Chapter 33: The Boss

It's been days since the meeting. Wala nang narinig si Vanna mula kay Cloud. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi nito sinagot ang tawag. Dalawang beses din siyang nangumusta pero hindi ito nagreply.

She wanted so much to appear in front of him but she controlled herself. Malinaw naman na itinataboy siya nito. It hurts and she's trying so hard not to dwell in it.

Sinubukan niyang mag-focus sa mga missions nila pero pagkatapos no'n babalik ulit ang kahungkagan na nararamdaman niya. Her life without Cloud's presence felt so empty.

She shrugged Cloud off her mind as she clutches her guns. She wore her hi-cut boots. Naka-black leggings siya at tight-fitting white blouse na pinatungan niya ng black leather jacket para itago ang mga nakasukbit na baril sa bandang likuran. Nakatago naman ang mga pins niya sa nakapusod na buhok. Her boots also has secret pockets where she hid some knives just in case.

Pupunta kasi sila sa isang raid. It's a drug den along Pasay. A high ranking official owns the said building. There is also a report that the basement of the building is used as stock area of high powered guns.

Wind was able to infiltrate the group. Nauna na ito roon at bibigyan na lang sila ng go signal kapag libre na silang pumasok. Wind is also positioned on a building nearby.

Magkasabay silang pumunta ni agent Mars sa naturang lugar. Ayon kay Wind, may gaganaping party sa isang floor at open ang droga para sa lahat. Hindi pa rin talaga maalis-alis ang problemang ito ng bansa. Minsan naiinis na rin siya.

Nakita nilang paisa-isang nagsisidatingan ang mga tao at may iniaabot na passes sa guardiya. They've been there for almost an hour.

Nang hindi na nila mahintay ang go signal ng kasamahan, pumuwesto sila ni Mars sa madilim na parte ng parking area. Nang may dumating na dalawang guests, agad nilang tinurukan ang mga ito ng pins para makatulog. They took their passes and headed right away to the building.

Hindi sila nagpahalata nang iabot ang passes sa guwardiya. They were ushered to the 5th floor of the 15-storey building.

Napailing silang dalawa nang makita ang pinasukang bar area ng gusali. It looks like a high end bar kaya lang kanya-kanya ang mga guests, may umiinom, may naninigarilyo, may nagpa-pot session. Nakita pa nila ang ilang bartenders na may hinahalo sa mga inumin. Most of the guests are social elites. The music is rough and wild.

"Anong klaseng demonyo ang nagpapatakbo ng ganitong lugar?" inis niyang bulong kay agent Mars.

"Kapag nakita ko, babalatan ko ng buhay," tugon naman nito. Napangisi na lamang siya. Naghiwalay sila para siyasatin ang lugar. Umakyat siya sa balcony area samantalang si agent Mars naman ay nag-ikot-ikot sa baba. She was careful not to drink anything that the waiters are serving. Baka may halo kasi itong droga.

"Star, what the fvck are you doing inside?" rinig niyang saad ni Liam mula sa headset niya pero hindi niya pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paggala sa loob baka sakaling makita ang may-ari ng lugar.

"Star!" sambit ng kapatid niya.

"Ang bagal n'yo kasi," rinig niyang tugon ni Mars sa linya. Her brother just sighed.

Hindi nagtagal narinig na niyang pinapasok na rin ng mga kasamahan ang lugar. She could hear them fist fighting. Mabilis naman niyang iginala ang paningin at binilang kung ilan ang bouncers sa loob ng lugar at kung saan-saan ang mga ito nakapuwesto. All of them are armed.

Napatigil siya panandalian nang tumigil ang music sa loob at may nagsalita sa mikropono.

"Pinasok tayo, everybody proceed to door 3," anunsyo ng isang lalaki sa mikropono. Agad na nagsitayuan ang mga tao. Ilan sa mga ito ay lango na at akay na ng mga kasamahan.

Nang makita niyang magsitakbuhan ang mga ito sa isang pintuan sa gilid ay agad niyang hinanap ang safety switch sa loob. Sinalungat niya ang direksyon ng mga taong pababa ng balcony. Nang makita ang hinahanap ay agad niyang pinatay ang lahat ng ilaw.

Nag-ingay ang mga tao sa loob. Marami ang nagbukas ng mga cellphones. Ang mga bouncers naman ay agad na nag-flashlight. Mabuti at nakapagtago siya nang mailawan ang kinatatayuan niya. She immediately attacked the person who tried to switch on the lights. Kasabay ang pag-iingay ng mga tao ay ang pag-atake niya sa mga lalaking nakahawak ng flashlights. She used her pins to sedate them.

Agad niyang sinalubong at sinipa ang lalaking paakyat ng hagdanan. Nakababa na kasi ang karamihan sa nasa balcony. Narinig niya ang lagutok ng buto na tumama sa semento. Naghiyawan din ang ilang natamaan ng katawan ng lalaki.

Natanawan niya si Mars na nakikipagpalitan na rin ng suntok at sipa sa mga lalaki nang mailawan ang tinutukoy na exit door kanina. Naisara pala nito ang pinto kaya't wala ni isa pang nakalalabas sa lugar.

Agad siyang sumingit sa mga tao para tulungan ang kasamahan. Agad niyang sinipa ang kamay ng isang lalaki nang makitang akmang babarilin nito ang kaibigan. Binunot niya ang kutsilyo at itinurok sa lalamunan nito bago tinadyakan ng malakas sa tiyan sanhi para tumilapon ito.

She was fighting another man when the lights turned on. Nakita niyang hila-hila ng isang lalaki si Mars. She had no other choice but bring out her gun.

She shoot the man. Kasabay noon ay ang pag-iwas niya sa bala na tatama rin sana sa kanya. Hinila niya ang isang lalaking lango sa droga at ginawang shield habang isa-isang binaril ang mga lalaking bumabaril sa kanya. She walked towards the bar counter. Nasulyapan niyang nakikipagbarilan na rin ang kasamahan. Ang mga tao naman ay nagkanya-kanyang tago sa mga lamesa at upuan.

She jumped and rolled as she pushed her human shield. Tadtad na ito ng bala. Nagtago siya sa likod ng bar counter.

Habang nakikipagpalitan sila ng putok parang-unti unti namang dumarami ang kalaban.

"We underestimated their number," she muttered on the line.

"May tama ako," agent Mars uttered. Parang nahihirapan pa itong nagsalita.

"What!?!" halos mabingi siya sa lakas ng boses ni Fire sa linya.

Nagpalit siya ng magazine kasabay ng pag-iingay naman ng putok ng baril sa kinaroroonan niya. She gritted her teeth as she stood up. Inasinta niya ang mga bumabaril sa kanya. She was able to wipe all of them but she failed to see the men near her. Naramdaman na lamang niya ang pagtama ng sapatos sa kamay niya kasabay ng pagbagsak ng baril niya. Two men held her hand and dragged her towards the exit.

"Saan n'yo ako dadalhin?" matapang niyang tanong habang kumakawala. She wanted to let her companions knew she was being captured.

Isinakay siya ng mga ito sa elevator pataas. She was thinking of ways on how to escape as the elevator moves up.

Nagulat siya nang bumagsak ang dalawang lalaki pagbukas pa lamang ng elevator.

"C-cloud?" sambit niya nang makita ang lalaking bumaril sa dalawa. He was holding guns on both hands. Pumasok ito at pinindot ang B2. He lazily looked at her.

"Where are the others?" tanong nito.

"Paakyat na sila kanina sa 5th floor," tugon niya rito. She suddenly felt nervous. Mas ninerbyos pa nga siya ngayong kasama niya ang binata kaysa noong hawak siya ng dalawang lalaki.

Hindi na ito nagsalita. He impatiently stared at the elevator buttons going down.

"Cloud," kuha niya sa atensyon nito. Tumingin naman ito sa kanya. His forehead creased.

"Is that how you address your superior?" walang emosyon nitong tanong sa kanya. She swallowed hard. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa sarili.

Her colleagues address him as "boss" but she never did the same.

"Sorry b-boss," she muttered. "Magpapasalamat lang sana ako sa pagligtas mo sa 'kin," sambit na lamang niya.

He didn't answer. Ibinalik nito ang tingin sa elevator buttons.

"Tell them to go right away to basement 2 after clearing the area," sambit nito matapos ang ilang segundo.

"Yes boss," tugon niya. Naasiwa pa siya. She's not used to calling him boss. Saglit itong tumingin sa repleksyon niya sa salamin pero agad ding binawi.

She spoke on her headset and told everyone to follow at the basement.

Nang makarating sila sa basement, saka ulit ito nagsalita.

"Dito ako dadaan, doon ka sa kabila," utos nito nang makalabas sila. Her breathing hitched when his hand reached for her.

"Just speak if you need rescue," sambit nito. Nakita niya ang naiwang maliit na pin sa baba ng collar niya. Naglagay lang pala ng mic.

"Sige boss," tugon na lamang niya. Cloud looked at her for a moment. His face is void of any emotion. Tumango ito bago tumalikod at naglakad na sa ibang direksyon. Naiiling na lamang siyang naglakad.

She tried to concentrate on the operation.

The basement is full of massive deadly weapons. Inasmuch as possible she didn't want to create commotion. Isang kalabit lang kasi ng machine gun, sasabog ang mga patong-patong nab aril at ammunitions. She discreetly sedated the men she encountered inside. Kaya lang may nakakita sa kanya kaya nagsimula na ang putukan.

Patago-tago siya sa mga bariles at salansan ng mga baril habang nakikipagpalitan ng putok. Hindi siya nawawalan ng armas dahil panaka-naka siyang pumupulot ng baril mula sa mga nakalaban. The basement is too wide. Pakiramdam niya ay wala itong hangganan. May mga pader ito na nagsisilbing dividers sa bawat sections ng iba't-ibang klaseng baril.

She jumped and rolled when she saw a high powered gun aiming at her direksyon. Sumabog ang pinagtataguan niyang bariles. Nabingi pa siya sa lakas ng putok. Patakbo-takbo siya hanggang sa dumami na ang kasamang nakikipagbakbakan. Naramdaman na lamang niya na may katabi na siya sa pakikipagbarilan nang mapasandal siya sa pader.

It was Cristina.

"Nasaan ang tama mo?" takang tanong niya rito nang makitang maayos naman ito. Tinanggal nito ang headset bago sumagot.

"Daplis lang," natatawa nitong tugon. Ipinakita nito ang braso na may benda.

"Nilagay ni Fire," nakangisi nitong sambit.

"Papansin ka talaga," natatawa naman niyang tugon. Tumawa lang ito. Nanatili na lang sila roon dahil paunti-unti na lang ang naririnig nilang putukan. Hinintay nilang tumigil ang putukan at lumabas ang mga kasamahan.

She was hoping to see Cloud after the chaos but he was no longer inside the basement.

Hindi rin nagtanong ang mga kasamahan kaya hindi niya sigurado kung nagpaalam ito sa mga kasamahang lalaki. Nahiya na din siyang nagtanong.





*****

Hapon kinabukasan na nang pumunta sila sa opisina para sa full report ng insidente. Cloud was busy on his laptop when she arrived. Kinailangan pa niyang tumikhim para kunin ang atensyon nito.

"Boss, ito na 'yong part ng report ko," sambit niya rito. She mentally reminded herself NOT to call him Cloud. She tried to calm down when he glanced at her.

"Just put it there," tugon naman ito. Kasabay naman no'n ay ang pagpasok ng mga kasamahan na may dala-dalang inumin at kahon ng pizza.

Akala niya ay nauna siya, kumuha lang yata ang mga ito ng snacks.

"Boss, nandito na ang---" Cristina wasn't able to continue when Cloud's eyebrows furrowed.

"I mean SIR, nandito na 'yong snacks natin," nakangiti nitong saad.

"B-, ehemm, sir ano'ng next agenda natin?" tanong naman ni Wind na umupo na sa isang silya sa conference table. The rest of the team sat down around the conference table.

As usual, Cloud never even glanced at her side. Natapos ang meeting na naguguluhan siya kung bakit biglang naging sir ang tawag ng mga kasamahan kay Cloud.

"Bakit sir kayo ng sir?" bulong niya kay Cristina nang patayo na sila mula sa kinauupuan.

"Nahanginan yata kagabi, ayaw patawag ng boss, 'yon ang bungad sa 'min kanina," Cristina chuckled.

Her forehead creased as her eyebrows furrowed.

Didn't she just call him boss a while back? Bakit hindi siya sinaway nito?

A small smile appeared her lips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top