Chapter 9: Sneaky Moves

Pasimpleng sinundan ni Vanna ang sasakyan ni Clyde. Maaga siyang umalis ng apartment para magmanman sa bahay ng mga Lee. Papasok pa lang sana siya sa village nang makasalubong ang sasakyan ng binata kaya't sinundan na lamang niya ito. She wants to fully convince herself that the man is innocent of all her initial suspicions.

"Plese let me do it my way, Klein," she told Cloud before they part ways early morning. She was referring to the Lee's case. Nakatayo siya sa tabi ng kotse nito habang ito naman ay nakadungaw mula sa nakabukas na bintana ng driver's seat. Hindi naman nagsalita ang binata. Tiningnan lang siya nito ng matiim bago pinasibad ang sasakyan. She was left standing there with a heavy feeling.

However, few minutes later, she received a message from Klein saying that he's sending agent Mars to be her partner and two other agents as a backup when she needs one. He also gave her two weeks to finish her mission and wipe all the culprits.

Huminga siya ng malalim. Ibig sabihin no'n ay hindi na siya pakiaalaman sa misyon at hahayaan siyang dumiskarte kasama ni agent Mars.

She continued following Clyde. Tinawagan niya rin si Mars para mag-abang sa isang kalye para ito naman ang susunod sa binata gamit ang motorsiklo. Base sa nangyari kahapon, madali lang matukoy ng binata kung may nakasunod rito kaya't kailangan nilang mag-ingat.

"Go," she muttered on the line when Mars appeared on the road. Lumiko siya at hinayaan na itong sumunod sa binata. Their racking devices are on kaya't alam niya kung saan ang daang tinatahak ng kasamahan.

Lumipat siya sa ibang sasakyan at dumaan sa alternate route para siya ulit ang susunod sa binata pagdating sa road intersection. In that way, hindi nito mapapansin na may sumusunod rito.

Ilang kilometro ang itinakbo niya bago siya sumulpot sa kalyeng tinatahak ni Clyde.

"Ikaw naman," agent Mars announced. Lumiko ito sa pinagmulan niyang eskinita.

Sinundan niya ang sasakyan ng binata. Kumokonti ang kabahayan habang papalayo sila ng papalayo. Matataas rin ang bakod at yung ibang nadadaanan nila ay mukhang mga malalaking pabrika.

She made sure they have enough distance so he won't suspect anything. Nakita niyang tumigil ito sa tapat ng malaking gate na may mataas na pader. Hindi kita ang loob niyon maliban sa bubong na may mga exhausts.

Bumaba si Clyde sa kinalululanan nito at tiningnan ang sasakyan niya. Her car is tinted so she did not worry much. Itinuloy niya ang pagda-drive at nilagpasan ito para hindi mahalatang sinusundan niya ito.

Mars told her on the line that she's on a crossing nearby kaya itinuloy niya ang pagpapatakbo. Pansin niya ang paghabol ng tingin ni Clyde sa minamaneho niyang sasakyan. Hindi niya sigurado kung nagdududa ito o pinalagpas lang siya. Ang minamaneho niya lang kasi ang natatanging sasakyan sa kalye na nagdaraan.

The road looks deserted. Wala man lang katao-tao. Iniisip niya na oras lang siguro ng trabaho sa mga pabrika kaya baka nasa loob lang ang mga tao.

Lumiko siya sa kalsada kung nasaan si Cristina. Nakatayo ito sa tabi ng daan at inaabangan siya. May dalawang malalaking pabrika na may matataas na bakod sa magkabilang side ng kalsada.

"Nasaan 'yong motor mo?" tanong niya pagbaba ng sasakyan. Ngumiti naman ito.

"Nagtatago," natatawa nitong sambit sabay lapit. Her forehead creased but she saw her holding the remote on her hand. Sinundan niya ang direksyon ng mata nito. Mula sa matataas na talahib sa gilid ng mataas na pader ay unti-unting lumitaw ang motor nito.

Napangiti siya nang iabot nito ang remote sa kanya.

"I'll stay nearby," sambit nito bago sumakay sa kotseng minaneho niya at pinasabibad. Nilapitan naman niya ang motor. She pushed the button. Bumaba ulit ang sasakyan kaya naging mas mababa na ito sa mga talahib.

Hinawi niya ang matataas na damo. She sat down and scrunitized it. Maliliit pala ang mga gulong ng motor. May mga double metals rin sa loob ng fork at shack para puwedeng i-extend pataas o i-shrink pababa.

"Cool," she muttered with a smile. She was about to stand when she heard a car engine.

Clyde's car made a halt at the middle of the road intersection. Nakita niyang umibis ito sa sasakyan at tinanaw ang kotseng minamaneho niya kanina. He stood there staring until the car is no longer visible. Nagtago siya sa mga talahib nang makitang iginala nito ang paningin. She hid there until she heard the car's engine again.

Nang matiyak na nag-drive ulit ito saka siya tumayo mula sa pinagtataguan. Agad siyang tumakbo sa gilid ng kalsada at sinilip na lang kung saan ito papunta. Nagtago siya sa pader nang makitang malapit lang pala ang destinasyon nito. Nakaramdam yata talaga ito kaya tumigil kanina. She saw his car going inside a compound.

Tinakbo na lamang niya papunta roon nang makasigurong walang tao sa daan. Dumaan siya sa gilid ng mahabang pabrika. There were no sounds coming from the inside. Pakiramdam niya ay abandonado ito.

Bakanteng lote ang sumunod bago ang pinasukang gate ni Clyde. Palapit na siya roon nang mapansin ang CCTV sa isang poste. Tumayo siya sa parte kung saan alam niyang di siya mahahagip ng camera. Kumuha siya ng pin mula sa nakapusod na buhok. She flawlessy aimed it on the CCTV wire.

"Mars, please have the CCTV on-hold for an hour," she told her. Hindi niya kasi sigurado kung ilang minuto siya bago makapasok sa loob.

"Copy," tugon naman nito mula sa linya. She gave Mars series of codes to access the pin.

"Puwede ka nang lumapit sa area," saad nito nang wala pang sampung segundo.

"Can you use that to connect to all the CCTV's inside the compound?" tanong niya rito. Alam niya kasing may mga naka-setup nang hacking device sa sasakyan ng kasamahan niya kapag nasa operasyon silang kagaya nito.

"Give me a minute," sambit naman nito. Habang hinihintay niya ang ibibigay nitong detalye ay mabilis siyang naglakad sa gilid ng pader ng compound papunta sa likod para tumingin ng posibleng daanan papasok para hindi na kailangang akyatin ang pader na sobrang taas. Damuhan na at talahiban ang likod ng compound. Wala man lang siyang makitang tao kahit sa malayuan.

Cristina started describing what's inside the compound. May malawak na one storey building sa gitna. May mga hilera ng bariles at malalaking drums sa magkabilang side. May dalawang ten-wheeler trucks na nakaparada sa harap, dalawang van at tatlong kotse, isa doon ay kay Clyde, at anim na 355 motorcycles.

Walang nagbabantay sa labas pero may mga CCTV cameras sa lahat ng anggulo.

"I already made the CCTV's static. Nasa akin ang real-time footage. I'll instruct you where to go," sambit nito matapos ibigay ang deskripsyon ng loob.

Pumasok daw si Clyde sa isang pintuan na walang access ng CCTV footages na na-infiltrate nito.

Duda nilang pareho ay may ibang CCTV room pa doon na hindi konektado sa labas.

Hindi rin makita ni Cristina kung anong pabrika ang nasa loob dahil wala namang equipments sa loob maliban sa mga bariles at drums.

May iilan lang daw na lalaki ang pagala-gala sa loob pero duda ni Cristina ay nasa loob ang mga ito ng pintuang walang CCTV.

Using a thin rope and small anchor on her pocket, she was able to climb up the high wall. Singnipis lang ng yarn ang tali at singliit ng paperclip ang anchor pero kaya ng mga itong ilambitin ang isang bagay na hanggang isang daang kilo. Tiniklop niya rin ang tali at anchor at ibinalik sa bulsa nang makapasok na sa compound. She wore her face mask.

She run towards the building right away as agent Mars instructed. Nagtago siya sa gilid ng metal na pintuan sa bandang likod ng building nang sabihin ni Cristina na may lalaking palapit. She took another pin from her hair and immediately aimed it on the man's neck causing him to loss consciousness.

Hinila niya ang katawan ng lalalaki para itago sa gilid ng mga bariles bago bumalik sa may pintuan. She silently went inside.

Puro mga hilera lang din drums at bariles ang laman ng loob ng building. May aisle sa gitna ng bawat hilera. Nagtago siya habang mabilis na tinutungo ang pintuang binanggit ng kasamahan.

"Sa likod," sambit ni Cristina. Napaigtad siya dahil kasabay no'n ang paghawak ng isang lalaki sa balikat niya. Almost instantly, she hit him with a pin on the nape. Nangisay ito kasabay ng pagkawala ng ulirat.

"Great. Just great," Cristina muttered on the line as she dragged the man on the side. The sting of the pin could be as good as acupuncture, but in this case, it would cause the person to sleep for a couple of hours.

Using pins is her expertise. She could even use it to infiltrate a data system. May bluetooth, infrared at hacking system kasi ang ilang pins niya para kumunekta sa ano mang network at database.

Isang click lang, puwede na itong ikonekta sa PC gamit ang codes. The codes changes every 12 hours at siya lang ang may alam ng pattern ng changes nito.

The pins could even detect if the person is infected with any virus kaya kapag ganoon ay itinatapon na lamang niya. It looks like a needle so an ordinary person would mistake it as one.

Sa likod ng mga lalaki siya pinapadaan ni Mars para madali niyang mapatulog ang mga ito. May tatlo pa siyang lalaking napatulog bago niya narating ang pintuang sinasabi nito.

She inhaled deeply. She has no idea about what's inside but she felt the urge to intrude. Bahala na. She wasn't named Star over nothing.

She slowly slide the metal door. Good thing it was noiseless. Maliit lang ang siwang ng pintuan para masilip niya ang loob. She was able to breathe lightly when there is no trace of human being as far as her eyes could reach.

She took out another pin from her hair and push it on the metal lock. Umilaw ang metal na dinaanan nito papunta sa installed CCTV camera.

"Wow!" Cristina exclaimed. "You're a star!" she added with a gasp. Rumehistro na siguro sa monitor nito ang footage sa loob.

Napangiti siya.

"As easy as one, two, three," she muttered.

"One at a time," sambit nito nang pumasok na siya sa loob. The inside looks like a high class hotel's frontdesk. Sobrang linis ng putting sahig na tiles. May malaking paso sa magkabilang gilid ng reception desk na may mayabong na halaman.

Nagtuloy-tuloy siya sa palikong hallway nang biglang may sumalubong sa kanyang lalaki. Agad siya nitong inambahan ng suntok pero mabilis niyang nasalag. Inikot niya ang kamay nito kasabay ng pagsiko ng malakas sa batok nito. Bumulagta ang lalaki sa sahig ng walang malay.

"Magkakaiba ang transmission line ng CCTV diyan sa loob. Isa lang ang na-access nang inilagay mo," saad ni Cristina.

"Clever," she muttered. Hinila niya ang lalaking nakabulagta sa sahig papunta sa likod ng malaking paso.

Tiningnan niya kung saan tumigil kanina ang ilaw ng ipinadaan niyang pin sa metal. She scrutinized it to see the wiring. Humila siya ng upuan at ipinatong sa frontdesk. It took few seconds before she was able connect the pin to a hidden wire.

"Hallway CCTV lang ulit," sambit ni Cristina.

Her forehead creased. Parang katulad lang ng sa agency nila na hindi basta-bastang naha-hack lahat ng CCTV's dahil hindi magkakarugtong ang connections papunta sa database.

"That's good enough," saad na lamang niya. Mabilis niyang ibinalik ang upuan.

"Walang katao-tao sa hallway," saad ng kasamahan sa linya. She then made her way there.

There are opposite doors on the hallway. Kapag may lumabas mula sa nakapinid na mga pintuan, wala siyang mapagtataguan. Napansin niya ring pababa ang flooring.

Huminga siya ng malalim bago binuksan ang isang pintuan.

"Sh!t," she silently cursed when it opened widely. Mabilis siyang nagtago sa pader na katabi ng pintuan at bahagyang sumilip. Good thing, nobody saw her. Mga bariles ulit ang tumambad sa harapan niya. Hile-hilera ang mga iyon. May aisles sa pagitan ng mga hilera.

Dahan-dahan siyang pumasok at maingat na naglakad habang iginagala ang paningin. Walang CCTV sa loob. She is sure of that.

"Simpleng security team lang, hindi n'yo nalagpasan!"

She was taken aback when she heard Clyde's foreboding voice. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pinanggalingan ng boses. Bahagya siyang sumilip mula sa siwang sa gitna ng mga bariles.

He was standing in front of around 20 armed men. May limang lalaki sa likod nito na mga armado rin.

"May nangialam po kasi mula sa labas boss," sambit ng isa.

"That old man!" She saw how Clyde clenched his jaw as he said it. She felt like she's seeing a different Clyde. His voice is so stern.

"Sa susunod, siguraduhin ninyong makukuha n'yo ang kambal? Naiintindihan niyo?!" Galit nitong wika.

Napalunok siya. Her heart raced. Was he referring to Cherine and Devine?

She shook her head. Baka naman iba ang tinutukoy nito.

"Boss, hindi ba nakakasama n'yo naman ang mga bata. Bakit hindi n'yo na lang itakas?" suhestyon ng lalaking kausap nito.

"Are you thinking?!" galit namang tugon ni Clyde. Pinanginigan pa siya sa tono nito. She inhaled deeply. It's positive, he's referring to his own niece and nephew.

She pursed her lips. Bakit pinagbintangan pa siya nito kung ito pala ang nagpadukot sa mga bata? Is he putting up a show on her?

Nagtago siyang muli nang bigla nitong iginala ang paningin. She felt like he knew that someone's watching him.

"Sh!t."

Kinabahan siya nang marinig ang pagmumura ni Cristina.

"Star, you have to get out of there. Napansin yata nila na naha-hack ang CCTV's nila," sambit nito.

"I will try to confuse them, you have to be out in 5 minutes," she added. Tiningnan niya ang mga armadong lalaki. She can't possibly go out alive with their numbers. Baka may mga iba pang mga kasamahan ang mga ito. She won't probably go out of the place virgin if they discover her presence.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.

Maingat siyang naglakad palabas ng pintuan. Tinakbo niya papunta sa pinasukang metal door kanina nang sabihin ni Mars na walang tao roon.

"Puwede ka ng lumabas," sambit ng kasamahan. Mabilis siyang lumabas. Nagtago siya sa mga bariles sa tuwing may nakikita siyang tao.

Maingat siyang naglakad hanggang sa makarating sa bukana ng building. Lalabas na sana siya nang tuluyan papunta sa pader kung saan siya umakyat nang magbago ang isip niya.

She went back to the barrels and tried to open one of them. Buong lakas niyang inangat ang takip pero nahirapan siyang buksan.

"Two minutes. Kailangan mo nang lumabas dyan," sambit ni Cristina. She gritted her teeth as she tried to open the barrel again but she wasn't able to do so. Iniangat niya ang paa, at kinuha ang nakasaluksok na kutsilyo sa boots. She pushed it to the barrel's side making a hole before pulling it out. Amoy pa lang alam na niya kung ano ang laman nito. Gun powders oozed from the barrel when she removed the knife.

"One minute," Mars stated. Mabilis siyang lumabas at inakyat muli ang pader gamit ang maliit na tali. She rappelled down outside the wall. Patakbo niyang tinungo ang kinalalagyan ng motor saka mabilis na pinasibad sa direksyong pinuntahan kanina ni agent Mars.

Medyo nakalayo na siya nang makita sa side view mirror ang kotse ni Clyde na nakahimpil sa eksaktong lugar kung saan nito tinanaw rin ang kotseng minaneho niya.



*****

She tried to relax when she saw Clyde outside the University. Katatapos lang ng klase niya.

Ngumiti siya ng tipid ng lapitan siya nito.

"Tuloy pa ba ang tutorials ko sa mga bata?" tanong niya rito. Ngumiti ito ng tipid pero agad ding sumeryoso.

"I personally think it is fine. Isa pa, gusto ka ng mga bata," tugon naman nito.

Napatango na lang siya.

"Are you thinking about your security?" tanong nito nang hindi na siya muling nagsalita pa. Tiningala naman niya ito. She was contemplating how to say yes in the best manner when he spoke again.

"Don't worry. I'll make sure na hindi na 'yon mauulit," sambit nito.

Napatango na lang siya.

Of course. She mumbled to herself.

She slowly get inside his car when he opened the passenger door. Pansin niyang hindi na ito nagdadala ng driver na kagaya noong una.

"Saan ka pala nagpunta kaninang umaga?" tanong nito nang makaupo na sa driver's seat.

Kinabahan siya sa tono nito. He sounded fishing for something.

"May binili lang ako. Bakit nagpunta ka ba sa apartment ko?" balik-tanong niya rito.

Clyde eyed her while his lips are pursed. The straight look on his face sent goosebumps on her nape but she tried to stay casual and calm.

Tumango ito bago ngumiti ng tipid.

"Akala ko nakipag-date ka na sa ex mo," sambit nito bago itinuon ang pansin sa harapan.

Sinundan niya ang direskyon ng mata nito. There she saw Klein standing at the roadside in simple jeans and shirt, eating fishballs on stick, staring sternly at Clyde's car. Kulang na lang yata ay hagisan nito ng granada ang sasakyan sa klase ng titig nito.

Parang tanga.

So, he really gave her liberty to do her job alone, huh? 

Napailing siya. 

Cloud will always be Klein.

She smirked inwardly. 

That Klein who will always be Cloud.

Ipinilig niya ang ulo at hindi na lamang nag-isip pa ng kung anu-ano. She need to concentrate on her mission-at-hand.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top