointing my thumb to myself. "Ako nga pala si Erald, ang number one codebreaker sa Clark High."
Kung dati'y nagbubulungan ang mga estudyante kung ano ang "QED Club," ngayo'y mukhang namangha sila sa pag-eksena ko. Thanks to the article published in the Clarion, mas naging aware ang mga estudyante tungkol sa amin.
"Co-Codebreaker?" hindi makapaniwalang tugon ng vice president. "Kaya mo bang i-crack ang code na ito?"
Para saan ba na tinawag kong codebreaker ang sarili ko kung hindi ko kaya, 'di ba? Kaunting pag-iisip naman diyan, Mr. Vice! "Lahat ng mga code ay may sinusundang rules kaya posibleng ma-crack natin kahit ano pa 'yan."
"Kung confident ka sa codebreaking skills mo, sige, subukan mo kung kaya mong i-crack." Iniabot niya sa akin ang phone ng president. Lahat ng mga mata'y natuon na sa akin.
"Bago ko gawin 'yon, gusto muna kitang tanungin. Bakit sobra yata ang pagkabahala mo sa pagkawala ng president? Ang ilan sa mga kasama mo, napapanatili ang pagiging kalmado sa sitwasyong ito pero ikaw, para kang bulkan na malapit nang sumabog."
Subukan man niyang sagutin ang tanong ko, walang boses na lumabas sa kanyang bibig. He wouldn't be so concerned if he did not have any feelings for the missing woman.
"Gano'n ba siya kaimportante sa 'yo?" dagdag ko nang hindi tinitingnan ang reaksyon niya. "Kung ako sa 'yo, magpapakatotoo na ako sa nararamdaman ko."
Natahimik ang vice president habang nakayuko at tila pinag-isipan ang mga sinabi ko. Planting an idea would be a good start to make my plan succeed. Kung hindi niya mare-realize kung ano ang tinutukoy ko, all my efforts would be for naught.
"Anyway, unahin muna nating i-solve ito." On my cue, lumapit sa tabi ko sina Charlotte at Clyde. The performance was starting and I would be needing my assistants. "Ayon sa message, ang clue para ma-crack ito ay ang birthdate ng president. Alam n'yo naman siguro kung kailan 'yon, tama?"
"September 1, 1998."
As expected. "Pwede ba akong makahingi ng papel at bolpen?"
Mabilis akong inabutan ng mga taga-execom ng mga bagay na ini-request ko. Ipinatong ko sa mesa ang papel at isinulat ang series ng mga letra doon. Of course, I needed to act as if this was my first time seeing the code. And that was just a piece of cake.
O A G B W Q Z N R T A W O V
"Ang pinaka-common na type ng code ay ang Caesar cipher," paliwanag ko habang kunwari'y natsa-challenge sa pag-iisip ng sagot. "Kailangang i-move ng ilang beses ang mga letra. Pero dahil nabanggit ang birthdate bilang clue, malamang 'yon ang susundan nating bilang sa pagmo-move ng mga 'to."
"How will September 1, 1998 help solve this code?" Charlotte asked, totally clueless on what was going on. Hindi ko nga pala nasabi sa kanila kung anong klaseng code ang ginamit ko.
"Kailangan mo itong i-convert bilang numbers. Kapag nagsusulat tayo ng date, six-digit format ang ginagamit natin kaya sa kasong ito, ang birthdate niya ay magiging 090198. Isusulat ang bawat number sa ilalim ng bawat letra ng code."
"Pero may anim na digits lang ang birthdate samantalang may fourteen letters ang code," sumbat niya. Tahimik lang na nakamasid sa akin si Clyde at ang iba pang student council officers.
"Hindi 'yon problema. Uulitin mo lang mula sa umpisa ang pagsusulat ng birthdate. Bale ganito ang magiging kalalabasan."
O A G B W Q Z N R T A W O V
0 9 0 1 9 8 0 9 0 1 9 8 0 9
"Ang tawag dito ay 'date shift cipher' at ang decryption key ay isang petsa na dapat alam ng magde-decode. Ang number sa ilalim ng bawat letra ang magsasabi kung ilang beses natin dapat i-move ang mga ito. Kunwari sa letrang O, dahil 0 ang katapat niyang number, hindi natin siya gagalawin. Sa letrang A, subukan nating i-move ito nang siyam na beses pabalik."
"In reverse, it will be from A... Z, Y, X, W, V, U, T, S... R!" Binilang pa talaga ni Charlotte sa kanyang daliri ang bawat letrang nabanggit niya.
Dahil ako mismo ang gumawa ng code, alam ko na ang sagot dito. Ngunit para hindi magmukhang obvious, nagpanggap ako na kunwari'y nag-iisip at nagbibilang din ng mga letra para makuha ang nakatagong message. If Clyde wasn't part of this plan, I would be more cautious in my acting. But since he's also a conspirator, no other man in the room would be suspicious of me.
Ilang minuto lamang ang itinagal bago ko nakumpleto ang pag-crack. Ipinakita ko ang sagot sa mga estudyanteng nakapaligid sa akin, dahilan para sila'y mapamangha. Ano ba? That was just a basic code that I could crack with my eyes closed.
O R G A N I Z E R S R O O M
"O-Organizer's room?" May halong pagtataka ang boses ni Bruce, nakakunot ang noo na tila ayaw maniwala sa akin. "Si-Sigurado ka bang tama ang paraan mo ng pag-decode? Bakit diyan naman dadalhin si Agnes?"
"I believe that it is a matter of psychology," I answered, putting down the phone. "Normally, iisipin mong dinala ang biktima sa isang lugar na hindi madalas dinadaanan o pinupuntahan ng mga tao para mahirapan kayong maghanap. Malamang naisip ng dumukot kay president na baligtarin ang gano'ng way of thinking kaya pinili niya ang kwarto ninyong mga organizer. Kakaunti lang ang mag-aakalang doon siya dadalhin."
Lumingon ang vice president kay Reign at nagpukol ng seryosong tingin dito pati sa ibang miyembro ng execom. Time of the third act. "Guys, let's go!"
Kumaripas ng takbo ang ilan sa amin. Siyempre nakisali rin kaming taga-QED Club sa "fun run" ng student council. We ran for a couple of meters until we reached the villa where the student council officers were staying. Nadaanan din namin ang swimming pool na walang tubig.
Pagdating doon, nanginginig na ipinasok ng vice president ang susi sa doorknob at itinulak ang pinto. Basta-basta siya sumugod nang wala mang kahit anong pag-iingat. Kung totoong may masamang loob dito, tiyak na binaril o sinaksak na siya.
Pagbukas ni Bruce sa pinto at sa ilaw ng kwarto, nakita naming patagilid na nakahiga sa kama ang president. Naka-tape ang kanyang bibig at nakagapos ang mga kamay gamit ang lubid. Sa tapang ng pinaamoy kong chloroform, hanggang ngayo'y wala pa rin siyang malay. I had to give credit to Clyde for setting up this trick.
Dala na rin siguro ng pagkagulat sa kanyang nakita kaya natulala si Bruce. Ako na mismo ang lumapit sa walang malay na katawan ng president. Mabilis kong tinanggal ang pagkakatakip ng kanyang bibig at pagkakagapos niya. I touched her left wrist and tried to detect her pulse. Unfortunately, there was none.
"Ku-Kumusta siya? A-Ayos lang ba siya?" nag-aalalang tanong ng vice president na sa wakas ay nahimasmasan na rin.
I shook my head slowly, frowning. "Mukhang late na tayo. Hindi ko na maramdaman ang pulso niya."
Nanlaki ang mga mata niya at nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha. He also touched the president's left wrist and tried to search for her pulse. Nang wala siyang maramdaman, nakita kong walang tigil ang panginginig ng mga kamay niya.
Niyakap niya nang mahigpit ang katawan ng president, tumulo ang ilang butil ng luha sa kanyang kaliwang mata. How touching.
"Ku-Kung a-alam ko lang na ma-mangyayari ito, hindi na sana kita pinabayaang lumabas nang mag-isa kanina!" garalgal ang kanyang boses at medyo nauutal pa. Kahit kasing tapang ng leyon ang kanyang itsura, nagmukha siyang isang maamong pusa. "Hi-Hindi ko man lang nasabi sa 'yo ang nararamdaman ko. I love you, Agnes! Sana naririnig mo 'yon."
At dahil nagkaroon ng instant primetime drama rito sa villa, naluha rin ang ilan sa mga kasama namin, lalo na ang mga babae. Palihim akong napabuga ng hangin at umirap sa ibang direksyon. Napaka-corny kasi ng eksena, parang sa mga typical teen love story. Kung ang ilan sa kanila'y na-touch, ako nama'y halos masuka.
But this was the scenario that I had hoped for. Everything went according to plan, as always.
"Ba-Bakit ka umiiyak, Bruce?"
Nagulat ang lahat nang makita nilang namulat ang mga mata ng president. Kani-kanina lang, akala nila'y patay na ang babaeng nadatnan namin dito. Surprise! She's not yet dead, you fools. Punasan n'yo na ang mga luha n'yo.
"Pa-Paanong... Bu-Buhay ka? Pe-Pero wala ka nang pulso kanina? Hindi ba ako nananaginip?"
"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Mahina pa ang boses ng president, hindi pa siguro tuluyang nagigising ang kamalayan niya. "Teka, ano ba itong nasa damit ko?"
Inilabas niya ang isang maliit na bolang nakaipit sa kanyang kilikili at inihagis ito palayo. I watched how the ball rolled to one corner of the room.
Totoong wala na siyang pulso kanina kaya nga noong chineck ng vice president, inakala nitong patay na siya. The trick was done through the pingpong ball that was squeezed in her right underarm. Ipinahiga ko siya nang patagilid para ma-squeeze ang bola at mabigyan ito ng pressure. Sa gano'ng paraan, pansamantalang mawawalan ng pulso ang kaliwang kamay niya. If only the vice president was smart enough to check the pulse of the other hand, my trick would have been exposed.
I needed not to watch what was about to happen next. If my calculations were spot on, the two would finally admit their feelings to each other. I heard people in the room clapping, a sign that we have accomplished our mission. Kahit na nagkaproblema, all's well that ends well.
Lumabas na ako ng kwarto at iniwan silang nagyayakapan. Charlotte would surely not miss the opportunity to take a photo of that dramatic moment. Teka, nasaan na nga ba siya? Kanina ko pa siya hindi napapansin, ah? Mabuti pa si Clyde, nakita kong tahimik na nagmamasid sa isang sulok.
"Congratulations, your plan has succeeded," Maddie greeted me as soon as I emerged from the doorway. Her back was leaning against the white wall. Hindi rin siguro niya masikmura ang ka-sweet-an sa kwarto kaya nandito siya sa labas. Magkapatid nga kaming dalawa.
"Salamat dahil ipinahiram mo sa amin ang susi sa villa at tinulungan mo kaming maging smooth ang lahat," sagot ko nang magtagpo ang tingin namin. I never thought that any word of thanks to her would escape my lips. "Mas napadali ang pagsasagawa ng plano namin dahil sa 'yo."
"Don't mention it. I should be the one thanking you," my sister's tone changed from casual to serious. "Thank you, sincerely, thank you."
Napalunok ako ng laway nang makita ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Maddie. Ewan pero nakaramdam ako ng pagkabagabag habang pinapanood ko siyang maglakad papasok sa kwarto kung saan nagse-celebrate ang lahat.
I had a bad feeling about that malicious curve in her rosy lips.
"My hunch is correct."
A familiar voice compelled me to turn around. Naglalakad patungo sa kinatatayuan ko si Reign na nagtatago pala sa isang sulok at posibleng nakinig sa pinag-usapan namin ni Maddie.
"W-What do you mean?" I tried to not look surprised upon acknowledging his presence. Relax ka lang, Erald. Kailangang panatilihin mo ang iyong poker face. Hindi niya dapat mabasa sa mga kilos at reaksyon mo na tama nga kung anuman ang iniisip niya.
"Earlier this morning, you asked Madeleine about Agnes' birthdate. That was a seemingly harmless question." Ipinasok niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay niya at huminto sa tapat ko. His scrutinizing eyes stared down at me. "But considering what happened here, do you think it was just a coincidence that the clue to cracking the code was the birthdate of the president?"
"Huwag kang mag-overthink," I chuckled, trying to downplay his suspicions. "Nagkataon lang na naisip sigurong gamitin ng salarin ang impormasyong 'yon. Porke ba naitanong ko kung kailan ang birthdate ng president, ako na kaagad ang may pakana nito? May tawag diyan, eh. Ah! Coincidence!"
"Coincidence din kaya na kayong tatlong taga-QED Club ang wala sa Batyawan Hall noong oras na lumabas si Agnes?" Reign shot another question, looking determined to pin me down as the mastermind. "I am no detective, but I can deduce that you three conspired to execute this plan. Is that right?"
Lagot. Hindi ko inakalang may makakapagkonekta sa mga tuldok ng kasong ito. Bilis! Kailangan kong umisip ng palusot kundi mabubuking ang ginawa namin nina Charlotte at Clyde!
"You are fortunate that nothing untoward happened to the president," he smiled. "I can let this incident slide and not hold you 'accountable' for the little mess that you created. I'd like to believe that you have a good and valid reason for doing so."
Tinapik niya ako sa balikat bago siya pumasok sa kwarto. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang umalis na siya sa tabi ko. Muntikan na nga akong atakihin sa puso. Ang akala ko'y ipagsisigawan na niya sa lahat ang ginawa namin.
At least, nakalusot kami sa ngayon. I thought only Clyde was capable of tracing my schemes back to me. Now there's another one: Reign Imperial.
At dito nagtatapos ang request sa amin ni Maddie.
Beep! Beep! Beep!
Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong biglang nag-vibrate ang aking phone. Charlotte's name and number were flashing on the screen. Sumilip ako sa loob para tingnan kung nandoon siya pero tanging si Clyde ang nakita ko.
Saan kaya siya nagsusuot at bakit niya ako tinatawagan? Huwag niyang sabihing naligaw siya ng daan papunta rito sa villa?
"Charlotte? Mabuti napatawag ka? Nasaan ka na ba, ha?"
"Hello, Erald Castell." Isang pamilyar na boses ng lalaki ang sumagot sa akin. I already heard that voice before but I couldn't recall when and where. Posible ba kayang pinagti-trip-an ako ng aming club president? May downloadable kasi na voice changer app kaya baka 'yon ang ginagamit niya. "Did you miss me?"
"Hindi mo ako maloloko, Charlotte," I answered. "Ang mabuti pa, itigil mo na ang kalokohang 'yan at pumunta ka na rito sa villa ng student council."
"Sorry, Charlotte can't come to the phone right now," the voice on the other line replied. "Why? Because she's been abducted!"
Doon ko na naalala kung kanino ang boses na 'yon. How could I forget that playful yet threatening voice? That person and I have already met before at the rooftop after the club fair incident.
"Torry..." I muttered. "Bakit nasa 'yo ang phone ni Charlotte?"
"I have a riddle for you, Erald! I wasn't invited in your leadership training seminar and I'm nowhere near the ecopark. So how did I manage to talk to you through your club president's phone?" he asked.
"I've got no time for riddles," I responded. "Itigil mo na ang-"
"I knew you would say that so let me reveal the trick," Torry cut my words short. "This was just recording being played by one of my friends, who abducted your friend, through your club president's phone."
Ano?
"Oh, don't be amazed! I managed to predict what words would come out of your mouth before you actually say them," Torry said. "Now let's get down to business, shall we?"
"What business?" Totoo kayang isang voice recording lang ang kausap ko ngayon?
"We want to play a game."
"Game? What game?" nababahala kong tanong. I looked behind me to see if anyone's around. Everyone's still busy with the cheap romance subplot in the organizer's room.
Sino bang mag-e-expect na magpaparamdam ang K-OS Club dito sa leadership seminar? Not to mention, weekend ngayon. Wala ba silang day-off para sa mga kalokohan nila?
"Bibigyan ko kayo ng pitong minuto para hanapin ang inyong pinakamamahal na club president," sagot ni Torry. "I hate time pressure but I found it to be an effective compelling force. Kapag hindi n'yo siya nahanap sa time limit, something bad might happen to her. Ha-ha-ha-ha!"
"Se-Seryoso ka ba, ha? Wala namang ganyanan!" I protested. "Ang akala ko ba gusto mo lang maglaro? Bakit meron kang ganyang paand-"
"Walang thrill kung walang mabigat na kapalit kapag natalo kayo, 'di ba?" he said, followed by a maniacal laughter. "The higher the risk, the more enjoyable the game is. Don't you agree?"
Napakuyom ang mga kamao ko habang pinapakinggan ang nakakairita niyang tawa. Kapag nakita ko ulit ang Torry na 'to, sisiguruhin kong mapupuno ng black eye ang kanyang mukha. I swear.
"The clock is ticking! Good luck, number one codebreaker," paalam niya bago ibaba ang tawag.
Naiinis ako, hindi dahil dinukot nila si Charlotte, kundi dahil may biglang sumulpot at umagaw sa papel ko bilang kontrabida. This was supposed to be my show, not theirs.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top