5) Mediatrix
Kapag nagsalubong ang magkaibang mundo, maaari silang makagawa ng obra-maestrang hindi mo inakalang mabubuo.
"'Yong resume mo raw," sambit ni Famela kay Janica paglabas nito ng opisina ni Leandrei.
"Puwede kong i-print dito?" tanong niya bago inilabas ang flash drive mula sa bag.
"Sige basta i-scan mo baka may virus," tugon nito. Tumango na lamang siya at tinungo ang desktop nito. Nang matapos ay inabutan siya nito ng folder kung saan niya puwedeng ilagay bago kinuha at bumalik sa opisina ni Leandrei.
It was a minute or two bago siya nito tinawag para pumasok sa loob. She felt a little nervous. First time niyang pumasok sa opisina ni Leandrei. The door is sensory opened.
Napakunot noo siya nang makitang reception desk naman ang nandoon. Naliwanagan lang siya nang maglakad si Famela papunta sa maliit na hallway kung nasaan ang pinto ng opisina nito.
"Leave us, Famela," utos ni Leandrei nang makapasok sila. Agad namang tumango ang sekretarya at nagmadaling lumabas.
Kinabahan siya bigla pero binalewala na lamang niya. Lumapit siya sa mesa nito at tumayo sa harap nito.
"Take your seat," saad nito. Saka lamang siya umupo sa upuang nasa harapan ng table nito. Iyon kasi ang tamang etiquette, hindi dapat umupo hangga't hindi sinasabi ng boss.
"30 years old, mas matanda ka pala sa akin?" nakangisi nitong saad habang binabasa ang resume niya. Pinasadahan pa siya ng tingin. Naasiwa siya.
Ngayon lang ba nito alam na mas matanda siya? Sabagay, wala naman itong pakialam sa kanya para alamin ang edad niya. Hindi na lamang siya nag-react.
"From BS Math to Bachelor of Laws, peculiar," nakangisi ulit nitong saad. Ngumiti na lamang siya at tumango. Kung walang tanong, walang dapat isagot.
"These are two different worlds...How? What kind of brain do you have?" Tumitig si Leandrei sa kanya kaya napatuwid siya ng upo.
"Sabihin na lang natin na posible talagang magsalubong ang magkaibang mundo and when they do, they create a masterpiece," tugon niya rito.
"So you're a masterpiece?" Tumawa ito ng mahina. Pinamulahan pa siya.
"I'm just kidding," nakatawa nitong saad nang makita ang reaksiyon niya. Hindi na lamang siya sumagot.
"College Instructor for 8 years...Hmm...okay," komento ulit nito. Hinintay niyang matapos ito sa pagbusisi sa resume niya para malaman na niya ang totoong designation niya sa kumpanya.
"Bakit hindi ka na lang mag-part time instructor habang nagre-review?" tanong nito habang ibinababa ang folder na hawak.
"Puwede naman kaya lang nahiya akong tanggihan ang alok ni ninang na dumito sa kumpanya ninyo."
Ngumisi ito sa sagot niya.
"Nahiya? You are even living in our house," he said with a grin. Pakiramdam niya ay may pang-uuyam sa pagbitaw nito ng salita.
"Ayoko naman talaga dahil nakahihiya pero mas nahihiya akong tanggihan ang daddy mo," saad niya rito. Nakaramdam siya ng pagkainsulto pero pinilit niyang iwaglit iyon.
"Really?" sarkastiko nitong tanong. Napailing siya. Alam niyang hindi na tama ang mga reaksiyon nito. Kahit mahirap lang siya alam naman niya ang hangganan ng pagtanggap sa tulong ng iba.
"May dalawa kasing klase ng pagkahiya, SIR Leandrei," madiin niyang saad.
"Una, yung pagkahiya kasi binabastos na siya... Pangalawa, pagkahiya dahil sobrang bait ng tao sa kanya," nang-uuyam niyang dugtong. Nakababastos na kasi ang mga pahayag nito.
"Oh, thanks for the free lecture, Professor," natatawa nitong saad.
Ano raw?
Inaasahan niyang mapapahiya ito sa sinabi niya pero mukhang hindi ito tinablan. Ibinalik ulit nito ang pansin sa resume niya. Hindi na lamang siya nagsalita.
Napatingin sila pareho sa intercom nang mag-ring ito. Pinindot ito ng kaharap matapos ang tatlong ring.
"Famela?" agad nitong saad.
"Sir, sorry to disturb you. Nandito na naman po sina Mr. & Mrs. Leal," saad ni Famela mula sa intercom. Naka-loud speaker kasi ito.
"Are they mad again?" he asked inhaling deeply.
"Yes sir," rinig niyang sagot ni Famela.
"Okay, usher them to the conference room and let them wait a moment," tugon nito.
"Okay po sir," tugon naman ng sekretarya.
"Ang kulit talaga ng mga yon!" sambit ni Leandrei bago ipinilig ang ulo.
Huminga ito nang malalim bago ibinalik ang tingin sa kanya. Nagliwanag ang mukha nito. Naasiwa siya sa titig nito.
"Hmm, so, you'll be a lawyer? You're good at diplomacy. May ipagagawa ako sa 'yo," nakangiti nitong saad sa kanya.
Siya yata ang ipahaharap nito sa mag-asawa?
"Ang kulit kasi ng mag-asawang 'yon. Reklamo ng reklamo. Ikaw muna ang humarap sa kanila. Sabihin mo legal counsel ka ng kumpanya," hayag nito.
"Seryoso ka?" kunot-noo niyang tanong rito.
"Yes," nakangiti nitong tugon. Napailing siya.
"Hindi pa ako nakapapasa ng bar, may maghihintay na sa aking debarment case for fraud," saad niya rito.
"Well then, tell them you represent me," nakangisi nitong tugon. Huminga siya nang malalim.
"Okay, ano ba kasing inirereklamo nila?" Puwede naman siguro niyang harapin ang mga ito basta alam niya ang puno't dulo ng complaints ng mga ito.
"Wrong 'yong address ng cargo nila kaya hindi nai-deliver sa expected date," tugon nito. Humilig ito sa swivel chair.
"Sino ang nagkamali ng paglagay ng address? Employee mo o sila?" balik-tanong niya rito. Kailangan niyang malaman ang bagay na iyon kung sakaling siya ang haharap.
"It was them. They wrote 148th St. instead of 418th St." tipid nitong sagot. Napakunot-noo siya.
"Sila naman pala ang nagkamali, anong inirereklamo nila?"
Huminga nang malalim ang binata at tumitig sa kanya. Pakiramdam niya ay naiinis na ito sa dami ng tanong niya. Hindi naman siya masisisi, paano siya haharap kung wala siyang kaalam-alam sa puno't-dulo ng problema.
"The cargo was sent back kasama ng mga return-to-sender items sa Pilipinas. The ship is already sailing at the pacific ocean." Huminga ulit ito nang malalim bago nagpatuloy.
"I gave them options, puwedeng kunin ng VLF plane pero kailangan nilang magdagdag ng air freight charge pero ayaw nila."
Napatango siya sa sinabi nito.
"I already told them na ibabalik 'yong shipment kapag nagsalubong ang VLF cargo ships sa Japan port pero hindi sila makapaghintay. Sampung araw lang naman ang hihintayin bago mai-deliver sa tamang address," dagdag paliwanag nito.
"Bakit kasi ibinalik ng Pilipinas? Hindi ba tinawagan ang sender at sinabi na hindi nai-deliver kasi hindi mahanap ang address?" balik-tanong niya rito. Tumawa ito nang nakakainsulto.
"Do you think VLF cargo and shipping is that small to call each and every consignor na wrong ang consignee address?"
Huminga siya nang malalim.
"Eh, paano malalaman ng consignor kung nakarating na sa pinagpadalhan niya ang item?" May point ito pero parang sila talaga ang nagkulang.
"Client could check on-line kung delivered na within 20 days ang shipment nila. Kapag hindi pa, they can call the hotline. Naka-post din doon kung sakaling wrong 'yong address. May tanong pa ba attorney?"
Mukhang tuluyan na itong napikon sa pagtatanong niya.
"Bakit ibinalik ba ang shipment na walang go signal ng consignor?"
Huminga na naman ito nang malalim at tumitig sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa lamesa. Mukhang nauubos na ang pasensiya nito sa pagtatanong niya. Talaga naman kasing dapat niyang malaman ang mga bagay na iyon kung gusto nitong siya ang haharap sa nagrereklamo.
"Yes, they presumed dahil wala namang reaction from the sender when it was posted online. Nang mag-change address sila, pabalik na ng Pilipinas ang cargo ship," tugon nito. Siya naman ang ngumiti ng nakauuyam.
"Maling akala. Ilan na ba ang namatay sa maling akala?" Napapailing niyang saad.
"Face them but make sure you are for the company," matigas nitong saad. Napangiti na lamang siya.
"Yes, SIR. I will," tugon niya. Natigilan pa ito pero ngumisi rin nang kinalaunan.
Hinihintay na siya ni Famela nang lumabas siya sa opisina.
"Sabi ni sir ikaw raw ang haharap kina Mr. at Mrs. Leal, sure ka? Galit na galit kasi sila," nag-aalala nitong saad sa kanya. Marahil ay naitawag na ito ni Leandrei sa sekretarya habang papalabas siya kanina.
"Utos ng boss," nakangiti niyang tugon. Napatango naman ito at inihatid na lamang siya sa conference room.
"We want to talk to Mr. Filan. Bakit ikaw ang nandito?" mataray at madiin ang boses ng ginang nang magpakilala siyang representative ni Leandrei.
"Busy po kasi siya pero makasisiguro po kayo na kung ano man ang sasabihin niyo ay makakarating sa kanya ng personal." Nginitian niya ito ng tipid.
Hindi agad nagsalita ang ginang pero matiyaga niyang hinintay ang sasabihin nito.
"Hindi kasi namin maintindihan kung bakit ibinalik ang shipment nang wala kaming consent tapos kami pa ang mag-a-additional payment para lang makarating agad ang cargo sa dapat puntahan," umpisa ng babae. Halata ang inis at galit sa boses nito. Pinakinggan lamang niya ito.
"Kaya nga namin pinili ang VLF Empire shipping dahil efficient sila. Ganito naman pala ang mangyayari. Do you know how many millions those shipments cost?"
Tikom ang bibig niyang napatango. Alam niyang hindi dapat sinasabayan ang taong galit dahil madadagdagan lang lalo ang galit nito. Nang hindi ito nagsalita ng ilang saglit ay saka naman siya nagsalita.
"Aware po kayo na kailangang i-check online kung ano ang status ng padala ninyo after 20 days?" mahinahon niyang tanong sa mga ito.
"Oo, pero ang problema bakit nila ibinalik nang wala kaming consent? Eh di sana change of address lang ang nangyari. Mas lalo lang tumagal ang shipment," sabad naman ng asawa nito. Huminga siya nang malalim. Kahit siya ang nasa kinatatayuan ng mga ito, ganoon din ang sasabihin niya.
"Naiintindihan po namin ang nararamdaman ninyo, ma'am, sir. Lahat po tayo gusto nating makarating ang cargo sa tamang oras at kondisyon," umpisa niya. Kapag ang isang tao ay galit na nagrereklamo kailangang sabihin rito na naiintindihan ang pinagdadaanan nila. Isa iyon sa mga natutunan niya sa buhay.
"Kaya nga lang po nagkamali po ang address at hindi rin po na-check agad online. Siguro dahil naging busy d]rin po kayo pero wala na rin tayong magagawa roon kasi nangyari na. Ano ho?" saad niya sa mga ito. Hindi naman nagsalita ang mag-asawa.
"Kayo na rin po ang nagsabi na pinili ninyo ang VLF Empire shipping kasi efficient sila. Secured ang cargo ninyo kahit gaano man ito kamahal at makararating sa tamang consignee," paliwanag niya sa mga ito. Huminga lang ang mga ito nang malalim at tumingin sa kanya.
"Ang pagbalik po ng shipment sa Pilipinas ay pabor po sa inyo. Ibig lang pong sabihin no'n pinahahalagahan nila ang padala ninyo. Gusto pong makasigurado ng kumpanya na ang shipment ay mapupunta sa tamang tao na dapat humawak at iyon ay kayo at ang consignee lamang," dagdag paliwanag niya. Hindi naman nagsalita ang dalawang kaharap.
"Dapat nga po humanga tayo sa kumpanya dahil noong hindi mahanap ang totoong consignee sa address, ibinalik agad nila ito at ibabalik sana agad sa inyo sa pinakamabilis na panahon."
Nginitian niya ng tipid ang mag-asawa. Mukhang nag-iisip naman ang mga ito nang malalim kaya itinuloy na lamang niya ang pagpapaliwanag.
"Sana po maintindihan ninyo ang kumpanya. Dagdag gastos din po ang pagbalik ng shipment ninyo. Remember, 'yong papunta lang po ang binayaran ninyo pero dahil hindi nakarating sa dapat puntahan, minarapat nilang ibalik ito sa inyo nang maayos." Huminga siya nang malalim at tiningnan ang mga ito.
"Naiintindihan naman namin. Ang sa amin lang sana mai-deliver sa lalong madaling panahon yung mga pinadala namin. Eh kaso sinabihan pa kaming magbabayad ng pagkamahal-mahal para lang maideliver nang mabilisan 'yong shipment," saad ng babae. Nakinig naman siya nang mataman bago sumagot nang mahinahon.
"Iyon pong airfreight, option lang po iyon, ma'am, sir, kung gusto ninyong mapadali ang pagbalik ng shipment. Pero kung makapaghihintay naman po kayo ng kahit sampung araw lang, maibabalik naman po agad dahil sasalubungin sila ng isa pang cargo ship sa port ng Japan," paliwanag niya sa mga ito. Saglit namang napaisip ang mag-asawa.
"Hindi naman kasi marunong makipag-usap nang maayos 'yong manager at si Mr. Filan galit pa noong humarap sa amin," komento ng babae. Parang gusto niyang sumang-ayon. Galit naman kasi yata lagi ang aura ni Leandrei.
"Marami lang po siguro silang inaalala tapos nakadagdag pa ito," saad na lamang niya.
"Sabi pa nila ibabalik na lang nila sa amin 'yong cargo at bayad namin para ipadala na lang namin sa ibang shipping company," dagdag komento pa ng babae.
"Choice nyo po iyon ma'am pero kung ako po sa inyo para mas mapabilis hayaan na lang na sa salubungin yung cargo sa Japan," tugon niya. Hindi naman nagsalita ang mag-asawa.
"So, ano pong desisyon ninyo?" tanong niya sa mga ito nang hindi sila nagsalita.
Napatingin ito sa asawa.
"Kaysa maghintay na naman tayo ng isa o dalawang buwan. Basta wala kaming additional charges ha?" saad ng matandang lalaki.
"Wala po sir. So, okay na po? Magbibigay na po ba ako ng go signal?" nakangiti niyang tanong sa mga ito.
"Sige, iyon na lang. Salamat," sagot ng matandang lalaki.
"Sige po kung ganoon. Salamat po sa pag-iintindi sa sitwasyon. Pareho naman pong hindi ninyo ginusto at ng kumpanya ang nangyari."
"Oo nga, salamat. Buti na lang ikaw ang nakipag-usap sa amin."
Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam na ang dalawa at lumabas na ng conference room.
Nagulat siya nang mabungaran si Leandrei pagbukas ng pinto. Palabas na sana siya ng conference room.
"I heard your conversations. This conference room has audio and camera recording," wika nito nang nakangiti. Hindi niya alam kung ngingiti rin siya o hindi. Bigla siyang nahiya at inalala kung may nasabi siyang hindi kanais-nais kanina.
"So, alam mo nang pumayag silang ilipat na lang ang cargo sa Japan?" tanong na lamang niya rito.
"Yeah, I already asked Famela to give instructions to the people in charge," tugon nito. Napatango siya. Tumalikod na siya para mauna nang umalis. Naasiwa kasi siya sa presensiya nito.
"You were good back there," saad nito.
Pakiramdam niya ay lumukso ang puso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top