Chapter 2: Brown Eyes
"The kids are at school from 9AM to 3PM, so you must be here at 4PM to start the tutorial," the old man was giving instructions and Vanna Lei pretended to be listening but her attention is lurking around the house.
Tinitingnan niyang maigi kung saan-saan nakalagay ang mga surveillance cameras sa loob ng kabahayan. She immediately recognized where they are situated. Mayroon sa apat na sulok ng kisame, mayroon pa sa loob ng glass cabinet, sa isang figurine sa gilid. Lahat ng anggulo ng living room ay kuhang-kuha.
May nakita pa siya sa bandang ibaba sa pinakagilid ng salamin sa pader. Hindi ito mapapansin ng ordinaryong tao lang pero kung eksperto sa mga ganoong bagay shade pa lang ng glass mahahalata nang may hidden camera sa likod nito.
She nods and smiles from time to time to show that she was listening.
She felt a little uneasy. Nakatingin pa rin kasi ang lalaking sumundo sa kanya sa gate kanina. Hindi niya sigurado kung inoobserbahan din nito ang galaw niya.
"This is my grandson Dexter Clyde Lee," pakilala ng matanda sa lalaki. The man extended his hand.
Napalunok siya bago inabot ang kamay nito. Pareho pa yata ng second name niya ang surname nito, redundant na yata kapag kinabit sa pangalan niya, Vanna Lei Lee.
"Lacy Elejorde," she muttered shyly before her mind would travel somewhere else.
Napatitig siya rito nang bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. His hand is as rough as hers. If it was another guy in a different time, she would have grabbed him and gave him a blow, but she had to act like a tamed teacher.
Nginitian niya ito ng tipid bago marahang binawi ang kamay, parang ayaw pa nitong bitawan noong una. His lips pursed and curved a little. She thought for a while the guy was smirking. Kung ibang lalaki talaga baka nayabangan na talaga siya pero baka nga gano'n lang ito ngumiti.
Ther attention was drawn to the kids moving down the stairs with two men beside them. Kahit sa loob ng bahay ay guwardyado pa ang mga ito. She saw few guards around while they were walking towards the house. Ilan sa mga iyon ay ipinadala ni Cloud pero walang kaide-ideya ang lahat na pati siya ay kasama sa security at investigation team.
She smiled at the twins walking down the stairs. Naalala niya ang kabataan nila ng kakambal niyang si Von Liam. Babae at lalaki rin kasi ang mga bata.
She averted her gaze when her heart felt sad looking at their lonely eyes. Naalala niyang ulila na pala ang kambal. Their mother was killed two years ago and lately it was their father. Huminga siya ng malalim. She's not supposed to feel anything when she's on a mission, but she can't help it. She has a heart for kids especially those without parents.
She momentarily closed her eyes before looking at the kids again.
"Hello," she greeted with a smile. The kids didn't respond. Huminga siya ng malalim bago ibinalik ang tingin sa matanda.
"They will get used to your presence, don't worry," ngumiti ng tipid ang matanda. The old man acts nice but his strict aura is evident. Nginitian na lang din niya ito bilang sagot.
Pagkatapos siyang binigyan ng ilan pang paalala, iginiya na siya sa study room sa ikalawang palapag. Nasa unahan ang dalawang bata kasama ng mga body guards ng mga ito. Her eyes are wandering around the wide hallway as they walk. Pansin niyang may kalumaan na ang surveillance camera sa second floor. She could hit it with a pin and the video would get static. Matagal na niyang na-aaral kung paano iyon patigilin. The newest version would need the server and database to manipulate, the old ones may be intercepted with just a wire click.
"Lacy."
Napasinghap pa siya nang marinig ang boses ng binata mula sa kanyang likuran. Nagsisi siyang napatigil sa paglalakad dahil saktong nasa likuran niya si Dexter Clyde. She could smell his scent. He smells cool and soothing that she even forced herself not to close her eyes.
"Your eyes keep roaming around," bulong ng binata. She didn't know why it sounded like a warning. Kulang na lang ay tayuan siya ng balahibo. Though his voice isn't stern, something is menacing in it that she couldn't pinpoint.
"Ahm," she turned around to look at the man with a blank expression.
Shit. She silently cursed. Sa lahat ng undercover missions niya, hindi pa siya napaghihinalaan sa mga unang araw ng pagpapanggap niya, ito ang unang beses kung sakali. Did her eyes give her away? What the heck?
Pinigilan niyang mapalunok nang bahagyang umangat ang sulok ng labi ng binata.
"Don't worry. Those cameras are for security purposes. We won't sell you," he stated. Nakahinga pa siya ng maluwag. Akala niya ay pinaghihinalaan na siya nito na espiya. Well, if it happened then he is no ordinary man. Kung sakali ay baka tama ang hinala ni Cloud na ito rin ang nagpapatay sa sariling kapatid.
Pinamulahan siya nang tumawa ito ng mahina.
"You should see your facial expression, you look so relieved." His chuckles filled the hallway. Hindi na lamang siya nagsalita at nahihiyang tumungo. Mas mabuti nang gano'n ang iniisip nito. Her naïve façade is working so well.
Nagpatianod siya nang tunguhin nila ang isang silid sa gilid.
They were already inside the study room when she heard a ring. Hindi siya tumingin sa binata nang makipag-usap ito sa telepono. His low and soft voice resounded.
"Lacy."
Nagulat pa siya nang makitang nasa tabi na naman niya ito. Parang mas lalo itong gumuguwapo kapag tinititigan lalo na sa malapitan.
"Stop looking at the cameras around," sambit nito. Umangat na naman ang sulok ng labi nito. She was a bit disoriented. Ano ba ang ibig nitong sabihin?
Her breathing hitched a little when he leaned his face closer to hers.
"I don't want the security watchers to stare at your brown eyes, baby," he muttered with a mischievous smile. Parang naumid ang dila niya at hindi na nakasagot pa sa pahayag nito.
"Iwan n'yo na sila," utos nito sa dalawang guwardiya at hinintay ang mga itong lumabas bago muling humarap sa kanya.
"Your eyes reminds me of my first love," he whispered before moving a step back and completely turning away.
For the second time, she was left dumbfounded.
She heaved a sigh before drawing her attention to the twins. The kids are already in 3rd grade.
She kept talking but the two are just silently staring at her. Mabuti na lang kapag nagtatanong siya kung anong subjects ang pinakagusto at pinakaayaw ay sumasagot naman ang mga ito.
Noong tinanong niya ang ginagamit ng mga itong libro sa school ay maagap naman ng mga itong tumayo at kinuha ang mga libro sa shelf.
Pinasadahan niya rin ng tingin ang mga notepads ng mga bata at ang ginagamit na ipad para sa mga ebooks at iba pang school exercises.
The girl's name is Cherine and the boy is Devine. Hindi niya makausap ang mga ito ng maayos dahil mukhang asiwa pa ang mga ito sa kanya at madalas lang na nakatulala sa mukha niya.
"So we'll just start the tutorial tomorrow," nakangiti niyang saad sa mga ito. Tumango lang ang kambal. Binilinan niya ang mga itong i-takenote ang mga assignments.
"Lalabas na ako, sasabay ba kayo sa akin?" tanong niya nang hindi tumayo ang mga ito mula sa kinauupuan. Nagkatinginan ang magkapatid bago magkasabay na ring tumayo. They walked out the study room. Tumigil si Cherine sa tapat ng isang pinto at nagpaalam na papasok na sa room nito.
Napatingin siya kay Devine nang tumigil din ito sa harap ng sumunod na pinto.
"Is that your room? Papasok ka na rin?" Nakangiti niyang tanong rito. Marahang tumango ang bata bago ngumiti ng tipid.
For a moment, she thought she was seeing Dexter Clyde's younger face. Napakurap pa siya. Nginitian na lang niya ang bata bago naglakad patungo sa direksyon ng hagdan.
"Miss Lacy." Napatingin siya sa bata nang tawagin siya nito. Nakangiti ulit ito sa kanya. He seem to overcome his shyness towards her that quick.
"You have the same eyes as my mom," saad nito bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto nito.
She was static for good five seconds before moving a step towards the stairs.
"Your eyes reminds me of my first love."
"You have the same eyes as my mom."
"Your eyes reminds me of my first love."
"You have the same eyes as my mom."
She shook her head as she went down. An idea popped inside her head but it's too early to conclude.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top