12) Filan

Minsan talaga nakalilito na kaya kailangang sumabay na lang muna sa agos hangga't kaya.



Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Janica kaya bumaba siya para uminom. Pagbukas pa lang ng elevator, rinig na niya ang tawanan ng magkakapatid.

Nakita niya ang mga ito sa may bar counter na nag-iinuman. Nakaupo sa harap ng bar counter sina Vander, Leandrei at Liam samantalang si Vance ay nasa loob at siya ang taga-salin ng alak.

"Hey, nigga!"

Pinamulahan siya nang marinig ang pagtawag ni Leandrei. Parang gusto niyang umakyat ulit pero napatingin na ang apat sa kanya kaya't naglakad na lamang siya patungong sala.

"Vance, gawan mo nga siya ng drinks. 'Yong hindi masyadong matapang. Mabilis 'yan malasing eh," natatawa nitong sabi.

"Hindi. Huwag na," aniya kay Vance. Alangan na iinom siya? Siya lang ang babae roon. Hindi lang naman kasi siya nakatanggi noon kay Leandrei kaya siya pumayag pumasok ng bar.

"Just one shot, nigga."

"Leandrei!" pinandilatan ni Liam ang kapatid. Tumingin naman ito sa kuya niya.

"Hindi man nagrereklamo ang isang tao hindi ibig sabihin no'n na hindi siya nasasaktan," hayag ni Liam.

"What do you mean?" Hindi niya alam kung nagpapatay-malisya lang si Leandrei o talagang hindi nito naintindihan ang sinabi ni Liam.

"Stop calling her nigga. Hindi naman siya negra. She's actually a bronze beauty. She could even pass as a beauty queen," diretsong saad ni Liam sa kapatid. Tumawa nang malakas si Leandrei.

"Hindi 'yan kuya. Close kami niyan. 'Di ba black mamba?" kindat nito sa kanya nang nakangiti. Bumilis ang pintig ng puso niya. Ewan niya kung dahil sa pagkindat nito o dahil ipinagtanggol siya ni Liam. She could pass as a beauty queen...daw? Pampalubag-loob ba iyon? Ngumiti na lamang siya.

"Don't worry kuya. Di naman ako pikon," pinasaya niya ang boses para hindi mag-alala si Liam [my loves. Haha! Charot!]

Nagpaalam na lang siya sa apat bago tinungo ang komedor. Naabutan niya ang ninang niya sa dining table na kumakain ng fruit salad.

"Janica, come join me. Kumuha ka doon ng bowl mo," anyaya nito. Napatango naman siya.

"At long last may ka-girl bonding na rin ako," natatawa nitong saad nang umupo siya sa katapat nito.

"Nag-iinuman na naman kasi 'yong apat. Sigurado pagdating ng ninong mo makikisali 'yon," nakangiti nitong dagdag.

"Si ate Vanna ho ba nasaan?"

"Hayun kung saan-saan nagpupunta. Call of duty. How I wish ka-kuwentuhan ko siya lagi?"

Hindi na lamang siya nagsalita sa pahayag ni Lianna.

"Sana kasing tame mo siya. Yong taong-bahay. Pag-uwi hindi na lalabas. Vanna isn't like that, but of course it doesn't mean I love her less."

Napangiti siya at napatango sa pahayag ng ninang niya. Iba-iba naman kasi ang gusto ng tao. May mga tao talagang mas gusto ang adventure. '

"Hey wifilicious! I'm home," nakangiting lumapit si Vaughn kay Lianna.

"Love, I've found a new daughter," agad namang sambit ng isa. Napangiti siya sa endearment ng mag-asawa. Ang sweet talaga nila kahit may edad na.

"Bakit kasal na ba sila ni Leandrei?" natatawang tanong ni Vaughn. Pinamulahan pa siya.

"Parang ikaw lang?" nakangiting balik-tanong ni Lianna. Napatitig siya sa mag-asawa.

"Parang tayo," natatawang yumakap at humalik si Vaughn sa noo ng asawa. Napangiti siya. Naikuwento kasi ng nanay niya ang bilis ng love story ng dalawa.

"Iki-kiss sana kita sa lips pero baka maeskandalo si Janica," natatawang sambit ni Vaughn. Nahampas naman ito ng ninang niya sa braso.

"Baka mainggit kamo," komento nito. Napatawa silang tatlo.

"I'll just join my sons. Enjoy there," saad nito bago lumabas ng komedor.

Nag-umpisa namang magkuwento ang ninang niya tungkol sa magkakapatid. Kung gaano kakulit ang mga ito noong lumalaki at kung paano ini-spoil ng ninong niya.

Ipinagpatuloy nito ang pagkukuwento hanggang sa iligpit nila ang mga pinagkainan nila. Nang matapos silang magligpit ay saka naman humikab ang ninang niya kaya pinauna na niya ito. Nagpaiwan muna siya dahil hindi siya inaantok.

Lumabas siya sa backdoor at naglakad sa malawak na lawn at pool area. May mga ilang guwardiya ang naglalakad-lakad din.

Umupo siya sa recliner chair sa tabi ng pool nang mapagod sa paglalakad.


"Nacu-culture shock ka ba sa aming magkakapatid?"

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Leandrei. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito. Engrossed yata siya masyado sa pag-alala sa mga nirereview niya sa bar. Umupo ito sa kabilang recliner chair. Namumula na naman ang leeg at tainga nito.

"Para namang hindi ako sanay sa mga nag-iinuman sa probinsiya," tugon niya rito.

"Sabagay," natatawa nitong wika. 

Hindi siya nagsalita. Natahimik ang paligid hanggang sa magsalita ulit ang binata.

"Sinamahan kasi namin si Vander uminom naaalala na naman kasi niya ang asawa niya," kuwento nito. Napatitig siya rito.

"Hiwalay na ba sila ni Aubrey?" Hindi niya maiwasang itanong. Hindi niya gustong pinag-uusapan ang buhay ng ibang tao pero na-curious siya.

"Hindi pa sila annulled. Umalis lang si Aubrey," tugon nito. Napatango na lamang siya. Masyado na siyang nanghihimasok kung itatanong pa niya ang dahilan ng pag-alis ng isa.

"Kahit siguro pumunta pa iyon ng Mars at imposible nang makabalik, hindi pa rin titigil sa pagmamahal kay Aubrey," naiiling nitong saad.

"Martyr lang?" natatawa niyang tanong. Sumeryoso naman ang kaharap kaya hindi niya naituloy ang pagtawa.

"Hindi rin. Sabi ni dad ganoon daw talaga ang isang Filan kapag na-inlove."

Huminga ito nang malalim.

"Mabilis. Isang beses lang pero laglag na laglag. Buhos na buhos."

Napatingin siya rito. Ngumiti naman ito.

"Kaya kapag na-inlove ang isang Filan sa 'yo, masuwerte ka kasi ikaw na talaga at mamahalin ka niya ng buong-buo."

Napatawa siya sa sinabi nito.

"Sa akin mai-inlove? Imposible," sambit niya. Ngumiti naman ang binata sa reaksiyon niya.

"Wala namang imposible. Malay mo?" nakangiti nitong saad. Napailing siya.

"Alam ko naman kung ano ang kaibahan ng posible sa imposible," seryoso niyang tugon.

"If that's your opinion, I'd respect it. But it doesn't mean you're right," wika ni Leandrei. Napailing siya.

"May mga lalaking kinai-inlove-an. Mayroon namang hanggang doon lang talaga."

Napatawa ito pero sumeryoso rin kalaunan.

"Like you can't fall in-love when the man's younger?" tanong nito.

Napakunot-noo siya. Ano ba ang tinutumbok nito?

"Like when the man belongs to a different world," tugon na lamang niya.

"Akala ko ba when two different worlds meet, they create a masterpiece?" tanong nito. Hindi siya nakasagot. Iyon kasi ang sinabi niya noon nang sabihin nitong magkaibang mundo ang BS Math at Law.

Natahimik ang buong paligid. Ramdam niya ang mga titig nito. Naasiwa na naman siya.

"Una na ako. Antok na kasi ako," saad niya sabay tayo. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Naglakad na lamang siya.

Si Liam na lang ang natira sa bar counter pagpasok niya.

"Janica," tawag nito kaya't lumapit siya.

"Upo ka muna." 

Ewan niya kung utos iyon o hindi pero napaupo siya sa stool. Hindi masyadong nagsasalita si Liam kagaya ng ninong niya kaya't mapapasunod ka na lang kapag nagsalita ito.

"How does Leandrei treat you in his office?" tanong nito.

"Ayos naman po," tugon niya. Maayos naman kasi talaga maliban lang noong umpisa na hinayaan siyang tumambay ng isang linggo roon.

"He never outgrew some of his childish attitudes," komento nito. Napatango na lang siya.

"Kapag nahirapan ka doon sa office niya, sabihin mo sa akin. You can work at the airlines."

"Sige, kuya," napapatango niyang tugon.

"Akala ko ba inaantok ka na?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Leandrei. Medyo may diin kasi sa tono ng pananalita nito. Nakatayo na ito malapit sa kinaroroonan nila. Hindi ba ito nakita ni Liam na pumasok?

"Sige, akyat na ako," paalam niya. Tumango lang si Liam. Agad niyang tinungo ang hagdan.

"Mag-elevator ka na. Mawawala ang antok mo kapag naghagdan ka pa," rinig niyang saad ni Leandrei. Napatigil siya. May point naman ito. Hindi na lamang siya nagsalita at tinungo ang elevator sa gilid.

Parang may ibang ibig sabihin 'yong mga sinasabi at ikinikilos ni Leandrei. Hindi siya tanga pero imposible. Maaga pa para mag-isip ng kung ano-ano. Baka hindi lang niya kilala ito nang masyado. Hindi niya dapat bigyan ng kahulugan ang mga sinasabi at ikinikilos nito. Isa pa, may girlfriend ito na sobrang layo ng itsura at personalidad sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top