Chapter 15: Vanna's Nightmare

Vanna and Klein were able to talk that night before they slept beside each other on the not-so-small bed of the apartment unit. Ipinaalala nito ang natitirang araw para tapusin ang misyong iyon.

So, when Vanna went to the Lee's residence the following day, she made a way on how to sneak in to the third floor.

Cristina monitored the CCTV footages. Ilang minuto matapos makapasok sa kuwarto si Clyde ay saka siya nagmadaling umakyat sa taas.

"Show me who's star," nanunudyo pang hamon ni Mars sa linya nang lapitan niya ang pintuang sadya niya. She's been figuring out how to open the door since this morning. Alam niyang hindi ito nagbubukas kahit anong gawin sa seradura.

She took out her lucky pin. Kinapa niya ang gilid ng pinto kung saan pakiwari niya ay nakarugtong sa pader. She swiped her palm. Nakaipit ang pin sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. She traced the edge of the door using the pin.

"Whew," she heard Cristina whistled on the line when the door blinked. A red ray of light passed through the edges. Kasabay no'n ang pag-slide ng steel metal door.

"Bingo," she muttered to herself. It looks like a wooden door but it actually is a steel door.

She gasped when she saw what's inside. It has an array of glass cabinets with different high-powered guns and ammunitions. Mula sa pinaka-maliit hanggang sa pinakamalaki. The old man is a not legal gun distributor or manufacturer so it is against the law to store those weapons inside his residence.

She pursed her lips and tried to calm herself. Nakita niya na sa isang side naman ng pader ay layers ng gold bars at sa kabila ay bungkos-bungkos na pera.

She was about move one step forward when the alarm blinked. Mabuti na lang nabawi niya agad ang paa kaya tumigil din ito.

Kasabay no'n ay ang pagkarinig niya ng salitang "Shit!" mula kay Cristina. She just knew something must be wrong.

"Napatayo 'yong matanda," sambit nito. She knew the old man is downstairs. Sinabi na iyon ni Cristina kanina. That was swift. Wala pang tatlong segundo mula nang mabuksan ang pintuan. She immediately swiped the pin on the metal door to close it.

"Star, paakyat 'yong matanda at mga guards niya. Find a way out," sambit nito. Napatingin siya sa kaliwa't kanan. There is no way out. Kung kakanan siya, dead end na sa dulo ng hallway kapag naman sa kaliwa siya, makakasalubong niya ang mga ito.

"You only have three seconds, Star," Cristina reminded.

"Two," wika nito. Kinabahan siya. Sobrang bilis naman ng mga ito. She had no other choice but to open the door in front of her and went it.

Maghahanap pa lang sana siya ng pagtataguan nang biglang lumabas mula sa banyo si Clyde. Nagulat pa ito nang makita siyang nakatayo sa likod ng nakapinid na pintuan. Sa lahat ng pintuan, kuwarto pa talaga ng binata ang napasok niya.

"Sorry kuwarto mo pala 'to," hingi niya ng paumanhin.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo naman nitong tanong. His stare was suspicious.

She swallowed hard when she noticed his naked upper body. Nakatapi lang ito ng tuwalya. His chest is dripping wet.

She cursed on her mind.

"M-may sasabihin kasi sana ako sa 'yo kaya sinubukan kitang puntahan dito sa third floor. It was stupid, hindi ko kasi alam kung saang pinto kakatok," she tried hard to act calm but she can't.

She averted her gaze from his body and look at him in the face instead. She promised herself not to get affected again by his presence but what is this?

Well, she didn't expect the abs. Haha.

"So babalik sana ako sa baba kaso nakita kong paakyat ang lolo mo kaya bumalik ako, nahihiya kasi akong makita niya dito sa taas," she bit her lower lip trying to convince him.

"Ito lang ang hindi naka-lock sa lahat ng pinto kaya dito ko naisipang magtago," alibi niya.

"Grandpa?" sambit naman nito. From suspicion, his expression changed. Lumapit ito sa kanya.

"Mabuti naman at 'di ka nagpakita. C'mon, stay here." Agad nitong hinawakan ang kamay niya at iginiya paupo sa kama. She could feel his agitation.

Ano bang mayroon sa matanda? Is he really that dangerous?

It wasn't long before they heard loud knocks on the door. Nagkatinginan sila nang marinig ang malakas na boses ng matanda habang kumakatok. He was yelling, "Clyde open the door!"

"Anong gagawin natin?" tanong niya rito nang maupo na rin sa kama.

Magbato-bato pick kayo, bes. She almost rolled her eyes hearing Cristina butted on the line. Tiningnan na lamang niya ang binata para ignorahin ang sinabi ng kaibigan.

"Lie down, baby," nakangiting tugon ni Clyde.

Nagsalubong ang kilay niya. Ngiting-ngiti pa kasi ito.

Hala. Sambit pa ni Cristina sa linya. She wanted so much to turn off the device but Clyde would notice it for sure.

Hindi niya naiwasang mapatingin sa katawan ng binatang kaharap. She uttered a short prayer when her eyes landed on the bulging part just below his waist.

Dahan-dahan siyang umatras. When she's already half the bed, Clyde pushed her down.

"Hey, what are you doing?" she asked with a creased forehead. Clyde gave her a naughty smile.

"It would be called rape if you resist," he stated. His eyes glimmered.

Sa halip na mainis o makaramdam ng kaba ay natawa pa siya. She knew that she promised herself not to be affected by the fast beating of her heart anymore but she can't help it. The man is a living charm.

Hinila nito ang comforter sa ilalim.

"Hey Clyde, stand up," she wriggled a little. Natawa ito ng mahina sa ginawa niya.

"Do you really want me to stand?" he asked grinning. Ibinaba nito ang paningin sa towel na nakapulupot sa baywang nito. Natatanggal na ang pagkakabuhol sa tagiliran nito.

"Crazy," she muttered with a soft chuckle. Dapat nababastusan siya rito pero sa halip ay natatawa pa siya sa kalokohan nito.

Clyde lifted the comforter and covered her body.

Itinaas nito hanggang sa matakpan ang katawan niya hanggang leeg. Napalunok siya. Kasabay no'n ay ang biglang pagbukas ng pintuan.

His grandfather stood there as he stared at them. Siya ang mismong nakaharap sa matanda kaya kitang-kita niya ang matapang nitong awra.

"What do you need?" Clyde asked without looking at the old man. Napatingin naman ang matanda sa kanya. Dahan-dahang napalis ang matapang nitong titig.

"Nothing. Sorry to disturb you. Mag-lock kasi kayo," tugon nito bago isinarado ang pinto.

Matagal sila sa ganoong posisyon bago umayos ng upo ang binata.

Ano bang ginagawa ninyo? Rinig niya ang mahihinang tawa ni agent Mars sa linya. Parang nagpipigil pa ito ng malakas na pagtawa.

She wanted so much to answer but she can't.

"Dito muna tayo sa loob," saad ni Clyde.

"Bakit? Ano bang mayroon sa lolo mo? May dapat ba akong ikatakot?" tanong niya rito. Clyde stared at her for a moment. Nag-isip ito ng malalim.

She almost cursed realizing how exaggerated her questions were. Parang may pinanggagalingan ang mga naging tanong niya.

"Akala ko ba nahihiya ka na makita ka niya rito sa taas? Bakit parang hindi ka naman nahihiya na nakita niya tayo sa loob ng kuwarto ko?" natatawa nitong wika.

Pinamulahan siya sa narinig.

"Oh my scarlet star," he teased when he saw her reaction.

She didn't speak. Her heart beats fast as she hunt for words inside her head but nothing seems to register.

She shake her head a moment later when she noticed that she was pouting at him. This guy has ways of bringing out different reactions from her which she doesn't usually show.

"Bakit ayaw mo akong lumabas agad?" tanong niya nang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya. Clyde grinned.

"Nothing I just want you here in my bed," he answered with a chuckle.

"Crazy," she hissed. Mas lalo naman itong napatawa. Tinanggal niya ang comforter sa katawan at umayos ng upo.

"My grandfather is conservative, Lacy," seryosong saad ng binata. Napatingin naman siya rito.

"Malamang ipipilit no'n na magpakasal na tayo dahil sa nakita niya kanina," natatawa nitong dagdag.

She wasn't able to stop herself from rolling her eyes at him. Tumawa lang naman ito sa reaksyon niya.

Lumabas ka raw ng kwarto, bes. Kung ayaw mong lusubin namin 'yang bahay nang wala sa oras. Tatawa-tawang saad ni Cristina sa linya. She instantly knew who said it. Sino pa bang may kakayahang magbanta ng gano'n sa kanya?

"Ano nga pala 'yong sasabihin mo, bakit mo ako hinanap?" seryosong tanong ni Clyde nang makahuma mula sa pagtawa.

"Mamaya na lang. Ihahatid mo naman ako 'di ba? I have to go back to the kids," saad niya rito sabay tayo.

Clyde cleared his throat. Inayos nito ang pagkakabuhol ng towel saka tumayo.

"Wait up. Sasamahan kita. Magdadamit lang ako," wika naman nito. Agad nitong tinungo ang isang pinto na alam niyang walk-in closet.

"Stay there," paalala pa nito bago tuluyang pumasok sa loob.

OMG. He's naked? Cristina exaggeratedly gasped on the line.

"Late reaction ka," mahina naman niyang sambit bago pinatay ang linya. She brought out her phone and used it to turn all her devices off. Alam kasi niyang mag-iingay iyon kapag hindi niya pinatay.

Clyde is already wearing jeans and polo shirt when he emerged from the closet.

"Can I tell you a secret?" he said when he sat beside her.

Napatitig siya rito. Ngumiti ito ng tipid. Mukhang nag-isip ito ng malalim. She slowly nodded.

"He's not my biological grandfather," he told her.

"Oh," she muttered softly. She acted like she didn't know what he's saying.

"Dati pa nagagalit na siya sa akin kasi ako lang ang my guts na ipamukha sa kanya na hindi namin siya kaanu-ano," kuwento nito.

Hindi siya nagsalita at nakinig lang sa sinasabi nito.

"Ngayon mas lalo siyang nagagalit kasi gusto ko nang kunin mula sa kanya 'yong business na naiwan ng totoo kong lolo," dagdag nito.

"That's the reason why he's always mad at me," dugtong nito.

She nodded. Tugma iyon sa naging imbestigasyon ni Mars na namatay ang mga magulang nito nang gusto nang kunin ng buo ang pamamahala ng Gold Mining business ng mga ito.

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" tanong niya sa binata nang walang maisip na sasabihin.

"I like you a lot that I want you to be part of my life," he confessed. Tumingin ito ng diretso sa kanya. She could sense his sincerity... and yes, her heart beats fast again.

"I don't want to hide anything from you, Lacy," he added.

"Gusto kasi kitang pormal na ligawan," pahayag nito. She wasn't able to think clearly.

Bukod kay Klein Rich, wala pang lalaki ang nagtangkang ligawan siya. Maybe it has something to do with her aura or perhaps because she's not allowing any man to get near her. Iyong iba kasi nagpapalipad hangin pa lang, binabara na niya.

"Lacy," untag nito saka lang siya parang natauhan.

"Uhm. I'll think about it," she answered vaguely. Napakunot-noo siya nang tumawa ito ng mahina.

"Silly. I am not asking for permission. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo," pahayag nito. Napaawang pa ang mga labi niya sa narinig. It took few seconds before she was able to close them.

Hanggang sa maihatid siya nito sa study room ng kambal ay 'di na siya nakapagsalita.


*****

Kakaiba ang tinging ipinupukol sa kanya ng matanda nang magpaalam siyang aalis na. Good thing Clyde hid her on his back. She felt like he's shielding her from the old man.

Dinala siya ni Clyde sa restaurant pagkagaling nila sa bahay. Nagpatianod na lamang siya. She reminded herself that she's doing it for work.

The waiters are already serving when they heard a loud explosion. It was too loud that she felt like her eardrums broke. Agad pa siyang napatago sa ilalim ng table. Clyde immediately pulled her to his side and covered her. She felt like he wanted to protect her against any harm.

Pagkatapos lang ng ilang saglit, nagpanic na ang mga tao sa loob ng restaurant. Kung saan-saang direksyon ang mga itong tumakbo kasama ng ilang empleyado ng restaurant.

Sila ay nanatili lamang roon at nakiramdam sa paligid. She knew it was a hand grenade. Nakita niya na sa side ng restaurant iyon inihagis. Basag ang salamin sa bahaging iyon. Wasak din ang covered walk sa bandang iyon.

They were still inside when the policemen came for rescue. Tahimik ang binata at mukhang nag-iisip ng malalim.

Nang sabihin ng mga pulis na zero casualty, nagduda na siya pero pilit niyang iwinawaglit sa isip ang ideyang iyon.

Niyaya pa siya ng binata na pumunta sa ibang restaurant para kumain pero nawalan na siya ng gana kaya nagpahatid na lamang siya sa apartment. Pati ang binata ay parang ayaw na ring kumain. Umalis din ito agad pagkahatid sa kanya.


Mabilis niyang ibinaba ang mga gamit sa kama nang makarating sa apartment. Pakiramdam niya ay hapung-hapo siya. Pupunta sana siya sa banyo para maghilamos nang mapansin ang nakapatong sa plastic na dining table.

It was a takeout food from a restaurant and a note from Cloud telling her to eat a little before going to sleep.

Nagtagis ang bagang niya sa unang pumasok sa isip. She's been dismissing that idea. As far as she knew, Cloud won't do such inappropriate action, but who knows?

She immediately took her phone and turned it on. When it was opened, she called Cloud's number.

"Ikaw ba ang may pakana sa pagsabog sa restaurant?" she asked gritting her teeth the moment the call connected.

"If you're jealous, that's too much Klein, wala ka na sa lugar!" she added right away.

"Wait, anong pagsabog 'yan? Saang restaurant?" sunod-sunod nitong tanong. Mas lalo siyang nainis. Kung nagpapanggap itong walang alam sa nangyari, hindi ito uubra sa kanya.

"Huwag ka nang magmaang-maangan. You always follow me around kahit ilang beses kong ipakiusap na pabayaan mo ako sa misyong 'to," gigil niyang saad.

She heard him inhaling deeply.

"Pinagbibintangan mo ako? I am not a criminal, Vanna Lei. Hindi ko alam 'yang pagsabog na sinasabi mo." Tugon nito.

"Yes, I was jealous when I heard that you're inside the man's room and he was starked naked but I can only grunt and threaten like I always do. Hindi ko magagawa 'yang binibintang mo!"

Napakurap siya nang maramdaman ang naghalong hinanakit at galit sa boses nito.

"Huwag mo akong sasabihan na wala ako sa lugar kasi alam ko naman kung saan ako dapat lulugar," pahayag nito.

Her knees felt weak hearing his statement. Tuluyan na yata itong nagalit sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, Vanna, alam na alam ko na kahit kailan hindi mo ako binigyan ng karapatan sa 'yo," saad nito bago ibinaba ang tawag.

She was dumbfounded as she slowly sat on the bed. Heart shaken.

It wasn't long before she received a message from him.

From: KRDFW

Go on, Vanna Lei. Hindi na kita pakiaalaman sa mga desisyon mo. I've had too much.

Mas lalo siyang nanghina sa nabasa. Pakiramdam niya ay uminit ang mga mata niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top