Chapter 24: More Clouded
"What do you wanna know?" tanong ni Vanna nang makaupo ang kaibigan.
"What's with you and agent Rain?" diretsong tanong ng kaibigan sa kanya.
"What's with us?" she asked nonchalantly.
"May tension. I felt it. Sino siya sa buhay mo? Ex mo na iniyakan mo tapos pinabalik ni boss para makaganti sa 'yo?"
Napakunot-noo siya sa pinagsasabi ng kaibigan. Natawa siya ng mahina.
"He's my twin brother. May ginawa lang siyang hindi ko nagustuhan kaya naiinis ako," aniya. Kunot-noong tumitig sa kanya ang kaibigan at inarok ang katotohanan sa sinabi niya.
"Weh?" taas-kilay pa nitong sambit. Nailing na lang siya bago pinaandar ang sasakyan. Wala ba talaga silang gahiblang resemblance ni Von Liam?
"We're five siblings. 'Yong triplets saka kami ni Von Liam," sambit niya.
"Seryoso? 'Di kayo magkamukha," komento naman nito.
"Let's not talk about him," pagtatapos niya sa pagtatanong ng kaibigan. Nakuha naman agad yata nito na seryoso siya kaya hindi na ito muling nagsalita pa.
"Saan kita ihahatid?" tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
"I actually want to tell you something kaya kita sinundan," tugon naman nito. Wala rin naman siyang pupuntahan kaya kinabig muna niya ang manibela at ipinasok sa parking area ng isang coffee shop.
Cristina didn't talk until their orders arrived. They both ordered large milktea and a pan of Swedish cheese stuffed bread each. Gano'n sila kalakas kumain kahit na 'di masyadong kalakihan ang katawan nila pareho. They both have high metabolism.
"Ano 'yong sasabihin mo?" tanong niya bago nito umpisahang kumain.
"Ano ba'ng uunahin kong sabihin?" natatawa nitong sambit. Nagkibit-balikat naman siya.
"Si boss kasi mukhang galit 'di lang sa 'yo pati sa akin kaya yata tayo dine-demote," natatawa nitong saad. She actually felt demoted, too, for being a spare tire in Rain's team.
"What made you say so?" tanong na lamang niya. Nagi-guilty rin siya na nadamay ang kaibigan dahil sa kanya.
Huminga naman ito ng malalim bago tumitig sa kanya.
"Kasi noong gabi na huhulihin namin si Mr. Lee, noong tinutudyo kita na namimiss mo si singkit?" She bit her lower lip before continuing.
"Hindi talaga ikaw ang tinutudyo ko, si Boss. Kasama kasi namin siya noong kausap kita," kuwento nito. Her forehead creased. She didn't know that. Paano nga naman niya malalaman, naka-concentrate siya ng mga panahong iyon kay Clyde. She inhaled deeply remembering Clyde's face while sleeping.
"Joke ko lang naman kasi iyon pero mukhang na-badtrip talaga siya tapos narinig pa namin na nandoon pala si Clyde sa party," dugtong ng kaibigan.
Her mic and speakers were on during that time. Malamang ay narinig ng mga ito nang ipakilala ng daddy niya ang maglolo.
"Worst, narinig pa niya noong tinanong ng Daddy mo na, what's with the Lee?" pagpapatuloy nito. Napalunok siya at inalala ang eksenang iyon. She could even imagine Cloud's jaw clenching.
"So parang pati Daddy mo napansin ang malagkit na tinginan ninyo ni Clyde?" natatawa nitong dagdag. Kahit nag-alala ay may himig panunudyo pa rin sa tinig nito. Cristina will always be Cristina.
"Bakit mo naman nasabing nagalit siya dahil doon?" tanong niya rito.
"Bigla kasing umalis. Akala nga namin pinuntahan ka niya," tugon ng kaibigan. Napailing siya. She tried to remember everything that happened that night.
Is it possible that he saw Clyde kissing her?
'Yong tao sa loob ng hotel suite noong may narinig siyang kaluskos, was it Cloud?
Kaya ba bigla na lang itong sumulpot pagbaba niya ng hotel?
Pinagpawisan siya sa naisip. Is that why he's acting cold?
She reached for her milktea and sipped. Halos nangalahati ang laman bago siya tumigil sa pag-inom. Nanahimik din pansamantala ang kaibigan.
"Ano pa 'yong sasabihin mo?" Tanong niya sa kabigan para maiba ang usapan.
"I found an expert hacker better than Wind," she said with a smile. Natigilan siya sa sinabi nito. Nawala na sa isip niya ang bagay na iyon.
She later inhaled deeply and signaled her to go on.
"Her name's Jade Chimera Blythe. She's not connected to the agency," Cristina reported. She actually asked her to find a hacker better than Wind and has no connection to the agency for an important job.
Humugot ulit siya ng malalim na paghinga. Bakit pakiramdam niya sa ngayon ay hindi na importante ang nakaplano niyang ipagawa sa hacker?
"How did you know about her?" tanong niya sa kaibigan.
Lumapit ito sa kanya saglit.
"I broke into Wind's house," bulong nito bago bumalik sa pagkakaupo. Hindi na siya nagtaka kung napasok nito ang bahay ng kasamahan. They are equally good in terms of breaking in someone else's property.
"I figured since wala tayong mahanap na mas magaling sa kanya pwede kong pag-aralan kung ano ang ginagawa niya kaya hinanap ko yung work place niya," hayag ng kaibigan.
"I found one room in his house," she added. Napangisi siya sa sinabi ng kaibigan. This is what she likes about agent Mars, once you asked her to do something, she does possible ways to make it happen.
"Tapos nakita ko kung paano nag-bug down yung buong system niya for a minute. I tried to trace the IP address before it went normal." She even imagined Wind's workplace with a lot of computers, gadgets pinned on the walls, hologram platforms as Cristina narrated.
"For someone to hack Wind's system, she must be better than him. She may help us hack Statistics office around the globe."
Huminga siya ng malalim nang tumimo sa isip niya ang nakaplano sana niyang ipagawa sa hacker. Naumpisahan na nila iyon kaya lang ay nahihirapan sila dahil may mga assignments din silang kailangang atupagin.
"Nakailang bansa ka na?" tanong niya sa kaibigan.
"Sampung countries pa lang sa Europe. Ikaw?" balik-tanong nito. She heaved a sigh.
"Still in Southeast Asia. Hindi ko talaga ma-hack yung ibang mga bansa. Nakapagtataka talaga na PSA lang 'di ko pa ma-hack. Parang may humaharang agad," sambit niya.
Sandali namang nag-isip ang kaibigan.
"Why don't you just ask Mother Universe to undo everything? Di ba sabi mo baka siya ang may pakana nito? Diretsahin mo na," suhestiyon nito. Napabuntong-hininga siya.
"Hindi nga niya siniseryoso ang mga paratang ko," she answered helplessly.
Cristina inhaled deeply.
"Sigurado k aba talagang walang kinalaman dito si boss?" nag-aalangan nitong tanong. She automatically shook her head.
"Cloud can't do such thing," she muttered.
"Eh bakit humihingi pa siya ng one year chance bago pakiusapan ang ina na tanggalin ang mga records?" nagugulumihang sambit ng kaibigan. Ilang beses na itong iginigiit ni Cristina pero hindi talaga niya magawang isipin na gagawin iyon sa kanya ni Cloud. She knew him too well.
"He's just hopeful," she said inhaling deeply. Ewan niya kung bakit hindi niya magawang magalit kay Cloud dahil doon. Siguro ay dahil alam niyang kahit kailan hindi kasalanan ng anak ang ano mang kasalanan ng magulang.
"Ang laki naman pala ng tiwala mo eh. Bakit hindi niyo na lang totoha-,"
"Stop!" she muttered cutting Cristina. Napalunok naman ito bago uminom ng milktea.
"I mean give the one year cha--,"
She glared at Cristina making her stop again. Napatigil naman ito at napainom na lang ulit.
They continued eating and didn't talk about it anymore.
"Give the address of Jade Chimera Blythe, ako na lang ang kakausap kapag ready na ako sa ipapagawa ko," saad niya sa kaibigan. The latter sent her the details on her personal number.
Inihatid niya ang kaibigan sa bahay nito bago dumalaw sa isang orphanage. She went home after. However, just before dinner, she decided to go to Cloud's house. Hindi kasi siya matahimik hangga't 'di sila nagkakausap ng maayos.
Wala si Cloud sa basement kaya umakyat siya sa second floor at tiningnan sa mini-gym nito. He was doing his push-up routines when she saw him. Cloud usually do 1000 push-ups everyday. Kung hindi nito nagagawa sa umaga, ginagawa nito sa gabi.
She swallowed hard as she saw his sweat dripping on his naked upper body. His toned muscles and abs shout masculinity in every sense of the word. Napailing siya sa naisip. That idea is too sexist.
"What do you need?" Cloud asked without stopping from his routine. He finally noticed her standing by the doorway. Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan nito.
"About what I said yesterday," she said. Kinailangan pa niyang kumapit sa treadmill na nasa tabi dahil bigla na lang siyang kinabahan.
"Forget it, Vanna," he muttered in between breaths. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya sa sinabi nito.
Hindi ba't sinabi nito kahapon na hindi na niya kailangang pag-isipan ang bagay na iyon? Bakit ba kasi ang kulit niya?
"Please leave. Marami pa akong gagawin pagkatapos nito. Hindi kita mahaharap." Saad nito.
Hindi siya agad nakagalaw. She bit the insides of her lower lip. That was a double kill on her part.
"Please leave," he repated in a louder tone when she didn't move. Agad pa siyang napaatras.
"Na-didistract ako sa pagbibilang dahil sa 'yo," rinig niyang sambit nito pagtalikod niya. Napalingon pa siya at nakitang itinuloy nito ang ginagawang push-ups.
"286," he muttered as made another push-up. Napailing siya. It was the same number she heard the moment she stepped inside.
"It's already 309," she said before turning away.
Mabibigat ang paa niyang bumaba sa basement.
She was about to turn to the hallway exit when she changed her mind.
She already made a decision. Hindi siya puwedeng umalis hangga't hindi nililinaw ang lahat kay Cloud. She might've said something derogatory to him or acted like pushig him away but the last thing she wants is to create distance between them.
Cloud will still be that one close person she doesn't want to stay out of her life despite all the confusions.
She went inside Cloud's room, removed her boots and put them on the shoe rack. She slipped on a yellow fury slippers with a star design. Iyon ang ginagamit niya kapag nakikitulog dito sa bahay ni Cloud.
She stepped towards the bed. As soon as she lay her back on the soft bed with his familiar scent, she felt all the weariness she haven't felt for the last few days. It didn't take three minutes before she dozed off.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top