CHAPTER ELEVEN: Black and White
ERALD
NAPAKAALIWALAS NG panahon. Mabagal ang paggalaw ng mga ulap na parang lumulutang na cotton candy sa kalangitan. Nakatirik na ang araw sa itaas pero dahil nasa nalililimang parte ako ng rooftop, hindi ako natatamaan ng sinag nito.
My morning break would have been perfect... if it wasn't for the noises nearby.
"Hoy, bakit parang iniiwasan mo na kami, ha?" Narinig ko ang boses ng isang lalaki sa may hagdanan. Puno ng kayabangan ang tono nito na parang isang hari na dapat paglingkuran. The typical bully.
"Ka-Kasi me-medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw," paliwanag ng isa pang lalaking may nanginginig na boses. I could imagine his knees shaking out of fear. "Hi-Hindi ko kayo iniiwasan!"
"Talaga, ha? Dahil diyan, doble 'yong ibibigay mo sa amin ngayong araw."
"Pe-Pero wala na akong pambili ng lu—"
"Walang pero-pero!" bulyaw ng mayabang na lalaki. "Kasalanan mo kasi hindi ka nagpakita sa amin!"
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa ilalim. Wala na akong narinig na protesta sa inaaping lalaki kaya malamang, pinagbigyan niya ang pambu-bully ng mga nakapalibot sa kanya.
"'Yan ang gusto ko sa 'yo e, madaling kausap! Sa uulitin, ha!"
Nakinig lang ako sa pag-uusap nila habang nakatingala sa langit. If I were a student with a strong sense of justice, I would have stopped the bully and scolded him for what he was doing.
Kung sigurong ang Erald na nasa rooftop ngayon ay ang hangal na Erald noon, malamang gano'n ang ginawa ko. Years passed. Things changed. I'm no longer the person that I used to be.
Back in my elementary days, I dreamt of becoming a hero. Dahil nasa murang kaisipan pa lang ako noon, may pagka-idealistic pa ako. Sumali ako noon sa Volunteer Club kung saan tumutulong kami sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong. Kung may nahihirapan sa kanilang lesson o may dapat na ayusing school event, to the rescue kami sa kanila.
There was always a feeling of satisfaction whenever we helped someone. Nakagagaan ng pakiramdam at masasabing "worth it" ang oras at pagod namin. Dahil doon, naging motto ko nang tumulong sa mga dapat tulungan kahit walang kapalit. Kaya nga noong minsan, apat na taon na ang nakakaraan...
"Tama na!" Hinarangan ko ang isang grupo ng mga lalaking binuhusan ng timba ng tubig ang kanilang kaawa-awang biktima. Kahit payat pa ako noon, naglakas-loob akong pumagitna sa kanila.
"At sino ka para humarang-harang sa amin? Kaibigan ka ba niya?" tanong ng lalaking malaki ang katawan. May tumutulo pang sipon sa ilong niya pero hindi niya napapansin.
"Bakit? Kailangan ko bang maging kaibigan ang isang tao para tulungan ko siya?" nagmamatapang kong sagot. Nagkasukatan kami ng tingin ng lider ng mga bully na kamukha ni Damulag sa Doraemon.
Alam kong nasa disadvantage ako dahil tatlo sila habang nag-iisa lang akong pumoprotekta sa kanilang binu-bully. Wais din ang mga kumag dahil sa school garden nila dinala ang biktima. Walang dumaraan na ibang estudyante o teacher dito kaya perpect spot ito sa mga krimen.
Pinatunog ng mga lalaki ang mga kamao nila ngunit hindi ako natinag. Tinitigan ko lang silang tatlo ng mga kalmado kong mata.
"Sino ba kayo sa akala n'yo, ha? Porke ba mukha kayong tigasin, may karapatan na kayong mam-bully? Malalaki nga ang mga katawan ninyo pero 'yang utak at puso n'yo, walang laman."
"A-Anong sinabi mo?! Ang kapal naman ng mukha mong laitin kami!"
"Ang lakas ng loob ng payatot na 'to, a! Akala mo kung sinong magsalita!"
"Tingnan natin kung makakapagyabang ka pa kapag natikman mo ang mga kamao namin!"
At 'yon ang una't huling suntukan na kinasangkutan ko sa aking elementary life. I was obviously outnumbered so I had to endure all of their punches and kicks. Pinatakas ko ang kaawa-awang estudyanteng sinagip ko at hinayaan ang tatlong kumag na gulpihin ako.
Mabuti na lang, bumalik siya na may kasamang guard at mga teacher. Kaagad silang pumagitan sa amin. Dahil sa mga tinamo kong bugbog, halos hindi na ako makatayo mula sa pagkakatumba.
Kahit namamaga ang kaliwang mata ko at masakit ang katawan ko, masaya pa rin ako dahil may natulungan akong estudyante.
Ngunit hindi lahat, na-appreciate ang effort ko.
"Ano na namang gulo ang pinasok mo?" tanong ng papa ko nang makauwi kami sa bahay. Pinatawag kasi siya sa principal's office kinaumagahan para pag-usapan ang rambulang kinasangkutan ko. "Ngayon pa lang ang unang beses na ipinatawag ako dahil nasangkot ang anak ko sa isang gulo. This is embarrassing!"
Yumuko lang ako habang nakaupo sa aming couch at hinayaang pumasok sa isang tenga ko at lumabas sa kabila ang kanyang sermon.
Napahawak sa kanyang baywang si papa at napailing-iling pa. "Ano bang pumasok sa isip mo't naisipan mong makisali sa gulo? E ano ngayon kung binu-bully ang schoolmate mo? Dapat bang makialam ka sa business ng iba, ha?"
"Dad, baka naimpluwensiyahan siya ng pagiging member niya sa Volunteer Club?" Maddie was also present during that time. Hanggang balikat pa lang ang buhok niya noon at hindi pa naka-perm. Ahead siya sa akin ng isang taon sa elementary. "Nasanay siguro siyang tumulong sa mga nangangailangan kaya pati ang mga bagay na hindi niya dapat pakialaman, pinapasok niya."
"Volunteer Club? Anong kasing club 'yang sinalihan mo, ha? May mapapala ka ba riyan?" tumataas na naman ang boses ni papa.
"Masama bang tumulong sa kapwa ko?"
"May kapalit ba ang ginagawa mong pagtulong? Ano, wala?" Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko na tila hindi mapakali.
"Bakit? Kailangan bang may kapalit lagi kapag tumutulong ka?"
Napabuga siya ng hangin at huminto sa tapat ko. Nababasa ko sa kanyang mata na dismayado siya sa aking sagot. "Sa tingin mo ba, kung tumutulong ako sa mga pasyente ko nang walang kapalit, may makakain at maibibigay akong allowance sa inyo?"
My dad is a doctor and he has a clinic in the city. Naiintindihan ko ang frustration niya dahil pinapangalagaan niya ang kanyang pangalan at reputasyon. Isa nga namang kahihiyan para sa kanya kung ipatatawag siya sa principal's office dahil nakipagsuntukan ang anak niya.
"Bakit hindi mo gayahin ang ate mo? Nasa student council siya at nare-recognize ang mga pinaggagawa niya sa school." And here comes the inevitable comparison. Palibhasa mas pinapaboran niya ang kapatid ko kaysa sa akin dahil isa itong achiever. "Gusto kong umalis ka na sa walang kwentang club na 'yon, ha? Do you understand?"
Kahit labag sa kalooban ko, tumango ako sa utos niya. But that did not mean that I would just leave the club that I had learned to love.
He wasn't done yet. Itinaas ni papa ang kanyang hintuturo sabay sabing, "This will be the first and last time na ipatatawag ako sa principal's office. Maliwanag?"
Para akong robot na tumango-tango sa mga pinagsasabi niya. Sa ganitong sitwasyon, ang pinakamainam na solusyon ay um-agree para matigil na ang pangangaral niya sa akin.
Padabog siyang umakyat sa kanyang kuwarto sa second floor at iniwan kaming dalawa ni Maddie sa sala. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago umupo ang ate ko sa kabilang couch.
"Alam mo bang ang mga taong nagpapaka-trying hard na maging bayani, nagiging kontrabida sa bandang huli. Kaya kung ako sa 'yo, ititigil ko na 'yan bago pa ako maging tulad nila."
Ang akala ko, bilang kapatid niya, iko-comfort niya ako at sasabihing okay lang ang ginagawa ko. Sa kanyang pananalita, mukhang kampi siya sa papa namin.
That would have sufficed to make me change my views on helping others. Pero ang mas nagtulak sa akin para magbago ay ang—
"Erald? Erald? ERALD!"
Pagkamulat ng aking mga mata, nakita ko si Charlotte na nakatutok ang camera sa akin. Napatingin ako sa clock display ng aking phone. Sampung minuto na nga ang lumipas mula nang mangyari ang pambu-bully sa hagdan. Mukha yatang napaidlip ako.
"May kailangan ka ba sa akin?" Tumayo ako't nag-unat-unat ng mga braso.
"We have a new client!" masiglang sagot niya, nagliwanag ang kanyang mukha at nagningning ang mga mata. Ang akala ko pa naman, tumama na siya sa jackpot ng lotto. Magpapabalato sana ako.
"At paano mo nalamang dito ako sa rooftop nakatambay?"
"Sinabi sa akin ni Clyde. Kung wala ka raw sa clubroom, posibleng nasa rooftop ka at nagpapalipas ng oras."
I don't know how that four-eyed guy knew that the rooftop's one of my favorite spots.
Sabay kaming bumaba ni Charlotte sa hagdan magmula fifth hanggang third floor ng school building. Napapahikab akong naglalakad habang ang kasama ko'y tsine-check ang kanyang camera. Pinagtawanan pa talaga niya sa tabi ko ang litratong kuha niya habang nakapikit ako kanina. Geez. How many gigabyte does her memory card has? Bakit meron pa 'tong space para sa mga bagong photo?
Nang makarating kami sa clubroom, bumungad ang mukha ni Clyde na may hawak-hawak na libro at isang babaeng nakatalikod sa amin. Umupo ako sa monobloc chair na malayo kay apat na mata at ipinatong ang mga braso ko sa mesa.
"Sorry kung pinaghintay ko kayo," bati ni Charlotte bago siya umupo. "Hinanap ko pa kasi itong isa naming club member."
"And why is my presence needed here? Dapat ba lagi tayong present tuwing may kliyente?" pabalang kong tanong habang napangalumbaba. Pwede naman kasing silang dalawa ang makipag-meeting at i-inform na lang ako mamaya kung ano ang napag-usapan nila.
"You are the number one consultant who solved the club fair and the Clarion incidents," sagot ni Clyde. Isinara niya ang kanyang libro at tiningnan ako ng mga mapanuri niyang mata. "We can retain our perfect clearance rate if you are here to listen to the client."
Hindi man halata pero ramdam ko ang pagkasarkastiko ng apat na matang 'to sa sinabi niya tungkol sa akin. On my part, that's something to be proud of.
"And who is our lucky client?"
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangiti niyang mukha at naka-pig tails na buhok. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang sa kalahati ng kanyang katawan. She was wearing the same uniform as Charlotte so obviously, she's studying here.
A-Anong ginagawa niya rito?
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan, Erald!" masayang bati ng aming kliyente, lalo pang lumawak ang ngiti sa kanyang labi. "Kumusta? Dito ka rin pala nag-high school, 'no?"
I did not know that she was also in this school. To put it bluntly, wala akong pakialam kung saan man siya pumunta pagkatapos ng graduation namin noon. Sabi nga ni Maddie noong isang araw, talagang mapaglaro ang tadhana.
"Ma-Magkakilala kayong dalawa?" tanong ni Charlotte na nakahanda ang camera para sa isa na namang picture-taking.
"Magkasama kami sa isang club noong elementary, 'di ba, Erald?"
Meet Faith del Rosario, ang president ng Volunteer Club na kinabilangan ko noon, at ang... paano ko ba dapat sabihin ito? Ang una kong...
Hay. Kung alam kong siya ang gustong humingi ng tulong sa amin, nagsuot sana ako ng maskara o kaya'y hindi na ako sumama kay Charlotte. Bakit sa dinami-dami ng lugar sa mundo, dito pa kami nagkita?
Relax, Erald. She's already irrelevant in your life. Sinubukan kong panatilihin ang kalmado kong postura. The past is the past, hindi na kailangang balikan pa.
"Eh? Hindi ko alam na active pala itong si Erald sa extra-curricular activities noong elementary siya," komento ni Charlotte. "Akala ko siya 'yong tipo ng estudyanteng nakamukmok lang sa sulok."
"Exact opposite ng sinabi mo!" tugon ni Faith. "Kasama ko siya sa Volunteer Club kung saan tumutulong kami sa mga estudyanteng may problema. Si Erald na yata ang outstanding club member namin noon... hanggang sa nag-quit siya. Nagulat lang ako kasi hindi ko in-expect na magiging involved ka ulit sa mga club activity."
"Kaya siguro dito napili ni Erald na magpa-member kasi gusto niyang ituloy ang nasimulan niyang pagtulong sa mga schoolmate niya."
Ano bang pinagsasabi ng president namin? Nagpa-member ako rito sa QED Club dahil gusto kong magkaroon ng pagtatambayan kapag wala kaming klase o tuwing may school activity. Nagkakamali siya kung sa tingin niya'y isa akong huwarang estudyante kagaya noon.
"So bakit ka napunta rito? Anong kailangan mo sa amin?" nababagot kong tanong kay Faith.
"Napaka-cold mo naman! Hindi mo man ba ako kukumustahin? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita mula nang mag-graduate tayo."
"Mas interesado akong malaman kung anong request mo sa amin kaysa alamin kung maayos ang kalagayan mo o kung may boyfriend ka na."
Nabura ang ngiting nakapinta sa kanyang labi, nasorpresa siguro sa "I don't care" attitude ko sa kanya.
"Bale nabasa ko 'yong article tungkol sa club n'yo na naka-publish sa Clarion kaya kayo ang naisipan kong lapitan." Inilapag ni Faith sa mesa ang isang envelope na kinuha niya sa kanyang bag. "Meron kasi akong kaibigan na taga-Chess Club. His name's Wesley, ang number one na chess player doon at ang posibleng pambato natin sa inter-school athletic competitions."
Kinuha ni Charlotte ang envelope at inilabas mula rito ang tatlong larawan na may iba't ibang anggulo kung saan makikitang nakapokus sa paglalaro ng chess ang isang lalaking nakasalamin.
"Malapit na ang try-outs para malaman kung sino ang ilalaban ng school kaya todo practice ang mga gustong sumali. Kahapon, natagpuang duguan ang ulo at walang malay si Wesley sa clubroom namin. Sa tabi niya, may duguang malaking chessboard. Posible raw na nahulog 'yon mula sa cabinet na malapit sa mesa kung saan nakalatag ang isa pang chessboard."
"Is he okay now?" tanong ni Charlotte, may bakas ng pagkabahala sa kanyang mukha.
Faith nodded. "Nasa ospital pa rin siya pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagkakamalay. Malakas yata ang pagtama ng chessboard sa ulo niya."
"An accident?" tanong ni Clyde, napahawak sa bridge ng kanyang salamin. "But you won't be consulting us if that was the case, right?"
Tumango ang kliyente namin. "Meron kasing kakaiba kay Wesley. Nang buhatin ang katawan niya, may mga nahulog na chess piece mula sa kanyang bulsa. Nang chineck ang laman nito, nandoon ang lahat ng mga piyesa maliban sa apat na naiwan sa chessboard na nasa mesa. I don't think this is an accident. I think this is an assault."
"Teka, anong kakaiba roon?" Naningkit ang mga mata kong napatingin sa kanya. "Baka naisipan niyang nakawin ang mga chesspiece kaya ibinulsa niya. At saka anong basehan mo para sabihing hindi aksidente ang nangyari?"
"Sa bigat ng malaking wooden chessboard, imposibleng mahulog 'yon mula sa itaas ng cabinet, maliban na lang kung lumindol nang malakas," paliwanag ni Faith. "Kaya sa tingin ko, may kumuha nito at saka inihampas kay Wesley."
Kung hindi lumindol kahapon, posible ngang tama ang assumption niya.
"Mas dapat sigurong bigyan ng pansin dito ay ang naiwang chessboard," she went on. "Sabi ko nga, may apat na piraso sa ibabaw nito. Feeling ko, isa 'yong message na iniwan ni Wesley. Baka kilala niya ang taong umatake sa kanya at bago siya hinampas sa ulo, ipinosisyon niya ang apat na chesspiece sa board."
May inilabas pa siyang litrato na iniabot niya kay Charlotte. Lumapit kaming dalawa ni Clyde sa aming club president para malinaw na makita ito. There were four white chess pieces positioned separately on black squares.
"Ganyan ang pagkakaayos ng chessboard nang natagpuan si Wesley sa clubroom. What do you think? May coded message ba siyang iniwan?"
"This code..." Clyde muttered, touching his chin. Nanliit man ang mga mata niya, kitang-kita na malinaw na niyang nakikita ang sagot.
Wala akong masyadong alam sa chess maliban sa tawag sa mga piyesa at mga galaw nila. If this four-eyed guy had something in his memory palace that would enable him to crack the code, I would be at a disadvantage again.
Iniangat niya ang kanyang ulo at tumingin kay Faith. "Kilala mo ba kung sino-sino ang may access sa clubroom? Do you have a list of their names?"
Mukhang one step ahead na naman siya sa akin. Hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya. Yes, Charlotte reminded me that we must work as a team and not compete with one another. But screw that! I couldn't let myself be embarrassed for the third or fourth time.
Muli kong sinuri ang litrato at pinagmasdan ang posisyon ng apat na piyesa. Kung hindi ako nagkakamali, sa paglalaro ng chess, laging merong... Aha!
I got it! What message the victim was trying to convey through the chesspieces! Mautak din pala ang Wesley na 'yon para mag-iwan ng ganitong klaseng code.
Ngayon, ang kailangan ko na lang makita ay ang listahan ng mga taong may access sa kanilang clubroom. If my deduction was correct, only the person with that name could be culprit.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top