Chapter 35: Save Me
Vanna thought the man who talked to her was part of the group but he introduced her to another man. This time, she was sure it was one of the syndicate's boss. Hindi ito purong Filipino at may French accent din.
He told her to go in line for the race. Hindi siya masyadong kumikibo, hindi rin niya ipinahalata na nagmamanman siya sa lugar.
She was determined to impress them when she went to the racing lane. Kinabitan ng ibang gps ang sasakyan niya at sinabihang sundan lang ang berdeng arrow head sa gadget habang tumatakbo ang sasakyan. May lalabas na yellow dots kapag palapit ang ibang sasakyan sa kanya at mag-iilaw din ng red ang arrow head kapag maling daan ang tinahak niya.
She stepped on the gas as the signal blinked. Hudyat iyon na mag-uumpisa na ang karera. Mabilis ang takbo ng sasakyan niya. Noong una ay maayos pa ang takbo niya at ang mga ibang sasakyan ay nasa likod o di kaya'y katapat niya.
Mariin siyang napakagat sa labi nang makita ang daan pagkabig niya ng manibela. Pader ang gilid at sa tunnel lang nakaturo ang arrow na iisang sasakyan lang ang kasya. Itinodo niya ang speed ng sasakyan. Mula sa gadget na ikinabit nakita niya ang yellow blink na papalapit sa kinaroroonan niya.
Mabilis siyang umiwas nang makitang babanggain nito ang sasakyan niya. Bumangga ito sa sasakyang kasabay niya at tumilapon sa nakaharang na pader. Naungusan siya ng isa pang sasakyan papasok sa tunnel pero mabilis siyang nakasunod.
Muli niyang itonodo ang speed ng sasakyan paglabas ng tunnel at mabilis na in-overtake ang isa pa. Nakasunod ulit ang isa pang sasakyan sa kanya.
"Sh!t," sambit niya nang maalog ang sasakyan niya. Somebody hit her car. Binilisan pa niya lalo ang takbo ng sasakyan. Napaigik siya nang may bumangga na naman sa bandang kanan niya hanggang sa magkabilang side na ang gumigitgit sa kanya.
She gritted her teeth when her running went zigzag. Binabangga kasi siya ng dalawang sasakyan sa magkabilang side. Parang pinagkakaisahan siya.
Paliko ang itinutorong daan ng gadget pero 'di siya makaliko dahil may dalawang sasakyang nakatutok sa kanya. She felt another thud. Alam niyang yupi na ang sasakyan pero 'di siya nagpatinag.
Her jaw clenched as she forcefully hit the car on her left. Dalawang beses niya iyong ginawa hanggang sa tumabi kaya nakabig niyang muli ang steering wheel paliko.
Muntik na siyang mapasubsob nang may bumangga ulit sa likuran ng sasakyan niya.
One of the cars, went fast deliberately blocking her. Mabuti na lang at nakaiwas siya kung hindi nabangga na niya ito at tumilapon na sa kung saan. She drove fast.
Nasuntok niya ang manibela nang muling gumalaw pahalang ang sasakyan niya dahil muling gumigit ang isang sasakyan.
Agent Rain was right, they really are daredevils. Pinaharurot niya ang sasakyan pero binangga ulit ito kaya nagpaikot ang sasakyan. Nahilo pa siya. Napaangat siya mula sa kinauupuan nang banggain ulit ang sasakyan niya.
"Fvck!" she muttered when the car slid to the side. Nakita niyang bangin ang gilid nang daan kaya mabilis niyang kinabig ang manibela sa kabila ng pagkahilo.
Iniwasan niya ang isa pang sasakyan pero ginitgit ulit siya ng isa pa.
Tumilapon ang sasakyan niya. Pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura niya nang bumagsak ito sa semento. Napatiwarik ang sasakyan. She felt some pain on her leg but she smelled the gasoline. Tumatagas na ang gasoline sa sasakyan.
Masakit ang braso niya at pakiramdam niya ay naipit ang katawan niya. Pilit niyang tinanggal ang seatbelt. Sa kabila ng kirot sa katawan ay pinilit niyang lumabas ng sasakyan.
She tried to stand up when she was able to crawl out of the car but she winced in pain. Nadali yata ang paa niya. She saw blood spurting out from her maong pants.
Naamoy na niya ang gas na tumatagas sasakyan. She tried hard to crawl away from the car. Nanlalabo na ang mga mata niya.
Nakita niyang bumalik ang isang sasakyan kanina at lumabas ang lalaking sakay. She crawled away as fast as she can when she saw him bringing out a gun.
When she heard the bang, she knew righ away what he did. Nagliwanag ang buong paligid kasabay ng pagsabog ng sasakyan.
The heat from the blazing car was searing. Nakadagdag pa ito sa sakit na naramdaman niya sa paa.
Nanlabo ang mga mata niya. For the first time in her career, she wished someone would save her.
Pero hanggang sa nawalan siya ng malay ay walang dumamay sa kanya.
*****
Vanna woke up in an unfamiliar room. Agad niyang kinapa ang sarili. Nakaramdam siya ng kirot sa bandang hita. May ilang gasgas siya sa braso at ramdam niya rin ang nanuyong dugo sa noo. Nabendahan rin ng puting tela ang hita at kitang-kita ang mantsa ng dugo.
She tried to walk towards the door when she noticed that she was alone. Napakagat siya sa labi nang maramdaman ang kirot sa nabendahang bahagi ng hita. She closed her eyes as she pursed her lips. Kinalma niya ang sarili bago muling humakbang. She was about to open the door when it slowly opened. Agad siyang nagtago sa likod ng pintuan.
"Bantayan daw nating mabuti 'yang babae. Malakas ang kutob ni boss na spy 'yan," sambit ng isang lalaki. She inhaled deeply as the man walked in and saw the empty bed. Mabilis niyang dinukot ang pin sa ilalim ng sleeve at agad na itinurok sa lalaki bago pa man makapagsalita.
Narinig niya ang yapak ng lalaking kasama nito kaya mabilis niyang ginamit ang hindi nasugatang paa para patirin ito. The man dropped on the floor. Binunot niya ang isa pang pin at itinurok sa batok nito.
"Shocks," she muttered as she felt the searing pain on her thigh. Gayunpaman pinilit niya pa ring humakbang palabas. Bumuga siya ng malalim na paghinga bago tinahak ang hallway. Sumandal siya sa pader nang papaliko na ang lalakaran dahil nakarinig siya ng yapak.
Pinatid niya ang lalaking lumiko at mabilis na hinawakan ang ulo at pinilipit. She heard the cracking of his neck. Nakita niyang may isa pang lalaking patakbo sa kinaroroonan niya kaya mablis siyang umalerto.
She tried punching the guy but he was fast enough to stop her. She kicked him hard. Nasalag naman agad ito ng lalaki. Napailing siya sa bilis ng reflexes nito kaya naman inambahan niya ito ng suntok at nang akmang iiwas na ito ay mabilis niyang sinipa sa kabilang direksyon. Tumilapon ito sa sahig. Mabilis siyang naglakad palayo. Her forehead creased as she saw bodies of unsconcious men on the hallway. Halatang may nagpatumba na sa mga ito.
She kept walking. Paika-ika ang lakad niya kaya't hindi na siya nagulat nang may humila sa kamay niya. Kamay iyon ng lalaking huli niyang nakalaban.
"Sh!t," she muttered in regret. Tinurukan na lang sana niya ang lalaki ng pin para makatulog. Bakit ba kasi umalis siya agad?
Iwinasiwas niya ang kamay ng lalaki pero mabilis siya nitong napigilan. He locked both her hands on her back. Ang isang kamay nito ay pumulupot sa balikat niya at hinila siya papasok sa loob ng isang pintuan. Her heart started beating fast.
It was a CCTV room. Kita sa monitor ang maraming armadong lalaki na naglalakad sa hallway na pinanggalingan nila.
Hinila siya ng lalaki papunta sa gilid at binuksan ang maliit na bintana.
"Step down the fire exit," he said as he released her. Iniabot nito ang isang baril sa kanya. Her heart beats some more as everything sinks in.
Sa kabila ng kirot sa iba't-ibang parte ng katawan, may sumilay na mumunting ngiti sa kanyang labi.
She carefully went down the fire exit. Nasa ikalimang palapag pala sila ng isang gusali. Sumunod namang bumaba ang lalaki at sinundan siya.
She was careful not to catch any attention as she moved down. Lalo na kapag natatapat siya sa glasswalls. Pero noong makita si agent Mars sa ikalawang palapag na naglalakad at may hawak na baril ay hindi na siya kinabahan. Tumawa pa ito nang barilin niya ang vase malapit rito.
She continued moving down not minding how badly her leg hurts. Noong tatalon na siya dahil nasa dulo na siya ng bakal na hagdan ay inunahan siya ng lalaki saka inalalayang makababa.
Nauna itong naglakad papunta sa kotseng nasa gilid ng daan. Iika-ika naman siyang sumunod.
He stopped and waited for her. Tinanggal nito ang maskara. Her heart thumped faster when she saw the face she'd been yearning to see for weeks.
Yes, she knew it was Cloud. Boses pa lang kanina.
"What?" kunot-noo nitong tanong nang makitang napatulala siya. Her breathing almost hitched.
"T-thank you, boss," she stammered. Cloud smirked at her.
"That's not the proper way to thank your BOSS," he muttered. Napalunok siya nang inisang hakbang nito ang distansiya nila.
Her eyes automatically shut when he pulled her waist. Malakas ang kabog sa dibdib niya nang maramdaman ang paglalapit ng katawan nila.
Then, she felt it. His lips brushed hers.
It was gentle at first. Hanggang sa naging mapusok ito. She found his rythmn when his tongue lunge inside her mouth. Sinabayan niya ang mapusok nitong halik. He tasted mint and cool ice. Hindi pa niya namalayang iniyakap ang mga braso sa leeg nito. Her head was spinning in sensations she couldn't name.
It felt like forever kissing him until she heard a gunshot. Parang dumaan pa ang bala sa gilid ng tainga niya. Agad siyang napabitaw sa binata.
Tumingala siya nang makitang doon ang direksyon ng mata ni Cloud. She saw Liam eyeing both of them on the third floor of the building.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top