Chapter 36: Tayo
Warning: Short Update. Short but sweet. Charot!
Vanna Lei was dressing her wounds when the door swung open. Nasa loob siya ng pentsuite sa isa nilang hotel. Hindi na siya nagtaka nang pumasok si Klein Rich. He had security passes. Hindi naman niya iyon tinanggal kahit noong mga panahong nagagalit siya sa binata.
Ibinaba nito ang brown paper bag sa center table at tumabi ng upo sa couch.
"Ako na," inagaw nito ang bulak na hawak niya at nilagyan ng wound ointment ang sugat niya sa binti. Her leg is outstretched. Nakapatong ang isa niyang paa sa center table.
She wasn't able to react. Kanina pa siya hindi maka-react nang ihatid siya nito sa pentsuite. Ayaw niya kasing umuwi ng bahay dahil mag-aalala ang ina niya kapag nakita ang mga sugat niya sa katawan. She had few bruises and scrapes on the arms and face. Sa hita ang may malaking sugat dahil naipit noong tumilapon pabaliktad ang kotse.
Kanina ngang inihatid siya nito at sinabihang magbihis na para magamot ang sugat niya ay hindi rin siya nakapagsalita at pumasok na lamang ng bathroom. She thought he already left. Wala na kasi ito nang lumabas siya sa lounge area.
She watched as he slowly swiped the ointment. Hinihihipan nito ang sugat habang pinapahiran ng marahan. She had to inhale deeply to stop her heart from swooning.
"Why are you smiling?" salubong ang kilay nitong tanong nang umangat ang tingin sa kanya. Nagulat pa siya. Her heart rumbled as she crammed for words.
"Hinihihipan mo kasi, hindi naman ako bata," she reasoned out.
Napailing naman ito bago ibinalik ang tingin sa sugat niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Huwag ka na ulit ngingiti ng gano'n," sambit nito habang ipinapahid ang gamot sa sugat niya.
Sa halip na tumigil ay mas lalo naman siyang napangiti. She always feel great being around Cloud. She felt like she's home. Sobrang gaan sa pakiramdam.
Bumilis na naman ang tibok ng puso niya nang tumingin ito sa kanya. Huling-huli kasi nito ang pagngiti niya.
"You're really stubborn," he muttered with a sigh. She wasn't able to react when he shoved the cotton ball on the table and reached for her nape.
He kissed her quickly on the lips and her eyes automatically shut. His scorching lips touching hers felt like heaven. It lingered for seconds.
She was about to open her mouth to welcome him when he suddenly stopped.
She almost let out a grunt when she opened her eyes. Klein was staring at her. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa batok niya.
"I hate your brown eyes," he whispered. She could smell his minty breath. Napalunok siya. She felt her cheeks burning when he stared at her lips.
"I hate your lips more," he added with a heavy breathing.
"I can't resist them," sambit nito bago siya muling kinabig para halikan.
Her heartbeats raced as her hands automatically clasped his nape and welcomed his lips. He gently bit her lower lip causing her head to spin in sensations. As his tongue searched inside her mouth, she also did the same on his. Matagal, mapusok, nakaliliyo. He'd only stop a second to give her time to breath. Pagkatapos noon ay muli nitong hinuhuli ang labi niya. Their tongues fought in a battle only them could interpret. He kept nibbling and swirling his tongue causing her to move sideways.
Hindi pa sana sila titigil kung hindi lang nasagi ni Klein ang paa niyang may sugat. Napaigik siya nang maramdamang namanhid ang paa niyang nakapatong sa center table. Gano'n ba sila katagal naghalikan para mamanhid ang paa niya?
"I'm sorry," Klein muttered as he held her thigh.
"Dahan-dahan," anas niya nang tulungan siya nitong ibaba ang paa niya. She bit her lip. She tried hard not to groan as she felt the numbness on her thigh.
"Are you okay?" nag-aalala nitong tanong nang makita ang facial expression niya. Napatango na lamang siya.
She smiled when she realized what happened earlier.
"You kissed me thrice," she said matter-of-factly. Klein stared at her. His expression was unreadable. Matagal itong tumitig bago huminga ng malalim. He cleared his throat.
"You let me," he muttered. A small smile appeared on his lips. Hindi niya alam kung bakit natawa siya sa reaction nito. She felt like seeing Klein Rich on their college days. Noong unang beses niyang tanggapin ang binigay nitong bulaklak.
"Why are you laughing?" he asked with a creased forehead. Sumeryoso ang mukha nito. Pero sa halip na matakot ay natawa siya.
"Kinikilig ka eh," natatawa niyang sambit. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng binata.
"Does it matter?" he said as he rose on his feet. Kinuha nito ang paperbag sa table. Hindi siya agad nakasagot. His aura became serious.
"Let's just eat. Kanina pa ako nagugutom," sambit nito bago naglakad patungo sa dining area sa kaliwang bahagi ng suite.
Natatawa niya itong sinundan ng tingin. Namumula ang tainga nito. She watched as he put the foods on the table. Kumuha ito ng kubyertos sa mini-kitchen at naglagay ng dalawang plato.
"What are you still doing there? Halika na rito," saad nito nang makitang nakaupo pa siya sa couch.
"Alalayan mo ako," nakangisi niyang saad rito. She thought he wouldn't bother. Nagbibiro lang naman kasi siya pero agad itong tumayo at bumalik sa kinaroonan niya. He held her waist and helped her stand.
Sasabihin sana niyang kaya niya pero may parte ng puso niya na nais panindigan na lang ang pagpapatulong sa binata. He assisted her to the table.
Uupo na sana siya nang makaisip nang kalokohan. Nagkunwari siyang na-out balance kaya naitulak niya nang bahagya ang binata na sanhi para mapaupo ito. She sat on his lap. Papanindigan na sana niya ang pagka-out balance pero bigla siyang natawa sa sarili para kasi siyang bata.
"Cloud ano 'yong matigas sa likod ko," natatawa niyang sambit. She heard Klein's chuckle. His arms clasped her waist
"Ang landi mo, break na tayo," he whispered on her ear. Nanayo ang balahibo niya sa katawan nang marahan nitong kagatin ang tainga niya.
She had to close her eyes and bite her lower lip to stabilize her heartbeats.
"Bakit tayo ba?" natatawa niyang tanong nang makahuma. Hinawi ng binata ang mahaba-habang buhok niya at inilagay sa iisang side.
"Hindi pa ba?" he whispered softly as he kissed her nape gently. It sent another goosebumps on her entire body.
"Hmm," she cleared her throat. She unclasped his hand on her waist.
She had to stand and transfer to her designated chair before she loses her mind on his kisses. Hinayaan naman siya nito.
Napatingin siya sa kamay nang hawakan ito ni Klein.
"I've waited long for this," hinalikan nito ang kamay niya. Napalunok siya. She could feel the longing in his eyes.
"Tell me, you are officially mine, Vanna," he added.
"Y-yours?" she stammered. Natuliro ang isip niya kasabay ng pag-tumbling ng puso niya.
"Yes, tell me you are officially my girlfriend," seryoso nitong sambit. His eyes didn't leave hers.
Napahawak siya sa mukhang kanina pa yata namumula.
She inhaled deeply. Once she says yes there is no turning back. She closed her eyes for a brief moment. Huminga siya ng malalim. Her cheeks are burning as he stared at Cloud waiting for her response.
"Yes, boss. I'm yours," she muttered. Napahawak siya sa magkabilang pisngi na sigurado niyang pulang-pula na. "Ang corny!" natatawa niyang sambit. Cloud also chuckled but he rose to his feet a few seconds later and pulled her to his embrace.
"Yes, you're mine," he whispered as he kissed her forehead.
"Finally," he added kissing her head as he burry her on his broad chest. She loves his smell. Na-miss niya ito kaya yumakap rin siya ng mahigpit.
She felt the familiar warmth and comfort she always feel whenever he embraces her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top