8) Meals
Kapag nagtagpo ang dalawang mundo, hindi naman sila agad-agad magkakasundo.
Tahimik si Janica nang nasa elevator na silang dalawa. Wala kasi sa sariling sumunod siya sa private elevator. Nakatungo lamang siya. Iniisip niya kung seryoso ba ito sa sinabi nito kaninang ihahatid siya sa review center.
"Bakit mo pinindot ang ground floor?" tanong ni Leandrei nang pumindot siya sa elevator button. Sakto naman itong nakarating sa ground floor. Mabuti at napindot pa niya.
"Dito ako bababa." tugon niya rito.
"Nasa basement 'yong sasakyan ko," saad nito at agad na pinindot ang close button. Hindi pa man siya nakasasagot, bumukas na ang pinto ng elevator. Nasa basement parking na sila agad. Ang bilis lang.
"Ihahatid mo ba talaga ako?" tanong niya habang nakasunod rito. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
"Kung may maliit na bagay kang puwedeng gawin para sa ikagagaan ng araw ng ibang tao, ipagkakait mo ba?" natatawa nitong tanong.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa narinig mula rito. Taliwas sa iniisip niya, pinapakinggan yata nito nang mabuti ang mga sinasabi niya.
Wala sa sariling, pumasok siya sa loob ng kotse nito. Agad naman itong umikot papunta sa driver's side nang maisara nito ang pintuan ng passenger's side.
"You love your ethnicity, huh?" saad nito nang inaandar na ang sasakyan.
"Narinig mo 'yon?" balik-tanong niya rito. Pinamulahan pa siya.
"Yes and you were very fluent in speaking English rather than tagalog," komento nito. Hindi siya nagsalita. Iyon nga rin ang reaction ng karamihan sa kanya.
"Ibig bang sabihin niyan hindi ka patriotic?" natatawa nitong tanong.
Bakit pakiramdam niya talaga may halong panghahamak kapag ito ang nagsalita?
"Hindi naman nakikita ang pagiging patriotic sa lenggwahe ng isang tao," tugon niya rito para matigil na.
"Are you opposing Rizal's principles on loving one's language?" Sumulyap pa ito nang may nakakalokong ngiti. Pakiramdam niya ay napahiya na naman siya.
"Hindi. I just believe that actions speak louder than words," saad niya. Napasulyap ito. Parang kahit siya ay hindi kumbinsido sa sinabi niya. Off-tangent yata ang nasabi niya. Agad siyang nag-isip nang puwedeng pambawi.
"You can speak any language you want but at the end of the day, it would always be a question of what have you done to make your country a better place to live in? That's patriotism in its real sense."
Kung puwede lang niyang palakpakan ang sarili sa bilis niyang mag-isip ng koneksyon nang una niyang nabanggit sa patriotism, pumalakpak na siya.
"Nagutom yata ako sa lecture mo. Kumain muna tayo bago kita ihatid sa review center," natatawa nitong saad.
Tatanggi pa sana siya pero kinabig na nito ang manibela papunta sa parking area ng isang restaurant.
"Ang mahal diyan. Baka maubos ang allowance ko.," biro niya.
"My treat. Bayad sa free lecture mo about patriotism," saad nito bago bumaba ng sasakyan. Binuksan pa nito ang pintuan para sa kanya.
"Sir Leandrei, matagal ang service kapag restaurant 'di ba? Ayokong ma-late sa review ko," bulong niya kay Leandrei. Sumabay siya sa paglalakad nito.
"NOT, if your family owns the restaurant," nakangiti nitong baling sa kanya. Pinamulahan pa siya. Hindi na kasi niya nakita ang pangalan ng restaurant. Basta ang alam niya Italian restaurant ang pinasukan nila.
Iginiya siya nito sa isang private dining area.
"Is my favorite 5-course meal ready?" tanong nito sa dalawang waiters nang makapasok sila.
"Yes sir," nakangiti namang tugon ng dalawa na kasalukuyang iniaayos ang mga pagkain sa mesa.
Ipinaghila pa sila ng upuan nang makalapit na sila. Nahihiya man ay umupo na lang siya. Bawal nga raw kasing tanggihan ang grasya. Hehe!
Mag-uumpisa na sana silang kumain nang biglang bumukas ang pinto.
"May balak ka bang i-bankrupt ang negosyo ko?" agad na bigkas ni Vander pagpasok nito sa loob. Pinamulahan pa siya kahit na si Leandrei naman ang kausap nito.
"What are you doing here?" Kunot-noong tanong ni Leandrei sa kapatid.
"I'm managing this restaurant, remember?" nakangisi nitong saad sa kapatid. Sumulyap pa ito sa kanya at kumindat. Napahawak siya sa batok. Nahihiya talaga siya sa mga ito madalas.
"I know, right? Aren't you supposed to be at school?" salubong ang kilay na tanong ni Leandrei. Hindi pa kasi nakaka-graduate ang kapatid nito. Ayaw niya ring magtanong kung bakit. Maaga man kasi itong nag-asawa alam naman niyang kaya itong pag-aralin ng mga magulang nila. May sapantaha siyang nagbulakbol ito noon at natauhan lang no'ng nilayasan ng asawa.
"Well my staff called me, may nagpapaka-VIP na naman daw sa restaurant ko," natatawa nitong tugon sa kapatid. Nakita niya ang pag-umang ni Leandrei sa kamao nito.
Ganito yata talaga mag-asaran ang dalawa.
"Janica huwag kang padadala sa 5-course meal nito. Marami nang babaeng naloko dahil diyan," natatawang baling ni Vander sa kanya.
"What are you saying? Umalis ka na nga! It's just a meal," napatingin siya kay Leandrei na agad sumagot sa kapatid.
"Ako pa ba'ng lolokohin mo?" kantiyaw ni Vander. Tumawa pa ito nang malakas. Mas lalo tuloy siyang pinamulahan.
"Don't mind him. Tuluyan na kasing nabaliw sa pag-alis ni Aubrey," wika ni Leandrei sa kanya. Napatingin na naman siya kay Vander. Hindi na lamang siya nagsalita dahil agad itong sumagot.
"Huwag mo ngang dinadamay ang asawa ko sa usapan," inis nitong saad kay Leandrei.
"Janica, watch out! Alam ko na ang galaw niyang si Leandrei," natatawa nitong saad bago lumabas. Akala niya ay nagalit na ito sa kapatid nakuha pang kumantiyaw.
Napailing na lang siya at napangiti.
Ano ba'ng sinasabi ng isang 'yon? Na bibiktimahin siya ni Leandrei katulad ng ginagawa nito sa ibang mga babae? Kalokohan. Kahit siguro ilang beses itong magpakabait sa kanya hinding-hindi niya kailanman iisipin na magkakagusto ito sa kanya.
"Why are you smiling?" tanong nito sa kanya. Saglit siyang natigilan.
Galit ba ito? O tuluyan nang napikon sa kapatid?
"Don't tell me naniwala ka sa gagong 'yon?" sarkastiko nitong tanong. Napailing siya. Alam naman niya ang pagitan ng biro at seryosong usapan. Malamang ay nang-aasar lang ang isang 'yon.
"Good. Coz you're not actually the type of woman I'd date."
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya sa diretso nitong pahayag. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Hindi naman niya kahit kailan inisip na magkakagusto ito sa kanya kasi alam naman niya kung gaano kalayo ang agwat ng mundo nila.
Hindi naman talaga siya umaasa o aasa kasi nga alam na alam niya kung saan siya lulugar. Hindi naman siya tanga. Pero masakit pala kapag ipinamukha sa kanya.
Seryoso itong tumitig sa kanya kaya mas lalo siyang pinamulahan.
"I guess we're even. Hindi ko rin kasi type ang mas bata sa akin," tugon na lamang niya para tabunan ang pagkapahiya.
Tumingin ito sa kanya nang nakakunot-noo. Nahihiya man ay sinalubong niya ang mga titig nito.
"I was just kidding," natatawa nitong saad. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Pinaglalaruan ba siya nito?
"I wasn't kidding. Ayoko din talaga ng mas bata sa akin," seryoso niyang saad rito.
Ngumiti ito nang nakakaloko.
"Ang seryoso mo kausap. Joke lang 'yon. I don't mean to offend you. Ngiti na," saad nito. Napailing na lang siya. Hindi talaga niya masabayan ang trip nito.
"You're so tight. You should loosen up a bit," saad nito.
Hindi na lamang siya sumagot sa sinabi nito.
"Para kang ipinanganak no'ng mga panahong bawal pa ang tumawa at ngumiti sa harap ng lalaki," naiiling nitong dagdag.
Kanina lang basag trip ito ngayon naman gusto niyang matuwa siya sa itinatakbo ng usapan nila. Hindi siya umimik. Kumuha na lang siya ng pagkain. Mukha kasing ang sasarap kainin.
"'Yong totoo? Kapatid mo si Jose Rizal, 'no?" natatawa nitong tanong.
Napatigil siya sa pagnguya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Napakunot-noo siya.
"Good Lord. That's supposed to be a joke," sambit nito. Tumawa pa ito nang mahina. Pakiramdam niya ay napahiya na naman siya. Malay ba niyang joke 'yon. Lame!
"Kumain na nga lang tayo baka ma-late ka pa sa review mo," sabi nito.
Tumahimik na lang din siya.
*****
Pinilit niyang mag-concentrate habang nagsasalita ang abogadong lecturer nila. Bumabalik kasi sa utak niya ang mukha ni Leandrei na tumatawa kanina. Hindi niya alam kung maiinis siya sa lalaki o sa sarili niya.
Mabuti na lang ay magaling ang lecturer nila kaya naibaling niya rin ang atensyon niya sa nire-review nila tungkol sa Taxation Law. Iyon pa naman daw ang pinaka-deadly sa bar exams kaya iyon ang una nilang pinagtutuunan ng pansin.
*****
Nagulat siya nang makita si Leandrei paglabas niya ng building. Katatapos lang ng review niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya rito.
"Well, I just thought you need to loosen up a bit," saad nito nang nakangiti. Napakunot-noo siya.
"Halika may pupuntahan tayo," anyaya nito. Binuksan nito ang kotse. Nagdadalawang-isip man ay sumakay na lang din siya.
"Hindi naman illegal ang pupuntahan natin?" tanong niya rito nang inaandar na nito ang sasakyan.
"Of course not," tugon naman nito.
Ang dami niyang gustong itanong gaya ng bakit ito biglang bait-baitan?
Naiisip niya rin, paano kung ginogoyo lang siya nito tapos ipapahamak din siya sa huli?
Pero ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang mga iniisip.
Napatingin siya sa lalaki nang tumigil ito sa isang restaurant.
"I figured hindi ka pa kumakain. Ako din hindi kaya kakain muna tayo," saad nito bago pa man siya makapagtanong.
Bubuksan pa lang sana niya ang bibig para magsalita pero inunahan na naman siya nito.
"My treat. Don't worry, and Vander won't appear to ruin our meal. I promise," saad nito.
Sasagot pa ba siya sa ganoong pahayag?
Bumabawi siguro ito sa pangba-badtrip sa kanya kaninang lunch.
Tama nga ang sinabi nito na okay ang magiging kalalabasan ng dinner nila kasi nawala ang pagkaasiwa sa pagitan nila. Hindi katulad kaninang lunch.
Nakapag-usap na sila ng kung ano-ano. Marami siyang nalaman tungkol sa binata. Gaya ng pagtatapos nito sa kursong Business Administration at ang pagkakaroon nito ng masters at doctorate degree.
Pati mga sikat na babaeng nai-date nito ay nabanggit pa nito. May pagkamayabang nga talaga ito pero ayos lang naman dahil may ipagmamayabang naman. Nakinig lang naman siya sa mga kuwento nito. Kapag siya naman ang nagkukuwento ay nakikinig din ito.
"So, that's why you're not yet married dahil sa responsibilidad mo sa mga kapatid mo?" tanong nito nang madako ang usapan nila tungkol sa buhay niya.
"Partly yes. Pero choice ko naman talaga. No one can dictate what I should do with my life," tugon niya rito. Ang negative kasi kung sasabihin niyang mga kapatid niya ang dahilan ng pagiging single niya dahil unang-una desisyon naman talaga niya.
"Uhm. Alam ko na. You have high standards," napapatango nitong komento.
"Hindi rin. Hindi ko pa lang siguro nakikilala 'yong tamang lalaki para sa akin," naasiwa siya kapag ganitong paksa. Madalas ito ang iniiwasan niya sa mga reunions at get-together parties.
"Puwedeng huwag na lang natin pag-usapan?" saad niya rito. Napatango naman ito.
"Okay, then. Let's just eat Saturnina. I mean Trinidad, uhm no Concepcion pala," saad nito nang nakangiti sa kanya. Napatawa siya.
"Sabihin mo na rin Soledad, Maria, Lucia, Josefa, Narcisa, Olympia," natatawa niyang dagdag sa pahayag nito.
"Hetty na lang!" natatawa nitong tugon.
Napatigil siya sa pagtawa. Pati ito ay napatigil din.
Bakit Hetty? Dahil ba parang spaghetti yung buhok niya kapag naging blonde?
"I didn't expect you could memorize Jose Rizal's sisters in order. Ni-research ko pa naman 'yon kanina. Naisahan mo pa rin ako," naiiling nitong komento.
"Ganyan talaga!" natatawa niyang tugon. Hindi pa rin mawala sa isip niya si Hetty.
"Hindi mo talaga na-enjoy ang kabataan mo, 'no? Kasi lahat 'yan inaral mo pang mabuti," komento nito. Napailing na lang siya.
"But later, I promise you'll enjoy. Para naman malibang ka ng konti," nginitian siya nito.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya rito.
"Kumain ka na lang muna," tugon nito. Hindi na lamang siya nagtanong. Mukha namang hindi siya nito ipahahamak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top