13) Bida ang Saya

May mga kontrabida man, aangat at aangat pa rin ang bida sa sarili niyang istorya.


"Hi, tita!"

Nagulat si Janica nang mapagbuksan ng pinto sina Desiry at Ayder. Umakyat lang kasi siya para kunin ang reviewers niya dahil balak niyang sa gazebo sa may lawn area sana tatambay para pasadahan ang mga notes niya sa review center. Kapag sabado kasi ay wala siyang review at wala ring pasok sa opisina.

"Hi!"

Napatitig siya kay Leandrei na bigla na lang sumulpot. Ang fresh ng itsura nito. Naka-plain semi-fit blue shirt lang kasi ito, denim pants at sneakers.

"Sorry to disturb you." Ngumiti ito ng alanganin. Napatango naman siya.

"Naniningil kasi itong si Desiry. May utang daw ako," nakangiti nitong hayag. Napakunot-noo siya. 

Anong kinalaman niya sa sinasabi nito?

"If you remember, you were there when I promised Desiry to take her and Ayder to the fastfood restaurant you were at. Magpapasama sana kami sa 'yo," dire-diretso nitong hayag. Saglit siyang natahimik.

"Bakit sa akin kayo magpapasama?" tanong niya kalaunan.

"I just figured, mas sanay ka doon kaya magpapasama sana kami sa 'yo. If it's okay with you?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Sa kanya talaga magpapasama?

"Daddy Leandrei, you're saying the wrong thing," reaksyon ni Desiry. Napatingin siya sa bata na inosenteng nakatingala sa tiyuhin nito.

"You said we're not going kung hindi kasama si Ti---"

Hindi na naituloy ng bata ang sasabihin dahil tinakpan nito ang bibig ng bata.

"Don't mind her. She's imagining things lately," natatawang baling ni Leandrei sa kanya. Pati si Ayder ay tumatawa rin.

"If you don't like, it's okay. No pressure..." nakangiti nitong saad. Binitawan din nito ang bata.

"Tita?" sambit ni Desiry. Parang nakikiusap pa ang ekspresyon ng mukha nito.

"Sige, magbibihis lang ako," tugon niya. Nag-high five pa ang dalawang bata. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiti ni Leandrei pero ayaw niyang bigyan iyon ng iba pang kahulugan.


*****

"Bakit hindi 'yong Saturday at Sunday na schedule ng review ang kinuha mo?" tanong ng binata nang nagda-drive na ito. Nasa passenger's side siya samantalang ang dalawang bata ay nasa backseat. Tumingin ito sa kanya at hinintay ang sagot niya. Medyo mabagal kasi ang usad nila dahil may kaunting traffic jam.

"Ang totoo niyan ayoko ng whole day review kasi mas lalong nagugulo ang utak ko. Sakit sa ulo masyado," tugon niya rito. Na-appreciate niya na nagbukas ito ng usapan. Kanina pa kasi siya naaasiwa sa puwesto niya.

"Ayoko nga rin sanang mag-enrol sa review center kaya lang ayokong magsisi sa bandang huli," dagdag niya. Napatango naman ag binata.

"Hindi ba may on-line review naman?" tanong nito.

"Oo pero mas gusto ko kasi 'yong may nakikita akong tao na nagsasalita, mas natatandaan ko kaysa magbasa ng makapal na modules at reviewers," paliwanag niya. Ngumiti naman ang binata.

"Hindi ba kadalasan sa mga matatalino, magaling magbasa ng makakapal na libro? 'Di ba sa law ang kakapal ng mga libro ninyo?" nakangisi nitong tanong.

Pakiramdam niya ay gusto na naman nitong ilabas niya ang mga nasa isip niya. Pero ayos na rin naman para may pinag-uusapan sila. Mas awkward kasi kapag naghahari ang katahimikan.

"Oo pero ayaw na ayaw ko talagang nagre-review ng matagal kahit noong nag-aaral ako. Siguro babasahin ko lang ng isa o dalawang beses. Basta naintindihan ko 'yong concept, okay na," mahabang tugon niya rito.

"Ayaw mong nagre-review ng matagal? Paano ka naging magna cum laude?" tanong ulit nito.

"A little bit of luck and faith." Tiningnan niya ang reaksiyon nito. Kumunot naman ang noo nito bago napatawa nang mahina.

"Tell that to the marines." natatawa nitong sambit bago pinatakbo ulit ang sasakyan. Lumuwag na kasi ang daloy ng trapiko.

Iniliko nito ang sasakyan papunta sa parking area ng isang mall. Hindi na lamang siya nagsalita. Sabay silang bumaba ng sasakyan. Dumiretso naman ito sa puwesto ng mga bata para pagbuksan.

"Hetty, please hold Desiry's hand. Ako ang hahawak kay Ayder mahirap na baka mawala sila. Baka papalitan pa ni Vander sa atin," natatawa nitong wika. Napailing na lang siya sa biro nito.

"Why are you calling me Hetty?" tanong niya rito. Magkakasabay silang naglakad papuntang entrance. Tumawa lang ito at hindi siya sinagot. Hindi na lamang siya nagsalita.

"Matagal ko nang napapansin, bakit laging mahaba ang pila?" tanong nito nang matanaw na nila ang fastfood restaurant.

"Mura nga kasi at masarap," tugon naman niya rito. Napatango lang ito.

"Pumili na lang kayo ng order ninyo. Ako na ang pipila," saad niya sa mga ito nang makapasok sila.

"Nope, we'll stay with you," kontra nito.

"Maghanap na lang kayo ng puwesto habang nakapila ako baka mawalan tayo ng table," giit niya. Napakunot-noo naman si Leandrei. Pinagtaasan niya ito ng kilay. Sanay yata ito na kailangang may reservation sa table. Iba kasi kapag sa mga ganitong fastfood chain. Maraming tao at first come first serve talaga dahil sa dami ng gustong kumain.

"Kids pili na kayo doon ng gusto ninyo," saad niya sa mga bata at itinuro ang displayed menu na nasa taas ng counter.

"Great! Tita, I want that spaghetti with chicken meal. I also want the ice cream with kitkat."

"Okay," tugon niya kay Desiry. Pinisil pa niya ang ilong ng bata dahil parang tuwang-tuwa ito.

"Tita, masarap po ba 'yong palabok?" tanong ni Ayder. Napangiti siya sa bata. Ang cute kasi nitong magtanong. Sobrang timid.

"Oo isa yan sa favorite ko. Kaya lang may smoked fish at shrimp. Wala ka bang allergies?" malambing niyang tanong. Napailing naman ang bata.

"Okay sige iyon na lang ang ioorder ko para sa 'yo with chicken. Gusto mo rin ba ng ice cream?" nakangiti niyang tanong rito. Tumango naman ito. Ang cute talaga. Napatingala siya kay Leandrei. Nakita niyang nakamasid lang ito sa kanila.

"Ano 'ng sa 'yo?" Napalis ang ngiti niya. Naasiwa kasi siya sa titig nito.

"Kung ano 'yong order mo, iyon na rin sa akin," tugon nito. Tumingin ito sa ibang direksyon.

"Sige maghanap na kayo ng puwesto," saad niya rito. Hinawakan naman nito agad ang dalawang bata. Nakita niyang lumapit ito sa isang babaeng crew. Ang lawak lang ng ngiti 'nong babae habang kausap si Leandrei. Iginiya ng crew ang tatlo sa isang mesa na nabakante. Nilinis nito agad ang kalat sa table saka pinaupo ang tatlo.

Napatingin siya sa ibang direksyon nang sumulyap si Leandrei sa kinaroroonan niya.

Ilang segundo lang ang lumipas nang lumapit si Desiry sa kanya at may iniabot na limang one thousand bills.

"Daddy Leandrei forgot to give the money," nakangiti nitong saad.

Five thousand? Hindi ba nito nakita ang presyo ng oorderin nila? Kinuha niya ang isang libo.

"Tell your daddy, ang galing niyang mag-math," saad niya sa bata habang ibinabalik ang apat na libo. Napatawa pa siya ng mahina sa sariling pahayag.

"Miss, alaga mo? Ang cute-cute naman," komento ng babaeng nakasunod sa pila. Napalis tuloy ang ngiti niya.

"What does she mean 'alaga' Tita?" Desiry asked innocently.

"Pamangkin mo? Sorry," hinging paumanhin ng babae. Napangiti na lang siya ng tipid at hindi na sinagot pa ang babae.

"She's asking if I am taking care of you. Don't mind it. Balik ka na sa table," saad niya rito. Napatango naman ang bata.

Mukha ba talaga siyang yaya? Kung kailan naman nasasanay na siyang kasama ang mga ito tapos may magpapaalala ulit kung gaano kalayo ang mundo nila. Nakakababa ng morale.

"Sorry hindi ako marunong mag-math," nakangising saad ni Leandrei. Inunahan siya nito nang akmang bubuhatin na niya ang isang tray.

"Help us please," saad nito sa isang crew at itinuro ang isa pang tray na bubuhatin sana niya. Nakangiti namang tumalima ang crew at tumulong.

"Joke lang iyon. Ito may sukli ka pa," natatawa niyang sabi.

"I can't believe hindi man lang umabot ng isang libo 'tong inorder mo," komento nito.

"Pangmahirap nga kasi," natatawa niyang saad.

"The foods look palatable, though," saad naman ito. Hindi na lang siya nagsalita at ngumiti na lang. Masarap naman talaga.

Tuwang-tuwa ang dalawang bata dahil first time raw nilang kumain sa fastfood. Paliwanag ng binata, sa mga high-end restaurants lang daw kasi kumakain ang mga ito.

"Hindi kaya kumpleto ang buhay ng isang bata kapag hindi nakapapasok sa fastfood store na ito," aniya.

"So, hindi pala kumpleto ang kabataan ko?" balik tanong nito. Tumawa ito nang mahina.

"Oo kaya bully ka," natatawa niyang tugon. Muli itong natawa.

"Ba't ang saya nyo po yata, daddy Leandrei?" singit ni Desiry. Napatigil tuloy siya sa pagtawa.

"Kasi sa dito sa fastfood, bida ang saya," natatawang saad ni Leandrei habang nakatingin sa isang poster. Magtataka na sana siya kung bakit nito alam ang tagline ng fastfood chain, binasa pala nito ang nakasulat doon.

"That is supposed to be sung, daddy L-" singit naman ni Ayder. Napatawa na lang siya. Sakto kasing umere ang themesong at natapat ang lyrics sa binanggit nito.

Halos isang oras silang kumain bago lumabas ng fastfood chain.  Naunang naglakad ang dalawang lalaki. Sila naman ni Desiry ay nakasunod lang.

Napahawak siya sa braso ng makaramdam ng malamig na hangin. Napatingin siya sa unahan, kaya naman pala malamig patungo sila sa ice skating rink.

"Have you tried ice skating?" Lumingon ang binata sa kanya.

Napailing siya. Kahit sa panaginip, hindi pa niya nasusubukang mag-skating at wala siyang balak.

"Gusto drw kasi ng magkapatid na mag-ice skating muna," nakangiti nitong saad.

"Do you wanna try? Tuturuan kita," dagdag nito. Ngiting-ngiti pa ang loko. Napailing siya. No way.

Pumila sila sa counter.

"Tara na tita." Hila sa kanya ni Desiry

"Hindi talaga. Kayo na lang," saad niya sa mga ito. Napatawa naman si Leandrei.

"Tuturuan kita. Wala kang tiwala sa akin?" natatawa rin nitong sabi sabay hila sa kamay niya. Napapiksi siya.

"Hindi talaga," seryoso niyang saad. Binawi niya ang kamay mula rito. Mukha naman itong napahiya. Magi-guilty sana siya kung hindi ito ngumiti at nagsalita.

"Killjoy! Huwag na nga," sambit nito habang tumatawa nang mahina.

'Yong dalawang bata lang ang nag-ice skating. Naiwan sila sa gilid ng rink at tinanaw na lang ang mga ito habang pumapagitna. Marunong nga talaga ang dalawang bata.

Hindi niya ma-imagine ang itsura niya kung siya ang nandoon. Siguro hila-hila ni Leandrei ang kamay niya habang natutumba-tumba siya.

Ipinatong ni Leandrei ang mga kamay sa railings ng rink at tinanaw ang dalawang bata. Tumalikod naman siya at sumandal sa railings. Ipinilig niya ang ulo. Hindi kasi nawala sa isip niya ang eksenang hila-hila siya ng binata habang nag-a-ice-skating.

"Stop reviewing. We came here to unwind," bulong ng binata sa tainga niya. Napatingin siya rito. Itinikom niya ang bibig nang makitang ngiting-ngiti ito sa kanya.

"Baliw ka ba? Ano namang ire-ireview ko rito? 'Yang mga nagdaraang tao?" naiiling niyang tanong.

"You look like memorizing something," nakangiti nitong dagdag. Napakunot-noo siya.

"I am not sure if you are memorizing your review notes or my face." Tinitigan siya nito bago ngumiti nang matamis.

"Ano?" Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa sinabi nito. Tumawa ito nang mahina.

"Tumingin ka kasi sa akin tapos sumandal ka. Then, you closed your eyes." Ginaya pa nito ang style niya kanina.

"Grabe ka. Pinag-aaralan mo ba lahat ng galaw ko?" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. Natawa naman ito sa reaksyon niya.

"Ang seryoso mo talaga sa buhay. Binibiro lang kita," natatawa nitong saad. Hindi na lamang siya nagsalita at napailing na lang. Humarap na lang siya sa gitna ng skating rink at pinanood ang mga batang tuwang-tuwa na nagpapaikot-ikot.

Hindi rin naman nagsalita ang lalaking katabi. Hindi na niya ito sinulyapan baka kung anu-ano na naman ang sasabihin nito kapag nahuli siyang nakatingin.

Yayakapin sana niya ang sarili nang makaramdam ng lamig ngunit naramdaman niyang may brasong dumantay sa balikat niya. Napangiti ang lalaking katabi nang tingalain niya ito.

"Nilalamig ka 'di ba?" nakangiti nitong saad. Bigla siyang natuliro. Paano nito nalaman?

Dapat ay pinapalis niya ang kamay nito pero bakit parang naging kumportable siya sa init na dala ng braso nito. Mas lalo pa noong kabigin siya nito at dumikit ang likod niya sa dibdib nito.

"Kasama pala 'yong girlfriend, sis."

Napatingin siya sa dalawang babaeng papaalis mula sa gilid ni Leandrei.

"They are trying to flirt with me," nakangising saad ng binata sa tainga niya. Hinigpitan nito ang pagkakaakbay sa kanya. Huminga siya nang malalim. Kaya naman pala.

"Wala na 'yong mga babae," bulong niya nang maramdamang mahigpit pa rin ang akbay nito sa kamay.

"Hayaan mo na. Hindi kasi kita pinagdala ng jacket. Ako na lang ang jacket mo," saad nito at tumingin lang sa dalawang bata na enjoy na enjoy pa rin sa paglalaro.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top