The Encounter

"Nasasaksihan natin ngayon ang pagbagsak ng bulalakaw mula sa himpapawid na siyang tumutupok sa mga kabahayan ng mga tao," sabi ng reporter sa telebisyon. Habang nanonood kami'y nakaramdam ng sobrang takot.

Hindi ko lubos akalain na ito na ang araw nang magiging katapusan ng sanlibutan. Biglaan ang nangyari ngunit wala kaming magagawa dahil limitado lamang ang aming kakayahan.

Tunay nga na kapag katapusan na ng mundo, ang mga tao ay nagiging makasarili at gahaman para lamang mailigtas ang kanilang sarili.

Syempre takot ang bumalot sa aming dibdib na nagsimula nang umiyak ang aking nanay dahil dito. Iniisip niya na paano na kami? Anong gagawin namin?

Ngunit ang aking kapatid ay sinabi na, "Manatili na lamang tayo rito. Ayaw kong maging gahaman tayo para lang sa'ting kaligtasan." Naluluha niyang sinabi iyon habang yakap-yakap ang aming mga alagang pusa, ang aming babies. "At least magkakasama tayo sa huli nating buhay."

Sinusubukan din ng mga eksperto na iligtas ang mga mayayamang tao, papunta sa ibang planeta, ang planetang Mars. Marami ang may gustong umalis sa mundo, ngunit kami ng pamilya ko, wala kaming kakayahan na umalis, dahil mahirap lamang kami.

Si Tatay naman ay tahimik lamang sa sulok habang nakatingin sa telebisyon. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan na sa wari ko ay sina Lolo at Lola ito. "Tay, kumusta na kayo?" Naluluhang tanong nito. Ngayon ko lamang nakita ang aking tatay na umiyak. "Diyan na lang kayo at magdasal. Magiging ayos din ang lahat," dagdag pa nito dahilan para makaramdam ng tinik sa aking lalamunan. Sana ay maging ayos lamang ang lahat at naniniwala ako roon, basta't naniniwala kami sa Panginoon na siya ang tunay na makapagliligtas sa'min.

Si Inay naman ay tumawag sa'ming half-sister at sinabing, "Pumunta na kayo rito! Mag-iingat kayo ah!"

Natatakot ako sa posibilidad na mangyari sa amin, ngunit bahala na si Lord sa amin. Tama nga ang nasa propesiya ng Bibliya, talagang darating ang panahon ng judgement upang usigin kaming lahat.

Naniniwala ako na ang aking pamilya ay gumawa ng mabuti rito sa mundo, hindi man kami naging perpekto at naging makasalanan kami, tinatanggap namin ang Panginoon bilang personal savior. Siya lamang ang makakapagligtas sa amin, kaya kailangan naming tatagan ang aming kalooban, kailangan naming tatagan ang faith sa kaniya.

Kami ng aking pamilya, lahat ng aming makayanan na makatulong sa iba ay ginawa namin dahil ito na ang katapusan, lulubusin na naming pamilya ang sandali na kami ay makatulong sa kapwa. Hindi namin maisip na maging makasarili.

"Tara, 'Nay, Bebe, bigyan natin 'yung iba ng pagkain," sabi ko habang bitbit pa ang isang plastik ng pagkain.

Kaya naman kinuha nila ito at pinamigay.

Ako nama'y napatingin sa kalangitan. Asul pa rin ang kalangitan ngayon at tila ay walang kaguluhang nagaganap, kundi namamayani ang kapayapaan.

Napaluha ako nang napagtanto ko sa'king sarili na maaring hindi ko na makita ang aking pamilya. Mahalaga sila sa'kin, at mahalaga rin ang Panginoon sa akin.

"Ate!" tawag ni Bebe sa akin. "Doon ka sa mga babies natin! Walang kasama!"

"Ah wait lang! Dalian n'yo ah!" sabi ko at pumasok na sa loob ng aming tahanan at binantayan ang mga babies namin.

Pinaghahalikan ko ang bawat isa at niyakap sila. Naiiyak ako kapag naalala na magugunaw na ang mundo. Pero dapat maging matapang kami.

Maya-maya ay dumating na ang aming half sister kasama ang mga pamangkin ko. Takot ang makikita sa kanilang mukha ngunit pinakalma ko sila sa pamamagitan ng katagang, "Magiging ayos lang ang lahat, basta tayo ay manalig sa Kaniya."

Bumalik din naman kaagad sina Inay at umupo sa salas. Narito kasi kami sa salas para lahat kami ay sama-sama. Umupo sila at sinabi ko sa kanila na,
"Tayo ay manalangin. Ang puso natin ay ibigay nang buo sa ating Panginoon." Kaya naman pinasimulan ko ang panalingin. "Lord, kayo na po ang bahala sa amin. Kami po ay naniniwala sa'yong kapangyarihan at patawarin n'yo po kami sa aming mga kasalanan dito sa mundo. Sana po ay tanggapin po n'yo kaming lahat nang naniniwala sa iyo. Kayo lamang po ang aming tagapagligtas, Lord . . ."

Tinapos namin ang panalangin at nagyakapan kaagad. Narinig na kasi namin ang balita na malapit nang tumama ang bulalakaw sa aming lugar. Napaiyak na kaming lahat at personal kaming nanalangin sa panginoon. Maya-maya pa ay sinabi pa ni Bebe habang yakap ang aming mga pusa, "Masaya akong nakilala ko kayo at naging pamilya kayo. Sana sa muli nating pagkabuhay, tayong lahat ay magkita-kita. Mahal ko kayo."

"Mahal ko rin kayo! Kung hindi man ako naging mabuting anak, ngunit ako ay nagpapasalamat na nakilala ko kayo. Maraming salamat sa inyong lahat, mahal ko kayo," sabi ko.

Heto na ang huli . . . Ang huling sandali namin sa mundong ibabaw.

Sana sa muling pagkabuhay, kami ay muling magkita, kasama ang Panginoon sa kalangitan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top